Padabog na ibinato ni Irish ang kanyang mamahaling handbag sa sofa. Sa isang kamay niya’y bitbit ang paper bag ng inorder kaninang tanghali. Dahil sa pagkawala ng mood, hindi niya ginalaw ang pagkain at maghapon lang siyang nagmukmok sa opisina. Dinala niya ito sa kusina at iniabot kay Manang Rosa, ang matandang cook na naabutan niyang naggagayat ng mustasa. Napahinto ito sa pag-aasikaso ng hapunan nang umangat ang mukha sa kanya. “Irish? Bakit nandito ka?” Nagsalubong ang mga kilay ni Irish. “Manang Rosa naman. Hindi ba pwedeng bumisita ako dito sa bahay paminsan-minsan?” Umiiling na natawa ang kusinera. “Hindi naman sa ganoon, anak. Nagulat lang naman ako at wala kayong pasabi ng asawa mo na dadalaw kayo. Kung alam ko lang, ang mga paborito ninyong pagkain ang niluto ko.” “No need.

