Promise

1547 Words
  Peke ang ngiti ko habang nakasandal sa isang lalaki. Kasalukuyan akong nasa isang bar, kasalo ang tila mga taong kunektado sa politiko. Tulad ng nakagawian, tumambay muli ako sa isang bar, ngunit hindi na sa bar na pinanggalingan ko noong huli. Nasa isang sikat na bar ako kung saan kadalasan ay mga matataas na tao ang nagpupunta. At mukhang tiba-tiba ako ngayong gabi dahil agad akong may nabitag sa pamamagitan ng pagpain sa sarili. Nagkukuwentuhan lang ang mga ito ng tungkol sa politika at minsan ay mga negosyo. Limang kalalakihan ang na rito sa isang VIP room kasama ng lalaking nakayapos sa bewang ko. May kanya-kanya ring kasamang babae ang apat. Hindi ko masabi kung pamilyado na ang mga ito, sapagkat bakas pa rin ang kakisigan sa kanila. Lahat sila ay mukhang early Thirty's at halata na ang mahilig sa mga babae. Sumisimsim lang ako ng kaunti sa alak na ibinigay dahil hindi ko talaga tipo ang mga alak. Habang nakayapos ang lalaki ay pasimple ko nalang kinakapa ang katawan niya upang hanapin ang kanyang pitaka. Nasa kanang bulsa ng coat niya ito. Agad akong nag-isip ng plano kung paano ko ito makukuha dahil siguradong mapapansin kapag kinuha ko na lang ito basta. Ngumingiti at minsa'y sumasawsaw ako sa kanilang usapan habang maghihintay ng tiyempo para isagawa ang aking plano. Ilang minuto pa ay naramdaman ko na ang paghaplos ng lalaki sa aking hita, maging ang pagdiin ng hawak niya sa aking bewang. Madiin ang hawak ko sa isang baso ng ice tea na ni-request ko kanina. Doon ko muna ilalabas ang inis ko sa lalaking ito. Hindi naman nagtagal ay nakahanap na rin ako nang tiyempo. Nang mapansin kong hahalikan na ako nito pasimple kong iniharang ang kamay kong hawak ang baso dahilan para matapon ito sa aming dalawa. “s**t!” mura ng lalaki. Umasta naman akong natataranta at pinunasan siya hanggang pasimple kong inabot ang pitaka na nasa kanya ng bulsa. “Sorry, I didn't mean to...” tinabig nito ang kamay ko. Mukhang na galit ito sa nangyari. Doon ko sinimulan ang escape plan. “Sorry, restroom lang ako.” paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at madaling umalis sa kuwartong iyon patungong banyo. Agad kong kinuha ang bag kong itinago ko kanina sa ilalim ng sink at nagbihis. Binura ko ang make-up ko. Napatingin ako sa pitakang kakakuha ko lamang at agad ko itong binuklat. Libo-libong papel ang laman nito na walang bilang-bilang na sinilid ko sa aking bag. Inihahanda ko ang sarili sa pag-alis nang mapansin ko ang tatlong sachet na sa tingin ko ay droga. Kinilabutan naman ako, kung gumagamit ang mga ito siguradong iba ang takbo ng utak nila. Hinayaan ko na lamang ang pitaka sa sink at dali-daling lumabas ng banyo. Natanawan ko pang tila may hinahanap ang mga ito, at patungo sa restroom. Laking pa salamat ko dahil madilim sa parteng ito kaya madali along makaalis ng hindi napapansin. Abot-abot ang aking kaba na halos lumuwa na sa dibdib ko ang aking puso dahil sa lakas ng t***k nito. Mabilis akong tumakbo palayo. “Go find that b***h!” rinig ko pang sigaw nung lalaking ninakawan ko kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. Sana naman hindi pa ito ang oras ko. Kamatayan puwedeng pare-sched? ___ “Jo! Bilisan mo marami pang kostumer, kailangan ko ng magseserve.” utos ng boss ko. Mabilis kong inayos ang pang huling plato na pinupunasan ko. Inayos ko kaunti ang sarili bago nagtungo sa counter upang tumulong sa pagserve. “Table 15, Jo! May isa pang tray balikan mo na lang.” Nakangiting tumango ako sa boss ko bago nagtungo ng table 15. Isang linggo matapos ang gabing iyon. Napagdesisyunan kong tumigil na sa pagnanakaw. Napag-isip kong iyon na ang hudyat para tumigil. Bagamat mas malaki ang napepera ko roon. Nakabaon naman sa hukay ang isa kong paa. Kung hindi ko siguro natakasan ang mga iyon nasa ilalim na ako ng lupa ngayon. “Enjoy your meal ma'am, sir.” nakangiti kong sabi nang maiserve ko ang kanilang pagkain. Masaya na ako sa trabaho ko ngayon. At least alam kong safe ako at makakauwing buhay para kay nanay at sa kapatid kong si Jojo. Ipinangako ko sa sariling magbabagong buhay na ako. Nakakatawa nga lang isipin na kailangan ko pa palang habulin ni kamatayan bago magdesisyong magkaroon ng maayos na trabaho, na dapat sa una ko palang ginawa. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi, mabuti na lang naagapan ko bago pa lumala. “Oh ayan ang una mong uuweldo Jo Aira. Sana ay tuloy-tuloy ang maganda mong trabaho at hindi sa una lang.” Abot ni Ma'am Ashley sa akin ng sobreng naglalaman ng sahod ko habang binibilinan. Nakangiti ko itong tinanggap, “Makakaasa po kayo Boss! Mas pagbubutihan ko pa po.” magiliw kong sagot. Tinanguan naman ako nito kaya nagpaalam na ako. Masaya akong umuwi, madadala ko na rin sa mall si nanay at Jojo. Kinabukasan inaya ko si nanay at ang kapatid kong mamasyal. Nagtataka pa ang mga ito dahil sa bigla kong pagyaya dahil hindi naman kami talaga lumalabas upang mamasyal. “Naku syempre dapat magselebreyt din tayo paminsan minsan.” nakangiti kong sagot. “Pero ate hindi naman natin birthday, hindi rin naman pasko!” sagot pa ni Jojo. Pitong taong gulang ito kaya normal nang maraming tanong. “Kase may ipon na si Ate at sumahod ako kahapon. Kaya naman ililibre ko kayo ni mama.” “Anak sigurado ka ba? Itabi mo na lang kaya iyan para sa gastusin dito sa bahay.” pagsingit ni nanay. “Nay! Iba na yun, eto ay para talaga sa pamamasyal natin.” Akmang hihirit pa ito ngunit pinigilan ko siya. “Dapat i-enjoy lang natin ito okay? Walang magrereklamo.” pinal kong sabi. Dinala ko sila sa mall. Masaya kaming naglibot-libot dahil minsan lang kaming makapunta ng ganito. Manghang-mangha kami ni Jojo sa mga nakikita. Napakalawak ng mall at talagang mabibighani ka sa ganda nito. Maaaring para sa iba ay normal lang ito, sa tulad naming suntok sa buwan kung makapasok sa ganitong lugar ay iba ang sayang aming nararamdaman. “Ate gutom na ako.” reklamo ng kapatid ko. “Sige tara sa Jollibee,” ngiti kong aya rito. Naglalakad kami patungo sa fast food chain n gusto ni Jojo nang madaanan namin ang isang toy store. Nakita kong nakatingin si isang robot na nakadisplay sa harap. “Gusto mo ba niyan?” tanong ko. Nagliwanag ang mukha niya, ngunit bigla itong nawala nang may naalala ito. “Hindi po Ate.” sagot nito ngunit nakatingin pa rin sa laruang robot. “Tara na po gutom na ako.” nginitian ko lang siya at nagtungo na kami sa kainan. Masaya kaming nagsalu-salo sa in-order kong pagkain. Sarap na sarap si Jojo sa fried chicken. Pinagkukumpara pa nga niya ang kinakain niya manok at ang fried chicken na tigbente na siyang madalas kong bilhin. “Ang sarap ng pagkain Ate. Grabe, ikinukwento lang sa akin ni Buknoy dati, tapos ngayon napuntahan ko na. May isasagot na rin ako sa kanya." Si buknoy ang kapitbahay naming madalas kalaro ni Jojo. Masasabing may kaya ang pamilya niya dahil seaman ang tatay nito. Talagang tiba-tiba ang kapitbahay nalang iyon. Matapos naming kumain iniwan ko muna sila nanay. Binilinan ko silang huwag lalayo at may babalikan pa ako. Tinanguan naman ako ng mga ito. Mabilis akong nagtungo sa toy store. “Ate magkano po ito?" Tanong ko sa saleslady habang turo ang robot na tinitigan ni Jojo kanina. “That's six hundred fifty pesos ma'am.” Ang mahal naman ng laruan ito. Pero minsan lang naman akong bibili at para kay Jojo naman. Inilabas ko ang wallet ko at tinignan ang laman. Binilang ko sa utak ko ang mga gastusin sa linggong ito. Kukulangin, maghahanap na lang ng part time. “Ahm kukunin ko po.” Kinuha ni Ateng saleslady ang laruan at sinamahan ako papuntang counter. Agad akong bumalik sa pinang-iwanan ko kayla nanay. Nakita ko silang nagtitingin sa paligid. Kumaway ako Kay Jojo nang magawi ang tingin niya sa akin. Agad naman itong lumapit. Itinago ko muna ang binili ko sa aking likod. “Ate! Tapos ka na po?” Tanong niya, na sinagot ko nang tango. “May surpresa si Ate sa'yo!” Nakangiti kong sabi. “Talaga?” Excited niya tanong. “Tyaraaaan!!” Sabay pakita ng laruan. Agad niya itong hinawakan at yumakap sa akin. “Salamat Ate!” Tuwang-tuwa ito. Lumapit sa amin si Mama. “Ikaw naman ang bibilhan ko sa susunod  nay.” pangako ko rito. Umiling ito. “Kahit huwag na anak. Ayos na ako ng masaya kayo ng kapatid mo.” Ako naman ang umiling sa kanya. “Gusto ko po ito nay. Kaya huwag mo along pigilan.” nginitian ako nito. Tama gagawin ko lahat para sa kanila. At gagawin ko na sa tamang paraan. Bagamat isang linggo na ang nakalipas, may takot pa rin ako na bka balikan ako ng huling biktima ko o ng kahit sino rito. Natakot akong baka madamay sila sa mga pagkakamali ko. Kaya naman gagawin ko ang lahat para maging maayos sila, para kung dumating man ang oras na kailangan ko silang layuan para sa kanilang kaligtasan. kampante akong maayos sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD