[Someone] INILAPAG ni Paul ang isang envelope na naglalaman ng mga impormasyon sa harap ng kanyang kapatid na si Graciela. "Narito na ang mga impormasyon tungkol kay Miss Kiara Somana, ate Graciela. Nag iisa pala siyang anak ng mga Somana Clan, ngunit itinakwil siya ng pamilya ng siya ay mabuntis ng hindi kilalang lalaki." Paliwanag ni Paul sa kapatid. "Nagkaroon siya ng nobyo, si Cyrus Bautista. Nakapagtataka na hindi daw ito ang ama ng anak ni Miss. Kiara, samantalang ito palang ang naging nobyo ng dalaga." Lalo lang nagngitngit sa galit si Graciela sa nalaman. "Isa palang puta talaga ang babaeng 'to! Isang kahihiyan sa pamilya kung hahayaan ko na maikasal ang anak kong si Grant sa disgrasyadang babae na 'yan!" "Hindi naman ganyan ang narinig ko tungkol kay Miss Kiara ate Graciela, hi

