Kabanata III

5433 Words
Sacrifice Are we really doing this? Nagtipon ngayon sa aming harapan ang lahat ng board of directors ng kompanya. Lumuwas kami ng Maynila sa araw na itatanghal na si Francis bilang bagong tagapamahala ng Carluccio's. Wala akong ganang nakaupo katabi ang aking ama na malungkot din. As days passes by, I started to understand why'd he did it. But this is not right at all. It is so hard for me to let this go where these are all I have. "This was a very hard decision for you, Mr. Carluccio. But this was the best decision you made for the safety of your daughter." One of the boards commented. "I know. This is all I can do to protect Monica." Papa relied. Really Papa? This is all you can do for me? We have money! We have an influential family! We have best connections and ties to other families that can help us! And most of all, Italy is on our side. But why do I feel like we are powerless? "Threat is not a joke. If I were in your position, I would be scared for the like of my daughter too." The man in front of me said. Ilang minuto lamang ay dumating na si Francis. May kasama itong lawyer at isang babaeng sa pagkakahula ko ay kanyang sekretarya. Kagaya ng mga sinusuot niya kapag pumupunta siya sa bahay ay iyon din ang suot nito. Iba lamang ang kulay at disenyo. "Welcome, Mr. Rodriguez." Papa greeted. All of them stood up to greet the man who came. But I remained seated and only looking at the folder in front of me. "Monica," I heard father's whispered but I didn't flinched. Huminga lamang ako ng malalim at dinakuan ng masamang tingin si Francis. Nang makuntento ako sa limang segundong titig ay binalik ko na ang aking mga mata sa sa dati kong tinitingnan. I won't greet him like all of you did. I never approved this. "Have a seat, thank you." Francis said. Sumunod silang lahat at umupo na ang aking ama sa aking tabi. Sa dulo ng lamesa nakaupo si Francis katabi lamang namin ni Papa kaya nakikita ko paminsan ang paninitig nito. Nagsimula sila sa diskusyon at botohan para sa bagong mamumuno sa mga ito. Tamad akong nakikinig sa kanila habang nilalaro lamang sa ilalim ng lamesa ang aking mga daliri. Hindi naman dapat na kasama ako dito sa pulong na ito ngunit pinilit ko si Papa para marinig ang lahat ng kanilang sasabihin. "So it is a fair vote. We all want this man to appoint as the CEO." Father said. Inikot ko ang aking mga mata. Ako lamang ang bukod tanging tao sa loob ng convention room na ito ang hindi nagtaas ng kamay para sa boto. At sa tingin ko naman ay hindi iyon importante at hindi naman ako sinabihan ng aking ama. Nilabas ako ang aking cellphone at nagtipa ng mensahe sa ilalim ng lamesa. Ako: Busy for tonight? Pinadalhan ko ng mensahe ang aking pinsan na si Matteo na nakatira dito sa Maynila dahil narito ang kanyang unibersidad na pinapasukan. Anak siya ng aking tiyuhin na si Mr. Valmoria at mula pagkabata ay ito na ang aking kasama at kalaro. Bumibusita sila sa Italy tuwing bakasyon dahil doon ako nag-aral ng elementarya. Matteo: Studying. Nag-aaral? Sa pagkakaalam ko ay bakayon ngayon. Wala bang pahinga ang mga estudyante sa kolehiyo? Ako: Can you spare some time for me? I just need someone to talk to. Sa taong alam kong maiintindihan ako. Matteo: Definitely not. Masungit ang interpretasyon ko sa mensaheng sinagot niya sa akin. Kahit kailan talaga ay ganito na siya. Ngunit kahit masungit at parang wala siyang pakialam ay hindi niya ako pinapabayaan. Handa niyang gawin ang mga gusto ko. I am spoiled to him. "It is time for signing the contract," Francis' lawyer said. Ilan pa bang kontrata ang dapat pirmahan? Hanggang dito ay iyon na lang palagi ang naaabutan ko. "Yes we will," one of the boards said pleasantly. Nagsimulang umikot ang papel na hawak ng abogado at lahat ng boards ay kailangang pumirman doon. Lahat sila ay walang alinlangang sumulat ng kanilang pangalan sa papel na iyon. At habang tinitingnan ko sila ay nadudurog ang aking puso. Namumuo ang aking mga luha at ang tanging nararamdaman ko ngayon ay ang manlumo. Ayokong bitawan namin ang lahat ng ito. Gusto kong bawiin na lamang ni Papa ang kanyang sinabi at bumalik na ang lahat sa normal. Kung nanganganib pa rin ang aking buhay, nandyan naman si Carter para protektahan ako. Papayag ako na kumuha pa si Papa nang maraming tao para bantayan ako at ang buong bahay. Hindi na ako magiging pasaway at palagi ko nang susundin si Papa at si Helga. Bumalik lang sa amin ang lahat. "Mr. Carluccio, it is the time for your signature." The lawyer said. Lumapag ang papel sa harap ni Papa at tinitigan ito. Tiningnan ko naman ang aking ama At nakikita kong nagdadalawang isip ito. Tumingin ito sa akin at malungkot ang kanyang mga mata. Huwag, Papa. Huwag kang pumirma. Please, huwag mong gawin ito. "Perdomani," he mouthed. He said to forgive him. How Papa? "No," iniling ko ang aking ulo para ipakita ang aking pagkadisgusto. Doon na tumulo ang aking luha nang isulat ni Papa ang buo nitong pangalan at pirmahan. Tumulo ang luha ng aking panlulumo dahil wala na akong magagawa para mabawi ito. Ang luha na walang magagawa dahil wala akong kakayahan. Binigay na ni Papa ang papel sa abogado at malugot naman nitong tinanggap. Nadapuan ng aking tingin si Francis. Nakaupo itong walang ekspresyon at parang natutuwa sa pagbagsak ko. Nakatingin ito sa akin habang may luha sa aking mga pisngi. Masaya ka ba sa nakikita mo? Wala ka bang nararamdamang awa man lang?  "I will read the contract," the lawyer said. "Miss Monica need to sign also," Francis said. Napatingin ako sa kanya sa sinabi nito. Hindi man lang nagbago ang kanyang ekspresyon. Hindi pa ba sapat ang lahat ng taong pumirma sa papel na iyan? "Mr. Rodriguez, my daughter has nothing to do with this. I assure you. Let's not get her involve in this." My father said pleadingly. "That's right," they said. "I think the new CEO is right. Miss Monica somehow got involved in this. Let her sign also for her part." The eldest board of director said. Ngayon na hindi na si Papa ang namamahala ng Carluccio's, wala na akong proteksyon. At kung ano man ang gusto ng mga directors ay wala nang laban doon si Papa. "She's in the right age now. She knows about it. Her part in this meeting will mean a lot." Francis said.  Hinawakan ni Papa ang aking kamay sa ilalim ng mesa dahilan ng paglipat ng tingin ko sa kanya. Panibagong mga luha ang pumatak mula sa aking mga mata nang makita kong hindi man lang tumutol ang aking ama. Tumatango ito hudyat na dapat kong sundin ang gusto ng mga ito. "I won't sign this contract," I said straight to Francis. "You are a witness. All of them signed, everyone in this room because they witnessed this." He said. "I won't sign it! I will never sign it!" I cried. My tears are now falling rapidly on my cheeks. "Monica, please! Per pavore!" I got stunned by my father's yelling. "Sit down. Sign this. And we will go home!" Marahang hinila ni Papa ang aking kamay para ako ay mapaupo. Pinilit niyang ibuka ang aking mga palad para ilagay ang ballpen. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Ilang gabi na ba akong ganito? Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa mga luhang pumapatak. Hindi ako makakilos ng maayos at palagi na lang tulala. Nanginginig ang aking mga kamay habang sinusulat ang buo kong pangalan. Pumapatak na parang agos ng talon ang aking mga luha. Nang matuldukan ko na ang aking pirma ay may pumatak pang isang luha sa tapat ng aking pangalan kaya nabasa ang parteng iyon. Inilayo ko ang papel at pinunasan ang aking mga pisngi. Para akong pinatay dahil naubusan ako ng lakas para tumayo sa aking upuan. Hindi ko rin gugustuhin na gawin ang pagkamay sa kanya at batiin siya. Siya na ngayon ang bagong may ari ng Carluccio's at nakikita ko ang mga ngiti ng matatandang board directors. Mukhang masaya pa sila na nawala na sa amin ang lahat. Naiwan kami ni Papa sa loob ng kwartong ito at tahimik lang kaming dalawa. Nakatulala lamang ako sa kawalan habang tinutuyo ang aking mga luha. Nakapirmi lang din ito sa aking tabi at naririnig ko ang malalalim na hininga nito. Biglang pumasok si Francis at umupo itong muli sa dulo ng lamesa. "I need you to pack all your things in the mansion. I will be moving in." He said. "Will you move urgently? We still need to find a new home for us." Papa asked. Is he really willing to let us get out of our won house? "Hindi. Hindi ako aalis sa bahay." Pagmamatigas ko. "I never agreed to that. I didn't sign." I said. I will never let him have his way to our house. "Read the contract again," hinagis nito ang folder sa aking harapan. Mabilis ko iyong kinuha at binuksan. Nakasaan dito na mapupunta sa kanya ang lahat ng ari-arian namin pati ang kumpanya. Ang hindi niya lamang ginalaw ang ang bahay na tinitirahan ng aking mga lolo at lola sa Tuscany. And this contract was effective immediately! And it means that we are not to disobey the new owner's request. "This can't be," my signature is on it! Why do I feel like the world is against me? Why do I need to feel this burden that keeps on burying my feet to the ground that I don't even know how to stand firm again? May nagawa ba akong masama para maranasan ko ito? Hindi ako natiis ng aking pinsan na si Matteo nang tawagan ko ito para sunduin ako. Alam kong nakakaabala ako sa kanya ngunit wala na akong alam kung sino pa ang pwede kong puntahan sa panahon ngayon. Ayokong umuwi dahil pipilitin lang ako ni Papa na magligpit ng mga gamit ko. "Hanggang anong oras ka magtatagal dito? Nakikita mo naman siguro kung anong ginagawa ko." Masungit na sambit ni Matteo. Inayos pa nito ang kanyang salamin at maging ang kanyang buhok ay magulo din. Nakapambahay lang itong damit. "You have contact lenses. Why do you have to wear that glasses? It sucks." I said. Don't get me wrong, my cousin is a fine man. He is gorgeous. But I don't like him in glasses. "I am not wearing something to please you," he said. Pumunta ito sa kanyang lamesa para buklatin ang isang libro. His unit was huge. At hindi mo aakalain na studio type ito dahil maganda ang pagkakaparte ng bawat kwarto. May kusina, sa dulo ang nag-iisang kwarto, may study area pa, at tanggapan ng mga bisita. I wish to live in this kind of house. I smirked. "Do you already have a girlfriend?" I sarcastically asked. "Will you shut up? Kung ang dahilan ng pagpunta mo dito ay ang inisin lamang ako ay ihahatid na kita sa Papa mo." Sabi nito sa pagalit na tono. I have my ways to distract him. Hindi talaga ito makapagpokus kapag nangungulit ako. Kagaya ngayon, malapit na pala ang finals nila kaya todo aral ito ngayon. Hindi pa pala sila bakasyon. Kawawa naman siya. "Get a woman already. Mauunahan ka ng iba." Lumapit ako sa kanyang lamesa para tingnan ang kanyang mga ginagawa. "It is not yet the right time," he said without looking at me. All I can see are the long articles and essays. Republic acts of the country. Different kinds of law. And other related literatures for his course. He's taking up law and he's really taking it seriously. I heared him groaned. "Fine!" Hinablot niya ang aking kamay at pinaupo ako sa sofa. Pumunta ito sa kanyang kusina at narinig ko ang pagbukas ay pagsarado ng kanyang refrigerator. Bumalik siya at naupo sa aking tabi na may dalang dalawang berdeng bote ng beer. Binuksan niya iyon pareho at binigay sa akin ang isang bote. Malugod ko iyon tinanggap at agad lumagok ng isa. "You really know me," the beer tastes great. Muli kong nilagok ang beer na binigay niya sa akin. It's been a long time since I last taste a beer like this. Nang maparami ang aking pag-inom ay pinigilan ni Matteo at inagaw sa aking bibig ang bote. Inilapag niya iyon sa lamesa sa aming harapan at mataman akong tiningnan. "Okay. Tell me." Sambit nito. Huminga ako nang malalim at inilabas mula sa aking bag ang aking cellphone. Pinatong ko iyon sa lamesa at pinindot ang start button para magsimula ang recording. "Sabihin mo sa akin ang totoo. Ginamit mo ba ako? Did you use me to your advantage?" "Ikaw ang unang lumapit sa akin. At kahit hindi ka lumapit, masasagawa ko ang mga plano ko." "So this is your plan? To seize everything I have?" "You are not part of the plan," "I will tell father about this. I will tell everything to him. I will tell your stupid plan!" "Go and tell him. As if he will believe you." "He will believe me because I am his daughter!" "You have no proof," "I am the proof!" "Let's see," And the recording stops. It was me and Francis talking and confronting last time he went to my house. I recorder everything he said because I can use that to my defense. "What's this?" He asked. "Can I use this as an evidence?" This should be enough. "Where will you use it?" He asked again. Did he seriously doesn't have any hint? "On him," I said firmly. Nakita ko na nagseryoso ang kanyang ekspresyon. Tiningnan niya ako sa aking mga mata at bahagyang bumuntong hininga. Walang gana sa aking sinasabi. "Monica, hindi ito sapat para pabagsakin mo ang isang malaking tao." Sabi nito. "Ano ang ibig mong sabihin? Narinig mo naman ang mga sinabi niya!" Singhal ko. "Na ano? Na plano niyang angkinin ang lahat sayo? Malinaw na nakasaad sa recording mo na hindi niya inamin ang lahat." Sagot nito. Ano bang ibig nitong sabihin? Narinig naming dalawa ang recording at malinaw na malinaw na nahuli ko si Francis sa plano niya. "I caught him! Kapag narinig niya ang sinabi niya malamang na matatakot siya. Wala na siyang magagawa kundi ang ibigay sa akin ang lahat." Desperado kong sinabi. "Monica. Hindi. Makinig kang mabuti." Nilapag niya sa lamesa ang hawak nitong beer na hindi man lang nabawasan. Humarap siya sa akin at kinuha ang aking cellphone para pakinggan muli ang recording. Ngayon ay naulit ang lahat ng sinabi ko at ni Francis. Pareho namin itong pinakinggan. "Kung gusto mong makuha ang lahat, hindi ito sapat na ebidensya. Kailangan mo ng mabibigat at matitibay na dokumento na nagpapatunay ng planong sinasabi mong ginawa niya." Sambit nito. "This recording is useless. This is not considered as a proof, anyway." Pahabol nito. "What kind of documents should I have to prove that he is a fraud?" I asked. He should know more. "Imagine that you are participated in a war. All of your team are dead and you are the only one standing. You still have three people to kill. You have a gun, but you only have one bullet left." He said. I tried to imagine that. "Why would I have to be in a war?" I asked. "Try to set your foot on the scenario I created!" He hissed. Dahil sinabi niya iyon, ginawa ko pa rin. Sinubukan kong mabuhay sa senaryong ginawa ito. "The three terrorists are near, surrounding you since you're the only one left standing. Your last bullet is in your gun ready to aim. It can kill one person, two if you are a pro. And then, you still have one enemy to kill, if you don't have any bullet, what weapon should you use?" He seriously said while focusing on looking at me, communicating with my eyes. "I've never been in a war. How should I know what weapon to use?" I really don't know. "You need a knife. A very sharp knife. And stab the terrorist right on its chest." He answered his own question. "I am not really that violent. And I don't know how to kill a person!" I exhaustedly said. "That is not what I mean," he said. Kinuha niya ang aking cellphone at hinarap iyon sa akin. Dahil nakatapat iyon sa aking mukha ay nagbukas ito dahil sa face ID ang passcode nito. Naroon pa rin ang nakatigil na recording at hindi ko alam kung pipindutin ko ba o hindi. "Kailangan mo ng mas malakas na ebidensya kung gusto mong makuha ang gusto mo. Hindi ka pwedeng sumabak sa giyera nang hindi ka handa o kulang ang armas mo. Iyon ang ibig kong sabihin." Sambit nito. Now I understand. "Kung hindi ka handa, matatalo ka." Pahabol ni Matteo. Paulit-ulit kong pinakinggan ang recording ng pag-uusap namin ni Francis. Napagtanto ko na tama nga si Matteo, hindi ko ito magagamit bilang ebidensya dahil wala itong silbi. Hindi naman malinaw ang pag-uusap namin at ako lamang ang nakaisip na plano niya ito. Hindi niya inamin, at hindi niya naman tinanggi. Dahil wala naman talaga. Ako lang ang nagpagod. Huling araw para masilayan ko ang mansyon. Nakaligpit na ang lahat ng aking mga gamit at tinulungan ako ni Helga at Carter sa pagbaba ng mga gamit ko. Sabi ni Papa ay nakahanap ito ng bahay na pwede naming paglipatan kahit tatlong buwan lang. Hindi ko alam kung binili niya ba iyon o nirentahan lamang. Nakakasiguro ako na mas maliit iyon kumpara dito. "Signorina, handa na po ang sasakyan. Hinihintay ka na po ng Signor sa bahay." Sambit ni Helga nang mailagay ang lahat ng aking gamit sa sasakyan. "Sandali lang," sagot ko. Pinagbigyan naman nila ako sa aking gusto at nauna na silang lumabas ng bahay at hinihintay na lamang ako sa sasakyan. Muli kong nilibot ang buong bahay. Sa bawat kanto, sa bawat bagay na narito ay puno ng alaala. Masasaya, malulungkot, at mga alaalang hindi na pwedeng maulit pa. I never had a chance to feel my mother's love. I didn't see her face in person since I grew up without her by my side. But my father never let me live alone. He was always there when I'm in need or not. And I never get mad at him before because he is my father. This is the first time the I got mad at him. And I always tear up whenever I think of what he have done to us. "You are still here?" I heard Francis' voice behind me. I need to confirm so I turned around. And I am not wrong because he's actually there, standing so mercilessly. "Can't I have a final look at my house?" I said bravely while wiping my tears. "Not your house anymore," he said. I know! Wala ba talaga siyang awa? Alam ko na naging kaibigan ko siya at naramdaman ko na totoo iyon. Ngunit nagbago na lang ang lahat sa isang iglap. Ang taong akala mong makakapalagayan mo ng loob ay pwedeng magbago sa isang ihip lamang ng hangin. "I just keep on wondering, of all the lies I've heard and witnessed. Is there still true about you that I have known ever since I met you?" I asked. At least one, please tell me "My name," he simply said. Okay. So his name is really Francis. That's all I need to know. "Okay, have fun in the house." I said sarcastically. "I surely will," he said. Expressionless. Agad akong tumalikod nang muntikan nang pumatak ang aking mga luha. Agad iyong nasalo ng aking mga daliri nang punasan ko ito. Naglakad na akong palayo at hindi na muling lumingon hanggang sa makalabas ako ng bahay. Nakita ko si Manang Ophelia na hinihintay ako sa labas ng sasakyan habang umiiyak. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ito nang mahigpit. Doon ko nilabas ang lahat ng aking luha nang maramdaman ko ang mga kamay nitong bumalot sa aking likod habang hinahaplos ang aking buhok. "Tahan na, anak. Tama na ang pagluha." Sabi ni nanny habang hinahaplos ang aking mahabang buhok. Lalo lamang humigpit ang aking yakap sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko kayang tumugil sa pagiyak dahil ilang gabi akong umiiyak nang walang karamay. Matagal ko siyang hindi nakita dahil pinagbawalan din ni Papa na makausap ko ito. "Balia..." I cried even more.  "Tahan na," she hushed. Iniharap niya ako sa kanya para mapunasan ang aking mga luha. Malungkot din ang kanyang mga mata. Hinaplos niya ang aking mga pisngi habang pinapatahan ako.  "Sige na. Samahan mo na ang iyong Papa sa bahay. Magpahinga ka na." Sambit. "Come with me, Nanny." Pagmamaka-awa ko. "Hindi ako pwedeng umalis. Hindi ako aalis sa mansyon. Mananatili ako rito at maghihintay sa pagbabalik mo." Sabi ni Manang Ophelia. Mas lalo akong nalungkot sa ideyang hindi sasama sa akin si Manang. Wala akong kakampi sa bahay at paniguradong lungkot lamang at pagkabalisa ang aking mararamdaman. Magkukulong sa kwarto habang hinihintay na maggabi at sumapit ang bagong umagang ganoon ulit ang gagawin. "Pangako po. Babalik ako." Sambit ko. Nagkaroon ako ng bagong dahilan para bumalik at makuha ang lahat ng sa akin. "Mag-iingat ka. Ingatan mo palagi ang sarili mo." May inilagay siya sa aking kamay at kahit gusto ko iyong tingnan ngayon ay hindi ko magawa dahil tinatakluban iyon ng kamay ni Nanny. "Opo. Iingatan ko po ang sarili ko. Babalik ako." Pangako ko. Umiiyak ako habang nasa sasakyan at tinatahak ang daan patungo sa bago naming bahay. Nasa mga kamay ko pa rin ang pendant na binigay ni Manang Ophelia sa akin. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang dalawang maliit na litrato na pinagkasya sa loob ng pendant na ito. Inilapit ko iyon para mas makita ko lalo. Imahe ni Mama ang nasa kaliwa at litrato naman ni Manang Ophelia ang nasa kanan noong dalaga ito. Nakakasigurado ako na siya iyon dahil unang tingin ko pa lamang sa mga mata nito ay pamilyar na ako. May isang katangian ang pagkakatulad ni Mama at Manang sa unang kita ko pa lamang sa mga litrato. Napansin ko ang pagkakapareho ng hugis ng mga mata at bibig nila noong kabataan ni Manang. Sandali. Tama ba itong naiisip ko? Is Manang Ophelia my grandmother? Muli kong tiningnan ang litrato at napansin ko ang maliit na sulat sa ilalim ng litrato ni Mama. "Carissime Filiae," banggit ko. Pamilyar sa akin ang mga karakter na ito dahil pamilyar sa akin ang ibang mga salita sa Latin. Ang ibig sabihin ng nakaukit na mga letra sa ilalim ng litrato ni Mama ay 'my dearest daughter'. Tama ang iniisip ko! Hindi ako pwedeng magkamali dahil kilala ko ang Mama kahit sa litrato ko lamang ito nakita. I confirmed it. "Lei è mia nonna," sambit ko. Si Manang Ophelia na nagpalaki at inalagaan ako ay ang aking lola. At siya ang ina ng aking namayapang Mama. Gulantang pa rin ako nang makarating na kami sa bahay. Hindi ko pinansin kung ano ang itsura ng bahay at diretsong pumasok sa loob nito. Sina Helga at Carter na ang nagpasok ng aking mga gamit pataas sa aking magiging kwarto. Masasabi kong komportable naman dito ngunit bawas na ang mga tao. At hindi ko na magagawa ang mga bagay na nagagawa ko noon sa mansyon. "Monica," Papa called. He is sitting on the small sofa when I found him. "Papa," I am still mad at you. "Seat down here. I need to tell you something." He said. Sinunod ko ang kanyang gusto at walang ganang umupo sa kanyang tabi. Nanibago ako sa bagong sofa na aking inuupuan ngayon. Hindi ito kasing lambot ng sofa namin sa mansyon. "What is it that you need to tell me?" I asked. I heard him sighed. "I talked to your nonni. You are leaving for Italy." He said straightforwardly. "What?" Please Papa, no. "You need to go to Tuscany," he said. "I am not going back to Italy!" I hissed. Tumayo at umalis sa kanyang harapan papunta sa aking magiging kwarto. Naabutan ko si Carter na nasa labas ng aking pintuan at si Helga na nagaayos sa loob. Inipit ko ng unan ang aking ulo at impit na sumigaw dito. Nagambala si Helga sa kanyang ginagawa at pumasok naman si Carter habang hawak ang kanyang baril na nakatago sa kanyang bulsa. "Don't mind me," walang gana kong sambit. I am not going to Italy! I am not leaving! Nagising ako nang maaga dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos. Bago sa akin ang lugar at hindi pa ako sanay sa bagong paligid ko. Bumaba ako ng hagdan at naabutan ko si Papa na umiinom ng kape sa hapag. Sinaluhan ko siya at nagpatimpla rin ng kape. Ang plano namin ngayon ay pumunta ulit sa Maynila para kunin ang mga natitirang gamit ni Papa sa kanyang dating opisina na magiging kay Francis na ngayon. Bumubulak talaga ang aking dugo kapag naaalala ko ang lalaking iyon. "You don't have to come with me this time," Papa said. "I will," pagpupumilit ko. Sasama ako dahil gusto ko. "Va benne," Papa said okay so that means I can come. Naglinis na ako ng katawan at nagpalit na rin ng damit. Inayos ko ang aking sarili dahil paniguradong makakaharap ko na naman si Francis pagdating namin doon. Kailangan kong makita niya akong maayos kahit binagsak na niya ako. Pride strikes again. Dala ang pendant na binigay sa akin ni Manang Ophelia, hindi na dapat iyon ang itawag ko sa kanya. Totoo ko na siyang pamilya at hindi na siya simpleng katulong lamang. Inilagay ko iyon sa aking bag at muling humarap sa salamin. Suot ang simpleng itim na pantalon at puting V-neck T-shirt, tinernohan ko ito ng kulay kahel na cardigan at puting sapatos. "Signorina, naghihintay na ang Singnor sa loob ng sasakyan." Sambit ni Helga sa likod ng aking pintuan. "Sige. Pababa na ako." Sigaw ko pabalik. Kinuha ko na ang aking bag at bumaba na sa hagdan. Nasa loob na nga ng sasakyan si Papa kaya pumasok na ako at umupo sa tabi nito. Si Carter ang magmamaneho ng sasakyan at si Helga naman ay nasa shut gun seat. "After this, I will book your ticket going to Italy." Papa said. "Please, Papa. I am not leaving." I don't want us to argue again. Tinatahak na namin ang daan patungong Maynila at hindi ko mapigilang mapadako ang tingin sa mga punong mabeberde ang mga dahon at mayayabong ang mga sanga. We will travel by land so it will take hours before we get in Manila. The last time we went there was in plane, from La Union to Manila. And it just took almost forty five minute to one hour. Our body suddenly leaned forward when Carter steps on stop paddle. My neck c***k a little by a sudden impact and my father immediately asked Carter what happened. My body became heavy  and my hips are aching by the grip of the seatbelt. "What happened, Carter?" Papa asked. Carter didn't answer but instead he roamed around the area as well as Helga. "Duck!" Carter ordered. We are surrounded by four black SUV's and the men in that cars came out with guns on their hands. "Duck Signor and Monica!" Helga scolded. Lumabas ang mga ito sa sasakyan at agad na hinigit ni Papa ang aking ulo para mapayuko kaming dalawa. Natanaw ko sina Carter at Helga na nasa tapat nang magkabila naming pintuan habang hawak ang mga baril sa magkabila nilang mga kamay. Helga? She have a gun? "What is happening, Papa?" I asked my father who's occupied by now. "Do not shoot!" I heard Carter said. They are out numbered! And all the guns are pointed in our directions. Are they really going to kill us? "Who are they, Papa?" I said stuttering for words because of fear. "Palabasin mo sila. Hindi kami magpapaputok." Sabi ng isang lalaki mula sa labas ng sasakyan. "Ibaba niyo ang mga armas niyo," sabi naman ni Helga. "Massimo! Lumabas ka! Alam kong kasama mo ang anak mo!" Sigaw ng lalaki. Bakit niya alam ang pangalan ng Papa ko? Kilala ba siya ng Papa? Ano ba talaga ang nangyayari? "I will get outside. Do not get out of the car until I say so." Papa said. "Papa..." I held his hands. Binitawan niya ang aking mga kamay at lumabas sa pintuan ng sasakyan kung nasaan si Carter. Tiningnan ko ang nangyayari sa labas at napakaraming armadong lalaki ang pumapalibot sa aming sasakyan. Nakataas ang mga kamay ni Papa na hinarap ang mga ito at nakikipag-usap. Si Carter at Helga ay alerto at nakakasa sa maaaring mangyari sa mga panahon na ito. "Do not kill my daughter," I heard Papa pleaded. "We are sorry, Massimo. We are just taking orders from above." And they all laughed. I should ask for help. That's all I can do right now. If something happens, I will be too late to call for help if I don't do it now. But who am I going to call? Francis came up on my mind. I have his number, and hopefully he hasn't changed yet. "Please pick up," I desperately said. Ducking my head while my hands and legs are all jittering. I can't think straight right now that Francis is not taking my call. I don't know other person to call. My phone beeped and the only way to reach him now is via voicemail. "Please, Francis. Pick up your phone. I need help. We're in danger. I don't know what place we are now. There are numerous men outside our car aiming their guns at us. Papa is outside talking to them and I don't know what's going to happen next. Please we need help this instance." I yelled in shock when I heard a gun shot. My phone dropped on the floor and I can't reach for it anymore. The car door opened and one of the armed man grabbed my hand to get me out of the car. He is aggressively gripping my hand until I stand beside my father. I saw the wounded Carter, lying on the road and shouting for pain. "Please do not hurt my daughter. She has nothing to do with this." My father said. "Papa..." I called. I am terribly shaking in fear right now. "Kneel. Both of you." The man ordered. Father easily obeyed the man's request while I slowly lowing my knees to the ground. Crying and silently praying for our rescue. "Give us all you have!" The man pointed his gun on my temple that made me scream. "Merda! Do not hurt her!" My father hissed. "Then give us what we requested!" The man said. "I don't have everything!" My father cried. "Father is right! We don't have anything. Wala na sa amin ang lupa, ang negosyo, wala na sa amin ang lahat! Please, leave us alone!" Pagmamaka-awa ko. Then other man came and pointed his gun to my father's head that made my trembling worsen. He is smiling ridiculously and is really enjoying the look of us right now. "Little kid. We are not playing game in here. If your father didn't give us what we want, I will blow his head with one bullet of my gun." He said. "No. Please. We are telling the truth! Ask Carter and Helga! We are nothing now!" I cried. "Okay. Madali naman akong kausap." Sambit nito. "Papa!" I called. Inilayo nila sa akin si Papa ngunit sa tapat ko pa rin. Isang dipa ang layo sa akin at marahas itong pinaluhod. Itinutok pa rin nito ang bunganga ng baril nito sa ulo ni Papa na nagpapikit sa aking ama. "Carter! Helga! Please! Save my Papa!" Desperada kong sigaw habang tinatawag ang dalawa pa naming kasama. Hindi namin inaasahan na mangyayari ito. Hindi ko ito sineseryoso noon dahil hindi ako naniniwala na gagawin ito ng mga tao sa amin. Inakala kong hindi ito tototohanin dahil naduduwag lamang sila dahil nalalamangan namin sila. Ngunit ngayon na nakikita at nararanasan ko na ito ngayon, dapat ay sinunod ko na lamang ang lahat ng gusto ng aking ama. Nagsisisi ako dahil naging matigas ang ulo ko at hindi sinusunod ang mga utos niya. Kung alam ko lamang na para iyon sa akin, kung alam ko lamang ang buong dahilan ni Papa, kung alam ko lang ay hindi ko na sana siya kinokontra. "I will do everything to keep you safe, my daughter." My father said. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Para akong nakagapos at hindi makagalaw dahil sa malamig na bakal na nakatutok sa aking ulo. Natatakot na baka kapag gumalaw ako ay pumutok ito. "Papa..." I cried. I forgive you, father. "Ti amo, amore." Huling sambit ng aking ama bago ko marinig ang putok ng baril na nagpatigil ng aking mundo. "Ang daming drama. Pwede bang ibigay mo na lang ang gusto namin para makaalis na kami dito?" Pinanood ko kung paano humilata sa damuhan ang katawan ng aking ama. Ang kanyang ulo ay nababalutan ng dugo ngunit ang kanyang mga mata ay nananatiling mulat at nakatingin sa akin. Hindi na siya gumagalaw. "Layuan niyo si Monica!" Narinig kong sigaw ni Carter. Nabuhay ang putukan at palitan ng mga bala habang ang isang lalaki ay hinigit ako palayo sa mga ito. Itinabi niya ako sa aking walang malay na ama habang nakikipagpalitan din ito ng bala. Wala kayong awa! Tiningnan ko ang aking ama na sa akin pa rin nakatingin ang mga mata. Nanginginig ang aking mga kamay ngunit hindi ko siya mahawakan. Bumubugso ang aking mga luha habang nanlalabo na ang aking paningin. May gustong sabihin ang aking mga labi ngunit walang lumalabas na tinig. I forgive you, father. Please don't die. Don't leave me. "Papa..." I reached for his hand. It is still warm. But every time I am holding his hand, it glides freely on my hand. "Papa, please." I pleaded. Still no response.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD