bc

The Doctor of the Night

book_age18+
67
FOLLOW
1K
READ
decisive
doctor
bxg
humorous
brilliant
vampire
city
teacher
passionate
vampire's pet
like
intro-logo
Blurb

Kakatapos lang ni Wayi sa medisina nang mapagtanto niya na wakasan ang relasyon nila ng dati niyang kasintahan. Kasama ng durog niyang puso ay sinubukan niyang kalimutan ito habang siya ay nasa graduation party ng kanilang unibersidad. Nang mapunta sa eskinita kung saan muntik na siya mabawian ng buhay dahil sa isang magnanakaw ay maililigtas siya ng isang lalaki na parang hindi tao.

Hindi makapaniwala si Wayi sa kanyang nakita. Mga matang nagliliwanag sa dilim at uhaw sa dugo, ang mga ito ang tumatatak sa kanyang isipan mula sa unang pagkikita nila ni Kien. Hindi siya natakot, kungdi ay nagkaroon siya ng kuryosidad at nakaramdam ng pagkahumaling sa kakaibang nilalang na iyon. Hindi aakalain ni Wayi na sa susunod na gabi ay mararamdaman niya ang lamig ng mga labi nito at init ng gabi sa piling ng nilalang na minsan nang inokupa ang kanyang isipan.

Sa pagsisimula niya sa tunay na paglalakbay bilang doktor ay muling magkru-krus ang kanilang landas bilang isang mentor at apprentice. Mariing itatanggi ni Kien ang paratang na bampira siya at pahihirapan niya ang buhay ni Wayi bilang doktor ngunit hindi magpapatalo si Wayi. Ang tunay na katauhan ni Kien ang isang lihim na magbubuklod sa kanila patungo sa pagmamahalang hindi nila inaasahan.

Ngunit paano kung ang tunay na pag-ibig ni Kien ay nakatuon pa rin sa babaeng minahal niya noon at pinili lamang si Wayi dahil sa pagiging identical niya sa sinisinta nito mula sa nakaraan? Will she accept that she was loved just because she looked like the one he loved from the past?

chap-preview
Free preview
Catherine
Auschwitz, Oświęcim, Poland (1945) With Catherine Turner’s love, the ruthless Dr. Napoleon Kien Seele decided to let everything go. Mabigat man sa kanyang dibdib ay hindi na niya tinuloy ang pag-eksperimento sa nahuhuling bampirang na kanyang nadakip mula sa Borys clan ng Poland. Dr. Kien Seele opened the tiny window of his experimental laboratory near Auschwitz camp where he collects his ‘patients’. Sunlight seeped through and reached the laboratory’s final experiment. Nakatali man ng mga kadenang nakakasunog sa kanyang balat, nagpapasalamat ang kanyang bilanggo na mamatay siya nang payapa. Nakangiti ito habang unti-unting nagiging abo. Ipinikit ni Kien ang mga mata upang hindi siya manghinayang sa sampung taon niyang pag-aaral na tuluyan nang nawala sa kanyang harapan. Gusto na magbago ni Kien para kay Catherine. He can’t continue killing his lover’s kind when she was all that ever meant to him now. It just felt so wrong. “You don’t know how much this means to me, Kien,” Catherine said and held Kien’s hand in the dark, avoiding the sunlight from the windows. “I know this hurts your feelings but both mankind and vampires would benefit if they would be just separate creatures,” she told him. Niyakap ni Catherine ang walang imik na doktor. Alam niyang napakahalaga kay Kien ang nag-iisa niyang hiling na pakawalan nito. “Hybrids will overpower this planet, at hinding-hindi tayo matatahimik. The second world war will be the only thing we know if you hadn’t let this go,” ipinaliwanag ni Catherine kay Kien. Sinubukan niyang tignan ang mga matang nanlulumo ng nagiisang lalaking kanyang minahal mula ng maging bampira siya, tatlong daang taon na ang nakakalipas. Bampirang mala paraluman ang ganda at porselanang kutis, si Catherine din ay isang bilanggo ni Kien noon. Isa siya sa dapat na magiging test subject nito para sa serum na ginagawa ng doktor upang palakasin ang mga sundalo ni Hitler laban sa Axis powers ngunit dahil sa kakaiba niyang pakikitungo rito ay napaamo niya ang mamatay-bampirang doktor. Masasabing natural na kay Catherine ang kabaitan at mabuting pakikitungo sa kapwa kaya kailanman ay hindi niya kinamuhian si Kien sa pagbihag sa kanya nito. “Bakit hindi ka natatakot sa akin, Catherine? Bakit mo ako minamahal kung ako ang dahilan ng pagkaubos ng angkan n’yo?” Kien asked Catherine, facing her with a pained look in his eyes. “Because I know deep down in your heart, you can still change.” Ang sambit ni Catherine na puno ng pagmamahal. Alam niya na kung walang giyera ay magiging isang mabuting doktor ang lalaking nasa kanyang harapan. Alam din niyang naipit lang ito sa giyera na unting-unti nagpapabaliw sa mga tulad ni Kien na medical doctors kaya nung marunong na itong makinig sa kanyang mga sinasabi ay naging hiling niya na umalis na rito kahit pa napakadelikadong tumaliwas sa utos ng nakakaitaas. Kien realized that the war wasn’t forever, but with Catherine it will be, so he chose her. Matagal na nagyakap ang dalawa. Ramdam ni Kien ang pag-ibig ng bampirang kanyang minamahal kahit pa malamig ang balat nito na dumadampi sa kanyang balat. Oo, tama ang desisyon niya na piliin ang babaeng ito. Ito ang tunay na kasiyahan na hinahanap niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay may umalingawngaw na mga tunog ng putok ng baril sa paligid ng laboratoryo. Hindi man nila inaasahan iyon ay agad-agad inilag ni Kien ang dalaga mula sa mga ligaw na bala. Dumapa sila sa sahig at gumapang. Minabuti ni Kien na iiwas si Catherine sa sinag ng araw na nagmumula sa butas ng mga balang nagsidaan sa kanilang kinalalagyan. “Huwag mo ako protektahan!” sigaw ni Catherine. “Kaya kong mag regenerate, pero mortal ka lamang. Hayaan mo ko, kakayanin ko ito!” aniya sapagkat nag-aalala siya na matamaan ng bala si Kien. Hindi ito nakinig. Kung hindi ko lang dinakip si Catherine ay hindi ito mapupunta sa sitwasyong ito, Kien thought. I can’t lose her now. I will protect her. Malapit na sila sa nag-iisang pinto ng laboratoryo. Kailangan na nilang umalis sapagkat maaring gumuho ito dahil sa mga bombang inalalaglag mula sa langit. Bitbit ni Kien ang baril na kamakailan lamang ay nasa kanyang tagiliran at marahang tumayo kasbay ni Catherine, handa sa sasalubong sa kanilang sino man. Iniilag ni Catherine ang mga bala na dumadaan sa kanila gamit ang kanyang mga braso, upang hindi matamaan si Kien, tumagos man ang mga ito sa kanyang laman ay hindi niya ito ininda. Bumukas ang pinto. Inilabas ni Kien ang baril at itinutok ito sa paparating ngunit hindi niya inaasahan na mas mabilis pa ang taong ito kumalabit ng gatilyo sa kaniya. Isa na namang putok ng baril ang umalingawngaw. Napansin ni Kien at Catherine na walang tama ng bala ang misteryosong Polish na lalaki ngunit nakaramdam si Kien na mainit na likido sa kanyang dibdib. Naramdaman na lang ni Kien ang sakit pagkatapos mapansin na siya ang natamaan ng bala. Siya ang nabaril. Napaatras siya sa gulat at takot na kanyang nararamdaman. “I’m dying,” bulong niya sa sarili. Sa gulat at galit, kinumpronta ni Catherine ang lalaking bumaril sa kanyang minamahal. Itinumba niya ito gamit ang kakaiba niyang lakas at kinagat ito sa leeg. Hinatak niya ang parte ng leeg nito na siya namang humiwalay sa laman. Hindi na nakapalag ang naghihinalong lalaki. Ipinunas ni Catherine sa kanyang sleeve ang dugong nalalabi sa kanyang labi at nilapitan si Kien na bumagsak na malapit sa lilim ng nagbagsakang mga shelves at libro na siya lang ang kasya. Ito rin ay naghihinalo na, lumuluha. “Catherine, leave this place,” he said to her. “Malapit ng gumuho ang laboratoryo at lalabas na ang sinag ng araw,” sambit ni Kien na nangangamba sa maaaring kahitnan ni Catherine kung magtatagal pa siya roon. “I can’t. But I can do one more thing before my fate comes,” Sambit ni Catherine at ngumiti ito kay Kien habang unti-unting gumuguho ang mga pader ng kinalalagyan nila. The sunlight has continued to sneak in everywhere from every crack present in the room. Inilapit ni Catherine ang kanyang mga labi sa leeg ni Kien at inilabas ang mga pangil niya. “Catherine, you don’t have to do this, just go…” Kien whispered in her ears. Malapit na si Kien mawalan ng malay. He felt Catherine’s fangs dig into his skin. A surge of energy had come along with it as well, it was unbelievably powerful. Catherine had made him into a vampire. Pagkatapos nito ay hinalikan ng marahan ni Catherine ang labi ni Kien habang lumuluha. Wala na siyang magagawa kungdi harapin ang liwanag. Tumayo siya at tinitigan lamang si Kien hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng sinag ng araw. Ang minsang katawan ni Catherine ay naging abo. Ang huling nakita ni Kien bago ito dalhin ng hangin ay ang matamis na ngiti ni Catherine na tinandaan ng kanyang puso. Paano siya magmamahal muli kung hindi naman siya pinagbigyan ng tadhana patunayan ito ngayon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.3K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook