Pabagsak na nilagay ni Keith ang kanyang bag sa ibabaw ng kutson. Matapos ang napakahabang byahe ay nakarating na sila sa resort, partikular doon sa Bolinao, Pangasinan. Nasa kabilang cottage lang si Gabe pero batid niyang wala na ito doon. Simula kasi nang ibaba nito ang mga gamit ay gumala na. Inaya naman siya ngunit mas pinili niyang mamalagi muna sa pansamantalang tuluyan. Hindi rin naman siya mag-eenjoy. Gayunman, sumama siya sa outing na ito upang lumayo pansamantala kay Irish. Matapos magpalit ng kulay puti na short sleeve shirt at summer shorts, dumungaw siya sa bintana na gawa sa kawayan. Tanaw niya mula roon ang bughaw na dagat at kung paano ito humahampas sa dalampasigan. Nai-imagine niya ang bugso ng kanyang dugo sa kanyang puso dahil wari’y katulad din ito ng malakas na alon

