Kabanata 8

1606 Words
Palabas na si Keith sa kanyang complex apartment kinabukasan nang walang pasabi na pumasok ang mag-asawang De Asis.  "Papá? Mamá?" Salitan niyang tiningnan ang mga ito habang nag-aayos ng cufflinks. "Anong ginagawa ninyo rito?" "Buenos días, hijo." Dire-diretsong umupo sa mahabang sofa si Horacio. Nag-de-kuwatro siya habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng sala. Bigla siyang napakunot. "Nagpalit ka ba ng muebles? Nasaan na ang mga figuritas?" "Huh? Um…" Napahawak sa batok si Keith. "Y-yes, Pa. Gusto ko kasing mas maluwag," pagsisinungaling niya kaysa aming nabasag ang kasangkapan dahil siya ay nagwala. "Mag-o-ocular inspection ba kayo sa bahay ko?" Natahimik ang kaniyang mga magulang at nagtapunan ng tingin. "Ma?" Nakapamewang siyang tumingin sa ina. "Alright." Nagbuntong-hininga si Imelda at niyakap siya bago umupo sa tabi ng asawa. "Pinilit ko ang ama mo na pumunta rito bago ka umalis." Luminga ang ginang sa direksyon ng kwarto. "I just feel weird about your sudden exit last night, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay kumadre." "Tapos?" Nagtaas ng isang kilay si Keith. "Ma, ano bang iniisip ninyo?" "Iniisip ng mama mo na may ibinabahay kang babae kaya hindi mo tinanggap ang pakikipagkasundo sa anak ni Señora Santiago." "Ma naman. " Umiiling na pumagitna si Keith sa mga magulang. Tinapik niya ang tuhod ng mga ito. "Kahit halughugin n'yo pa ang buong bahay, wala kayong makikitang babae. Single ako. At umalis ako kaagad kagabi dahil may mahalaga akong meeting ngayon," pagmamalaki niyang paliwanag.  "Iyan ang kanina ko pa sinasabi sa mama mo. Hindi siya naniniwala hangga't hindi nakikita ng mga mata niya," natatawang sumulyap si Horacio sa asawa.  "Fine!" Umirap sa asawa si Imelda at niyakap ang anak sa braso nito. "Masisisi n'yo ba ako? Ang gusto ko lang naman ay makahanap ng matinong babae ang anak ko." "Tama siya, hijo," pagsang-ayon ni Horacio at tinapik sa balikat si Keith. "Treinta y cinco ka na pero binata ka pa rin.  At kami naman ay wala pang apo." Inunat ni Keith ang mahahabang braso upang akbayan ang mga magulang. "Ma, Pa, darating din tayo sa bagay na 'yan. Pera ngayon, ang iniisip ko ay ang kapakanan ng kompanya." Lumingon siya kay Horacio at ngumiti. "Ayokong sayangin ang tiwala na ibinigay mo sa 'kin para maging CEO ng De Asis Construction kaya ito muna ang priority ko. Nariyan lang naman ang pag-aasawa." "Ipinagmamalaki kita, hijo." Madiin na tumango si Horacio. "Hindi ako nagkamali sa pagpili sa 'yo. Kahit sinasabihan ako ng Uncle Fred mo na masyado pang maaga para gawin kitang tagapamahala, hindi ako nakinig sa kanya. Alam kong responsable ka na sa paghawak  ng pinakamataas na posisyon." Biglang kumirot ang dibdib ni Keith. Sa kabila ng pagpupuri ng ama, nakaramdam siya ng panliliit sa sarili. Kung alam lang ni Horacio ang kagaguhan na kanyang nagawa, paniguradong itatakwil siya nito. Gayunman, hindi niya hahayaang umusok man lang ang nagliliyab na butas na kanyang pakana. Bago malaman ng ama na malaking pera ang nawawala sa kompanya ay natakpan na ito dahil sa investment ng RnJ. Kunot-noo na sumulyap si Imelda sa asawa. Ang sabihin mo, gusto lang maging CEO ng kapatid mo, Horacio. Hindi niya matanggap na anak natin ang majority ng mga boto sa board. Wala siyang magagawa sa bagay na 'yon." Muli niyang isinandal ang ulo sa balikat ng anak. "Basta, hijo, kung handa ka nang mag-asawa, nariyan lang si Irish, okay? Siya ang gusto kong maging daughter-in-law. Bukod sa maganda na, napakabait at napakasipag pa. Perfect combination kayo!" Pinilit na lang ni Keith na tumango upang ipakita niyang sumasang-ayon siya sa kalooban ng ina. Gayunman, abot-langit ang pagsalungat ng kanyang isipan. Kung may pipiliin siyang babae, paniguradong hindi si Irish iyon. Maaaring na-attract siya sa kagandahan nito sa unang pagkikita pa lang. Ngunit paano niya pakikisamahan ang isang tao na hinahamak siya patalikod? Nakakalungkot mang isipin, isa sa nagtulak sa kanya upang suungin ang training sa RnJ ay upang lunukin nito ang judgement sa kanya kapag nagkita silang muli. Iyon ay kung magkikita pa sila. Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay sabay-sabay silang umalis ng apartment. Ayon sa kanyang mga magulang, bibisita pa sila sa mga site. Siya naman ay nagpalusot na kikitain si Engr. Gabe Angeles ngunit ang totoo'y RnJ ang kanyang sadya. Makalipas ang ilang oras ay natagpuan na lang niya ang sarili na kaharap ang sinasabing Council of Gigalo. Isang ubod ng laki na opisina at makabago ang mga kasangkapan sa opisina ng mga ito. Lahat ay digital at voice activated. Aminado siya noong una, ang akala sa mga ito ay team ng mala-hukom na personalidad. Ngunit nagkamali siya. Dahil kung titingnan niya ngayon ay tila mga ordinaryong tao lang ang mga ito bagaman halata ang dedikasyon sa trabaho. "Eighty million pesos?!" Halos lumuwa ang mga mata ni Keith nang lingunin niya ang naka-dark rimmed eyeglasses na lalaki. Sa tapat ng desk nito siya nakaupo. Kabi-kabila ang mga naka-folder na papeles sa mesa nito na may nakapatong na ginintuang nameplate. Council JC ang nakaukit dito. Luminga si Keith sa paligid upang pagmasdan ang reaksyon ng dalawa pa sa mga council. Walang reaksyon ang mga ito. Nakahinga siya nang maluwag at muling tumingin kay JC. "Hindi ba tama ang nire-request ko?" "Hindi naman, brad." Umangat ang mukha nito na inaayos ang salamin. "Mas maliit pa nga 'to kumpara sa ibang binibigay namin sa ibang husbando. Ayaw mo bang dagdagan?" "Tama na muna 'yan sa 'kin. Salamat." Umiling si Keith bagaman namamangha siya sa tanong nito. Ibig sabihin pwede pa pala akong kumuha nang mas malaki? Natutukso siya ngunit nag-aalinlangan pa rin. Nagtiwala man siya sa RnJ, bago pa rin ito sa kanya.  "Okay." Nagkibit balikat si JC habang nagtitipa sa keyboard. Salitan ang sulyap nito sa kanya at sa monitor ng laptop. "Sabagay, ito ang unang investment ng RnJ sa kompanya mo. Hindi bale, kapag maganda ang records mo, magkakaroon ka ng pagkakataong maging shareholder. You are going to have a stable pillar in your business.” “Gusto ko ‘yan.” Tipid niyang nginitian ang kausap. Ngunit sa ngayon, ang focus niya’y maresolbahan ang financial problem ng De Asis Construction. Saka na niya iisipin ang mga susunod pang mangyayari. “Okay, this is your copy of the contract.” Tumayo si JC upang iabot ang folder kay Keith. “Salamat.” Binuksan niya ito at pinahapwayan ng tingin, saka binalingan ang kaharap. “Ano ang susunod dito?” Itinuro ni JC ang katabi niya sa kanan. “Kaunting psychological assessment lang ang gagawin ni Council Nathan sa ‘yo.” “Okay.” Agad na tumayo si Keith at lumipat ng upuan. Akmang kakamayan niya ito upang magpakilala nang bigla na lang magsalita. “Are you aware that kissing the client is allowed but not biting? That the husband will only do the tasks specified in the contract nothing more, nothing less? That public display of affection is just fine as long as it will not go farther than that? And last but not the least, that the client has no access to anything below the husband’s belt?” Napaawang ang bibig ni Keith. Oo’t nabasa niya ang mga iyon sa mga rule bago pirmahan ang kontrata. Ngunit kailangan bang ulitin ito sa kanya? Gayunman, sinagot na lang niya nang walang reklamo. “Malinaw sa akin ang mga ‘yan. Professional ang turing ko sa kung sinumang kliyente ang ibibigay sa akin. Wala kayong magiging problema.” Matagal siyang tinitigan ng mapanuring mga mata ni Council Natahan. Mayamaya’y ngumisi ito at hinila ang braso niya upang makipagkamay. “Then you just passed the freakin’ psychological test. Congratulations! You can now hit Council Xean regarding the legal matters.” Itinuro niya ang nakaupo sa dulo na kulay asul ang buhok at tila walang pakialam sa paligid dahil may nakasaksak na earphones ang magkabilang tainga nito. Tinungo niya ito. “Excuse me, Council Xean? Gusto kong--” “Just sign this application form for your license. Makukuha mo ‘yan after the trainings.”  Pinirmahan agad ni Keith ang mga papeles. Pag-angat ng mukha niya’y bumulaga sa kanyang harapan ang isang makapal na book-binded na libro. Nakadilat sa mukha niya ang pamagat nito. “RnJ Husband Rulebook?” “Correct!” bulalas ni Council Xean at nilagay sa mga kamay niya. “The title says it all. Just read everything in there para wala tayong problema.” Pinahapyawan ni Keith ang mga pahina. “Sana hindi ako antukin sa ganito kakapal na libro. Tamad pa naman akong magbasa. Wala ba ‘tong audiobook version o demo CD man lang?” reklamo niya. “Don’t worry, Papa Kanye Gomez. Nakaipit sa likod niyan ang two-pages summary. Alam ko kasing magrereklamo ka sa libro katulad ng ibang husbandos.” Tinapik niya sa balikat ang binata. Matutuwa na sana si Keith kung hindi lang siya nagtaka sa itinawag sa kanya. “Kanye Gomez? Ako ba ang tinutukoy mo?” “Oo naman!” natatwang tugon ni Council Xean. “From now on, you are Kanye Gomez, the online gamer.” “Protect your new identity at all cause like how you protect your own home and bank account,” sabat ni Council Nathan. Relax itong nakapatong sa mesa ang mga binti. “Kanye Gomes pala, ha,” bulong niya sa sarili. “Hindi na masama.”  “One more thing!” Nagtaas ng isang kamay si Council JC bagamat nakatutok sa monitor at nagtitipa pa rin ang isang kamay.  “Ano ‘yon?” usisa ni Keith. “Try not to fall in love with the client. If that happens, you’re doomed.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD