Encounter
The cold wind blew at our direction. My loose hair were swaying with the wind while the tall grass dances.
I am still hoping that my father will move. I am hoping that he is still alive. I am hoping that this is just a prank.
But it is not.
He's dead. He's not moving nor breathing. But his eyes are still looking at me.
"Papa..." I called. Wala na akong lakas para magsalita pa.
I'll take it from here. You should rest.
Pinikit ko ang kanyang mga mata gamit ang aking mga kamay. Hindi na ganoon kainit ang kanyang katawan at mas lalo lamang akong naiyak nang maisip ko kung ano ang kalagayan namin ngayon.
"Monica let's go," sambit ni Helga habang pinapatayo ako.
Umawang ang aking labi nang makita ko ang mga lalaking kanina ay armado ngunit ngayon ay nakahiga na rin sa damuhan at mga walang malay. Kahit ang bumaril sa aking ama ay duguan na ring nakalatay sa damuhan. Si Carter at Helga ay sugatan rin. Si Carter ay may tama sa kanyang kaliwang binti ngunit matatag pa ring nakatayo habang si Helga ay may daplis ng bala sa kanyang braso ngunit nakita kong may sugat din ito sa kanyang tagiliran.
"My father. Papa..." I am really out of words.
"Kailangan na nating umalis ngayon dahil hindi natin sigurado kung may susunod pa sa mga ito!" Hinihinila ako ni Helga ngunit hindi ako kumibo. Malakas pa rin siya kahit sugatan na.
"No. Papa. He's dead." Bulong ko. Nauutal at nanginginig ang aking mga labi.
"Signorina, hindi tayo pwedeng magtagal dito. Hindi ka pa ligtas." Sabat ni Carter nang makalapit ito.
"Hindi natin pwedeng iwan si Papa dito," pumiyok pa ako nang binanggit ko ang Papa.
"Wala na tayong oras, Signorina! Babalikan ko ang Signor kapag nasigurado ko nang ligtas ka!" Sigaw ni Carter at hilahin ang aking braso palapit sa sasakyan.
"Papa! Hindi siya pwedeng maiwan dito! Papa!" Sigaw ko. Ngunit hindi nila ako pinakinggan.
Pumipigwas ako para hindi makapasok sa sasakyan. Ang ilang parte nito ay may tama na ng bala at dalawang bintana ang basag na ang salamin.
"Papa!" I cried.
"Signorina please!" Pagmamakaawa ni Carter.
Hindi ko na napigilan ang aking pagiyak nang maalala ang aking Papa. Hindi ko matanggap na patay na siya ngayon. Walang awang pinatay ng kung sino mang lalaking iyon.
"Papa is dead," sambit ko sa namamaos na tono. Niyakap ko si Carter dahil wala na akong makapitan sa ngayon.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinapit niya ngayon.
"Alam ko, Signorina. Kasalanan ko iyon dahil hindi ko siya naprotektahan. At hindi ko na uulitin ang pagkakamaling iyon sayo kaya gagawin ko ang lahat para maging ligtas ka." Mahinahong sambit ni Carter habang marahang hinahaplos ang aking likod.
"Pinatay nila si Papa ng walang laban," bulong ko habang sinisiksik ang aking ulo sa kanyang dibdib.
"Tahan na, Monica. Kailangan na nating umalis dito." Narinig kong sambit naman ni Helga.
"Pinapangako ko na poprotektahan kita, Monica. Kahit isaalang-alang ko pa ang buhay ko... maligtas ka lamang." Ani Carter na lalong nagpaluha sa akin.
May mga taong gagawin ang lahat para sa akin. Para maligtas ang buhay ko. Para mapunan ang mga pangangailangan ko. Kahit buhay nila ang kapalit ay wala silang pakialam. Ang importante lamang ay mabuhay ako. Ngunit ako, ano na ang nagawa ko para sa mga taong ito? Ano na ang naibalik ko sa mga utang na loob ko sa kanila? Wala pa akong nagagawang maganda para sa kanila ngunit gagawin pa rin nila ang lahat para sa akin.
Hindi ba parang hindi naman patas iyon? Binibigay nila ang lahat sa abot ng kanilang makakaya ngunit ako, nananatiling walang kwentang nabubuhay sa mundong ito.
"Helga!" Sigaw ni Carter.
Napatunghay ako sa direksyon ni Helga at nanghihina na itong nakasandal sa aming sasakyan. Balot na ng dugo ang kanyang mga kamay habang walang tigil sa pag-agos ng dugo ang sugat nito sa kanyang braso at tagiliran. Wala na ring kulay ang kanyang mga labi at bahagyang pumupikit ang kanyang mga mata. Kumalas ako sa yakap ko kay Carter at dinaluhan ang naghihinang Helga.
"Helga! No! Please!" Inalog ko ang kanyang balikat ngunit hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Nananatiling walang kulay ang kanyang mga labi.
"Carter! Pumunta tayo ng ospital! Kailangang magamot si Helga!" Utos ko.
Binuksan ko ang passenger seat at tinulungan si Helga na makapasok dito. Tumabi ako sa kanya para may masandalan siya. Sinarado naman ni Carter ang pintuan at umikot papunta sa driver seat. Pinaandar na niya ang sasakyan ngunit lumiko kami papunta sa direksyon ng bago naming bahay.
"Sa ospital dapat tayo pumunta, Carter." Sabi ko.
"Hindi tayo pwedeng lumayo, Monica. Mabuti nang sa bahay gamutin si Helga ngayong hindi ka pa ligtas." Sagot nito.
"Ngunit wala tayong gamit sa bahay!" Sigaw ko.
Hindi sumagot si Carter bagkus ay pinabilis ang kanyang patakbo. Dinaluhan ko naman si Helga na nanghihina pa rin sa aking tabi.
"Please hang on, Helga. We're gonna get this through." I whispered to her.
I am pretty sure that she heard me. Even if she didn't answer, I know she heard me.
Nakarating kami sa bahay matapos ang bente minutos. Agad kong inalalayan si Helga papasok sa bahay habang si Carter ay dumiretso sa kusina. Inalis ko ang mga maliliit na unan sa aming maliit na sofa at doon pinahiga so Helga.
"Helga?" I gently patted her cheeks.
Naramdaman ko naman na humihinga pa siya kaya nakampante pa rin ako. Bumalik si Carter na may dalang itim na bag. Naglabas siya ng isang bote ng Jack Daniels, mainit na tubig na nasa maliit na palanggana at gamit na pang opera na nakabalot sa itim na tela.
"Where did you get these?" Tanong ko. Saan niya nakuha ang mga ito?
"We are trained for incidents like this," he said.
"Even Helga?" Is she a secret agent?
Lumapit siya kay Helga at itinapat sa kanya ang mga sugat nito. Pinunit nito ang manggas ng damit ni Hega at ang laylayan ng kanyang T-shirt para malantad ang sugat nito. Hinanda niya ang mga gagamitin at inilubog iyon sa mainit na tubig. Walang hirap niyang binuksan ang bote ng whiskey at pinanghugas iyon sa kanyang mga kamay. Pagkatapos ay nagsuot ito ng surgical gloves.
"Are you sure about this?" Kabado kong tanong.
"Just stay by my side and trust me," he said.
Binuhusan niya ng whiskey ang mga sugat ni Helga. Nakita ko na nakapikit na ito at hindi na dumadaing sa sakit. Ngunit nakikita ko pa rin naman ang pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib na humihinga pa rin ito.
Una nitong nilinis ang paligid ng sugat gamit ang forcep at bilog na bulak na may antiseptic solution. Maingat ngunit mabilis ang mga kilos ni Carter. At habang pinapanood ko siya sa kanyang ginagawa ay hindi pa rin maalis sa akin ang kaba para sa kalagayan ni Helga.
"Please live, Helga." I silently prayed.
Mabuti na lamang at puro daplis lamang ng bala ang sugat ni Helga ngunit maraming dugo ang nawala sa kanya kaya siya nalagay sa ganitong sitwasyon. Dahil sa ginawa naman ni Carter ay naagapan iyon agad ngunit hindi pa rin gumigising si Helga.
Ngayon ay binabalutan na niya ng puting bandage ang mga sugat nito. At kahit sa pagbabalot ay napakabilis pa rin ngunit perpekto.
"Is she okay now?" Tanong ko.
"Naagapan ko na ang paglala pa ng mga sugat niya. Hintayin na lamang natin ang paggising niya." Sabi nito.
Ngayon naman ay pinunit niya ang kanyang suot na slacks para ilabas ang sugat sa kanyang kaliwang hita. Huminga ito ng malalim bago dukutin ang balang bumaon gamit ang kanyang mga daliri. Narinig ko ang kayang pagsigaw dahil sa sakit at hindi ko maiwasang makaramdam din ng sakit para sa kanya. Umaagos ng dugo sa kanyang binti.
"Carter..." wala akong magawa ngayon kundi ang panoorin lamang siya sa kanyang ginagawa.
Namuo ang mga butil ng pawis sa kanyang noo at leeg. Laking pasasalamat ko nang nakuha na niya ang bala sa kanyang hita at itinapon na lang iyong sa sahig. Kagaya ng ginawa niya kay Helga ay tinahi niya rin ang kanyang sugat bago tapalan ng puting bandage.
Ang maitutulong ko na lamang sa kanila ngayon ay punasan ang kanyang pawis at bigyan siya ng tubig. Lumuluha pa rin ako dahil hindi ko maiwasang maramdaman ang pagkalungkot dahil kasalanan ko naman ang lahat ng ito.
"This is all my fault," I said while wiping his sweats.
"Hindi mo ito kasalanan, Monica." Pagkontra nito.
"Hindi naman ikaw magkakaganito kung hindi dahil sa akin. Hindi magkakaganyan si Helga, hindi ka masusugatan, hindi mamamatay si Papa kundi dahil sa akin." Humikbi ako nang lumandas muli ang panibagong luha sa aking mga pisngi.
"It is my duty to protect you," Carter said.
"You can still neglect your duty to save yourself. Just like what others did." Is there any value in protecting me?
"I swore my oath to your father. Even though he is not here anymore, my promise will remain alive. And I will keep you safe until the very end." He said.
I don't want to let myself dive in relief again. Because if I do, they might turn their backs again. Leaving me alone in the end. Hanging above while gripping the thin air.
Hindi pa magaling ang kanyang sugat ngunit nagsisimula na namang kumilos si Carter. Hindi ko siya masundan dahil hindi ko maiwanan si Helga mag-isa dito. Pumunta siyang muli sa kusina at pagbalik nito ay may dala nang envelope. Binigay niya iyon sa akin at malugod ngunit nalilito ko pa ring tinanggap.
"What is this?" Tanong ko.
"You are supposed to fly back to Italy tomorrow," sambit nito.
Italy? Tomorrow?
Binuksan ko ang envelope at naglalaman ito ng aking one-way ticket patungong Florence at ang aking Italian passport. Nakatakda ang ticket na iyon bukas nang ala una ng madaling araw. At may isa pang ticket mula sa Angeles, Pampanga patungong Maynila at kailangan ko nang umalis ngayon dahil alas tres ng hapon ang flight na ito ngayon.
How?
"You may have questions right now but please reserve it. We have to head straight to Clark right now." Seriously?
"But we can't leave Helga alone!" I hissed.
"She will not be alone here. Trust me. Please let's go." Nauna itong maglakad palabas ng bahay.
Pumasok pa siya sa sasakyan at muling binuhay ang makina. Tiningnan kong muli si Helga, kahit ayaw kong umalis sa ngayon. Kailangan ko na lang sundin si Carter para sa ikakatahimik ng lahat.
"Kaya mo bang magmaneho sa kabila ng sugat mo?" Can he?
"Huwag mo akong isipin. Kailangan kong gawin kung ano ang nararapat." Sagot nito.
Ibang daan na ngayon ang aming tinatahak patungong Clark International Airport. Hindi ko lubos isipin na ngayon ako aalis patungong Italy sa kabila ng lahat ng nangyari ngayon. Gulat pa rin ako at hindi maalis sa aking isipan ang sinapit ng kawawa kong ama na walang laban pinatay ng mga lalaking hindi ko kilala. Si Helga na hanggang nagyon ay wala pa ring malay dahil sa mga sugat na natamo. Si Carter na kahit sugatan ang hita ay mas pinili pa ring gawin ang tungkulin para lamang maligtas ako.
Three lives were sacrificed for me. Three different lives that have one duty, to keep me alive.
Why do they have to do this? Why do they need to protect me? I am nothing but a mere girl who lost everything.
Nakarating kami sa airport isang oras bago ang paglipad. Laking gulat ko nang may nilabas na maleta si Carter mula sa likod at nilagay iyon sa aking tabi.
"Helga packed this for you last night. This only includes your personal belongings and necessary stuff." He said.
"So this was planned," I declared.
"Yes. Your father booked two tickets with different dates. The one I gave you was for emergency like this. So you're right. This is planned." He said.
Tinanggap ko ang maleta sa aking kanang kamay habang ang aking ticket at passport ay nasa kaliwa.
"Will you come with me?" I asked.
"No. I have to stay here. I promised you that I will take care of your father's body after this." Sa sinabi niyang iyon ay nalungkot akong muli. Naalala ko na naman ang huling sinabi ni Papa bago siya mamatay.
"When will it stop? I don't want to involve other people anymore." Pinunasahan ko ang mga bagong luhang pumatak sa aking pisngi.
"This will be over soon," he promised.
Tama na ang mga buhay na nasayang nang dahil sa akin. Tama na ang mga sakripisyong nagawa ng mga taong walang ibang gusto kundi ang maligtas ako.
"You have to stay alive to find justice for your father," Carter said. He wiped my newly drop tears using his index finger.
"Kahit malayo ka, mananatili ang pangako kong poprotektahan ka." Bulong nito. Sapat para marinig ko.
The saddest part of being attached to someone, to a father, to a friend, or to someone, it is always hard to let go. It is hard to forget the memory, the only memory I have with my father where I felt his deepest sincerity and true motive to protect me.
Nagising akong may luha sa aking mga pisngi. Ramdam ang lamig ng hanging nanggagaling sa aircon. Narito akong muli pagkatapos ng halos walong taon kong pagkawala.
Pinunasan ko ang mga lumandas na luha sa aking pisngi at tumayo. Hinawi ko ang kurtinang tumatabon para makapasok ang ang sinag ng araw.
Yes. This is the sun. I can finally feel it. Just like how I wanted.
Sa Italy, apat ang klima. Hindi lamang tag-araw at tag-ulan. May summer, winter, spring at fall. At kapag tag-init ay hindi ganoong kainit kumpara sa klima rito sa Pilipinas.
"You abandoned me, remember?" Si Matteo agad ang bumungad sa aking umaga nang tawagan nito ang aking numero.
"I was busy, okay? Try being the company lawyer of Carluccio's. I'm pretty sure you will understand." He said.
"Don't worry, cugino. Kapag nabawi ko na ang kumpanya, hindi kita bibigyan ng maraming trabaho." Sambit ko.
"Should I wait for a hundred years for that to happen?" He chuckled.
"Don't you believe me?" It is not new to me that he is always against my will. This is not the first time that he opposes me.
"Hindi sa ganoon. Ang sa akin lang ay ayokong magpadalos-dalos ka ng kilos mo." Sabi ni Matteo.
"I have planned this for almost eight years. Inisip ko kung ano ang gagawin ko at sisiguraduhin kong makukuha ko ang lahat." I am determined.
At iyon nga ang plano ko. Sisimulan ko sa araw na ito.
Pababa na ang elevator ng hotel. Ngayon naman ay pupuntahan ko na ang aking condo para masimulan na ang aking gagawin. Sa ground floor tumigil ang elevator at agad akong lumabas nang bumukas ito. Dumiretso ako sa reception at binigay dito ang dalawang card; isa para sa susi ng room at isa para sa aking credit card.
"I would like to check out," I said.
Teddy D. Corporal. He is still the man from last night. But the only thing that changed is that he can't look at me straight.
"Mr. Corporal," I called.
"Ma'am?" He immediately answered. Now I caught his eyes.
"Don't worry. You are not fired." I gave him my sweetest smile.
He bowed his head. "I am really sorry, Ms. Carluccio. I will never do that again." His trembling voice said.
"That is all I need to hear. You are forgiven." I said.
Hindi ko pa pinapaalis ang driver na binigay sa akin ni Matteo dahil doon rin naman ang punta ko. Dumaan muna ako sa aking condo para masilayan iyon at makapagpalit ng damit. Ayokong tingnan nila akong nangliliit dahil lamang sa wala na sa akin ang kumpanya. Ngunit gagawin ko ang lahat para mabawi ito.
Tinatahak ang daan patungong opisina ay kumakabog ang aking dibdib. Kinakabahan ako sa maaaring kong madatnan doon.
Malaki na ba ang pinagbago? Kamusta na ang mga empleyado doon? Naaalagaan ba ng maayos? Tama ba ang pasweldo sa kanila?
"Ma'am, nandito na po tayo." Anunsyo ng driver sa akin nang tumigil ang sasakyan sa harap ng building.
"Salamat po," sagot ko.
Bumaba ako ng sasakyan at tiningnan ang buong building. Sa tayog ng gusaling ito, sa pagkakatanda ko ay tatlong palapag ang pagmamay-ari ng mga Carluccio. Itinayo iyon para maging opisina ng mga empleyado.
Hindi na ako nagsayang ng pagkakataon at pumasok na sa loob at diretso lamag ang lakad.
I stand out in the crowd since I am wearing an all white suit. The blazer is a cape sleeved in style while my trousers is a wide leg that is almost covering my red pump.
"Excuse me, Ma'am. May I know your appointment?" I stopped when I heard the receptionist's voice.
Do I really need an appointment at my own company?
I approached her without removing my cat eyed sunglasses and my hand in my pocket.
"Do you not recognize me?" I asked.
"Please remove your glasses so I can recognize you," she said arrogantly.
What's with arrogant people nowadays? I keep on encountering one.
Para magtigil siya sa kanyang paghihinala ay tinanggal ko ang aking salamin at humarap sa kanya. Inilapit ko pa ang aking mukha para mas makilala ako.
"Ms. Monica," the receptionist recognized.
May epekto pa rin ang pagiging Carluccio ko dahil kilala pa rin ako ng mga empleyado.
"Yes I am," I reassured.
"May I know your appointment, Ma'am?" She asked.
"Do I really need to tell you my agenda here? Am I not welcome to visit my former company?" Pabalik kong tanong. Hindi naman niya kailangang malaman.
"I'm so sorry, Miss. I will not ask again. Can you please log your name here for our record?" Inilahad niya sa akin ang isang notebook kung saan nakasulat ang mga taong bumisita o nagkaroon ng appointment sa opisina.
"I can do that," sabi ko at kinuha ang ballpen para magsulat.
Sinulat ko ang aking buong pangalan. Pati ang oras ng aking pagdalaw at pinirmahan ko pa sa dulo nito. Nang matapos ako ay binigay ko na iyon sa kanya. Tiningnan niya ang aking sinulat at hinintay ko naman siyang sabihin na pwede na akong magpatuloy. Nakita ko naman ang gulat sa kanyang mga mata nang mabasa nito ang aking sinulat. Papalit-palit ang kanyang tingin sa akin at sa aking sinulat.
"What?" Tanong ko.
"Nothing, Ma'am. You may go inside." She said while stuttering.
Sinuot kong muli ang aking salamin at naglakad na patungo sa elevator. Nang makapasok ay pinindot ko ang tamang palapag papunta sa opisina ng aking pinsan. Hindi ko sinabi sa kanya na pupunta ako ngayon. Ang alam niya lamang ang magpapahinga ako ngayon sa unit ko. Ngunit nagbago ang aking plano, kailangan ko nang simulan ito.
I have two objectives on building my plan. First is to get everything that's taken to me and my family. And second is to find justice for my father who killed by some heartless raccoons. These two things have become my mindset everyday I woke up. Reminding me my ultimate goal to accomplish.
Bumukas ang pintuan ng elevator. Nilalakad ko ngayon ang hallway patungong opisina ni Matteo. Ang tunog ng aking takong ang umaalingawngaw sa buong silid. Nang nasa tapat na ako ng kanyang opisina ay binuksan ko iyon. Laking pasasalamat na hindi iyon nakakandado ngunit hindi ang pinsan ko ang bumungad sa akin sa loob, kundi ang kanyang sekretarya.
"Where is Matteo?" Tanong ko.
"He's in a meeting right now, Ma'am. You can wait here inside his office." Did she know about me?
"Where does the meeting takes place?" I asked again. I will not wait for him to come back.
"In the convention room, Ma'am." Sagot nito.
Hindi ko na hinintay ang sunod niyang sasabihin at sinarado ang pintuan.
Convention room. The boards of directors must be there.
Napangiti ako. Mapapadali ang pagsagawa ko sa aking plano kung kumpleto sila doon. Hindi ako mahihirapan na isagawa pa ito nang paulit-ulit.
Tinahak ko na ang daan patungong convention room. Tumutunog muli ang aking takong sa aking paglalakad. Limang kwarto lamang ang pagitan nito sa kanyang opisina kaya hindi ako nagmadaling makalapit doon.
"Yes. That's right. He improved everything."
"We should congratulate him once he comes,"
"He should be here any minute,"
Narinig ko ang usapan ng mga ito nang mapatapat ako sa pintuan.
Are they praising him because of the improvement of the brand? I am aware about the breaking record that Francis made to advertise the brand even when I was in Italy. We have branch there and I am pretty sure that he also managed that.
Ngunit hindi na magtatagal ang pagbubunyi ng mga ito sa pangalan niya. Dahil aangkinin ko na ito sa lalong madaling panahon. Tama na ang walong taong pamamahala nito. Kailangang bumalik ng isang Carluccio.
Pinihit ko ang door knob at binuksan ng malapad ang dalawang pinto. Nakita ko ang gulat sa kanilang mga mukha at maging ang aking pinsan ay hindi makapaniwala sa aking presensya ngayon.
"Ciao," I greeted.
I gave them my widest smile while walking through until the end of the table. I placed my favorite textured leather black bag by Dolce and Gabbana on the table. I slowly seated my butt on the swivel chair while crossing my legs in front of them and feel my sudden presence in the room. I remove my glasses and gave each of them a glaring daggers while smiling.
I look like a psycho. But I don't care.
"Monica. You didn't give me heads up." My cousin said.
"Why would I do that? Am I not allowed to visit?" I smiled.
"What do you mean? This is convention room. And we are having a meeting right now. If you wanted to visit, you can wait inside my office." He frustratingly said.
"You didn't give me a heads up about this meeting," I tapped my nails on the table making the utter sound.
"What?" He's confused.
Sige. Para malinawan ang lahat. Inayos ko ang aking upo at hinarap silang lahat.
"Who do you think held the second biggest share in the Carluccio's?" I started asking.
Nakikita ko ang pagkakalito sa kanilang mga mukha. Ang iba ay nananatiling gulat at hindi makapaniwala.
"He is an Italian business tycoon," my cousin answered.
"That's correct. He held about twenty six percent of the share. So it is rude that you didn't even tell me about this meeting. I also wanted to congratulate the President." There is sarcasm in the tone of my voice.
"Ano ba ang sinasabi mo? Ano ang gusto mong iparating?" Naguguluhang tanong ng aking pinsan.
"That I still have a share in this company," I said.
"But Francis took over it to your father. You don't have any share in this." The old man in the board said.
They are clueless. I am surprised.
"Don't you remember it?" The other old man asked.
"Of course. I remember. I remember it all." I said while gritting my teeth.
I remember it all. How I ended up here. How my life became miserable. How I woke up everyday by killing all of you on my mind.
"You don't really know what I mean?" I asked.
No one answered. They all just stared at me cluelessly.
"Fine," I stood up. "I'll show you," I said.
Kumuha ako ng marker at inilapit ang white board. Sinulat ko ang aking pangalan at sinigurado kong malalaki ang letra ng mga ito para makita ng lahat.
Monica Patrice C. Marchetti
That is how I wrote my name on the white board.
"Here fella," I faced them, making sure that they will see what's written on the board. "This is my name," I declared.
They all gasped and shocked about something that was written. Even my cousin Matteo is still clueless about this.
"Marchetti?" They said.
Binitawan ko ang marker at inilagay iyon sa dati kong pinagkuhanan. Umupo akong muli sa upuan sa harap ng mga ito na may ngiti sa labi. Ngunit iba ang pinapahiwatig ng aking mga mata. Madilim at puno ng galit.
"You changed your surname?" My cousin asked.
"I am Mr. Paris Marchetti's wife," I announced.
Mas lalo silang nagulat nang sabihin ko ang pangalan ng aking asawa. At ang pangalang iyon ay pamilyar sa kanila dahil ang Marchetti ang humahawak ng pangalawa sa pinakamalaking share sa Carluccio's. Limang puntos lamang ang lamang sa share ni Francis.
Marchetti. Paris Marchetti is my husband.
It made me smile while looking at them. All shocked.
"This is really unbelievable," some of them drank water because of my sudden confession.
"You are married?" Matteo asked. I only gave him a smile and leave him shocked.
"It's a long story folks. But yeah, I am married." I said.
Tumayo ako at kinuha na ang aking bag. Iyon muna sa ngayon. Hindi ko sila pwedeng biglain dahil madaling matatapos. Hindi ako papayag na manatiling tagilid ang mga Carluccio. Pinangako sa aking lolo na babawiin ko ito. At hindi ko siya bibiguin kagayan ng nangyari kay Papa.
"Mukhang hindi ko na maaabutan si Mr. Rodriguez. Just please send my regards to him." Sambit ko.
Naririnig ko pa rin ang bulungan ng mga ito nang mapadaan ako sa kanilang likod. Hindi makapaniwala sa kontrebersyang isiniwalat ko.
Hindi ko pa man nabubuksan ang pintuan ay bumukas na iyon sa labas. Lumuwa si Francis sa aking harapan. Pareho kaming nagulat sa muli naming paghaharap.
Marami ang nagbago sa kanya. Mas lalong naging patipuno ang kanyang katawan. Matured na ang kanyang mukha at mas lalo itong tumangkad.
"Mr. Rodriguez!" I greeted.
I let out a fake smile just to ease the silence between us. I extended my hand for a shake.
"I came here to congratulate you. My husband is a busy man so I personally came here to give you honour for your success." I said.
Hindi niya tinanggap ang aking kamay. Sa halip ay tumingin lamang ito sa aking likod pagkatapos ay sa akin. Nang mapagtanto kong hindi niya iyon tatanggapin ay inilagay ko na lamang iyon sa aking bulsa.
"Okay. I won't be long. I promised your receptionist that I will be here for only a minute." I chuckled. He didn't change his expression.
Humarap ako sa aking pinsan. "I'll give you a call later, Matteo." Sambit ko.
Tumalikod na ako at dumaan sa gitna ni Francis at ng kanyang sekretarya. Umalis na ako sa kwartong iyon at naglakad nang palayo na may ngiti sa aking labi.