MAGKASAMANG pagkagulat at pagtataka ang mababakas sa mukha ni Noah ng mapagbuksan ang pinsan niyang si Jacob. His best buddy c*m pinsan. Ipinagtaka niyang naroroon ito ngayon sa harap niya dahil pasado alas siyete palang ng umaga. Bukod sa nabawasan ang pagkikita nila dahil sa pagkakaroon nito sa wakas ng matinong kasintahan ay kay-aga-aga pa nitong nagtungo sa unit niya.
Agad niyang hinagilap sa kanyang isip kung anong mayroong anumang okasyon sa araw na iyon subalit ayaw makisama ng utak niya. Inaantok pa siya at medyo masakit pa ang kanyang ulo dahil sa puyat.
“Pinsan! What are you doing here at this early hour?” nababagot pero nagtataka niyang tanong ditto.
Dire-diretso itong pumasok sa loob ng kanyang condo unit nang mabuksan niya ang pinto. Sumalampak ito sa mahabang sofang nasa sala at sinuri siya. “What happened to you bro? Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?” sa halip ay sagot-tanong nito sa tanong din niya. Salubong na salubong ang kilay nitong nakatingin sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin?” inaantok niyang tanong ulit.
Sa halip na sumagot ay tumingin ito sa tagiliran niyang may benda. Kitang-kita iyon dahil hubad-baro siya. Mahigit isang linggo nang may benda ang tagiliran niya dahil sa pagkakasaksak niya ng gabing iyon minsang mapadaan siya sa isang parke.
Lasing na lasing siya dahil sa ginawa niyang pag-iinom ng gabing iyon. Hindi pa siya nakuntento kaya pagkatapos niyang mag-inom mag-isa sa kanyang unit ay gusto pa niyang lumabas. Papunta siya sa bar nang makaramdam siya ng panunubig. Dahil sa epekto ng alak ay hindi na siya nakapag-isip ng maayos. Huminto siya sa gilid ng isang parke at nagsimulang magbawas ng panunubig. Katatapos lang niyang umihi ng paligiran siya ng ilang lalaki at wala siyang nagawa ng magdeklara ang mga ito ng holdap.
Kung sa ibang pagkakataon ay kaya niyang labanan ang mga ito at ipagtanggol ang kanyang sarili. Kahit sampu pa ang mga ito. Pero hindi nga sa pagkakataong iyon dahil dala ng kalasingan niya ay hindi niya nalabanan ang mga ito. Hindi naman siya si Drunken Master. Minalas pa siya dahil nang magtangka siyang lumaban ay naglabas ng kutsilyo ang isa sa mga holdapper at sinaksak siya. Pagkatapos makuha ang wallet niya sa likod ng bulsa ng kanyang pantalon ay iniwan na siya ng mga holdapper. Ang kanyang cellphone ay naiwan sa kanyang sasakyan na nakuha nalang ng mga pulis matapos ma-ireport ang nangyari sa kanya pagkadala sa kanya sa ospital.
Kahit lasing na lasing ay nagawang mag-isip ng kaunti ng kanyang utak. Nagtungo siya sa isang mataong lugar upang humingi ng tulong kahit hirap na hirap na siyang maglakad. Ang huling naaalala niya ay may isang babaeng nasa harap niya bago siya tuluyang nawalan ng malay. Sumunod na niyang naalala ay nang magising siya sa ospital.
Doon ay ang nagpa-panic na mga magulang ang nagisingan niya. Hindi na niya nakilala ang taong nagdala sa kanya sa ospital para mapasalamatan naman niya. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay palagi na siyang pinag-iingat ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang ina. Palagi nitong pinapaalala na huwag na siyang masyadong mag-iinom dahil baka mapahamak nanaman siya. Hindi siya masisisi ng mga ito kung magkaganoon man siya. Ang lunurin ang sarili niya sa alak.
Wala pang dalawang buwan ng magkahiwalay sila ng kanyang kasintahan sa loob ng dalawang taon dahilan para maging manginginom siya nitong mga nakaraang linggo. Itinakda na nila ang kanilang kasal ng kanyang kasintahan subalit hindi iyon natuloy dahil sa isang katotohanang naging dahilan para magwakas ang kanilang relasyon.
Bago ang kasal ay kinausap siya nito. Hindi na raw siya mahal ng dalaga. O hindi talaga siya nito minahal bilang isang kasintahan. Mayroon daw itong ibang minamahal na kababata nito at matagal ng kasintahan bago pa siya nito makilala. Hindi niya iyon natanggap dahil mahal na mahal niya si Clarissa. Ito ang naiisip niya noon na makakasama niya habambuhay at pag-aalayan ng lahat-lahat. Kahit anong hilingin nito ay ibinibigay niya basta’t kaya niya noong sila pa. Kapag kapos ito sa pera ay inaabutan niya ito maging ang pamilya nito kahit ayaw iyong tanggapin ng dalaga.
Mabait si Clarissa. Mahinhin at kaibig-ibig. Napakaamo ng mukha nito at tila isang babasaging kristal. Unang kita palang niya kay Clarissa ay napaibig na siya nito. Kaya hindi niya tinigilan ang dalaga hanggang sa mapasagot niya ito. Kay Clarissa lang niya nagawang magseryoso at ito lang din ang babaeng naipakilala niya sa kanyang mga pamilya. Dahil bago si Clarissa ay pulos fling lang ang mga babaeng dumaan sa buhay niya. Si Clarissa ang babaeng nakapagpatino sa kanya.
Dalawang taon din ang itinagal ng kanilang relasyon bago sila nagpasyang magpakasal. Subalit hindi nga iyon natuloy. Matagal na pala itong may lihim na relasyon sa matalik nitong kaibigan. Inamin din ni Clarissa na mas mahal nito ang kaibigan nito kumpara sa kanya kahit pa di hamak na guwapo siya dito. Langit siya at lupa ang lalaki. Hindi mayaman si Clarissa. Mahirap lamang ang pamilya nito at ito ang bread winner. Nakilala niya ito dahil isa itong working student at nagtatrabaho sa paborito niyang kainan sa isang mall.
Inakala niyang matinong babae si Clarissa pero napagtanto niya ang lahat nang malaman niyang sinagot lang pala siya nito dahil sa panunuhol ng mga magulang nitong sagutin siya. Na ito rin mismo ang maysabi. Hindi siya ang totoong mahal ng dalaga kundi ang matalik nitong kaibigan na kapitbahay din nito. Sa dalawang taong pagiging pagkasintahan nila ay hindi niya nahalata minsan man na may iba ito. Napakalambing kasi nito sa kanya. Palagi nitong ipinapadama na mahal siya nito kaya paniwalang-paniwala siya dito.
Pero isang panloloko lamang pala ang lahat. Inamin nito ang lahat at labis siyang nasaktan. Ayaw na daw nitong palawigin ang panloloko sa kanya at ayaw na din nitong makarating sila sa kasalan dahil hindi naman siya nito totoong mahal. Labis ang paghingi nito ng tawad. Dahil mahal niya ito ay sinabi niyang handa siyang kalimutan ang lahat piliin lamang siya nito. Sinubukan niya itong kausapin para huwag makipagkalas sa kanya pero wala siyang magawa nang ito na mismo ang umiwas sa kanya. Alam niyang katangahan ang ginagawa niya. Pero hindi ba at tanga naman talaga ang mga taong nagmamahal – ng totoo? At mahal na mahal niya si Clarissa.
Labis-labis siyang nasaktan sa unang beses na umibig siya. Dumodoble ang sakit sa tuwing maiisip niyang ang laki niyang tanga. Ang laki niyang naging bulag at ang laki niyang walang alam. Dalawang taon siyang inaiiputan sa ulo ng wala siyang kamuwang-muwang. Matalino siyang tao pagdating sa mga bagay-bagay pero sa kauna-unahang beses, pakiramdam niya ay naiputan siya sa ulo ng matagal ng hindi niya nalalaman.
Ang kasalang inaasahang magaganap ay hindi na mangyayari kailanman. Nagsimula siyang mag-inom hanggang sa magsunod-sunod iyon. Nakakatulog kasi kaagad siya kapag lasing siyang umuuwi. Ayaw niyang maalala ang sakit at hapdi na dulot ng pagiging broken hearted niya. Alam niyang hindi magiging madaling kalimutan ang ginawang panloloko sa kanya ng dalaga. Ayaw niyang marinig ang isang bahagi ng utak niyang tinatawanan siya dahil isa siyang lalaking napakatanga. Corny talaga pero iyon ang totoo. Broken hearted na siya, ang tanga-tanga pa niya!
“You know what I’m talking about Noah.” Seryosong sabi ni Jacob. “Puwede bang tigilan mo na ‘yang pag-inom-inom mo. Nasaksak ka ng wala sa oras dahil sa kabaliwan mong ‘yan! Pakawalan mo na Clarissa ---.”
“I don’t wanna hear that name.” putol niya sa sasabihin nito.
“Ayaw mong marinig pero siya ang dahilan kung bakit nagpapakalango ka sa alak.” Tumayo ito. “Look at you men! Napapabayaan mo na ang sarili mo. Pati sila Tito at Tita nag-aalala na sa iyo. ‘Yang saksak diyan sa tagiliran mo baka maging dalawa pa ‘yan kung ipagpapatuloy mo iyang pinaggagawa mo.”
“Wait! I stop drinking when I left hospital ----.”
“You stop drinking a lot, pare.” Ipinagdiinan nito ang salitang ‘a lot’. “But you’re still drinking ---.”
“Ipinadala ka ba dito nila Mama para pagmisahin ako ng kay-aga-aga?”
“No! Ako mismo ang nagpunta dito. Para sabihan ka pare. Hindi ko na maintindihan ang mga ginagawa mo. This is absurd! Tigilan mo na iyang pagpapakabaliw mo sa isang babaeng walang kuwenta! She doesn’t deserve you, man!”
“I’m not crazy about her!” mariin niyang tanggi.
“Oh yeah?”
Nagtagis ang bagang niya at tiningnan ito ng masama.
“Don’t look at me like that, Noah.” Anitong tumayo na at tinungo ang pinto. Binuksan nito iyon pero muling huminto at tumingin sa kanya. “Magpagaling ka at balikan mo iyong negosyo mo. They need you. Stop what you’re doing right now bro. Please, let yourself be happy again. Marami pang babae diyan. And if she’s meant for you, hindi siya mawawala sa iyo. By that time na mangyari iyon, na mawala siya sa iyo, saka ka mag-iinom. Because that kind of love is real. Not like this.” Anito saka tuluyang lumabas.
Hindi siya nakaimik. Natitigan nalang niya ang sumaradong pinto.