Montealto's Residence

1369 Words
Bagong araw, bagong pag-asa. At para kay Jo, bagong araw ito para magbanat ng buto at kumita. Maaga siyang nagising upang maaga ring nakapasok sa restaurant. Balak niyang tumulong sa paglilins at paghahanda bago magbukas dahil magpapaalam siyang maghalf day sa boss nila. May house keeping service kase siya mamayang hapon. “Good morning po ma'am.” Nadatnan niya ang boss niya na nagbubukas ng restaurant. Ito kase talaga ang ginagawa nun. Tsine-check rin kase nito ang bawat kakailanganin at ang kalinisan ng lugar. Hands on ito sa negosyo na siyang ikinahahanga ng dalaga sa kanyang amo. “O, good morning rin sayo Jo Aira! Ang aga mo yata.” napakamot ulo si Jo. “Eh ma'am magpapaalam po Sana ako kung puwede akong maghalfday ngayon.” nahihiya niyang sabi. “Oh ngayong umaga ka ba aabsent?” pagtatanong ng amo. “Mamayang hapon po.” “Okay. Pero walang suweldo yun ah.” Napangiti naman si Jo. Napakabait talaga ng boss nila. “Opo ma'am.” Tinulungan niya ito sa paghahanda. Siya na ang nag-ayos sa mga mesa at upuan. Nagwalis na rin siya. Hindi naman maalikabok dahil linilinisan naman nila ito tuwing nagsasara sila. Maraming customer ngayong umaga, mas madami sa nagdaan kaya doble kilos silang lahat. Maging ang kanilang boss ay tumutulong na rin sa pagserve. Nakakapagod, pero isa ito sa pinakagusto nila. Sikat kase ang kainang ito kaya minsan dito nagpuunta ang mga may sineselebreyt. Tulad na lamang ngayon. Birthday 'ata ng isa sa may-ari ng maliit ng kopanya na malapit lang rito at nilibre ang trabahador niya, kaya marami talagang tao ngayon. Bandang Alas dose bumalik na rin sa normal ang dami ng tao. Nagpahinga na rin ang iba at makikipagsalitan na lamang mamaya para makapagpahinga rin ang mga naiwan sa trabaho. Samantalang si Jo naman ay nag-aayos na ng gamit para sa susunod niyang trabaho. “Aabsent ka Jo?” tanong ni Rose. “Ah oo, may House keeping duty ako ngayon.” natatawa niyang ani. “Edi tiba-tiba ka na naman niya!” wika pa ni George, kasamahan niya rin. “Sana, kung 'di kuripot iyong may-ari haha. Tatlong bahay naman lilinisan ko kaya sana nga.” Matapos makapagpalit, nagpaalam na siya sa mga kasamahan. Muli rin siyang nagpaalam sa kanyang amo. Kahit naman nakapag-paalam siya kanina ng umaga kailangan niya ring mag-paalam ulit. Sa harap na lumabas si Jo dahil bukosd sa nasa counter ang boss niya ay nagmamadali siya. Sa paglabas niya ng pinto, ay siya namang pagpasok ng mag-inang Cheska at Sky. Abala ang binata sa pagkalikot ng selpon nito, katext niya si Nazzer. “Hello besty!” sigaw ni Ashley nang makita ang mag-ina. Binati naman nila ito pabalik. “It's nice to see you again tita!” Magiliw na ani ni Sky at ibinulsa na ang selpon. Iginaya sila ni Ashley sa isang table at nag-order ng makakain. “So what brings you here?’ panimula ni Ashley. “Wala naman kukumustahin lang kita. Masyado ka yatang nagpapakabusy. Hindi ka pa nakakapagmove on kay kuya.” mapanuyang sabi ni Cheska. Napairap na lamang si Ashley. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagkagusto siya sa isang Dwight Chester Ford, well paghanga lang naman. At tanggap niyang si MC talaga ang mahal nito at ang bago inanakan ba naman ng maaga ang pinsan. “Don't start with Cheska, nakalimutan ko talagang nagkakilala tayo. And don't mention your brother's name, I don't like him anymore.” paliwanag niya. “Psh.” ani lang ni Cheska. Alam niya naming move on na ito sa kuya niya pero gusto niya lang alalahanin iyong panahong pagngangawa niya nang ideklara ni Chester ang feelings niya kay Mc. “Tita, you’re dating Niro Natividad?” Biglang singit ni Sky sa usapan ng dalawa. “At saan mo naman nakuha yan?” Mataray na tanong ni Ashley, habang ang Ina naman'y tumingin sa kanya na animo'y may naakainteresanteng bagay itong nadinig. “Nazzer, he even send me photos”  Ipinakita ng binata ang mga letratong ibinahagi ng kaibigan. Hinablot ito ng ina, at hinablot din naman ito ni Ashley kay Cheska. “Gunggong talaga ang batang iyon! Sinasabi ko na nga bang may alademonyo iyong pag-iisip eh!” Nanggigiigil na ani ni Ashley matapos makita ang mga letrato. Mukha nga silang sweet pero wala namang ganung pangyayari. “Then, anong ibig sabihin nito?” pang-uusisa ni Cheska. Napasabunot naman sa sarili ng buhok si Ashley dahil pakiramdam niya ay nasa hot seat siya. “It's just a meeting okay! He wants to make a partnership with my restau. That's it!” “Oh e bakit galit ka?” pagdugtong pa na asar ni Cheska. Palihim na lamang na natawa si Sky. Napagtripan na naman ng mommy niya ang tita Ashley niya. “I'm not!...” huminga ng malalim si Ashley, tila pinapakalma ang sarili. “Anyways nasaan ang mga bulinggit mo?” pag-iiba niya ng usapan. “Well they're with their daddy. Day off niya so, siya ang bahala sa mga bata.” paliwanag ni Cheska. “Hahaha 'di ka ba natatakot na sumabog ang bahay niyo? Alam mo naman kung gaano kakulit ang mga bata, plus super Short tempered ng asawa mo!” natatawang tuya ni Ashley. Nagkibit balikat lamang si Cheska. Gusto rin naman ito ng asawa at may usapan sila. Sana lang talaga ay tumupad ito, at maayos niyang magawa ang pag-aalaga. Naalala pa niya ang sinabi nito bago sila umalis ni Nazzer. “Kaya ko 'to hon! Hindi ako hihingi ng kahit anong tulong.” Tignan lang natin. --- Alas tres ng hapon nang matapos si Jo sa paglilinis ng tatlong bahay sa Elite Village. Ang lalaki ng mga bahay dito, kaya naman nagtataka siya kung bakit walang mga katulong ang mga ito. Pero pasalamat na rin siya dahil nagkapera siya dahil doon. Nasa tapat na siya ng guard house ng sabihing may isa pa siyang lilinisan. Kahit pagod, ay tinanggap niya pa rin ito. Laman wallet din yun. Nang nasa tapat na siya ng nasabing bahay naroon na't naghihintay ang may-ari. Nagulat pa siya nang makilala ito. Ito ang may-ari nung hotel, kung 'di siya nagkakamali, ito si Mr. Montealto. “Glad you came!” Bati nito sa kanya na parang nabawasan ang problema niya nang makita ako. Pinapasok siya nito, nagkalat ang mga pinagkainan sa sala. May nakita rin siyang basag na vase. Anyare dito? Nang nagtungo naman sila sa kusina, parang may naganap na giyera. Nagkalat ang harina sa mesa at sahig, at may iba't-ibang likido rin na natapon-o itinapon sa lababo at kung saan-saang parte ng kusina. “Hala nasusunog!” sigaw niyaat natatarantang pinatay ang kalan. Hotdog ba 'to? Napasabunot nman si Tyler, mukhang 'di na alam ang gagawin. Pero pogi niya pa rin tignan, in fairness! Nakaon na namn ang kaharutan mode ni Jo. “Just clean everything, I'll just check my kids.” paalam nito. Nang makaalis ay sinimulan ko na ang dapat kong gawin. Linis dito, linis doon. Punas dito, punas doon. Minsan bumababa ang lalaki para tanungin kung ayos lang si J,  pagkatapos ay linis ulit at balik naman siya sa taas. Mahigit isang oras din ang ginugol ni Jo sa paglilinis. Nasa likod si Jo ng bahay nila, dito raw kase iniimbak ang mga basura bago kolektahin. Narinig nito ang ugong ng paparating na sasakyan. Baka iyon na ang asawa ni Mr. Montealto. Papasok na sana siya ng bahay nila nang salubingin siya ng lalaki. Bitbitpa nito ang bag niya at mukhang nagmamadali dahil patakbo itong kumilos. “Thank you, and this is your payment.” Inabot nito sa kanya ang limang libong piso. “Hala sir! Sobra po ito.” Ibinalik ni Jo ang pera ngunit ibinalik rin naman ito sa kanya. “No, take it. Just use that gate when you go out.” turo niya sa maliit na gate dito sa likod ng bahay nila. “And don't let anyone see you... Take care.” Iyon ang huling sinabi niya at nagmamadali ulit itong pumasok sa loob bahay. Nagtataka man nagkibit balikat na lamang ako at lihim na ring nagpasalamat dahil ang laki ng bayad nito. Hayy! Sana magpalinis ulit ito. Isip niya, talagang sisipagan niya pa lalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD