CHAPTER 9 PUMASOK kami sa loob ng misteryosong gubat. Napalunok ako sa alaala ko rito sa lugar na 'to. "Bakit?" Bigla ay tanong ni Warren, nagtaka ako kung alin ba 'yung ibig niyang sabihin sa 'bakit' niya pero nang ibaba niya ang tingin niya sa braso niya ay doon ko na lang napansin na napakapit na pala ako sa kaniya. Agad akong lumayo, ano ba naman 'tong ginagawa ko. "W-Wala, naisip ko lang kasi 'yong..." Sisimulan ko na sanag banggitin ang huling engkwentro namin ni Farrah dito sa gubat nang biglang lumiwanag ang paligid ng madilim na gubat. Napanganga ako, maging sila Luke rin yata ay natigilan. Lumiwanag itong misteryoso, madilim at tahimik na gubat. Hindi sa literal na lumiwanag pero tumubo kasi iyong mga bulaklak sa mga halaman at itaas ng puno, nang biglaan! Kaya nga parang

