[Kiara] "Pumapayag na ako na magpakasal tayo at maging ama ka ni Kian, Grant." Agqd na sabi niya kay Grant. Nakapag desisyon na siya. Hindi na siya magdadalawang isip pa dahil para naman sa anak niya ang gagawin niya. Napangiti si Grant ng marinig ang sinabi niya. "Mabuti naman at pumayag ka na." Tumango siya. "Oo pumapayag na ako. Basta para sa anak ko, Grant. Alam ko na magiging masaya siya sa desisyon ko." Pinahid niya ang luha sa mata. Alam niya na tama ang desisyon niya. "May kondisyon ako, Grant...." Bumuga siyq ng hangin. "Huwag mo sana masamain pero pwede ba na wag muna natin isama ang pagse-s*x sa kontrata natin? H-hindi ko pa kaya gawin ang bagay na 'yon. Pasensya ka na..." Tumango-tango si Grant na para bang naiintindihan ang sinabi niya. "Naiintindihan kita, Kiara.

