CHAPTER 27---Operation Finding The m******s

2039 Words
Papunta kami ngayon ni Timmy sa laundry room kasama si Shaira. Ang laundry room ng babae at lalaki ay magkaiba. Para maiwasan na rin ang mga "m******s". Kahit naman nasa houses kami nakatira ni Tim ay kung gusto namin magpa-laundry, ay dito pa rin sa laundry room ng mga girls ang punta namin, medyo malayo nga ih. Ang plano namin ay iiwanan namin ang mga labahin sa loob, syempre mag lalagay na rin kami ng camera sa loob. Mahigpit din kasi talaga ang security sa school naito, kaya kahit kaya naman ni Ron na e hack ito hindi niya magawa dahil malalaman rin ng gumawa ng security ng school kung sino ang nang hack nito. Kapag nalaman na namin kung sino ang kumukuha ng undies ng mga babae ay saktoeca kami mag iisip ng paraan upang ma korner ito at maisumbong sa council. Hindi naman kasi namin pwedeng ipakita ang footage na makukuhanamin kasi baka kami pa ang ma detention. "Salamat sa tulong ninyo ah?" Mahinhin na saad ni Shaira nang malapit na kami sa room. "Wala 'yon, trabaho namin to kaya hindi mo kailangan magpasalamat." Saad ni Tim. Nasa harapan na kami ng pinto at bago kami makapasok ay nilagay namin ang mga damit sa weapon detector at maging kami at tumayo na sa detector. Nang matapos ang inspection ay tuluyan na kaming pumasok. "Hindi ba dapat babae ang guard dito?" Tanong ko, first time ko kasing makapasok dito. Nitong mga nakaraang linggo naman kasi ay sa bahay ako nag lalaba. may washing machine naman kasi kaming binili. "Babae talaga ang guard dito, pero minsan napapalitan kapag absent sya o hindi kaya ay day-off" Sagot naman ni Shaira na tinanguan ko lang. "Madalas ba na wala si ate guard? Hmm hindi naman sa madalas, pero noong nakaraang linggo ay minsan na lang ito kung mag duty, may problema siguro sa bahay?Hindi ko rin alam." Kibit balikat na saad ni Shaira. Hindi na lang ako nag tanong pa. Nilagay na namin sa machine ang damit namin. Babalikan na lang namin ito. Total pagkabalik namin naka tupi na ang aming damit. High tech talaga ih. "Ahh Shai. Ma una ka nalang umalis. Susunod kami." Ngiting saad ko. "Sure kayo?" Tanong niya. "Oo, may pag uusapan lang kami ni Jel ng masinsinan, may tinatago kasi ata sa akin ang kaibigan kong ito, dito lang kami makakapag solo na wala ang boys." Ngiting paliwanag ni Tim. Kung ano anong imbento na naman sinasabi niya. Mapang unawang tumango naman ang babae at nag paalam na nga. "So Jennie ghurl? Anong status ninyo ni Xian your loves ngayon?" Ngising tanong niya. Anong status pinag sasabi nito? "Wala! Kung ano anong pinag iisip mo sa amin Tim." Saad ko habang kinukuha ang chip sa aking belt bag na suot. Kunwari ay kinuha ko ang aking phone. Kailangan pa rin naming maging maingat dahil hindi may mga CCTV na nakatotok sa amin. "Huwag mo akong pinag loloko Jel ah? Nakita ko yung titigan ninyo sa pinto kanina. Anong wala doon?" Saad ni Tim habang hinahawakan ang pader na katabi. Umupo naman ako sa upuan na kaharap ng laundry machine na pinasukan ni Shaira.Pasimple ko ditong dinikit ang cam. "Ang TH mo Tim." Na sabi ko na lang. Tumabi naman siya ng upo. "Seryoso nga kasi. Anong meron sa inyo?" Nangungulit ang boses na saad niya. Tumayo na ako sa pagkakaupo at pinagpagan ang aking short. "Tara na nga, marami pa tayong gagawin." Hindi ko na siya hinintay at nauna nang lumabas. Rinig ko naman ang pag tawag niya sa aking pangalan, nguunit hindi ko na lamang pinansin. Makakahabol naman siya ih. Nang maabutan niya ako ay nag aya akong pumunta sa cafeteria para bumili bg dinner namin. Since 6pm naman na. Pagkauwi namin ay naabutan namin ang tahimik na salas, walang naka tambay na mga kalalakihan kaya ssigurado ako kung nasaan ang mga ito. Dumeretso ako sa I.N. pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko ang seryosong mga mukha ng aking mga kaibigan. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Kuya Charles na naka upo sa sofa habang nag babasa ng magazine. "Anong meron?" Tanong ni Tim habang nilalagay ang mga plato at kutsara na bitbit. Nilapag ko na rin ang pagkain na dala ko at lumapit sa mga kaibigan. Iniharap sa akin ni Ron ang screen ng kanyang laptop. Makikita rito ang footages ng Laundry Room. Hindi na ako nagulat ng makita ko ang mukha ng lalaking pumasok sa loob at parang adik na kinukuha ang damit sa loob ng laundry machine, sinisinghot singhot niya ito at napakademonyo naman talaga ng kanyang reaksyo, para itong nakasinghot ng napakasarap na putahi. "As I thought." Saad ko. "Kain na kayo kids." Rinig naming tawag ng aming adviser na ngayon ay binubuksan na ang mga dala kong pagkain. "Kailangan may laman ang inyong tiyan upang makapag isip kayo ng tamang plano kung paano ninyo mapapahuli ang lalaking 'yan." Saad ni Kuya Charles. Sinunod naman namin siya at umupo na sa mesa. Habang kumakain ay napag usapan namin ang aming susunod na akyon tungkol sa misyong kinakaharap namin. Dahil nag la-lie low muna kami ay simple investagation lang muna ang aming gagawin.. Bukas ay tatapusin namin ang kasalukuyang kaso namin ngayon. Tatanungin rin namin ulit si Hazel at kanyang mga kaibigan kung paano ba namatay ang kanilang kaibigan. Pinagpaplanuhan pa namin ng maigi paano malalagyan ng bug ang mga pa kalat kalat na men in black sa school para malaman namin kung sino nga ba ang may pasimuno niyon. Kung may kinalaman nga ba ang Admin sa nangyayari o mga gang lang iyon na ginawang safe haven ang school. "Bukas, pumunta kayo sa guard house kasama si Shaira, pasukin ninyo ang room ng guard na nagbabantay sa Laundry room ngayon at kunwari ay mag sumbong kayo ungkol sa mga nawawalang gamit. Jel and Tim, alam ninyo na ang susunod na gagawin. Kapag nakahanap na kayo ng ebedinsya, o kung wala man ay maglagay kayo sa loob, paniguradong hindi niya ma dedeny iyon." Planting evidence ih? "Kung nakuha ninyo na ang ebidensyang hinahanap ay gumawa kayo ng komosyon para makuha ang atensyon ng chief of security, doon ninyo na ilantad ang ebedensyang nakuha." Saad ni Kuya Charles. Sumang ayon naman kaming lahat. "It's more like girl's case to ah?" Ngising saad ni Dale. "Alangan naman sumali kayo doon ih hindi naman kayo babae." Saad ni Tim. Nginiwian naman siya ni Dale. "May sinasabi ba ako?" Asar na banat ni Dale. "Bago pa kayo mag away. Pumasok na kayo sa inyong mga kwarto at mag aral. Huwag puro kas at misyon ang isipin ninyo." Pangangaral pa sa amin ni Kuya Charles. Tumayo naman kami at niligpit na ang mga pinagkainan, pagkatapos mag hugas ay nag kanya kanya na kami ngpasok sa aming mga kwarto. Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang aking telepono. "Don't forget to go home in saturday honey, pag planuhan na natin ang party ninyo next month. See you sweatheart. I love you" Basa ko sa tect ni mommy. Malapit na pala. Napangiti na lang ako at tuluyan ng humiga para matulog. Kinabukasan ay kinuha na namin ang aming mga damit at tulad ng inaasahan ay nawawala ang isang red panty ni Shaira, maging ang bra ni Timmy ay nawawala rin. Kaya naman tulad ng plano ay pumunta nga kami sa guard house at pinasok ang room ng lalaking gurad kagabi. Ang guard house ay naka locate sa pinaka main gate sa school na ito kaya medyo malayo talaga, medyo may kalakihan rin ang guard house na ito dahil may iba't ibang room sa loob disignated sa mga night shift na gurards. Nnag makarating na kami ay walang sabi sabi na pinasok namin ang guard house, naanag makita namin ang name ng gurad sa pinto ay walang katok katok na pinasok namin ito. Napatili pa si Shaira ng maabutan namin ang guard na sinisinghot ang kanyang red panty. Huli sa akto ang gago. "Ikaw pala ang kumukuha ng mga undies ng mga babae sa laundry room! Manyak ka!" Sigaw ni Tim. Nag titili ito kaya nakuha namin ang atensyon ng iba pang guard. "Anong nangyayari dito? Bakit andito kayo sa loob? Sinong nag papasok sa inyo rito?" Sunod sunod na tanong ng babaeng guard." "Ate guard! We just caught this p*****t sniffing into Shairas underwear. We came here to report the missing undies of my friend then we caught him offguard! I can't believe this! I'll report you all to the admin! Oh my gad Shai!" Niyakap ni Tim ang natutulalang si Shaira. Hindi kasi niya alam ang plano namin. Ang alam lamang niya ay e rereport namin sa guard ang nangyari kaya siguro ganyan lang ang gulat na kanyang naramdaman. Nilingon ko ang guard at dahan dahan niyang kinuha ang baril na nasa lamesa kaya mabilis akong lumait doon at sinipa ang kamay niya nahawakan na ang baril. Tumilapon ito sa paanan ng ibang guard. "What are you looking at? Arrest this fucker now!" Inis na saad ko, nakaingin lang kasi ang mga ito na akala pa ata nila isang movie ang kanilang na sasaksihan. The heck with them? Para naman silang natauhan dahil mabilis nilang nilapitan ang manyak na nanglalaban pa rin. Nagpaliwanag pa ang gago. Tsk. Hinila ko palabas ang aking mga kasama at dumiritso kami sa counselor para e report ang nangyari. Saktong matapos naming mag bigay ng statement ay tumunog ang bell bilang hudyat ng pag sisimula ng klase. Nagpasalamat sa amin si Shaira bago na unang umalis habang kami ni Timmy ay pumunta na rin sa aming klase pagkapasok namin ay nandoon na ang aming guro. Yumuko muna kami bago pumunta sa kanya kanya naming upoan. "Kumusta?" Tanong ni Xian. "Ayon, huli sa akto" ngising saad ko. "Buti naman mabilis ninyong natapos, nakaabot pa kayo sa unang klase natin ngayong hapon." Turan ng aking katabi. "Oo nga ih." sagot ko naman. "No talking na class. Let's start our discussion with a short recap. What is our topic last meeting? Anyone from the class?" Tanong ng aming guro. Nag taas ng kamay ang aming presedente na ni-recognize naman ni Miss. "We talk about the meaning of politics and governance last meeting miss." Saad ng aming class president. "Can you tell me about what you have understood about it's definition Miss Gonzales?" Tanong niya. "Politics and Governance Miss is an innovative offering to the world of online publishing in the Political Sciences. It is an internationally peer-reviewed open access journal, Politics and Governance publishes significant, cutting-edge and multidisciplinary research drawn from all areas of Political Science." Confident na sagot ni Press. Ngumiti naman ang aming guro at nag patyloy na sa kanyang discussion. Nasa kalagitnaan na kami ng discussion ng biglang may kumatok sa pinto kaya napahinto sa pagtuturo ang aming guro. "Excuse me Miss, pinapatawag po sa Principal's office ang mga myembro ng unknown club."Nanlaki naman ang aking mata sa narinig. Kami? Anong kailangan ni Kuya Principal sa amin? "Miss, Nase, Hamilton at Mr. Cy. You are excused." Saad ni Miss. Sabay kami na tumayo ni Xian at kinuha ang aming gamit bago lumabas sa classroom. "Ano kayang kailangan sa atin ni Kuya Principal" Curious na tanong ni Tim. Nag kibit balikat lamang ako dahil hindi ko rin alam ano ang sagot sa kanyang katanungan. Bago makarating sa Principal's office ay nakita ko ang tatlo pang myembro ng club na nakatayo sa hallway at tila may hinihintay. "Jin, Dale, Ron!" Tawag ni Timmy. Lumingon ang mga ito at sinalubong kami. "Alam ninyo ba kung bakit tayo pinatawag?" Agad na tanong ni Dale. Sabay lang kaming nag kibit balikat at nagpatuloy na sa pag lalakad. Nang nasa harap na kami ng pinto ay nag pakawala muna ako ng isang malalim na hinga bago binuksan ang pinto na minsan na naming napasukan 2 months ago. Bumungad sa amin ang isang mid 30's na lalaki. Nakaupo ito sa kanyang paboritong swivel chair at nakangisi kaming tinignan. "Long time no see unknown"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD