19

1286 Words

HINDI ipinaalam ni Luisita kina Eduardo at Cecilio ang plano niya. Alam kasi niya na gagawin ng mga ito ang lahat upang mapigilan siya. Kung kinakailangang suhulan ng mga ito ang lahat upang hindi siya makaalis, gagawin ng mga ito. Naging sobrang abala siya nang mga sumunod na linggo. Sumabay ang dami ng trabaho sa pag-aayos niya ng mga papeles na kailangan niya sa pag-a-abroad. Pati si Eduardo ay hindi na niya nakakasama. Tuwing nagyayaya itong lumabas ay tinatanggihan niya. Kung hindi siya sadyang umiiwas ay pagod na pagod na siya upang lumabas. Kahit sa telepono ay hindi na sila nakakapag-usap. Naging abala na rin ito sa trabaho. Nagi-guilty siya sa ginagawa niyang pagtatago at pagsisinungaling, ngunit iyon ang nakikita niyang tama. Kilala niya ang mga kaibigan niya kaya alam niya ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD