“Okay, Mr. Gomez, embrace your wife from behind and put your face on her neck. And you, Mrs. Gomez, slightly tilt your head…. That’s right. Smile!” Walang reklamo si Irish habang nakaharap sila sa camera ni Keith at pinauulanan ng maya’t mayang shot. Sa likod ng matamis niyang ngiti ay ang nagwawala niyang puso. Tila nagsisisi tuloy siya na pumayag sa ideyang mag-secure sila ng wedding photos. Pwede naman silang magpanggap nang wala nito dahil may wedding rings naman na sila? Kung bakit kasi hindi siya nakatanggi kay Keith sa umpisa pa lang. Tuloy, pakiramdam niya’y ‘chancing’ ang nagaganap imbes na photoshoot! Halos kalahating oras na silang magkayakap na wari ay hindi mapaghihiwalay ninuman! “Good!” “Finally,” bulong ni Irish. Nakahinga siya nang maluwag nang mag-thumbsup si Perkins

