Putik Mabuti at hindi nagtanong ang anak ko patungkol kay Harry. Dahil nasisiguro ako na hindi ko siya agad-agad na masagot. May karapatan si Harry sa anak ko at alam na alam ko ‘yon. Hindi ko ipagkakait sa kanya si Amer kung gusto niya itong makasama ngunit hindi ako papayag na kukunin siya sa akin. Pinayagan ko siya na ihatid kami sa amin. Hinayaan ko siya dahil alam ko na pag-uusapan namin ang tungkol kay Amer. Iyon ang kinakatakutan ko dahil mapera si Harry, kaya hindi ko siya makapagkatiwalaan kung ano man ang kasunduan namin. “Aba, Bea, nakatulog si Amer!” si Tiya Elena, hindi yata napansin si Harry na kakalabas lang ng kotse niya. Ibinigay ko sa kanya si Amer na nakatulog sa aking balikat. Hindi ko masabi kay Tiya pero alam ko na napansin na niya ito kaya tumigil ito sa pag-ali

