Quezon City, Philippines (Modern Day)
“Congratulations to the new medical graduates! Cheers!” sigaw na pagbati ng babaeng host sa mga kasamahan nitong kapwa kakatapos lamang sa medisina. Halos matumba tumba na ito sa kalasingan ngunit sinusubukan pa rin niyang ipagpatuloy ang programa. Natatawa na lang ang mga kaklase niyang malapit na ring malasing sapagkat hindi sila sanay na mag-inom dahil puro aral lang ang inatupag nila sa buong apat na taon na lumipas. Hindi pa man tapos ang paglalakbay nila upang maging mga lehitimong doktor ay masaya sila na na natapos na nila ang unang hakbang.
Sinusulit na nila ang kasiyahang ito dahil pagkatapos ng ilang linggo ay sasabak na naman sila bilang mga medical interns sa mga napili nilang hospital na malamang ay hindi sila mapapayagang magsaya ng ganoon dahil sa kanilang career na nakakaubos ng social life.
With the loud beats from the sound system surrounding them ay sumabay si Catherine Liwaway 'Wayi' Calinao sa pamamagitan ng pag sayaw. Hinahayaan niyang malunod ang sarili habang umiindak upang hindi niya mapansin ang mga luha niyana patuloy na umaagos mul sa kanyang mga mata. Sabay ng pagtatapos niya ng kursong medisina ay ipinagdiriwang niya rin ang paghihiwalay nila ni Trevor Monsanto, ang ex-boyfriend niyang mapilit at laging nag-iinit ang laman. Mahal niya ito ngunit hindi pa siya handa ibigay ang bulaklak niya ng dahil lang sa tawag ng laman.
"Wayi, papakasalan naman kita, bakit ayaw mo ko pagbigyan?" Nagngingitngit na sambit ni Trevor.
"Papakasalan mo nga ako, pero ilang babae muna ang dadaan sayo araw-araw bago ka bumalik sa akin. Hindi ko kailangan ng ganyang lalaki, Trevor. Go f*ck yourself. Tutal naman, yan lang ang gusto mong gawin."
Napangiti siya sa mga salitang sinabi niya noon bago pa man sila maghiwalay. Hindi niya aakalain na kakayanin niyang makipag-break sa nag-iisang lalaking minahal niya at inakala niyang makakatuluyan niya. Masakit man ay kinakaya ni Wayi ito. Mabuti na lang at may kaibigan siya na umaalalay sa kanya sa ganitong mga panahon. "Gusto mo sa bahay na tayo magparty habang umiiyak?” tanong ni Reina Zalara kay Wayi. “Baka mapansin ka ng ibang mga classmate natin. Maging chismis ka pa ng mga Doctor Marites," dagdag pa nito sa kanya habang pasekreto siyang inaabutan ng tissue at wipes. Natawa siya sa sinabi nito at natawa din ito sa huli dahil sa muka niyang puno ng luha at huwaldas na make-up, malamang ay nagmumuka na siyang t*nga.
Pumayag siya sa suggestion nito. Mas malaya siyang makakapagwala doon sapagkat walang ibang tao kungdi sila lamang ni Reina. Ipinunas ni Wayi ang nasira niyang make-up at luha sa wipes na binigay nito at tinuyo ang mukha gamit ang tissue.
May biglang humaplos sa kanyang braso. Nagulantang siya sa mainit nitong palad at matutulis na kuko na dumampi sa kanyang balat. Pagkalingon ni Wayi ay nakita niya na ang kilabot na ito ay nagmumula pala kay Sheena, the carefree woman who doesn't mind playing with a guy or two. Bineso siya nito.
"So, did you follow my instructions on how to please your man?" sambit nito sapagkat wala pang nakakaalam na hindi na sila ni Trevor. Tumango at ngumiti siyang naging ngiwi, napipilitang makisalimuha dahil ayaw niyang malaman ng babaeng ito ang katotohanan. Si Sheena ang tipong hindi mapakali ang bibig kapag nakasagap ng kuwentong hindi naman kailangan ikalat. Sheena smiled on one side and raised her eyebrow. Wayi didn't notice her cheeks were still moist from tears and she knew the blabbermouth won't pass this chance.
Hindi na ito nag-antay pa ng sagot, Sheena left. Agad itong pumunta sa kumpol ng mga kapwa niyang medikal na Marites at kinabahan na si Wayi. She needs to get out of this party. Mabilis umikot ang mga salitang lumalabas sa bunganga nito… at mabilis din mapaniwalaan. Libangan na ng batch nila ang mga bagong istorya ni Sheena.
“Reina… halika na...” pagmagmamakaawa ni Wayi. May mga luha na namang namumuo sa kanyang mga mata. Hinihila na niya si Reina paalis. She didn’t need their burning looks na tumatagos sa kanyang puso. Ayaw nitong umalis sa kinalalagyan. Napaisip si Wayi kung bakit at napansin na may kausap ito sa cellphone. Sa naintindihan ni Wayi ay muka itong urgent. Mukang mag-isa siyang uuwi sa kanyang empty apartment.
“Wayi… Sorry, kailangan daw ako sa bahay,” Reina said to her. “Highblood na naman si mama, nagpapanic mga kapatid ko kung ano gagawi,” she said apologetically. “Okay lang, mas kailangan ka ng mama mo ngayon,” mahinang wika ni Wayi kay Reina. Mas maganda sana kung may kasama siya sa mga oras na ito, pero dahil sobrang mahiyain at introverted ni Wayi ay mukang wala na siyang ibang kaibigang matatawagan upang samahan siya sa kanyang pighati sa nasawi niyang pag-ibig. Napabuntong-hinga na lang si Wayi.
Nagmamadaling umalis si Reina at hindi na napansin na entrance ang nadaan nito. Sa pag-alis nito ay nagsimula na ring maglakad si Wayi palabas sa party bago pa man siya simulang tanungin ng mga kasama niya sa medical school tungkol sa kanila ni Trevor. Dumaan siya sa likod ng events place at binuksan ang bakal na pinto nito. Naisip niyang dumaan dito dahil hindi na niya mapigilan ang kanyang pag-iyak. Hindi na siya makahinga sa sakit. Mula sa back door ay sumalubong sa kanya ang isang makitid na daan papunta sa highway. Iisang streetlight lang ang tangi niyang liwanag sa eskinitang kanyang lalakarin. Lumingon siya sa paligid at muka namang walang ibang tao roon kaya matapang niyang binagtas ito. Para kay Wayi, mas maganda na’t siya lang ang tanging naroon dahil mailalabas niya ang sama ng loob na namumuo sa kanyang dibdib.
“Hayop ka Trevor! Napakababaero mo!” ang kanyang unang sinigaw dahil iyon ang mga salitang hindi niya masabi ng mahuli niya ang nobyo na nakalingkis sa ibang babae.
-----------
“Hayop ka Trevor! Napaka babaero mo!” the woman from below shouted right after exiting the building next to him. Narindi si Kien sa narinig kahit pa nasa rooftop siya na halos dalawampung palapag ang taas. Sadya talagang wala na siyang magagawa sa kanyang enhanced senses, lalo na ngayon sa pandinig. “How noisy,” ang komento niya habang sinusundan ng kanyang mga mata ang susunod niyang biktima. "I hope she tastes good," sambit niya sa sarili. Nagugutom na siya at ang dugo nito ay sadyang nakakatakam para kay Kien. Hindi niya maiwasang hindi lumabas ang pangil habang umiihip ang hangin papunta sa kanya mula sa babaeng nagsisigaw sa baba. Nakakahalina ang halimuyak ng dugo nito.
Mula sa dilim ay napansin niya agad ang isang taong papalapit sa kanyang napiling pagkain na patuloy na nagsisigaw patungkol sa nasawing pag-ibig sa eskenitang iyon. May kumislap mula sa kamay nito. It was a knife. Isa pala itong magnanakaw.
Halos mapaos na si Wayi sa kakasigaw ngunit gumagaan naman ang kanyang saloobin habang ginagawa iyon. Hawak ang dibdib ay huminga siya ng malalim upang mapigilan ang paghikbi ng napakalakas.
Hindi niya napansin noong una pero may sumisitsit sa kanyang likuran. Nang marinig niya iyon ay agad siyang lumingon. Isang matulis na kutsilyo ang bumati sa kanya. "Ahhh!" sigaw niya agad. Napaatras siya at mariing hinawakan ang kanyang purse. "Akin na ang bag, hikaw at relo kung ayaw mo masaktan," Sabi nito. She shook her head vigorously. "Huwag po, parang-awa niyo na!” pagmamakaawa niya rito, “Huwag niyo rin po akong saktan, may pangarap pa akong ituloy ang pagdodoktor ko, please!" Kapag nabigay niya iyon ay makukuha nito ang debit card niya at ang password na nakalagay sa kanyang phone. Mawawalan siya ng ipon.
Kien rolled his eyes, unbothered. “I guess, I have to intervene,” He scoffed. He let himself fall from the rooftop. ‘I want my food fresh, that’s all,’ he thought. 'I can't waste a mind invested in science, either.'
Tumangka na lumapit kay Wayi ang magnanakaw upang saktan siya ngunit may lumitaw na isang misteryosong lalaki sa kanilang harapan mula sa itaas at sinapak agad nito ang masamang loob. Matangkad ang misteryosong lalaki, umaabot ng 6'5 feet at matikas. Kakulay ng maalon na buhok nito ang itim nitong trench coat na sumasabay sa kanyang paggalaw. Sa itim ng kanyang buhok ay kay puti naman ng kanyang balat na nasisinagan ng liwanag ng buwan. His jawline was sharp and structured like the rest of his body. He was handsome, pero tama ba ang nakikita ni Wayi? Bakit parang nagbabagang dilaw na apoy ang mga mata nito? At bakit siya may pangil?
Nagtangkang manlaban ang magnanakaw gamit ang kutsilyo nito ngunit agad na binali ng lalaki ang braso nito. Nalaglag ang kutsilyo. Sinipa niya ito papalayo at saka nilapitan. Napahiga ang magnanakaw sa mamasa-masang lupa ng eskinita. Yumuko ang lalaki at itinagilid niya ang kanyang ulo patungo sa nagmamakaawang magnanakaw.
Nanlaki ang mga mata ni Wayi sa susunod na nakita. Mula roon ay may sumirit na dugo kahit wala naman siyang nakitang sinaksak. Nanlamig ang mga kamay ni Wayi. Anong klaseng tao ang lalaking iyon?
Was this real? Had she actually met a vampire?
Ilang segundo lang ay nakita niya kung paano natuyo ang laman ng magnanakaw. "Paano…?" Ang mahinang sambit ni Wayi. Lumingon sa kanya ang lalaki habang pinupunas nito ang dugo mula bibig. His predator-like eyes glowed yellow in the dark.
"Go away or I'll kill you next," Was the only thing he said to make her fear him. Napasinghap si Wayi at tumakbo paalis. Iyon lang ang naisip ni Kien para hindi na ito magtagal pa roon. He wanted her, but he'll have her for another day… where he'll feast to his heart's content.