CHAPTER 44---What's your decision?

1859 Words
Is this some kind of a joke? Ano yun, tinadhana talaga kami na mag kita-kitang anim? nang walang ka alam alam kung ano ang koneksyon ng mga pamilya namin? Parang minsan lang, nababasa ko pa ang mga eksenang ito sa binabasa kong libro. Tsk. So cliche >,,< Hinagod lang ni mommy ang likod ko habang patuloy pa rin ako sa pagyakap sa kanya. Pinipigilan ko angnimiyak sa harap niya, ayokong mag alala ang aking ina sa akin. Labis na pag aalala na ang naibigay ko sa kanya nuong nawala ako, ayoko nang dagdagan pa iyon. "Anong problema Jennie?" Malumanay na tanong sa akin ng aking ina. Kumawala ako sa yakap niya ay hinawakan ang dalawa niyang kamay. Umiling ako kay mommy at nginitian siya. "Wala po mom, na-miss lang po kita. Alam ko nag aalala kayo ng lubos ni dad, sorry for being so careless and weak mom. Parang hindi ako karapat dapat maging tagapag mana niyo" Nakayuko ko pang saad. Totoong pakiramdam ko ay hindi ako karapatdapat sa inatang na responsibilidad sa akin. Kilala ang agency namin dahil sa nag gagalingang mga agent, pero ang kanilang tagapag mana ay hindi ma lang nakapalag sa mga lalaking iyon. "That's not true princess, I know lumaban ka sa kanila, baby kung wala kang nagawa hindi lang yan ang inabot mo. I know natatakot ka, pero tandaan mo lagi na hindi ka nag iisa. Nandito kami ng daddy at mga kapatid mo para gabayan ka, kayo ni Jin. Hindi namin hahayaan na matawag kayo na incompetent sa magiging posisyon niyo. We always got your back, okay?" Pagpapagaan ng loob sa akin ni mommy. Tumango lang ako at yinakap ulit siya. Alam ko hindi sa lahat ng panahon andito ang pamilya ko para suportahan ako, kaya kailangan kong mas maging matatag at matutong tumayo na walang gumagabay sa akin. Biglang bumokas ang pinto at inuluwa nun ang mga kapatid ko. Ngumiti ang mga ito sa akin tlat tuloyang pumasok. "Andito ka pala mom" Bati ni kuya Tyler at bumiso kay mommy. Sumunod naman angbiba ko pang kapatid. "Princess, aalis na kami nina kuya Damon at kuya Tyler mo. You know, mission. Maiiwan naman si Charles para gabayan kayo. Next week pwede ka nang pumasok ulit. Magpahinga ka na muna, okay? Huwag ka na munang mag isip" Saad pa ni kuya Hunter. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako nito sa nuo. Ngumuti lanh ako at yinakap siya. Sumunod na lumapit ang dalawa ko pang kuya at katulad ni kuya Hunter ay hinalikan rin nila ako sa nuo. Yinakap ko sila isa isa at nagpasalamat. "Ingat kayo kuya, bawal bumalik ng may gasgas ang mukha" Saad ko. Nag salute lang ang mga ito sa akin at umalis na ng tuloyan. Humiga na ako sa higaan ko, balak ko na munang matulog. Napagod ako sa mgarebelasyon kanina. Mamaya ko na lang tatanungin sina mommy at daddy tungkol sa parents ng mga kaibigan ko. "Mom, matutulog na muna ako." Paalam ko. Ngumiti lamang si mommy at inayos ang kumot ko. TIM'S POV "OH MY GEEEEEEEE" Tili ko nang maka alis na sila Jennie. Napatakip na lang ng tenga ang mga kasama ko. "True ba talaga? Magiging secret agent na us? Hala hala halaaaa! I'm so excited na!" Excited pa na saad ko. umiling lamang si Dale at tumayo. Pumunta ito sa bentana, tila nag iisip. "Hindi ganoon kadali ang pagiging agent Tim. Kung inaakala mo na sobrang cool nito kagaya ng nakikita mo sa pilikula ay nagkakamali ka. Lalo na at groupo ng tagapag mana ang gusto mong pasukin. Paniguradong doble o triple ang training na raranasin natin. Hindi basta basta ang training ng Hamton. Iyan ang sabi sa akin ng magulang ko. May pagkakataon pa nga na muntikan na silang mamatay habang nag t-training." Seryosong saad ni Dale. Napatahimik na lamang ako sa sinabi niya. "Tama si Dale, hindi man ako ganoon ka may alam tungkol sa agency nila, pero base sa nakikita kung ginagawang gadgets ng company namin para sa kanila ay masasabi ko na hindi talaga basta basta. May sariling floor sa company namin ang para sa ahensya nila. Hindi bastabastang pinapasokan iyon dahil delikado raw ang mga ginagawa roon, wala pa akong nakikita na mga gamit nila pero alam ko na magaganda iyon. Ilang taon bago nakakagawa ng isang gadgets/weapons ang floor na iyon. Iisipin ko pa lang, sasabog na utak ko sa posibleng ginagawa nila. Pero nacucurious rin ako, ano nga ba ang kayang gawin ng isang Hamton Agent?" Komento ni Ron. Hindi ko alam na ganoon pala ka seryoso ang usaping ito. I'm not dumb to not know na delikado talaga ang papasokin namin kung sakali, pero ayokong tanggihan si Jel at Jin. Pinili nila kami para maging ka groupo nila kahit hindi namin kamj ganoon ka may alam tungkol sa mundo nilang dalawa. Pinagkatiwalaan nila kami, kaya ayoko silang biguin na dalawa. Tiningnan ko si Xian, parang wala lang sa kanya ang nangyayari at may gana pa talaga siyang magbasa ng libro. Sa tingin ko ay hindi na dapat pabg tanungin. Alam ko na papayag siya sa inaalok ni Jel. "Nagulat pa ba kayo sa identity nilang dalawa?" Biglang tanong ni Xian. Napaisip naman ako sa tanong niya. nagulat? Siguro oo, pero slight lang? I mean, alam ko una pa lang na may tinatago ang dalawa, at saka alam ko malakas ang koneksyon nila kasi kapag may mga kaso kami na mahihirap kumuha ng impormasyin at mahirap lusotan, ay nagagawan nila ng paraan. Lalo na ang mga pulis. Noong nakidnap si Jel, hindi na nga rin ako nagulat nang may dumating na mga back up. Siguro kaya ganoon rin ang confidence namin ng oras na iyon dahil alam namin na hindi hahayaan ng pamilya ni Jel na mapahamak kami, lalo na at kasama namin si Jin sa panahong iyon. "Hindi na ako ganoong nagulat, sa mga kaya ba naman nilang gawin ay magugulat pa tayo?" ngising saad ni Dale. "So? Ano nang desisyon ninyo? Ako kasi, pass muna. Masyadong delikado, hindi ko kayang ilagay sa panganib ang buhay ko" Saad ni Ron. Tiningnan ko si Ron, tingin na parang hindi makapaniwala. "Ako rin" dagdag ni Dale Lumaki ang mata ko nang pati si Dale ay nag pass. "ARE YOU NUTS?" Galit na sigaw ko. Hindi ako papayag! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD