Kabanata V

4976 Words
Failed "Tell me everything!" Matteo snapped as soon as he entered my apartment.  Galit na galit ito at hindi mapakaling palakad-lakad sa aking harapan. Nahihilo ako sa kanyang ginagawa kaya umalis ako sa aking pwesto. "Ano ba talaga ang plano mo?" Tanong ni Matteo. "I already told you," tamad kong sagot. Paulit-ulit pa. "Monica, alam mong hindi madali itong gagawin mo. Ipapahamak mo ang sarili mo!" Singhal nito. "Who cares? I have nothing to lose! Kailangan ko lang bawiin ang mga bagay na kinuha sa akin." Tumaas na rin ang aking boses. Umuwi akong buo na ang desisyon. At hinding hindi ko bibiguin ang pangako ko kay Papa na gagawin ko ang lahat para mabawi ang lahat ng kinuha sa akin. Kahit na anong paraan. Wala na akong pakialam sa kahihinatnan ko, ang mahalaga lang sa akin ay mabawi ko ang mga nawala sa akin. Maibalik sa dati ang Carluccio. "By being married to someone you didn't even know?" He asked. "I don't care. I don't care anymore." I said. "Marriage is not a joke, cousin." Matteo said. "I know. I am very much aware of that." Matagal ko nang pinag-isipan ang bagay na ito. Nang dahil sa mga benepisyong makukuha ko, madali ko ring mababawi ang Carluccio. Pumunta ako sa kusina at nagbukas ng cup board. Inabot ko ang isang bote ng wine at kumuha ng dalawang kopita. Nagsalin ako sa akin at kung paano itinuro sa akin ng aking ama ang tamang pag-inom ng wine, iyon ang ginawa ko. "Do you know what my father told me before he died?" Mapait kong tanong. Mahirap balikan ang masakit na alaala ngunit hindi iyon mawala sa aking isip. Humarap ako sa kanya. "He said that he only did these for my own sake. And some ruthless man put a bullet inside his head." Bawat salitang aking binibigkas ay matigas. Nakatitiyak na ramdam ang galit at hinagpis. "And that happened right in front of me," gigil ang aking mga ngipin. Gabi-gabi, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, palagi kong nakikita ang mga mata ni Papa bago siya patayin. Nangungusap, malungkot, nababahala, at natatakot. May gustong sabihin ang mga iyon ngunit hindi naisatinig dahil sa kakulangan ng panahon. At sa tuwing maiisip ko ang karumal-dumal na pagkamatay niya, nagliliyab ang apoy ng galit sa aking dibdib. "Please, Monica. Kung gusto mong bawiin ang Carluccio, gawin mo ito sa tamang paraan." Pangungusap nito. "Wala na akong pakialam kung tama man o mali ang ginagawa ko. Ang mahalaga lang sa akin ay mabawi ko ang lahat ng nawala sa akin. Ang mga bagay na kinuha ko sa akin. Ang mga bagay na bumuo sa aking pagkatao bilang bahagi ng Carluccio." Sumimsim akong muli sa wine na nasa aking kopita. "At kapag nangyari iyon, sisiguraduhin ko na lahat ng may pakana sa pagiging miserable ng buhay ko ay mananagot. Hinding-hindi sila pwedeng makawala pa." Natakot ako sa aking sariling binigkas.  "Monica-" "I will show them no mercy. Even if they beg under my feet." Titig na titig ang aking mga mata sa aking kopita. Matteo will never understand where I am coming from. He is not there when it happened. He didn't witnessed the guilt in my father's eyes while drowning in his own cold blood. He didn't saw how I loathed myself because of people who keep sacrificing themselves for my own safety. He will never understand why I am being like this because I don't want to fail again. If my life is in danger, then I will protect myself. I will not depend on someone anymore. It is two in the afternoon in Italy and I called my grandparents to see how they are doing. It is summer in there that's why they are sitting at the gazebo in the garden. Behind them are the green fields of Tuscany and the birds chirping in the background. "Ciao grandpa, ciao grandma!" Pagbati ko. "Ciao amore mia, como stai?" My grandpa said while grandma is smiling at me. "I'm good. I just arrived here yesterday." Sagot ko naman. They were happy to see me again. Noong namatay si Papa, hindi ko makakalimutan kung paano ako sinamahan nila grandpa at grandma sa paghihinagpis. Lahat kami ay nalungkot sa kanyang sinapit. Lahat kami ay nasaktan. Ako ang naghatid ng balitang iyon sa kanila nang makarating ako sa Italy sa araw ng pagtakas ko. They don't want revenge, but I am not like them. Sa katandaan ng dalawa ay kumuha ako ng dalawang private nurse para sa kanila. Sa tuwing wala ako sa bahay lalo na ngayon, kakailangan talaga nila ng mag-aalaga sa kanila. Tumagal pa ang aming pag-uusap dahil sa maraming kwento sa akin ni grandma. Hindi niya nauubusan ng sasabihin at kahit paulit-ulit ang kanyang sinasabi ay hindi ako nagrereklamo. Masaya siya kapag nagkukwento kaya hindi ko siya pinipigilan. Nang sumikat na ang araw sa kanilang pwesto ay inilipat ng mga nurse ang mga ito sa loob ng bahay. Naghintay ako habang nakaupo ang mga ito sa sofa. "Look cara! It is your father's favorite painting." Grandpa stopped to the painting of a lady lying on the hammock. The painting was made by Giovanni Boldini, a late famous Italian portrait painter. The painting was beautiful because the way Giovanni painted it was awesome. He turned the background into dark colors of the leaves while the lady and the hammock stays bright and illuminating. He made sure that the hammock was visible and the lady lying there was bright covered with light colors. The focus of the painting was the lady and the hammock. "Oh yes! This was your father's favorite." Grandma said. "He said that this was the scenario he first met your mother. Lying on the hammock." Grandpa pointed the lady at the middle representing my mother. "That's what he said!" Grandma laughed. They still remember the stories my father told them. Kaya pala may duyan na nakasabit sa dalawang puno na madadaanan papunta sa factory at vineyards. Nabuo tuloy ang tanong sa aking isip kung saan talaga unang nagkakilala ni Mama at Papa. Nang maupo sila sa sofa sa aming sala, pumirmi na rin ang laptop nila sa kanilang harapan. Natanaw ko ang la cenere ni Papa nang mahagip iyon sa camera dahil nasa likuran lang ito ni gramdma. Nakaramdam na naman ako ng lungkot nang muli kong maalala ang pagkamatay ni Papa. Dumating ang abo ni Papa na nakabalot sa kahon dala ng katulong namin noon. "What's with the sad face, cara?" Grandma asked. "Do you still misses your father?" Very much, Grandpa. Hinawi ng aking mga daliri ang bumagsak na luha sa aking pisngi. Hindi ko gustong makita pa nilang umiiyak ako. "It's okay, sweetie. We also misses your father." Pag-alo sa akin ni grandpa. I have always been alone since I was a babe. No mother, craving for father's attention, no siblings nor friends. I grew up in foreign soil without knowing anyone. I am always lonely. Sinadya kong gumising nang maaga dahil pupunta ako sa opisina. Isasagawa ko ang planong matagal ko nang pinag-isipan. HIndi na bago sa akin ang traffic kahit umaga. Sa dami ng populasyon dito sa Maynila, karamihan pa ay mga empleyado na araw-araw nagbabiyahe paputang trabaho. Ngunit iba pa rin sa pakiramdam lalo na at walong taon akong nawala rito. "Good morning, Mrs. Marchetti!" Napatigil ako sa paglalakad nang batiin ako ng babaeng receptionist ng building. Mrs. Marchetti? Natigil ang aking paghakbang papunta sa elevator ng building. Mabagal akong humarap sa kanya at inalis ang aking salamin. Ngayon ay malinaw ko nang nakikita ang aking paligid. Binigyan ko siya ng isang malawak at matamis na ngiti. "Good morning," pagbati ko pabalik. Calling me my Paris' surname feels weird. Ito ang unang pagkakataon na may tumawag sa akin sa ganoong pangalan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at diretso ang tingin.  "Marchetti? Hindi ba Carluccio ang apelyido niya?" "Bakit mo siya tinawag na Marchetti? "Sino si Marchetti?" "Mr. Paris Marchetti, ang italyanong nagpunta dito noong isang taon." "Asawa niya iyon," "Wow!" Ilan sa aking narinig bago matigil ako sa harap ng elevator. Tumunog ang elevator hugdyat na magbubukas na ang pintuan nito. Agad akong pumasok at pumindot ng tamang palapag. Tinatahak na ang daan papunta sa opisina ni Francis. Inagahan ko talaga para hindi siya maabutan para maisagawa ng malinis ang sadya ko sa kanyang opisina. Habang naglalakad ay tumutunog ang akong mga takong. Walang tao sa hallway at talagang tahimik lalo na at umaga ngayon. Napadaan ako sa pintuan ng opisina ng aking pinsang si Matteo ngunit natawaw ko itong nakaupo na sa kanyang opisina habang may sinusulat sa papel. "He's early," mangha ko. Nagkibit na lamang ako ng balikat at nagpatuloy sa paglalakad. Ngayon naman ay nasa tapat na ako ng lamesa ng kanyang sekretarya. Kakarating lamang nito dahil nakita kong kakalapag pa lamang ng bag nito sa kanyang likuran. Nang makita niya ako ay bigla itong tumayo. "Good morning, Mrs. Marchetti. How may I help you?" Sambit nito. "Is the President in?" Tanong ko. "Not yet, Ma'am. But he will be arriving within fifteen minutes." Sagot nito. Labing limang minuto. Sapat na oras para masagawa ko ang aking plano. "Great! I'll just wait inside, then." Sabi ko. Naglakad ako sa papunta sa pintuan ng opisina ni Francis at walang atubiling pinihit ang dorr knob para buksan ito. Narinig ko ang pigil ng kanyang sekretarya ngunit huli na iyon dahil nakapasok na ako. The room is organized and designed simply. Maliwanag sa aking mga mata dahil puti ang kulay ang karamihan sa kanyang mga muwebles. Bubog ang mga lamesa sa gitna ng mga sofa at isa para sa kanya.Malaki rin ito at mga bahagi para sa kanyang sariling pantry at restroom. May mini library rin sa aking kaliwan. Francis Miguel B. Rodriguez. Chairman. Well, that suits him. "Should I call Mr. Rodriguez to announce your arrival, Ma'am?" Tanong ng kanyang sekretarya mula sa aking likuran. Sumunod pala ito. Mukhang mahihirapan ako sa aking gagawin kung narito ang isang ito. Nakakatiyak akong pipigilan niya ako sa aking gagawin at magiging sagabal siya. Humarap ako sa kanya at tinitigan ito. "No, I'm fine. I can just wait here." Umupo pa ako sa single sofa. "Would you like to drink something while waiting?" Tanong nito. "Yes, actually." Perfect opportunity. "You can tell me, Ma'am." Ngumiti ito sa akin. "I would like a hot cappuccino," sambit ko. Agad naman itong gumalaw papunta sa pantry ni Francis ngunit agad ko siyang pinigilan. "I don't like pantry-made coffees. Can you go to Starbucks?" Hiling ko. "But that's seven meters away from this building, Ma'am." Sabat naman nito. Exactly. That's what I noticed. That's why I want you to go there. Hinalungkat ko sa aking bag ang aking wallet at nilabas ang aking credit card. Inaro ko ito sa kanya. Mukhang namomroblema siya sa gagastusin kaya naglabas din ako ng isang daang piso kasama ang itim na card ko. "Use this. You can also buy your own coffee, don't be shy. Take your time." I smiled. Nahihiya pa itong tininggap ang aking alok ngunit sa huli ay sumunod naman ito. Pagkasarado ng pintuan ng opisina ay agad kong binaba ang aking bag at hinubad ang aking coat. Nilakad ko ang distansya ng lamesa at hinalungkat ang kung ano mang hinahanap ko. It must be somewhere. I should locate that before the secretary or Francis arrived. Laking tuwa ko nang hindi naka-lock ang mga drawer sa kanyang lamesa kaya walang atubili ko silang hinalungkat. Mabilis ang t***k ng aking puso sa kaba at sa pagmamadali. Kailangan ko itong gawin ng mabilis at malinis. Walang bahid dapat ng bakas at nakaayos ang lahat. Nang buksan ko ang natitirang drawer na hindi ko pa nasisiyasat ay napaawang ang aking labi. Ang itim na folder ang bumungad sa akin. Ito na iyon. Ito na ang hinahanap ko. Kinuha ko iyon at bahagyang binuklat. Narito ang lahat ng mga impormasyon na aking kakailanganin. Narito rin ang lahat ng mga detalyeng dapat kong aralin para matutunan muli ang takbo ng kumpanya lalo na at siya na ang namamahala ngayon. "This is it," I whispered. Ang nilalaman ng folder na ito ay ang mga organizational plan ng kumpanya, financial status ng Carluccio, at ang mga future projects na hindi niya pa napipirmahan. Kailangan ko itong pag-aralan lahat. Malaking bag talaga ang aking dinala para isilid ang mahabang folder na ito. Wala na akong magagawa kundi ang tupiin ito dahil hindi pa rin sapat ang laki ng bag ko. Narinig ko ang boses ni Francis na may kausap sa kanyang telepono habang papalit dito. Agad akong nabuhayan ng tensyon kaya binalikan ko ang kanyang lamesa at ibinalik ang ayos ng lahat ng gamit dito. Nakita ko ang anino ng kanyang mga paa na nasa tapat na ng pintuan kaya bumalik ako sa sofa at sinuot ang aking coat. Naupo ako rito at himinga ng malalim. "Yes, I understand. Give them what they want and don't worry about a thing." Sabi nito. Hindi pa rin bumubukas ang pinto. "They've worked hard, Finn. It's just natural to have that request." Sino ba ang kinakausap nito at napipigilan ang pagpasok sa kanyang opisina? "Isang linggo silang walang pahinga. Hindi biro na magtrabaho sa ilalim ng sikat ng araw para mag-ani ng mga ubas. Pagbigyan mo kung ano ang hinihingi nila." Is he talking about the workers at the vineyards? And what request? "Kaunting salo-salo lang iyan. Sabihan mo lang si Manang at alam na niya ang gagawin niya." Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa nito. Tama ba ang naririnig ko? Pinagbibigyan niya ang kahilingan ng mga empleyado sa vineyards at mansyon. Inaalagaan niya ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya. "Oo, pupunta ako. Basta sundin mo ang kahilingan nila. Ayaw ko nang makakarinig ng reklamo mula sayo." Nakita kong pumihit na ang door knob kaya tumuwid ako sa pagkakaupo. Nang magpaalam na ito sa kanyang kausap ay tuluyan na niyang binuksan ang pinto. Napatigil siya sa pagpasok nang makita akong nakaupo sa sofa habang pinipeke ang aking ngiti. Napatingin siya sa akin at tumuwid ng tayo bago saraduhan ang pinto sa kanyang likod. "Good morning, Mr. Rodriguez." Pagbati ko. "What are you doing here?" Bungad na tanong naman nito. Walang emosyon ang kanyang sinasabi. "Well, I came here to commend you." Tumayo ako at isinukbit ang aking bag sa aking balikat. Naglakad ito papunta sa kanyang lamesa at umupo sa kanyang swivel chair. Kinakabahan ako habang hinahawakan niya ang mga bagay at mga papeles sa ibabaw ng kanyang lamesa. Nang tumingin siya sa akin ay tumuwid akong muli sa aking tayo. Kahit sobra na ang kabog ng aking dibdib dahil sa kaba ay pinilit kong huwag ipakita iyon. Tinatakpan ng aking mga ngiti ang naghuhuremantado kong puso na gusto nang kumawala sa aking dibdib. "Wala pa ba ang aking sekretarya?" Tanong niya. Nakikita ko ang matutulis na tingin nito habang sinusuri ako. "Oh she's already here. I just asked her to buy me a coffee since she offered me something drink while waiting for you." Ngumiti akong muli. Tumango lamang ito binuksan na ang kanyang laptop. Ganoon na lamang at hindi na ako muling pinansin. "Are you done commending me?" He suddenly asked without looking at me. Iyon nga pala ang aking palusot. Bigla ko na lang nakalimutan nang makita ko siya. "I'm here Mrs. Marchetti." His secretary barged in the room. Employees are pretty much oriented by my new name, huh? Dala nito ang aking hiniling na kape at isang plastic para sa kanyang kape. Nang makita niya ang si Francis na nakaupo na sa kanyang swivel chair ay agad niyang tinago sa kanyang likuran ang plastik. "Good morning, Sir." Pagbati niya rito. "Here is your coffee, Ma'am." Binigay naman nito sa akin ang kape kasama ang aking credit card. "Kepp the change," sabi ko nang ibibigay din sana nito ang sukli sa isang daan na binigay ko sa kanya kanina. "I'll go now. Congratulations again, Mr. Rodriguez. You did great." I said. Nang masarado ko ang pintuan ng kanyang opisina ay doon lamang ako bumuga ng aking hininga. I felt as ease as soon as I closed the door. Ngunit bumalik ang aking kaba nang makasalubong ko si Matteo habang papalapit ako sa elevator. Agad kong tinakpan ang aking bag gamit ang aking braso nang kukunin ko na sana ang folder mula rito. "Monica, what are you doing here?" He asked as soon as he get closer to me. Should I tell him the truth? "I just passed by. Have a little talk with Francis." I lied. Nabaling ang kanyang tingin sa aking bag. Nanliit ang kanyang mga mata habang inaabot ang kung ano sa aking bag. Agad ko iyong nilayo bago pa niya makapitan ang aking balikat. "What is that?" Pagtukoy nito sa nakalawit na papel sa aking bag.  Nang tingnan ko iyon ay nakalitaw pa ang logo ng Carluccio kaya napapikit ako. Pasimple ko iyong tinago habang pilit ang aking pagtawa. Nag-iisip kung ano ba ang magandang sabihin. "Nothing," sabi ko. "Here! Take my coffee, I don't like it anymore." Alok ko sa kanya ng kape. Nang tanggapin niya ang aking kape ay saktong pagbukas naman ng elevator kaya pumasok ako kaagad. Pinindot ang down button papuntang ground floor. "See yah!" Sabi ko bago magsara ang pintuan ng elevator. Ang kanyang mukha ay hindi maipinta. Nagtatanong at tila may gustong malaman. Naguguluhan siya sa aking kinikilos at sa napapadalas na pagpunta ko rito sa opisina. Hindi niya dapat malaman kung ano ang binabalak ko. Dahil paniguradong magiging sagabal din siya sa akin. I was relieved when I get home in time. No one's following me and Francis didn't notice anything. I was relieved that he didn't even doubted my actions earlier. "It is hard to do this alone, father." I frustratingly brushed my hair. Sa aking harap ay ang mga nagkalat na papel na nakapatong sa aking lamesa. Ilang oras ko na itong inaaral at hindi pa ako natatapos sa kadamihan nito. Umabot ang gabi at nakaligtaan ko rin na magtanghalian. "Is this how I supposed to do this?" Tanong ko habang binabaliktad ang papel. And the most tricky part in this freaking papers are most of them are coded. I can't understand a thing because as I tried to read it, I only have headaches. But I recognised this characters, and I bet that these was morse codes. I will try to contact one of my friend who knows it and ask for help. I knew morse codes before back when I was high school because of my vocational major. But I don't usually paid attention learning it because I find it boring. And it's just gave me nightmares. My phone rang because of my cousin's call. I thought twice before answering it but in the end, I reached for it and slide the answer button. "What?" Bungad ko. Hindi na nga ako magkaintindihan sa ginagawa ko ay mang-aabala pa ang isang ito. "Where are you?" Tanong nito. Naririnig ko ang echo ng kanyang boses mula sa kabilang linya. "Nasa unit ako. Bakit ba?" Inis kong sagot. Nakarinig ako ng katok mula sa aking pintuan. Pinatay ko ang tawag ni Matteo nang hindi nagpapaalam dito. Wala naman akong inaasahang bisita sa mga oras na ito. Ang mga taga-linis naman ay lingguhan kung pumunta sa bawat unit at hindi sa ganitong oras. Lumapit ako sa pinto ngunit hindi ko iyon binuksan. "Who is it?" Sigaw ko mula rito sa loob. "It's Francis," the calm voice behind the door said. Francis? What is he doing here? "Anong ginagawa mo dito?" Kinapitan ko ang hawakan ng pinto ngunit hindi pa rin ito binubuksan. "Open the door," he commanded. Am I hearing it right? Did he just command me to open my door? Did he just mandate me? Shit! "Why would I open my door for you?" Sigaw ko. Bumalik akos sa aking lamesa para ayusin at itago ng maayos ang mga papel kasama ng folder na kinuha ko mula sa kanyang opisina. Hindi ko alam ang dahilan ng pagpunta niya dito at talagang sa ganitong oras pa. "Use my key," narinig ko ang boses ni Matteo mula sa labas. He's also here? That's why he asked where am I? Che due palle! "Ano bang ginagawa ng mga ito sa bahay ko?" Bulong ko. Nangangatal na ang aking mga mata sa pagmamadali sa aking ginagawa. Pumunta ako sa aking kwarto para itago ang mga iyon sa aking walk-in cabinet. Sinigurado ko na hindi iyon makikita ng kahit sino. Nang bumalik ako sa aking sala ay saktong pagbukas ng aking pintuan. "Monica?" Tawag sa akin ni Matteo nang makapasok ito. "Anong ginagawa niyo dito?" Nilapitan ko ang mga ito at nasa pintuan ko pa rin si Francis. Nagulantang ako nang makitang may mga nakaunipormeng pulis sa kanyang likuran. Sa aking bilang ay anim ang mga ito. "Bakit may kasama kayong mga pulis?" Kinakabahan kong tanong. Tiningnan ko si Francis ngunit wala itong emosyon. Tanging blankong titig ang ginagawad niya sa akin. "Search every corner," utos niya. Agad sumunod ang mga pulis dito at walang atubiling pumasok sa aking unit. Wala akong nagawa kundi ang tingnan lamang ang kanilang ginagawa habang halos binabaligtad ang mga gamit sa aking buong sala at kusina. What the hell? "What's all these?" I turned to my cousin. "Stop them right now!" I ordered. Ngunit ang pinsan kong si Matteo ay nakatitig lamang sa akin habang nangangamba sa mga nangyayari ngayon sa loob ng aking unit. It seems like storm in here. "This is tress-passing, police officers!" Sigaw ko sa mga pulis ngunit hindi sila tumigil sa kanilang ginagawa. Imbis ay lumapit sa akin si Francis para ipakita ang papel na sa kanyang mga kamay. "They are legalized to do this. They have search warrant." He said. Inis kong hinablot ang papel sa kanyang mga kamay at binasa. Nakalagay dito sa susuriin nila ang bawat sulok ng aking unit maging ang aking kwarto. Teka lang! That's too personal! They are invading someone's privacy. This is way too much! "Stop this! This is not funny!" Ang gasumot na papel ay binato ko kay Francis at tumama ito sa kanyang dibdib. "Monica, please cooperate." Ani naman ng aking pinsan. Cooperate? For what? "I am not informed about this! You just ambushed me right now! And I will sue all of you!" Sigaw ko. Tiningnan ko ang aking pinsan at si Francis sa sabay na pagkakataon. Magkatabi sila ngayon kaya madali sa akin dahil nasa harapan ko lamang ang mga ito. Hindi nagbago ang kanilang mga ekspresyon. "You don't believe me? You don't believe that I can? I am a Marchetti! Did you forgot?" I said in annoyed expression. My house looks like a mess right now. It seems like a storm have passed in this room that all my stuff are all turmoil. I saw a police officer just entered my bedroom. By instincts, I walked halfway through but suddenly stopped because of Matteo blocking my way. "Move," I said. He didn't disturb to obey me. "I said move!" I hissed. "Ito na po ba ang hinahanap niyo, Mr. Rodriguez?" The police that went to my room appeared beside me to asked Francis. Awtomatiko akong napatingin sa tinutukoy ng pulis. Ang mga papel na aking sinusulatan at ang itim na folder na naglalaman ng mahahalagang dokumento na kinuha ko pa sa opisina ni Francis ay nasa kamay na nito ngayon. "I think so," he said. Bumuhos sa akin ang kaba nang buklatin nito isa-isa ang aking mga sinulat. Ang itim na folder ay kanyang binulat din na parang tinitingnan kung may kulang ba rito. How did he find about this? "That is my personal stuff, Francis. Give it back." Pinilit kong higitin sa kanya ang mga ito ngunit nahuli ako. Nilayo niya itong agad sa akin bago ko pa iyon maabot. "Stop the search. We're done here." Narinig kong utos ni Matteo sa mga pulis. I looked up to Francis right now. He's not mad. I can't see any signs of anger in him. He's not disappointed either. I don't see any dashing emotions right now. But the only thing I noticed is that he is smirking. My plan didn't go well. I am not even starting and I failed. And to this man, I became a laughing stock in front of him because of my desperation. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Natigil ang aking mundo sa mga nangyari ngayon. Ang tanong sa aking isip ay hindi masagot. Ang loob ng aking bahay ay magulo. May mga pulis na nakapalibot sa akin. Si Matteo ay nasa aking tabi. At si Francis na paniguradong pinagtatawanan na ako sa kanyang utak ngayon. Father, what have I done? "Sa prisinto ka magpaliwanag," sabi nito at naunnang umalis kasama ang aking pinsan. May kumapit naman na dalawang pulis sa magkabila kong braso at padarag akong hinihinila palabas ng aking bahay habang pinipigilan ko ang aking mga paang humakbang. Biglaan ang kanilang mga kilos na hindi ako makapag-isip ng maayos sa maaaring kong gawin para lusutan ang bagay na ito. "Let me go! I swear that I will sue each and every one of you if you lay a single finger onto me!" Pagbabanta ko. "Madam, sa prisinto na po tayo mag-usap. Sumama na po kayo ng maayos para madali tayong matapos." Sabi ng isang pulis sa aking harapan ngayon. Wait. Madam? Did he just called me a madam? "What did you just called me?" Everyone stopped. "Madam... hindi po tayo mahihirapan kung sasama kayo ng maayos sa amin." At talagang inulit mo pa? "You called me a madam? What do you think of me? A forty year old woman?!" I yelled. Ngunit ang aking pagsigaw ay walang naging epekto dahil napahakbang ng mga ito ang aking mga paa palabas ng bahay ko. Ngayon na nasa pasilyo na ako ng palapag, ang mga tao sa kalapit na kwarto ay nagsilabasan para makita kung ano ang nangyayari. "Bitawan niyo ako! Matteo!" Piglas ko. "Matteo! Sabihan mo ang mga pulis na ito na bitawan ako!" Sigaw ko ngunit walang Matteo na tumugon dito. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaratong sa kulong na kwarto. Walang mga bintana at tanging lamesa at dalawang upuang magkaharap ang narito sa loob. Ang ilaw na nasa gitna na nagsisilbing liwanag sa maliit at masikip na kwartong ito. Ang aking mga kamay ay nakaposas at ramdam ko ang lamig sa buong silid. Sinabi nila sa akin na nasa presinto ako ngayon at may Inspector na dadating para magtanong sa akin. "Mrs. Monica Marchetti." Pumasok ang isang lalaking nakakurbata habang may dala itong clip board. "I am Mr. Brian Aristosa. I will be going to ask you some questions regarding your case." Pagpapakilala nito.  "Get me outta here!" I cried. "This will require your cooperation. We will be done shortly if you cooperate." He said coldly. Tumahimik na lamang ako habang nagpipigil sa aking galit at sumigaw na naman. Hindi ako makapaniwalang narito ako ngayon. "You stole a private document from a company and you hid it in your house. Am I right, Mrs. Marchetti?" He asked. "I didn't do anything!" Pagtanggi ko. "You went to the office this morning to stole it," sabi ng inspektor. "You don't have a proof, mister! You are accusing an innocent here!" Gusto ko na lang lumabas dito. "We have all the evidences you want. If I show it to you, will you confess your crime?" Tanong nito. "I didn't stole anything," pagmamatigas ko. "And before you question me, I will need to have a lawyer first." Can I just offer him a money? How much will do? Tumunog ang telepono nito at agad naman nitong sinagot. Tumatango lamang ito sa kausap habang nakatingin sa salamin. Pagkatapos ng tawag ay tumayo ito dala ang clipboard at walang sabing lumabas ng kwarto. "Arsehole," I swore quietly. Tiningnan ko ang malamig na bakal na nakabalot sa aking mga palapulsuhan at iniisip kung paano ito alisin mula sa pagkakaposas nito. Makalabas lang talaga ako rito ay pagsisisihan ng mga taong iyon ang ginawa nila sa akin. They dared to touch me? Maya-maya lang ay pumasok si Francis at sinarado nito ang pinto bago umupo sa upuan sa harap ko. Tiningnan ko siya ng masama habang naglalaban ang aking mga luhang pumatak mula sa aking mga mata. This was all his fault. And I failed because of him. "What are you trying to do?" He asked. Ano pa ba? Ginagawa ko ang lahat para makuha ko ang lahat ng inagaw mo. "Stealing? Really? Iyan ba ang natutunan mo sa Italy?" He chuckled as if it was funny. "Don't talk to me like that. You know nothing." Napapaos ang aking boses. You don't know what happened. "Kailan mo ba tatanggapin na wala na sayo ang Carluccio's?" Tanong nito. Maaaring wala na nga sa akin ang kumpanya, ngunit gagawin ko ang lahat para lang mabawi ito at maibalik sa dati ang lahat. Hinding-hindi ko tatanggapin ang katotohanang sinambit nito dahil hindi magtatagal ay mawawala rin ito sa mga kamay niya. Sa huli ay ako pa rin ang mananalo dahil ako ang karapat-dapat. "You've turned yourself like a mess just because of us dethroning you in the Carluccio's. Do you know how childish you've become because of your greed and desperation?" Sumandal ito sa kanyang upuan habang masinsinan akong tiningnan. "Wala kang karapatang pagsabihan ako sa buhay ko ngayon!" Ang mga luhang kanina pang nagbabadya ay tuluyan nang pumapatak at dumadaloy sa aking pisngi. "Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaan ko, kung anong sinapit ko para portektahan ang mga bagay na kinuha mo. Wala kang karapatan na kwestiyunin ang buhay ko dahil wala ka... noong nakalubog ako." Malayang lumalandas ang mga luha sa aking pisngi. Kung noon ay nakalubog ako dahil sa mga napagdaanan ko, hanggang nagyon ay ganoon pa rin. Kaya kay hirap para sa akin na tanggapin ang lahat kung saan nagsimula ang mga kalbaryo sa buhay ko. "Wala akong kinukuha sayo, Monica. Binigay ito ng tatay mo at tinanggap ko lang." Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa sinasabi mo? "Sinungaling!" Bumugso ang aking hikbi dahil hindi ko na makayanan pang pigilan ang sakit. Kahit napakatagal nang panahon ang nakakalipas, hindi pa rin nawawala iyon sa aking alaala. Parang bago iyon dahil paulit-ulit na nangyayari sa akin na tila isang plaka na tumatakbo. Every time I closed my eyes, I can see everything that happened. And every time I opened my eyes, it always feels new, like it just happened yesterday. That I always waked up with tears on my cheeks. "Put me in jail. That's better than living hell everyday." I said. Sumusuko na ba ako? Ganoon na lang? "I will not put you in jail," Francis said. Napatunghay ako sa kanya sa aking narinig. "Why? Inaamin ko na ang ginawa ko. You caught me. I am sentenced to be in jail." Napagod na akong makipagtalo pa. "I will not put you in jail, but instead, I will offer you something." He leaned forward to lessen the distance between us. Tamad akong tumingin sa kanya. Tumigil na ang aking mga luha ngayon ngunit ang lungkot na aking nararamdam ay hindi pa rin nawawala. Katulad lamang ng mga sumapit na araw. "Work with me. Be my personal assistant." He offered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD