Kabanata VI

4103 Words
Struggles "Anong sinabi mo?" Gulat na tanong ko. Malungkot lang ako ngunit nakakasigurado akong tumatakbo pa ng maayos ang utak ko. Bakit niya ako bibigyan ng ganoong kondisyon? "You heard me, Monica. That's your only escape in this situation." Sambit ni Francis na nasa aking harapan. Hindi ko alam kung nakikita niya bang namumula ako dahil sa galit. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking buong mukha at parang gusto nang sumabog sa inis. "How can that be my only option? I am Monica Carluccio Marchetti, you can't have me as your secretary." Habang sinasabi ko ang mga salitang ito ay nagngingitngit ang aking mga ngipin. "Inside the cell, you are not. You are just an ordinary prisoner with a theft offense." He leaned forward at the table between us. "How dare you to accuse me of that? I did not steal anything." Pagmamatigas ko. Gustong-gusto ko nang makaalis sa lugar na ito dahil malapit na akong sumabog. May lakas sila ng loob na dalhin ako dito at ang pinsan kong si Mateo ay walang ginagawa para tulungan ako. Kumukulo ang aking dugo at tumataas iyon sa akin ulo dahil sa galit. "What is this, then? It's a file kept in my office that was found in your closet. Tell me that you didn't stole it." Binagsak ni Francis ang itim na folder sa aking harapan. Kahit na anong mangyari ay hindi ako aamin. Wala akong masamang ginawa. At wala silang karapatang akusahan ako. "I don't know!" Pagmamatigas ko. Hindi ako pinakinggan ng mga taong kumausap sa akin sa loob ng kwartong ito. The room is freezing cold and I only my thin cloth sleepwear. I am shivering but no one notice. "Hey! Am I not going home?! It's f*****g cold in here! Che due palle!" Sigaw ko. Iniwan nila akong mag-isa sa kwartong ito. They told me that this room was covered by surveillance cameras and I don't care. I can curse whatever I want. I can shout as loud as I can like a crazy woman. I can talk s**t about them. I did nothing wrong. "Stop yelling. You're just tiring yourself." I heard Francis' voice over the megaphone. He's watching me. I feel so cold yet they didn't even provide some warmers? "Then at least give me some blanket so that I can calm down!" Umiikot ng kusa ang aking mga mata sa inis. Hindi ko magalaw ng maayos ang aking mga kamay dahil sa posas na aking suot. Ang aking roba ay lumandas na mula sa aking balikat at hindi ko iyon maayos dahil sa posas ko. Nakalabas ang balat sa aking balikat kaya ramdam ko ang lamig. Ang aking mga paa ay malamig na rin at bahagya ko nang hindi maramdaman. Muling pumasok si Francis na may dala ngang kumot. Nagiwas ito ng tingin at nakita kong umigting ang kanyang panga habang sinasarado ang pintuan. "Do you want to go home?" He asked. "Of course! Who would want to stay here?" Pilosopo kong sagot. "Then take my condition," he suddenly faced me. Blank faced. "No," over my dead body. "Then they will put in cell. You will stay there until you change your mind. You will not go home." Pananakot ni Francis. Hindi ako nagpatinag. Hindi ko pinakita ang aking pagkadismaya. Tinapangan ko ang aking ekspresyon habang nakatingin ng diretso sa kanya. I want him to know that I am not happy in this situation. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim hudyat ng kanyang pagsuko. Hinubad nito ang coat na suot at lumapit sa aking tabi. Lihim akong napasinghap nang ipatong niya sa hubad kong balikat ang kanyang coat. Lumuhod ito sa aking tabi at inilatag sa aking mga hita ang kumot na dala nito. Hinila nito ang upuang nasa aking harapan at tinabi iyon sa aking gilid, ngunit nakaharap pa rin sa akin. "Are you really going to be this stubborn?" Gritting his teeth. "Before you put me in jail, I need to see my lawyer. I need to have a lawyer to prove my innocence." I said. "Who? Your cousin? He turns you over, that's how I knew." That sly fox! "I need a lawyer," I strongly repeated. I don't care if he turns me over. I need someone to prove that I am innocent. Masama ko siyang tiningnan. Tinigasan ko ang aking mukha at pinigilan ang nagbabadyang mga luha. If father was here, he wouldn't let any of this to happen. My father died mercilessly. And I am living miserably. What a dark fate, right? "Hoy baguhan! Doon ka mahiga sa dulo!" I was about to lay down in the most comfortable bed I saw inside this dirty cell but someone interrupt me. How can they stay in this kind of place? So filthy. So tight. And people are looking so scary! "Can't you just go there? Nauna na ako rito! Can't you see?" Sabi ko. You can't scare me with your tattoos old lady! "Aba! At sumasagot ka pa? Huwag kang mag-English dito kung ayaw mong mabangasan iyang mukha mo!" Hinila niya ako mula sa aking pagkakaupo at itinapon sa tinuturo nitong dulo. "What the f**k?!" Daing ko. Come osi? "Maawa ka naman boss sa kutis ng bago. Ang kinis oh! Alagang-alaga." Lumapit sa akin ang isa sa kanila na akala ko ay tutulungan ako ngunit sa halip ay pinalandas nito ang kanyang maruming kamay sa aking balikat hanggang braso. "Ew! Get off!" Pinagpagan ko ang aking braso na parang nalapatan ng maruming putik. At ang sunod na nangyari ang hindi ko inaasahan. Someone threw a punch right in my face that feels so hurts. They have cornered me while some of them are holding both of my arms. My ears are ringing and I can't hear what they are saying. "Fottiti!" Pumupiglas ako ngunit hindi ko nakakayanan ang kanilang lakas. Muli akong nakatanggap ng suntok ngunit sa pagkakataong ito sa aking tiyan naman. Muntik na akong masuka na parang nagbuhol-buhol ang mga organ sa aking tiyan. Wala akong naging laban. Nanghihina ako. "Bawal ang maarte dito kung gusto mo pang mabuhay. Naiintindihan mo?" Hinila nito ang aking buhok na bagong treatment lamang noong isang araw. Dammit! I've spend a fortune for my hair! "Get off!" Sigaw ko. Naririnig ko na sila ngayon. Lahat sila ay maingay at tila natutuwa sa ginagawa nila sa akin. Pito ng mga pulis ang sunod kong narinig. Bigla nila akong binitawan na naging hudyat ng pagbagsak ko sa sahig at lumayo sa akin na parang walang nangyari. Sumulip ang mga pulis na sumita sa aming selda at nadatnan akong parang kawawang aso. "Gabi na ang iingay niyo pa!" Puna ng pulis. Come on! Help me here! Get me outta here! Dumaan ang buong gabing hindi ako natulog o kumain. At saktong dumalaw sa akin ang aking pinsang si Mateo. Tama lang na makita niya kung anon ang naging bunga ng ginawa niya sa akin. This is his fault, by the way. "Who the f**k did this to you?!" He exclaimed. There my precious cousin. Go and yell. Tame your guilt. Pagkaharap ko sa salamin kaning umaga ay halos mamaga ang aking kaliwang pisngi na may malaking pasa mula sa suntok na binigay ng aking kasama sa selda. Ang aking mga braso ay halos maging lantay gulay. Masakit din ang aking tiyan at wala akong ganang kumain. "You did this," I said. Poke faced. "This wouldn't happened if it's not because of you." "How can this be my fault? You are the one who commit a crime!" He debated. "Bakit nanakawan ko ang sarili kong kumpanya?" What made him think of that? "Hindi na sayo ang Carluccio! Kailan mo ba isasaksak diyan sa kukote mo?! Tanggapin mo na, Monica. Dahil ayokong pinapahamak mo ang sarili mo!" Diretso ko siyang tiningnan. Rinig ko ang ano ang sinabi niya. Somehow, I have realized it. He's right. But that doesn't mean that I will give up. I promised my father to be better. And I will do whatever it takes to fulfill that promise! "You have no right to tell me that," bawat salita ay may diin. "Monica-" "Madaling sabihin sayo dahil hindi mo naranasan ang mga pinagdaanan ko. You are so busy paving your f*****g law career that can't even be of use towards me! You supposed to help me para ibalik ang lahat ng nawala sa akin because you are my cousin. Maswerte ka kasi nakakatapak ka pa ng mapayapa sa kumpanya being their lawyer, pero ako? They even want to ban me." I finally let it out. Bakit ba pakiramdam ko ay nagiging bawal ako sa mga bagay na dapat ay pag-aari ko? Nawawalan ako ng karapatan simula nang mamatay ang Papa ko. Ang mga tao ay nawawala na ang nakasanayan kong trato at respetong binibigay nila sa akin. kaya't sa mga oras na ito, hinahanap-hanap ko ito. Maging ang sarili kong kadugo ay walang magawa upang tulungan ako. I hate to compare my life to others. Because I know to myself that I used to be comfortable, and I still can't adjust to my new miserable life now. I hate to see others happy while I struggle. Am I a bad person for thinking that way? "Anak-mayaman daw ang bagong ito. Nakulong lang kasi nagnakaw." "Napariwara ang buhay kaya naisipang magnakaw. Hay nako, wala na talagang pinipili ang pagkakataon." "Iyan ang patunay na hindi lahat ng pagkakataon, nasa ibabaw ka." "Siguro masama nga ang ugali nito at tinakwil ng pamilya. Kaya nagnanakaw na kasi hindi marunong magtrabaho." Sawang-sawa na ako sa mga naririnig ko. Sa tuwing makikita ako ng mga taong nakatingin sa akin, hindi ko man marinig ang mga sinasabi nila ngunit nababasa ko sa kanilang mga bibig ang aking pangalan. "Please stop," I begged. Wala akong sinasamahan kahit sino sa mga ito. Kahit na may nagtatangkang lumapit, hindi ko sila pinapansin. I don't want to be attached with them because I am not going to stay here any longer. While my cousin arranged my release, I will go to Francis directly to throw a punch right in front of his face. I really hate that man! Sumapit na naman ang isa pang araw at hindi pa rin ako nakakawala sa seldang ito. Narito kami sa cafeteria at kumakain. Kagaya kahapon, mag-isa lang din akong kumakain sa mahabang lamesang ito. Tahimik at payapa. Ngunit madaling naglaho iyon nang may tatlong babaeng lumapit sa akin. "Anong kaso mo?"  Tanong ng babaeng tumabi sa akin. Hindi ko sila kasama sa selda. At ngayon ko lang sila nakita. "Kung wala kayong magandang sasabihin, magsilayas kayo." Gusto kong kumain ng payapa. "Ang sungit naman," tumawa ang mga ito. "Huwag kang mag-alala, hindi kami katulad nila na sasaktan ka." Why would I believe you? "Ako si Nelly," inaro nito sa aking harap ang kanyang kamay. "Ako naman si Gladys," sabi naman ng isa. Sa mahigit isang linggo ko nang narito, sila lamang ang naglakas loob na kausapin ako ng ganito kahinahon. Lahat ng lumalabas sa kanilang bibig ay pawang totoo at gusto talaga nila akong makilala. Hindi ko alam kung matatawag ko itong pakikipag-kaibigan, pero I was moved. "I'm full," I declared. Tumayo ako at walang paalam na umalis sa lamesa bitbit ang tray ng aking pagkain. Hindi ko nga alam kung pagkain nga ba itong kinakain ko. It was blunt. Binigay ko iyon sa kitchen staff at umalis na. I want to be alone. I just can't believe that this is my life now. Inside this prison cell. Who would have believe? Monica Carluccio, granddaughter of Mariano Carluccio, who established the best wine producer all over the world. Her life became miserable when her father died mercilessly right in front of her eyes. Such a young person to experience abandonment and danger. I am just glad that I still have the last photo of my father. Nadala ko pa rin ito kahit dito sa kulungan. At sa tuwing titingnan ko ang litratong ito, hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Ano bang ginagawa ko para tuparin ang aking ipinangako? Father would have been very disappointed of me right now. "Mi dispiace, Papa." I wiped my falling tears for the last time. "I just want to put things into its rightful place," Sa mga sumunod na araw, sa bawat pagdalaw ni Mateo ay hindi ko siya sinisipot. Palagi kong sasabihin na masama ang aking pakiramdam at umaalis naman ito agad. Ngunit ngayon ay hindi na pagsisinungaling ang pag-iwas ko sa kanya. Pakiramdam ko ay nilalamig at pinagpapawisan ngunit hindi ito tumutulo. Nahihirapan ako sa pag-ubo at parang namamaos ako sa tuwing magsasalita. I have never been this sick before. I feel like I was dying, seriously. Nakahiga lamang ako sa sulok habang namamaluktot. Gusto kong imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa dahil sa bigat ng aking pakiramdam. Alam kong mainit ang aking balat ngunit lamig ang aking nararamdaman. Normal pa ba ito? Ako lang ba ang nakakaranas nito? "Hoy, baguhan. Okay ka lang?" Napansin nila ang aking panginginig. Tirik na ang araw at mainit na sa labas kaya nagtataka sila kung bakit ako balot pa ng kumot. Hindi ko sila masagot. I am conscious but I am confused. I am not myself. "Inaapoy ka na ng lagnat!" Hinawakan at pinakiramdaman niya ang aking noo. Hindi ko siya kilala dahil hindi ko siya makita. "Layuan mo nga iyan. Baka manghawa pa iyan. Tara na!" Puna naman ng isa. Ang sakit-sakit na ng katawan ko dahil sa lamig na aking nararamdaman. Hindi sapat ang manipis na kumot na ito uapang punan ang lamig. Tanging makapal na karton lang din ang sapin ko sa paghiga kaya nararamdaman ko rin ang lamig ng sahig. Pakiramdam ko ay bibigay ako ano mang oras kaya hindi ko na piniling magsalita. "Tumawag kayo ng pulis! Ang taas na ng lagnat ng isang ito-" Parang nawawala ang mga boses ng mga taong nasa paligid ko. Lumulutang na ang diwa ko hanggang sa dilim na lamang ang bumabalot sa aking kapaligiran. My body feels heavy and I can't move properly. My arm felt numb as soon as I wake up. I didn't know where I am but all I see was white. White room, cold ambiance, white sheets and my sleeping cousin beside me. "Mateo..." I can't even speak loudly. Pilit kong inaalis ang aking braso sa nakapatong nitong ulo dito ngunit hindi ko magawa. Masyado pa akong mahina. Mabuti na lamang at dumating ang nurse. Nang makita niya akong gising na ay agad itong tumakbo palabas upang tumawag ng doktor. At nasa ospital pala ako ngayon. "Monica?" He whispered. Mabuti naman at nagising na. Nangalay ang aking braso dahil sa bigat ng kanyang ulo. "Get out of here," iniwas ko ang aking mukha sa kanya. Ayaw ko siyang makita. Ayaw ko siyang makausap. At ayaw ko siyang maramdaman. "I'm sorry, Monica. I shouldn't have done it. Pero ayoko lang na mapahamak ka." I heard sincerity in his tone but I didn't flinch. "Get out. I don't want to see you. I don't want to talk to you. Just get lost." Pagmamatigas ko. Ayoko nang dagdagan ang sakit ng ulo. Hindi ako magsisinungaling nang sabihin kong mahimbing ang aking naitulog ngayong gabi. Malamig ang buong kwarto, malambot ang kama at mga unan, mabango ang paligid at tahimik. I just miss home. Sinabi ng doktor na food poisoning ang dahilan ng pagtaas ng aking temperatura at p*******t ng tiyan. Kaya ako nakaramdam ng panlalamig ay dahil sa aking lagnat. Okay na ang aking kalagayan na hindi na katulad noong dinala nila ako dito. Kaunting oras na pahinga na lang din at payo niyang maglakad-lakad din ako. Umaga, pagkagising ko ay naisipan kong lumabas ng kawarto. "Ate, bakit may pulis sa likod mo?" Inosenteng tanong ng batang nakasalubong ko sa hallway. Kahit sa paglalakad ko ay may bantay ako. Ganoon na ba kalaki ang ginawa kong kasalanan para sundan pa ako dito? Makakagawa pa ba ako ng krimen kung hindi nga ako makalakad ng maayos at may swerong nakakabit sa aking kamay. "Bantay lang," Tama ba ang sinabi ko? Huwag na sana siyang magtanong pa. Nang makakuha na siya ng sagot ay umalis na ito. Umalis na parang walang nangyari. Katulad ko lang din siya na may dalang swero habang mabagal na naglalakad. "Kuya, pwede ba na huwag mo na akong bantayan? Hindi naman ako makakatakas sa ganitong kalagayan." Sabi ko.  "Pasensya na, Ma'am Monica. Sumusunod lang po ako sa utos."  Utos? They have come this far. Ugh! Hinayaan ko na lamang siya na sumunod kung saan man ako magpunta. Mabuti na lamang at may hardin ang ospital na ito kaya makakalanghap ako ng sariwang hangin. I kinda missed my grandmother who's always in her garden back in Tuscany.  I miss the fresh air. I miss the green grass. I literally miss Tuscany. There, I can find peace. No police, no hospital staffs and most importantly, no annoying Francis! There, I lived like a princess. "You shouldn't be wandering around," Francis is here. Dahil dahan-dahan ang aking pagkilos kaya mabagal akong humarap patungo sa kanyang direksyon. Bigla na lamang nagbago ang aking mood nang makita ko lamang ang nakakainis niyang pagmumukha. "This is doctor's prescription, Mr. Rodriguez." Ang pulis na nakasunod sa akin ang sumagot. Hindi niya ito pinansin, bagkus ay ako lamang ang kanyang tinitinngnan. "You were walking for fifteen minutes. That's enough." He said. "You are not my doctor so step aside," hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas upang tabigin ang malaki niyang katawan. Tinabig ko ang kanyang tiyan. Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil gusto kong marating ang maliit na kiosk na nasa gitna ng hardin. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi ko gustong nakikita ang kanyang presensya. The beautiful sun is facing my direction as I sat myself on the bench. I couldn't care less because I just dumped my bum to the red colored wooden bench at the middle. "Dahan lang po, Ms. Monica." Paalala ng pulis sa aking likuran. Why am I surrounded by annoying people? "Don't you love the sun, Mr. De Castro?" Tanong ko sa pulis na nakabantay sa akin. "I prefer the moon, Ms. Carluccio. But the sun is stunning." He answered. "That's your choice. I won't judge that." I sighed. "May I know the reason why you like the moon instead?" "I get to look at it without paining my eyes. And it feels so quiet, I find peace." He said. He's right. Ilang minuto na rin siyang nakatayo sa aking likuran. Alam ko namang nakakapagod din iyon kaya inalok ko siyang maupo sa aking tabi. Nagulat naman ako nang hindi ito tumanngi ngunit mnalayong distansya ang mayroon sa aming pagitan. "Can't you find peace under the sun?" He looked at me curiously. "Once the sun rises, the hens are crowing, cars are honking, people are in a hurry. They're loud and hype." "So you don't want that?" "I like the sound of nature and I am ware that those are still part of it. I just want my surroundings to be quiet and at peace." Kung ganoon, bakit siya nagpulis? "If you want a quiet surroundings, why are you in this profession? Criminology will always be noiseless." Tanong ko. "I want a quiet surroundings that's why I chose this profession," "Why?" I just didn't understand. "Criminals, violators and illegal organizations; those are the major factors on why the world is cruel and loud. My job is to make the world better and safe for the likes of them." He turned to other patients here in the garden. "Safe and worry less surroundings," May mga tao pa nga talagang totoo at may panata sa kanilang pagkatao. May mga taong kaya pa ring unahin ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa sarili. Pili na lamang ang mga katulad nila at napakalungkot isipin na hindi lahat ng tao ay magiging katulad niya. Alam kong iba't-iba ang bawat personalidad at dignidad na mayroon sa isang tao. Ngunit bakit hindi iyon makita sa iba? "You are a true police office, Sir." Hindi ko napigilan ang aking sarili na sabihin ang mga salitang iyon. Hinahangaan ko siya. Nakita kong sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi nang umiwas ito ng tingin sa akin at tinuon ang mga mata sa harapan. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko," sabat nito. "Oh come on! We all like being praised." We both laughed. Humaba pa ang aming usapan na napunta na sa mga walang katuturang bagay. Kung ano-ano na ang aming napag-uusapan at hindi na namamalayan ang oras. Saka ko lamang naisipang pumasok nang sumasakit na sa balat ang init ng araw. Dahan-dahan pa rin ang aking paglalakad dahil hindi ko magawang biglain ang aking paghakbang. Nalaman ko na wala pa palang asawa ang pulis na kanina ko pa kasama. Matanda lamang ito sa aking ng dalawang taon. "Kahit girlfriend wala ba?" Makulit kong tanong habang pabalik kami sa aking kwarto. "Uunahin ko muna ang trabaho. Hindi ko sila pwedeng pagsabayin." "It's just a matter of time management and setting priorities. You just have to love the right person. If she really love you, she will understand the field of your work. She will patiently wait for you. She will truly care for you. And she will be proud because you did something good." I flinched at the slightest pain I felt when I accidentally moved my wrist in which the needle of dextrose occurs. "Have you been in love?" He suddenly asked. "Me?" Am I? I don't know. "I don't want love for now," I looked at my feet while walking. "I still mourn for my father." "I see," he said. Pinagbuksan niya ako ng pintuan para makapasok ako sa aking kwarto. Imbis na magulat ako sa presensya ni Francis sa loob ng aking kwarto ay nagalit pa ako. Tinaboy ko na siya kanina pa ngunit narito pa rin. Hindi pa ba siya masaya na nahihirapan na ako? Kailangan makita pa niya talaga? "I told you to leave, right? What the hell are you still doing here?" I have always been raising my voice whenever I see him. "I just want to check on you. I was just checking if you're doing fine." Fucking silly! "Do I look like fine to you?" I asked sarcastically. "No," He said. "Exactly! You have checked me. So get out." Second person who visited me and I also send him out. That is not concern I am seeing from them. Hindi pa ba sapat na malaman nila na nahihirapan at nasasaktan ako sa kalagayan ko ngayon? Gusto ko nang matapos ito para magawa ko na ang mga plano ko. Hindi ako umuwi dito para magpakasaya. Nang maayos na ng tuluyan ang aking kalagayan ay pinauwi na ako ng doktor. Ngunit hindi naman sa bahay ang punta ko, kundi sa maduming kulungan na pinagtigilan ko ng tatlong araw. Wala naman akong magagawa kundi sumunod na lamang. Makakalabas pa ba ako? "Salamat sa Diyos at magaling ka na!" Salubong sa akin ng isang babaeng Nelly ang pangalan. Sumunod naman dito si Gladys na kasama niya noong nasa canteen kami. "Okay ka na ba?" Pinakiramdaman nito ang aking noo na nilapatan niya ng kanyang palad. "Hindi na masakit tiyan mo? Ang ulo mo?" "Halika dito. Maupo ka at baka mapagod ka." Hinila naman ako ni Gladys sa upuang kanyang hinila rin sa kabilang lamesa. "I'm fine, just leave me alone." Sabi ko. "Ililipat ka nila ng selda. Kami na ang bago mong makakasama." Sabi ni Nelly. "Ayoko nang malipat ng kahit na anong selda. Ang gusto ko ay umalis dito. I have my life outside!" Singhal ko. Humila sila ng kanilang upuan at umupo sa aking harapan. "Lahat naman tayo may buhay sa labas ng kulungang ito," si Gladys. "Katulad ko, may anak akong sanggol pa lamang. Pero imbis na ako ang kasama at nag-aalaga sa kanya ay naging ibang tao pa." Si Nelly. "May anak naman akong nasa kolehiyo. Dalawang buwan mula ngayon, magtatapos na siya. Hindi ako makakapunta sa graduation niya kasi narito ako." Si Gladys. "Napagbintangan kami sa kasalanang hindi namin ginawa. Ilang buwan na ring walang dumadalaw sa amin. At ang malala pa ay kahit sulat ay wala akong matanggap mula sa kanila." Bakit sila narito kung wala naman pala silang kasalanan? "Ano ang kaso niyo?" Tanong ko. "Homicide murder," si Gladys ang sumagot. "Magkasama kami sa trabaho. Pareho kaming katulong ng isang mayamang pamilya na nakatira sa Forbes. Sa hindi namin inaasahan, hindi namin akalain na magpapatayan sila dahil lamang sa pera." "kung hindi naman kayo ang gumawa nayun, bakit kayo narito?" "Kami ang naiwan. Walang ibang pagbibintangan ang kapatid para lamang masalba ang kanyang sarili. At walang ebidensiyang nagpapatunay na inosente kami." "Lawyer, did you get any lawyer?" "Nababayaran sila. Alam nila ang batas at kaya nilang mambaliktad ng ibang tao. Dahil sa alam nila, kaya nilang gawing makasalanan ang isang inosente at walang alam." Malungkot na sabi ni Nelly. A lawyer supposed to help them. Hindi nila kayang ipagtanggol ang sarili nila kaya kakailanganin nila ang tulong ng mga ito. "Wala rin kaming pera. Napakahirap ipagtanggol ang sarili at ipaglaban na wala kang kasalanan kung wala kang pera." Paanong naging pera ang basehan ng hustisya? Mas mabigat pa ang problemang dinasala ng mga ito kaysa sa akin. Mas malaking responsibilidad ang nakasagbit sa kanilang mga balikat ngunit hindi nila magampanan dahil narito sila. Walang-wala kumpara sa akin. "Sa mga katulad namin, iha, makapangyarihan ang pera. Hindi ka magiging ligtas at panatag kung wala kang pera." "That isn't justice." bulong ko. Ngumiti lamang ang mga ito. Malungkot at pilit. Ano nga ba ang hustisya para sa isang tao? Pera ba ang pinakamakapangyarihan sa buong mundo? Sa sitwasyon ko, naisip ko, ano nga ba ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga ito? Pera? Dignidad? O ayaw ko lang ng kahihiyan? Hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam kung saan ko iyon hahanapin. Para akong naliligaw, nawawala at naghahanap ng tamang daan para sa kasagutan ng sarili kong mga tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD