Kabanata 7

1949 Words
Tila baliw na nangingiti si Keith sa sarili. Habang inuubos  niya ang santambak na pasta sa plato niya ay mukha ni Irish ang nai-imagine niya. Totoong hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na nakihalubilo siya sa sopistikada at ubod ng ganda. Sa katunayan, bago ang dating nobya niyang si Winona at bago lumobo ang kanyang katawan, kaliwa’t kanan din ang dini-date niya.  Ngunit may ‘something’ talaga kay Irish na nakatatawag sa kanyang pansin. Marahil ay nasasagap niya ang itinatago nitong kalungkutan at likas na kabaitan. At dahil dito’y tila natutukso siyang maging malapit sa dalaga hanggang sa makuha niya ang loob nito. Ano ba’ng nangyayari sa ‘kin? Ang dapat iniisip ko ngayon ay ang pagpasok sa RnJ. Hindi ako dapat nag-iisip ng ibang babae. May kaunting guilt sa isip niya, gayunman mas malaki ang parte na nasisiyahan siyang makilala si Irish. Kung ipagkakasundo kami sa isa’t isa, hindi naman siguro makakaabala sa contract ko dahil hindi naman ‘to permanente. Basta kapag natapos ko ang pagiging pekeng husbando, saka ko haharapin ang pagiging totoong husband kay Irish. Lalo siyang napangiti sa ideya na sila ang magkakatuluyan sa huli. Magmula nito, tuluyan nang nabura sa kanyang isipan si Winona. Umangat ang mukha niya nang tumayo si Ginang Luz sa upuan nito. “Will you all excuse me? Kukunin ko lang ang dessert.” Luminga-linga si Gng. Imelda. “Bakit hindi mo na lang ipakuha sa mga katulong, kumadre. Ayokong maputol ang kwentuhan natin.” “Naku, kumadre, pinagpapahinga ko na sila kapag ten p.m. na. Maaga kasing nag-aasikaso ang mga iyon kinaumagahan.” Managal na tumango si Gng. Imelda, tila namamangha ito hanggang sa lumingon kay Keith. “Si Keith na lang ang pakuhain mo.” Tumingin silang lahat sa binata.  Lumingon sa kanyang likuran si Keith. Pagharap niya sa mga magulang ay itinuro ang sarili. “Ako?” “Yes, hijo. Ikaw na lang ang kumuha ng desert,” masiglang tugon ni Imelda saka lumingon kay Luz. “Sabihin mo na lang sa kanya kung saan, kumadre.” Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni Gng. Luz ngunit sumang-ayon na rin siya. “O-okay. Just go straight to the kitchen. Nasa fridge ang fruit salad. Ibinaba ko na ‘yon sa freezer kaya makikita mo kaagad.” “Okay.” Nagkibit-balikat lang si Keith at tumayo na.” Narinig na lang niya na tila kinikilig sa pagtawa ang mga ginang nang siya’y papalayo na. Napailing tuloy siya. “Gusto lang siguro nilang magkaroon ako ng sariling oras kay Irish.” Muli, parang baliw na naman siyang nangingiti sa sarili. Mabuti pala at dumalo siya sa family dinner ng mga Santiago. Noong una, ang buong akala niya’y ikamamatay niya ang pakikipagkasundo sa kanila. Ngunit wari’y kabaliktaran ang nangyayari dahil pakiramdam niya’y muling nabuhay ang puso niyang pilit na pinamamanhid.  Gumuhit ang pagngiti sa kanyang mukha bago magpakita sa dalaga. Batid niyang sa kusina ito nagtungo upang kausapin ang tumatawag. Ngunit natigilan siya sa paghakbang nang marinig si Irish.   “Ano kasi… ipinagkakasundo kami sa isa’t isa.” Humawak sa doorframe si Keith, nakikiramdam sa nangyayari sa loob. Ngunit pinasok ng pagkainip ang kanyang dibdib dahil tunog na lang ng mesa ang kanyang narinig. Siguro’y nakikinig pa si Irish sa kung sino man ang kausap  nito. Kalauna’y nahagip ng kanyang pandinig ang malalim na pagbuntong-hininga nito at sinabing, “Y-yeah, I admit. He’s good looking. He has this unusual dark-grey eyes and warm smile. He’s very tall. Sobrang bait din niya at gentleman.” Nanlaki ang mga mata ni Keith. Tama ba ang narinig ko? Gano’n ang tingin niya sa ‘kin? Bagaman hindi sigurado, pakiramdam niya’y pumapalakpak ang kanyang mga tainga. Paanong ang isang katulad ni Irish, isa sa mga elite at pinong babae na nakilala niya, ay pupurihin siya? Hindi kaya nahuhulog na rin ang loob nito sa kanya? Hindi kaya nagugustuhan na rin siya nito katulad ng nararamdaman niya? Gusto niyang makasiguro kaya lakas loob siyang pumasok. Hindi naman niya ito kakausapin gayong nasa telepono pa. Magpapakita lang siya at kukunin ang iniutos sa kanya ni Gng. Imelda. “Sis, I think he’s not the right one for me.” Unti-unting nalusaw ang ngiti ni Keith. Napatulala siya nang masaksihang sinabi iyon ni Irish. Bakit nagkaganoon? Ang buong akala niya’y gusto rin siya nito? Lalong kumirot ang puso niya nang marinig ang sumunod na pahayag ng dalaga. “He’s a bit… large…. Ano ba ‘yang iniisip mo, babae ka! Ang ibig kong sabihin, mataba siya!” Napayuko si Keith habang sa loob ng kanyang ulo ay naiwang umaalingawngaw ang tinuran  ni Irish. Naririnig pa niyang nakikipagsagutan ito sa kabilang linya ngunit hindi na wari’y hindi na niya naiintindihan. Mas malakas kasi ang nagsusumigaw na kantiyaw na umiikot sa kanyang ulo. Ikaw kasi, masyado kang umaasa. Hindi ka niya magugustuhan dahil hindi ka naman type.  Kapag nagkatuluyan kayo, para kayong number ten. Ikaw ‘yong zero, siya yung one! Mataba ka, Keith. Walang ma-a-attract sa ‘yo! Napakurap na lang siya ng mga mata nang marinig niyang lumangitngit ang upuan. Umangat ang mukha niya at napansing nakatitig rin sa kanya si Irish. Nanlalaki ang mga mata nito at biglang namutla. Tila nakakita ito ng multo… o matabang multo. “K-Keith… k-kani… kanina ka pa ba diyan?” Pigil-hininga at puwersahan na ngumiti si Keith. “Hindi. Kakapasok ko lang. Pinapakuha kasi ni Tita Luz ‘yong fruit salad sa ref.” “Oh, ‘yon ba?” Tila natataranta na iginawi ni Irish ang mga mata sa kusina, gayong nasa tabi lang niya ang pridyider. Nang mahawakan niya ang handle nito ay halos humahangos na binuksan. Pakiramdam niya’y nais pumasok ng dalaga sa loob dahil sa pagkapahiya nito. “Ito yata ‘yon.” Inilapag niya ang umuusok pa na lalagyan sa mesa.  “Mukha nga.” Kinuha ni Keith ang fruit salad sa mesa. Sabay silang napasinghap at nagkatitigan nang masalat ang kamay ng bawat isa. Matamlay siyang ngumiti at inangat sa mesa ang lalagyan. “Ako na.” Tumalikod na siya at mabigat ang mga yabag na lumabas ng kusina. Hindi niya iniinda ang pamamanhid ng mga kamay dahil sa nanunuot na lamig dulot ng lamig ng dessert. Hindi hawak na mas makapal naman ang yelo na biglang bumalot sa kanyang puso nang masaksihan mismo ang panghahamak sa kanya ni Irish.  Okay lang sa kanya kung ibang tao ito. Sanay naman siyang napupuna ang built ng katawan niya lalo na sa mga biruan sa opisina. Hindi siya nao-offend kahit below the belt pa ang tuksuhan. Ngunit bakit tagos ang sakit hanggagng buto niya ang pagpuna ng dalaga? Marahil ay dahil masyado siyang umasa na iba ito sa lahat, na kabaliktaran ito ng dati niyang nobya? Mabuti pa nga si Winona, kahit papaano, kahit nagpapanggap lang ay ipinaranas sa kung paano maging kaibig-ibig. Maingat na ipinatong ni Keith sa gitna ng mesa ang umuusok sa yelo na dessert. Isinuksok niya ang mga naninigas na kamay sa bulsa ng kanyang trousers at matamlay na sinabing, “Mauuna na po ako sa inyo, Ma, Pa, Tita Luz.” Umawang ang mga bibig nila at nagkatinginan. “W-wait, why?” dismayadong tanong ni Gng. Luz. Sumulyap si Keith sa kanyang wristwatch. “Naalala ko po, may meeting pa pala ako bukas ng umaga.” Sumulyap siya sa kanyang ama.  Tumango naman si Horacio bilang pagsang-ayon. Naiintidihan niya ang anak dahil minsan siyang naging CEO ng kompanya. At ngayo’y natutuwa siya dahil responsable na rin ang anak niya sa pagpapatakbo ng De Asis Construction. “Sige, hijo. Maaari naman nating ulitin ang dinner na ito.” “Tama ka, mahal!” Pumapalakpak na sumang-ayon si Imelda. “Malay natin, ang next dinner ay ang engagement party na ng mga bata!” Tila nasamid si Keith sa tinuran ng ina. Gayunman, hindi na ito binigyan pa ng komento. Umikot siya sa mesa upang muling makipag-beso sa ina at kay Gng. Luz. Tinapik naman siya sa balikat ni Horacio. “Good night po sa inyo. Salamat sa pag-imbita. Nag-enjoy po ako,” sa huling pagkakataon ay tumango siya at umalis na. Halos durugin niya sa loob ng kamay ang susi nang sasakyan. Akmang pipihitin na ito sa ignition nang biglang makarinig ng pagkatok sa bintana. Kumunot ang noo niya nang maaninag ang nag-aalala na mukha ni Irish. Ilang sandali rin siyang natuod sa driver’s seat. Kakausapin ba niya ito? Magpapadala na naman ba siya sa mga pambobola nito? Tama, lahat ng magagandang salita na lumabas sa bibig nito’y pawang panlilinlang. Ganoon naman talaga lahat ng mga babae! Hindi niya magawang magpaandar ng sasakyan dahil humarang sa si Irish sa harapan. Napilitan tuloy siyang lumabas. Agad na nagtama ang kanilang mga mata nang harapin ito.  “B-bakit aalis ka na? Hindi ka man lang nagpapaalam sa a’kin?” Nagpamewang si Keith. “Hindi ko lang kaya na manatili malapit sa mga taong…” Hindi na niya itinuloy ang sasabihin. Ano naman kung ano ang opinyon nito sa kanya? Totoo naman. Hindi na dapat siya nagpapaapekto at dapat ay nagmo-move on na lang siya. “Hindi na bale,” bulong niya at humawak sa pinto ng sasakyan. “Kailangan ko nang umalis kasi may importante pa akong appointment bukas. Siguro naman naiintindihan mo ako dahil nagpapatakbo ka rin ng kompanyang bilyon ang nakasalalay.” “O-oo naman. Pero… pero bakit parang… bakit bigla kang naging snobbish?” Humawak si Irish sa braso ng binata. “Okay. Alam ko na. Narinig mo ‘yong sinabi ko kanina. Pero hindi ibig sabihin n’yon…” “Wala kang kailangang ipaliwanag, Miss Irish.” Diniinan niya ang huling tinuran. “Huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako nagagalit sa ‘yo. At naiintindihan kita kung gano’n ang reaksyon mo tungkol sa ‘kin. Hindi ko naman kontrolado kung ano ang gusto mong maramdaman, hindi ba?” “You’re right. Pero gusto kong malaman mo na hindi ibig sabihin, hindi na kita gusto. Pwede naman tayong maging magkaibigan, Keith. Totoo ang sinabi kong magaan ang loob ko sa ‘yo." Malungkot na ngumiti si Keith sa dalaga at tinapik ang balikat nito. "Salamat kung gano'n. Pero baka magsayang ka lang ng oras, Miss Irish. Wala naman kasi akong magagawa bilang kaibigan." Mabigat sa loob niya na iwan ang dalaga. Nais man niyang pumayag sa alok nito, hindi maaari. Ngayon pang mas lalong bumigat ang rason niya upang pasukin ang Husband For Hire Services ng RnJ Agency.  Nadagdagan ang mithiin niya. Kung dati ay para lang sa pera ang pagpasok dito, ngayon ay para na rin sa pagpapaunlad ng sarili. Namulat ang mga mata niya rito nang makilala si Irish. Ngunit nawa'y hindi na muling mag-krus ang mga landas nila. Ilang minuto pa ang nakaraan at tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito gamit ang bluetooth ng sasakyan. "Hello." "Gabe pare." Napakunot siya ng noo. "Bakit napatawag ka? May problema ba sa pinirmahan ko?" "Wala naman. Gusto ko lang sabihin na bukas na ang appointment mo sa council ng RnJ. Seven ng umaga." "Okay." Tumango siya sabay pagpapalit ng gear. "Sandali, hindi na ba ako kailangang makausap ng presidente? Si Mr. Ricardo Milosa?" "Wala siya ngayon sa bansa. Pero pwede namang ang tatlong miyembro ng Council of Gigalo ang humarap sa 'yo." "Sige, malinaw. Meron pa ba?" "Yes." "At ano naman 'yon?" "Enjoy." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD