Kahit mas kaunti ang kita ko ngayon kesa sa dati kung paraan ay ayos na rin. Hindi man kalakihan ay sumasapat naman. At saka malinis rin ang konsenya ko, hindi ko rin problema ang kaligtasan namin. Dahil sa dati kong gawain ay talaga namang hindi lang paa ko ang nasaa uky kundi pati ang pamilya ko.
Katatapos ko lang maglinis ng tatlong bahay sa isang subdivision. On call kasambahay ang isa sa trabaho ko. Every Monday, Wednesday at Sunday siya ang schedule ko kaya hindi problema kapag may iba pa akong trabaho. At ang maganda kuha agad ang bayad.
“1,100... Wow! 1,500!” Pagbibilang ko sa natanggap kong bayad ngayong araw. Hinalikan ko pa ito sa tuwa ko.
Mayayaman ang mga nakatira sa subdivision na iyon kaya mga galante magbayad. Minsan kapag marami ang tumatawag ng service ayy nakakakuha siya ng hanggang 5,000 pesos. Tiba-tiba talaga.
“Oh yes hello?” bati ko sa taong nasa kabilang linya.
“Uyy naka-english ah!” kantiyaw naman ni Rose, katrabaho ko sa restaurant.
“Haha ganun talaga. O siya! Anong balita?”
“May raket mamaya, sama ka?”
“G! Ano oras?”
“Alas sais, pero punta ka dito ng alas singko para makapaghanda.”
“Okiedokieee!” Nagpaalaman muna kami bago binaba ang tawag.
------
“Aalis na po ako ma!” paalam ko.
Suot ang kupas na maong, puting tee shirt at extra sized hoodie, nagsimula na akong maglakad patungo sa apartment ni Rose. Dalawang kanto lamang kase ang layo ng tinitirhan niya kaya naglalakad na lamang ako.
“Mag-iingat ka anak, eto kaiinin mo. Nagbalot na rin ako para may kaiinin ka kunsakaling magutom ka.” Inabutan ako ni mama ng tinapay na may palamang peanut butter. Naks, favorite!
“Thank you po ma! Huwag niyo po akong hintayin, maglock po kayo ng pinto.” Bilin ko rito saka siya hinalikan sa pisngi bago umalis.
Habang naglalakad ay nilalantakan ko ang tinapay na pabaon sa akin ni mama, habang naglalakad patungo sa tirahan ni Rose. Nang may masalubong akong bata. Madungis, at tila walang umaasikaso.
“Te, pengeng barya.” anito at nakalahad pa sa akin ang mga palad.
“Naku boy, wala akong barya eh.” paumanhin ko. “Nasaan ba ang mga magulang mo?” Pagtatanong ko pa. Sensya na tsismosa lang.
“Nangalakal po. Wala pa nga po akong kain kase 'di pa sila nakakabalik.” Naawa naman ako rito. Kaya inilabas ko ang isa pang tinapay na ibinalot ni mama para sa akin.
“Eto oh, ayan na lang. Wala kase akong pera eh.” paliwanag ko.
Agad niya namang tinanggal sa pagkakabalot ang tinapay, at agad na nilantakan. "Ang sarap po. Ayos lang ate, at saka salamat po." ngumunguya pa niya ng dagdag.
Napangiti na lang ako, sa pagkakita ko lang ng masaya niyang mukha habang kinakain ang bigay ko, ang sarap lang sa pakiramdam.
“Oh siya, mauna na ako ha? May trabaho a kase ako.” Tumango lang siya at ngumi,ti. Puno ng tinapay ang bibig niya.
Napatawa na lang ako at ginulo ang kanya ng buhok. Kumaway pa siya nang makalayo ako. Nakita ko namang sumama siya sa iba at nakipaglaro.
Nadatnan ko si Rose na naglalock ng bahay niya. Nang tumingin siya sa direksyon ko ay agad ko siya kinawayan.
“Sakto ang dating mo Jo!” magiliw niyang bati sa akin. “Halika na parating na ang sasakyan natin.”
Nagtungo kami sa isang waiting shed. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang outing van na siyang sundo daw namin. Masaya kaming binati ng mga naroon na mukhang kakilala na rin Rose.
“Ikaw pala iyong kinukwento ni Rose! Ayusin mo lang trabaho mo ngayon asahan mong imbitado ka na sa susunod naming raket.”wika ni Paul. Siya ang pinakalider daw ng grupo. Marami daw kase siyang koneksyon sa mga ganitong raket.
“Huwag kayong mag-alala, mula ngayon ako ay magiging kasama niyo na. Aba! Ako kaya si Jo Raketera” pagmamayabang ko. Hashtag confidence is the key ika-nga.
“Ayus kung ganun, Edi nadagdagan na tayo!” Ani naman ni Stephanie.
Nakarating kami sa isang magarang hotel. Sa likod kami dumaan dahil naroon daw ang magsasabi ng mga gagawin namin.
May event umano ang mga business person ngayon. Anniversary 'ata hindi ko masyadong naintindihan, basta kami ang magseserve. Pinagsuot naman na kami ng uniform at binigyan rin kami ng ID para maidentify na kami ang server.
Itim na slacks, white Long sleeves na pinatungan ng itim na cheleko at bow. Tipikal na suot ng mga waiter. Nakapusod rin ang buhok naming mga babae at lahat kami ay may suit na hairnet. Metikoloso talaga ang management dahil mga malalaking tao daw ang mga makakaharap namin. Mahigpit rin nilang ibinilin na huwag gumawa ng gulo.
Mamayang alas otso pa ang simula ng event pero narito na kami para maiayos na rin ang mga kakailanganin.
7:30 nang magsimula nang magsidatingan ang mga tao. Nakaka-intimidate pa nga silang tignan dahil kita mo talaga ang karangyaan sa aura pa lamang nila. Iyong tipong masagi mo lang sila, puwede ka na nalang pitikin na parang ipis ay itapon sa disyerto.
Pabonggahan sila sa mga suot lalo na ang mga kababaihan. May mga naririnig pa nga akong nagpapayabangan sa presyo at kung sinong designer nila.
Mga mayayaman nga naman, malamang pagkatapos ng party na ito, iimbak lang rin nila ang mga damit nila.
Sa sweets section ako nakatokang magbantay. Nanggigil nga ako sa chocolates at mallows dito sa harap ko, may cakes pa at kung ano-ano pang desserts ng mayayaman. Naku kapag sinabihan kaming mag-uwi nito talagang mag-uuwi ako.
Lahat ng pagkain na nakahanda ay gawa ng mga kilala ng chefs. Kaya naman talaga tingin pa lamang ay katakam-takam na. Napabuntong hininga ako, ang sarap sigurong maging mayaman.
May mga batang lumalapit para manguha ng sweets, kaya inaassist ko sila. Minsan may nag-aaway pa dahil nauna daw ito, eh ang dami-dami kaya nag-aagawan pa sila, mga bata talaga.
Malaki ang ngiti namang sinalubong ko ng tingin si Steph. Patungo siya sa direksyon ko habang bitbitg ang tray ng wines. Nasa drinks kase siya nakapuwesto, kasama ang apat na iba pa.
“Hi Jo! Puwede favor” Parang nahihiya pa niyang sabi.
“Oo naman, ano ba yun?” May pagaalala kong tanong sa kanya.
“Makikiagpalit sana ako sa'yo ng puwesto. Parang nahihilo kase ako.” Lalo naman akong nag-alala naman sa turan niya.
“Hala! Ayus ka lang ba? Gusto mo ipagpaalam kita?”
“No, ayus lang kulang lang siguro ako ng tulog. Kaya ko naman pero nahihilo lang kase ako kakarounds eh.” paliwanag niya.
“Ayos lang, palit na tayo.” kinuha ko sa kanya ang bitbit niya. “Basta kapag sumama pa ang pakiramdam mo sabihin mo lang.” bilin ko pa. Binigyan ko pa siya ng tubig bago siya iniwan.
Naging madali naman ang gawain ko dahil, lilibot lang ako saka titigil kapag may kukuha sa dala ko, o di naman hihingi ng gusto nalang inumin. Halos ganun lang medyo nakakapagod pero ayus naman.
Napatigil ang lahat nang i-announce ng MC na narito na ang may-ari ng hotel. Lahat kami ay napatingin sa engradeng pintuan kung saan sila papasok.
Labis ang aking pagkamanghang nang pumasok ang sa tingin ko'y isang pamilya.
Napakaganda ng babae, seryoso at nakakaintimidate siya tumingin ngunit hindi nabawasan ang paghanga sa kanya bagkus ay nakadagdag pa ito. Sa kanan hawak niya ang kamay ng sa tingin ko ay sampung taon na, na batang babae. Kumakaway pa ito na para bang rumarampa ito. Ang lalaking nakayapos sa bewang ng babae ay may bitbit na batang lalaki, mukhang baby pa ito at nag mukhang mini version ng nagbubuhat sa kanya. Ang popogi. Seryoso ang mag-asawa, na tinawag na Mr. and Mrs. Montealto ng MC, hindi nakakatakot ngunit kagalang-galang silang tignan.
Nagsalita lang sa harap ang mag-asawa. Parang opening remarks yata iyon. Pagkatapos nun ay ipinakita ang mga achievements ng Company, at marami pang iba.
“Here's your drink ma'am..” magiliw kong sabi sa babaeng nagpakuha ng inumin. Nginitian naman ako nito pabalik.
Nasa tabi ang mesa ng mga Montealto kaya medyo rinig ko ang pinag-uusapan ng mag-asawa.
“I'm going to punch that kid, bad influence siya sa anak natin.” Ani ng babae. Naputol naman ang pakikinig ko nang may kumalabit sa akin.
“Can you accompany me there.” Pagtuturo ng batang babae sa mga chocolates. Siya iyong anak ng mag-asawang Montealto.
Nginitian ko siya at iginaya sa puwesto ni Steph. "Okay ka na ba?" ag-aalalang tanong ko sa ko sa kanya.
Nginitian niya naman ako at tumango. Inassist niya ang bata kasama ko. Nilagay ko sa tray ang plate niya dahil balak niya at ang paapawin ng matatamis iyon.
“Mauubos mo ba lahat ito ganda?” Tanong ko, habang patungo kami sa puwesto ng magulang niya.
“No, but I will share it to baby Cloud and mommy.” sagot niya.
Nang marating namin ang puwesto nila, nilapag ko lang ang pagkain niya. Hindi kami napansin ng magulang niya dahil busy may kausap ang mga ito.
“Please carry me. I want to sit.” Pautos na sabi sa akin ng magandang batang ito. Inangat ko naman siya paupo sa upuan. May kataasan kase ito at medyo maliit siya.
“Aalis na ako baby ganda ha. Baka pagalitan ako.” paalam ko sa kanya.
“Okay ate pretty and thank you.” Sagot niya ng hindi ako nililingon dahil abala sa pagkain.
Nakangiti ko siyang tinalikuran ngunit agad nawala ang ngiti ko nang makita ang dalawang binata na patungo sa direksyon kung nasaan ako. Mukha pa silang may pinagtatalunan. Seryoso, iyong ninakawan ko sa kalsada, samantalang iyong nabudol ko naman sa loob ng eskwelahan ay patawa-tawa lang.
Pero in fairness, ang guguwapong nilalang. Pasimple kong sinabunutan ang sarili ko. Lumandi pa talaga ako eh!
Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang tray. Nasagi ko pa si baby ganda dahil sa pag-atras ko. "Are you okay ate?" tanong niya.
Tinanguan ko lang siya at dali-daling umalis doon. Langya! Bakit magkasama ang mga iyon? Patay talaga ako kapag nahuli nila ako.
Sana lang talaga 'di ko sila masalubong. Ayy! Naman oh! Pero nagbagong buhay na ako. Kaya karma huwag ka nang umiksena! Please lang!