Kabanata 48

4382 Words

Medyo marami na ang tao kila Kriselda at bawat masasalubong namin ay binabati o nginingitian si Mateo. Kuminang ang mga mata ko nang makarating kami sa hardin. Abala ang ilang tao sa pag-uusap habang nakaupo sila sa kanya-kanya nilang upuan. Pula ang sapin ng nga lamesa habang itim naman ang sa upuan. Napuno rin ng mga rosas ang paligid lalo na ang lapag. Sa maliit na entablado sa harap ay nakapaskil ang magandang litrato ni Kriselda kung saan nakasuot siya ng pulang damit na hapit sa kanyang baiwang at unti-unting lumuluwag sa ibabang parte ng kanyang katawan. Makinang ang kanyang damit gayon din ang kanyang ngiti. Nakasuot din siya ng hikaw at kwintas na lalong nagpakinang sa kanya. Hindi ko pa rin talaga lubusang maisip ang isang namumulaklak na binibini ay may pusong lalake pala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD