“Ang tibay talaga niya, pare,” bulong ni Keith. Dismayado siyang napapailing na lang habang nakatanaw sa transparent na pader. Sa tuwing inaabot siya ng matinding lumbay o stress ay nakagawian na niyang pagmasdan ang helera ng mga naglalakihang gusali sa labas ng salamin na iyon. “Kitang-kita ko naman sa kilos niya. Gusto niya rin ako. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya inaamin kahit inipit ko na siya.” Lumingon siya sa kaibigang si Engr. Gabe. Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansing nanlalaki ang mga mata nito habang tinitingnan siya. Ang iniinom na mug ay nakatigil lang sa tapat ng bibig nito. “O, bakit ganyan ka makatingin?” Pigil na natawa si Gabe. Humigop siya sa tasa at ibinaba ito sa platito, saka tiningnan siyang muli na tila sinusuri. “Kung hindi ako nagkakamali, a

