
"H-Harry," nauutal kong tawag sa pangalan niya. "About the-"
Marahas niya akong nilingon at kita ko ang pag-alab ng kanyang mata. Lumapit siya sa akin at madilim akong tiningnan.
"Don't you dare insult me! Kung sana pinalaglag mo na lang iyan, wala na sana tayong magiging problema!"
Nasaktan ako sa kanyang sinabi. Bakit niya naman gustong ipalaglag ang bata? Kahit ayaw niya sa baby ay blessing na ito para sa akin kasi may makakasama na ako sa buhay. May magiging sandalan na ako at kaligayahan.
"H-How can you say that?" nanginginig kong tanong. Kita ko na natigilan siya kaya nag-iwas siya ng tingin. "It's a baby...ayaw kong ipagkait sa k-kanya ang mundo..."
Tumulo ang luha sa aking mata. Sumikip din ang dibdib ko. Siguro dahil sa pagbubuntis ko na ito kaya ang dali kong umiyak.
"I love you, Harry," I confessed. At hindi ako mapapagod na sabihin nang paulit-ulit ito sa kanya. I will let him know about my feelings hanggang sa masuklian niya ito.
Nilingon niya ako muli, salubong na ang kilay.
Nagpatuloy naman ako. "Please love me too..." Halos pagmamakaawa ko.
"Love you?" he asked sarcastically. "Wala kang makukuha na pagmamahal sa akin! You chose this kind of life so be it! Isa kang desperadang babae! Who will love you anyway?"
Natigilan ako roon. Ang sakit sakit niyang magsalita. Ang sakit-sakit. Ginagawa niya ba ito para umatras ako? Pero hindi ako gano'n! Gagawin ko ang lahat, mahalin niya lang ako. He will love me and our baby! He will!
Nang tumalikod siya ay patakbo akong lumapit at yumakap sa kanyang likod. Natigilan siya dahil sa ginawa ko. Pumikit ako kasabay nang pagtulo ng luha ko.
"Please...Harry. Give me a chance..." naiiyak kong sabi. "I will prove to you my love. I will be a good wife..."
Kinuha niya ang kamay ko at inilayo mula sa kanya. Marahan niya rin akong itinulak palayo at sinigawan, "You will never be a good wife to me! Hindi ikaw ang gusto kong pakasalan! Hindi! Kaya kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita mamahalin kahit ilabas mo pa ang landi mo sa katawan! You will never be the woman I will love in the future!" matigas niyang sabi at padabog na tumalikod.
Napaupo na lamang ako sa mala-tiles na sahig at napahagulhol sa sakit. Pero kahit gano'n, hindi naman ako ang tipong tao na basta-basta na lamang na sumusuko. Gagawin ko pa rin ang lahat, mahalin lang niya kami, ng kanyang magiging anak.
Hinaplos ko ang tiyan ko na wala pang umbok pero alam na alam ko na may laman na ito.
"Kapit l-lang, anak! He will accept us. Hindi ko hahayaan na lumaki kang galit siya sa atin. Hindi..." naibulong ko na lang sa hangin at umiyak nang tahimik.

