“`YOU OKAY?” Tinanggap ni Luisita ang iniabot ni Cecilio sa kanya na isang supot na may tatak ng isang kilalang convenience store. Nang silipin niya ang laman niyon ay napangiti siya. Half gallon iyon ng paborito niyang flavor ng ice cream. Bihira siyang makatikim niyon dahil may-kamahalan iyon. Bumalik siya sa loob ng silid niya at hinayaan itong tumuloy roon. Solo pa rin niya ang silid. Nagkaroon na siya ng hinala na may kinalaman ito at ang mga pinsan nito tungkol doon. Matagal na niyang alam na hindi kailanman naging mura ang upa sa silid na iyon. Halos sigurado na siya na binayaran ng mga kaibigan niya ang landlady para hindi na kumuha ng isa pang boarder sa silid. Malamang na kalahati lang ng aktuwal na renta ang binabayaran niya. Gusto niyang komprontahin ang mga ito ngunit alam

