TINAPOS na ni Luisita ang relasyon nila ni Jeff Mitchel. Hindi ito pumayag at patuloy siyang sinuyo ngunit naging matatag siya sa desisyon niya. Wala na rin itong nagawa. Nahirapan siyang maibalik sa dati ang samahan nila. Kahit ano kasi ang gawin niya, may nagbago na sa kanila. Hindi na sila tulad ng dati. Kahit paano rin ay umasa siya na magiging maayos sina Jeff Mitchel at Hannah. Ayaw man niyang aminin noong una, umasa siya na mare-realize ni Jeff Mitchel na ang katulad ni Hannah ang kailangan nito. Isang babae na lubos na nagmamahal dito. He deserved that. Ngunit lumipat ng ibang eskuwelahan si Hannah at hindi na nila muling nakita ito. Napansin din niya ang malaking pagbabago kay Jeff Mitchel. Madali na itong mairita. Palagi nitong bukambibig si Hannah. Palagi nitong sinasabi kung

