Pabagsak na humiga si Irish sa kama at malakas na nagbuntong-hininga. Kumpara noong mga nakaraang araw, ngayon ang pinakaabala siya at halos hindi makahinga. Halos libutin niya ang buong NCR dahil sa pagbisita sa iba’t ibang branches ng Love World’s Jewelry dito. Mabuti na lang at nasa Cebu ang kanyang CEO na si Suzie. Kung hindi, baka lumipad din siya doon nang wala sa oras. Sa kasalukuyan, maayos ang takbo ng kanyang negosyo. Ngunit kabaliktaran ito ng tunay na nadarama ng kanyang puso. Batid niyang kahit si Keith ay nakakahalata sa kanyang biglang pagbabago. Hindi naman niya masisisi ang sarili dahil malaki ang impact sa kanya ng pagkikita nila ni Julio. Hindi ito napaghandaa ng puso niya kaya hanggang ngayon ay dala-dala niya ang sakit. It’s so unfair, aniya sa isip. Sinubukan ko

