Asawa “Saan kaya ‘yan nag-e-e-stay?” “Oo, tatlong araw na siyang kumakain dito at tumatambay. Ginanahan tuloy akong magtrabaho! Teka, maganda na ba ako?” Umiling ako at lumayo na sa dalawang kasamahan ko na nagtitilian dahil sa naka-display na naman ang pagmumukha ni Harry dito. Hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa niya. Suot niya ay simpleng black t-shirt at cargo pants. Sumisimsim ito sa kanyang kape habang ang tingin ay nasa akin. Hindi ko siya maintindihan. Nagpapasalamat ako na hindi niya ako ginugulo at ang anak ko, pero narito naman siya. Hindi ako nag-a-assume, pero tingin ko ay ako ang pinuntahan niya rito. May plano pa yata siya akong ihatid noong nakaraan pero hindi ko hinayaan. Bakit umaasta siya na parang walang nangyari sa amin? Like he never hurt me before. Bakit pa

