Chapter 25

3526 Words
My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 25 "Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" seryosong tanong ni Marcus, umorder siya ng classic red velvet cheesecake at classic carbonara para kay Hakeem, ngunit hindi man nito ginagalaw ang pagkain nito. Samantala siya ay patapos na siyang kumain. Classic carbonara rin ang inorder niya at fresh orange juice. Nakita niyang malungkot na tumingin sa kanya si Hakeem. "G-gusto ko na umuwi Marcus. Gusto ko na magpahinga sa lahat ng nangyayari sa akin." malungkot na sabi ni Hakeem, nakakaramdam siya ng sobrang pagod sa nangyayari sa kanya. Kagabi lang ay masaya siyang pumunta sa Altas Bar kasama ang mga kaibigan niya. Ngunit pagkagising niya ay nasa ibang lugar na siya. At ang masaklap ay nakipagtalik pa siya sa isang lalaki. Isang lalaking nakakuwentuhan lang niya kagabi. Isang lalaking, isa sa maimpluwensyang tao sa bayan ng Prado. Isang lalaking sinasabi nito na pagmamay-ari siya nito. Isang lalaking kaharap niya ngayon at seryosong nakatingin sa kanya.  "Wag kang mag-alala kapag natapos na natin kausapin ang mga kaibigan at magulang mo ay makakapagpahinga ka na sa kuwarto ko na magiging kuwarto mo rin." ngising sabi ni Marcus, alam niyang pagkatapos ng araw na ito ay mapapasakanya na si Hakeem. Wala na itong magagawa kundi sundin lahat ang kagustuhan niya.  "Uulitin ko Marcus, hindi pa tapos ang deal natin." seryosong sabi ni Hakeem.  Narinig ni Marcus, na tumunog ang kanyang cellphone, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa niya. Nakita niyang si Zubery, ang tumatawag sa kanya.  "Zubery…" sabi ni Marcus, titig na titig siya sa guwapong binatang kaharap niya na nakatingin sa kanya.  "Capo Marcus, ang tatlong kaibigan ni Hakeem, ay nasa bahay ni Ludwick Laurel. Samantalang ang mga magulang ni Hakeem, ay nakausap ko na sila. At ganun pa rin, ayaw nilang tanggapin ang pera." _Zubery "Ganun ba sige. Salamat." napangisi na lang si Marcus, sa sinabi sa kanya ni Zubery. Hindi na siya mahihirapan na isa-isahin ang mga kaibigan ni Hakeem. Kailangan lang nila bumalik sa bahay ni Ludwick Laurel. Hindi na siya makapaghintay kung ano ang magiging reaksyon ni Hakeem, kapag nakausap na nito ang mga tinuturing nitong kaibigan. Kanina ay sinadya niya talagang hindi palabasin si Hakeem, para marinig nito ang sinabi ni Ludwick. Ngumising tumingin si Marcus, kay Hakeem.  "Tapusin na natin ang deal. Tumayo ka na dyan Hakeem, at puntahan na natin ang mga tinuturing mong kaibigan." ngising sabi ni Marcus, tumayo na siya sa pagkakaupo ganun din si Hakeem, at lumabas na sila sa Rald's Box Café.  "Saan tayo pupunta?" takang tanong ni Hakeem, sumakay na siya sa loob ng kotse ni Marcus, ngayon lang niyang napansin na magkapareho pala sila ng kotse 2014 Lexus LS 600h. Itim nga lang ang sa kanya samantalang ay Marcus, naman ay puti.  "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa'yo kanina?" ayaw na ayaw ni Marcus, na inuulit ang kanyang mga sinasabi. Bigla-bigla na lang niyang sinunggaban ng mapusok na halik si Hakeem.  Nabigla si Hakeem, sa biglang paghalik sa kanya ni Marcus, kahit na nagpupumiglas siya ay hindi siya makapalag. Dahil hawak-hawak ng makisig na lalaki ang panga niya. "Wag mong pigilan ang sarili mo Hakeem." ngising sabi ni Marcus, alam niyang pinipigilan ni Hakeem, na tumugon sa halik niya.  "Marcus! Puwede ba!? Bat ka ba nanghahalik!" inis na sabi ni Hakeem, napahawak siya sa labi niya.  "Hindi ka kumain kanina kaya pinatikim ko sa'yo ang kinain ko. Nagustuhan mo ba?" ngising sabi ni Marcus.  "Kadiri ka Marcus!" pinunasan ni Hakeem, ang labi niya gamit ang kamay.  "Kadiri? Kagabi nga ay sarap na sarap kang dinuduraan kita sa bunganga mo. At kung natatandaan mo ay kung makachupa ka sa aking bvrat ay mauubosan ka." ngising sabi ni Marcus, nakita niyang susuntukin siya ni Hakeem, kaya agad niyang hinarang ang kanyang braso para hindi umabot ang suntok nito sa kanya.  "Hindi ka-uubra sa akin Hakeem. Mas marami akong exprience sa pakikipag-away kaysa sa natutunan mo sa apat na sulok na taekwando class mo." ngising sabi ni Marcus, muli ay sinunggaban niya ulit ng halik si Hakeem. Sa pagkakataon na ito ay bumigay na ito. Napangisi siya ng tumugon na ito sa pakikipaglaplapan niya dito. Dahan-dahan siyang inilayo ang kanyang labi sa labi ni Hakeem. Ngunit nagulat siya dahil hinawakan siya sa likod ng ulo niya ng guwapong binata upang hindi mapalayo ang labi niya sa labi nito. Natuwa siya sa ginawa sa kanya ni Hakeem. Nagpatuloy sila sa pakikipaglaplapan nilang dalawa. Laway sa laway. Dila sa dila. Wala silang sawang naglalaplapan sa isa't-isa. Bigla na lang siyang tinulak ni Hakeem.  Habol-habol ang hininga ni Hakeem, sa pakikipaglaplapan niya kay Marcus. Ibinaling niya ang tingin niya sa labas ng bintana. Sigurado siyang nakangising nakatingin sa kanya ang makisig na lalaki. Naiinis talaga siya sa kanyang sarili kung bakit nagugustuhan niya ang ginagawang makikipaglaplapan sa kanya ni Marcus.  "Alis na tayo." sabi ni Hakeem, hindi pa rin niya tinitignan si Marcus. Wala siyang mukhang ihaharap sa makisig na lalaki dahil nahihiya siya. Narinig na lang niyang tumatawa ito. Napakunot noo siyang tumingin kay Marcus.  "A-anong nakakatawa?! Umalis na tayo!" inis na sabi ni Hakeem.  "Hahaha! Hay naku Hakeem! Sa sobrang pagpipigil mo sa sarili mo ay lalo kang bumibigay sa akin Hakeem! Hahaha!" ngising sabi ni Marcus, bigla niyang hinawakan ang panga ni Hakeem. At ibinukaka niya ito, nag-ipon siya ng laway sa kanyang bibig at lumapit siya sa guwapong mukha ni Hakeem. At dumura siya sa mismong bunganga ng guwapong binata. Agad din niyang sinunggaban ulit ng halik si Hakeem.  Nabigla si Hakeem, sa biglang pagdura sa kanya ni Marcus. Imbes na magalit siya ay nagtaka siya dahil uminit ang kanyang buong katawan. Parang nalibugan siya sa pagdura sa kanya ni Marcus.  Bumaba ang halik ni Marcus, sa leeg ni Hakeem, na ikina-unggol nito. Dinagdagan na naman niya ang love bite ng guwapong binata sa leeg nito. Dinilaan at sinipsip niya ang leeg ni Hakeem.  "M-marcus! Aaaaahhh!" unggol na sabi ni Hakeem, napapahawak siya sa ulo ni Marcus.  "Ang sarap mo talaga Hakeem!" gigil na sabi ni Marcus. Hininto na niya ang ginawa niyang pagsipsip at paghalik sa leeg ni Hakeem. Baka hindi niya na niya mapigilan ang kanyang sarili at kung ano pa ang magawa niya sa guwapong binata. Kitang-kita niya sa guwapong mukha ni Hakeem, na bitin na bitin ito sa ginawa niya dito.  "Fvck you Marcus!" inis na sabi ni Hakeem, susuntukin na naman sana niya si Marcus. Ngunit nasangga na naman ang pagsuntok niya.  "I will fvck you again Hakeem. Kapag nanalo ako sa deal natin. Kaya ihanda mo ang sarili mo. At wag kang umasa na bibigyan kita ng s*x drug. Gusto ko ay marinig ko ang natural na unggol mo. At gusto ko rin makita kung ano ang reaksyon mo." ngising sabi ni Marcus, nagsimula na siyang magdrive at hinayaan lang niya si Hakeem, na pulang-pula ang guwapong mukha nito sa nangyari paglalaplapan nilang dalawa at sa sinabi niya.  Samantala sa bahay ng mga Laurel, kararating lang ni Andreas, Barett at Ryker, sa bahay ni Ludwick.  "Dude?! Anong problema bakit mo kami pinatawag dito?" kunot noo tanong ni Ryker, nagtataka lang siya dahil kanina habang abala siyang nakikipag-usap sa kanyang mga magulang tungkol sa ipapatayo nilang bagong negosyo sa labas ng bayan ng Prado. Bigla na lang nagring ang kanyang cellphone at nakita niyang si Ludwick, ang tumatawag sa kanya. Sinabi lang nito sa kanya na pumunta sa bahay nito at naputol na ang linya ng tawag nito. Kahit hindi niya alam kung bakit siya pinapunta dito sa bahay nito ay pumunta pa rin siya.  "Dude! Aga-aga umiinom ka na?" pag-aalalang sabi ni Andreas, alam niyang hindi lang ngayon uminom ng alak si Ludwick, kahapon pa ng gabi ito umiinom. Dahil tinawagan niya ito kagabi para kamustahin at rinig sa boses nito na lasing ito.  "N-nakokonsensya ka na ba sa ginawa mo?" tanong ni Barett, na ikinasama ng tingin ni Ludwick at pati sila Ryker at Andreas, ay masamang tumingin sa kanya.  "Natin! Ginawa natin, hindi lang ako." ngising sabi ni Ludwick, hawak-hawak niya ang isang bote ng beer. Papunta sila ngayon sa gaming room ng bahay niya. Pinatawag niya ang tatlong kaibigan niya para meron siyang kadamay sa pinagdadaan niya stress ngayon. Kanina lang ay dumating si Marcus, at hindi niya talaga inaasahan na pupunta pa ito sa bahay niya. Sigurado siyang ngayon oras mismo na ito ay gising na si Hakeem. Napapatanong siya sa kanyang sarili kung kamusta na ba ang kanyang kaibigan? Ngunit agad din niyang binalewala ang naisip niya. Kailangan ay kalimutan na niyang may kaibigan siyang isang Hakeem Fargas.  "Ah?! Pinapunta mo kami dito para damayan ka sa nararamdaman mong konsensya? Galing mo dude!" ngiting sabi ni Barett, pati rin naman siya ay hanggang ngayon ay nakokonsensya sa ginawa nila kay Hakeem. Pero hindi tulad ng kanyang kaibigan na si Ludwick, ay kaya niyang dalhin ang ginawa niyang kasalan sa kanilang kaibigan na si Hakeem. Hindi niya alam bat hindi siya masyado nag-aalala sa kalagayan ni Hakeem, sa kamay ni Marcus. Naalala niya 'yung lalaking nakausap niya sa Tagaytay. Nasabi sa kanya ng lalaki na iyon na hindi lang pala mga babae ang kinukuha ni Marcus Orissis Patton. Kundi pati lalaki ay kinukuha rin nito. Kaya pala nagkainterest ito kay Hakeem. Sabagay sino ba naman ang hindi magkakainterest sa isang katulad ni Hakeem. Sa sobrang kaguwapohan nito ay nagmumukha nanitong babae.  "Puwede ba dude! 'Yung bunganga mo naman kontrolin mo!" inis na sabi ni Ryker, kanina pa siya naririndi sa sinasabi ni Barett. Akala mo ay malinis ang konsensya nito? Pare-pareho lang naman sila ng ginawa, pero masasabi niyang mas malaki ang kasalanan ni Ludwick, kay Hakeem, kaysa sa kanilang tatlong magkakaibigan.  "Tama ka dude! Kaya pinapunta ko kayo dito para damayan niyo ko. Pumunta dito si Marcus, kanina." ngising sabi ni Ludwick, umupo siya sa isang wing chair. Nandito na sila sa gaming room ng bahay niya. Meron ditong billiards, gaming computer, malaking screen projector at iba pa. Dito lagi sila tumatambay ng mga kaibigan niya lalo na kapag si Hakeem, ang kasama niya. Pero mas gusto ni Hakeem, na tumambay sa garden area dahil mahilig ito sa mga halaman lalo na sa mga bulaklak.  "Huh? Dude seryoso ka ba? Anong pang kailangan ni Marcus?" takang tanong ni Andreas, nagsimula na siyang maglaro ng billiards kasama si Ryker.  "Kasama ba niya si Hakeem?" usisa ni Ryker, siya na ang tumira sa billiards at pasok ang bolang number 2. Gusto niyang malaman kung ano na ang kalagayan ngayon ni Hakeem. Hindi niya mawala-wala ang pag-aalala niya sa kanyang kaibigan na si Hakeem.  "Hindi niya kasama. Nangamusta lang daw ito? Ang weird nga eh." sabi ni Ludwick, inalok niya ang mga kaibigan niya na kumuha ng beer sa may ref ng gaming room. Napangiti siya ng maalala niya na nauubos ni Hakeem, ang soda sa ref niya. Tinatawaan lang siya nito kapag lagi niya itong binabawal dahil baka magkaroon ito ng sugar. Hindi niya namalayan na nakangiti pala siyang napapailing.  "Dude ikaw ang weird! Ngumingiti ka na parang tanga dyan!" asar ni Barett, siya na ang pumunta sa ref para kumuha ng bote ng beer para sa kanyang mga kaibigan. Napansin niya na wala na soda sa ref. Naalala niya na si Hakeem, pang ang mahilig na uminom ng soda.  "Barett! Dude isa pa makakatikim ka na sa akin!" inis na sabi ni Ludwick.  "So… ganito na lang ba tayo buong maghapon?" tanong ni Ryker, huminto na siya sa pakikipaglaro ng billiards kay Andreas. Umupo siya sa gaming chair at humarap sa kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanya.  "What?! Buong maghapon ba tayo mag-iinuman para pag-usapan natin ang ginawa natin sa kaibigan natin na si Hakeem!" ngising sabi ni Ryker, ini straight niya ang beer  na hawak-hawak niya. Gusto niya makalimot kahit sandali sa ginawa niya sa kanyang kaibigan na si Hakeem. Naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit pa siya pumayag sa pustahan nilang magkakaibigan.  "Alam kong tayong lahat ay nakokonsensya. Pero wala na tayong magagawa kundi kalimutan na lang natin ang ginawa natin." ang seryosong sabi ni Barett, napatingin sa kanya ang mga kaibigan niya, na para tinatanong ng mga ito kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi niya.  "Hmm… Alam kong iniisip mo Ludwick, gusto mong bawiin si Hakeem, ngunit hindi mo na siya puwedeng bawiin sa kamay ni Marcus. Ayon sa nakausap ko noong pumunta ako sa Tagaytay. Kapag nakuha na raw ni Marcus, ang gusto nito ay hindi mo na puwedeng bawiin iyon sa kanya." seryosong sabi ni Barett, uminom siya ng beer sa hawak niyang bote ng beer.  "Sino naman nagsabing babawiin ko si Hakeem? Kapag binawi ko si Hakeem, kukunin niya si Haelynn. Hindi ko hahayaan iyong mangyari. Mas mahalaga sa akin ang kapatid ko kaysa kay Hakeem." seryosong sabi ni Ludwick, tumayo siya sa pagkakaupo at pumunta siya sa may ref para kumuha ng beer. Nagsinunggaling siya sa mga kaibigan niya. Parehong importante sa kanya ang kanyang nakakabatang kapatid na babae na si Haelynn, at ang kanyang kaibigan na si Hakeem.  "Dude ok lang ba na itanong ko kung ano ang ginawa mong diskarte para matalo si Hakeem, sa karera noong gabi na iyon?" usisa ni Barett, hindi nila alam bat bigla na lang natalo si Hakeem, sa karera. Sobra silang nagulat pati ang mga nanonood ng karera noong gabi na iyon. Nakita niyang nagkatinginan sila Ludwick at Andreas.  "Huh?! Gusto ko rin malaman kung ano ang magic na ginawa mo para matalo si Hakeem? Alam naman natin na hindi natatalo sa karerang sinasalihan si Hakeem." ngising sabi ni Ryker.  "Dude, sabihin mo nga sa kanila kung ano ang ginawa mo." ngising sabi ni Andreas, siya ang nagbigay ng idea sa kanyang kaibigan na si Ludwick. Kung ano ang gagawin nitong diskarte para mawala sa focus si Hakeem, sa pangangarera sa gabing iyon. "Nagtapat ako ng pag-ibig sa kanya." seryosong nakatingin si Ludwick, sa dalawang kaibigan niya na sila Ryker at Barett, na gulat na gulat sa sinabi niya.  "Nagtapat ka?! A-anong sabi niya sa'yo?" gulat si Ryker, sa sinabi ni Ludwick, sa kanila. Hindi siya makapaniwala nagtapat ito ng pag-ibig kay Hakeem. Nakaramdam siya ng selos dahil buti pa si Ludwick, ay nagawa na nito ang gusto niya sanang gawin noon pa man kay Hakeem. Pero kahit ano pang panghihinayang na mararamdaman niya ay huli na ang lahat. Dahil na kay Marcus, na si Hakeem.  "Alam natin lahat na focus na focus si Hakeem, kapag sumasali siya sa pangangarera ng kotse. Ginawa ko lang iyon para masira ang focus ni Hakeem. Nakipaghalikan din ako sa kanya at hindi naman siya nagpumiglas kundi tumugon pa siya sa halik ko." pagmamalaking sabi ni Ludwick, bigla na lang niyang naramdaman na tumigas ang bvrat niya sa suot niyang grey jogging pants. Aaminin niyang pinagjackulan niya ang ginawa niyang iyon kay Hakeem. At aaminin din niya na kapag natutulog si Hakeem, dito sa bahay niya ay pasimple niyang pinapahawak ang bvrat niya dito. Dahil alam niyang tulog mantika si Hakeem.  ___________________________________ "Dude makikitulog ako sa inyo ah?! Ok lang ba?" ngiting sabi ni Hakeem, kakatapos lang niyang maligo at kalalabas lang niya sa banyo. Nandito siya sa loob ng kuwarto ng kanyang kaibigan na si Ludwick. Nakita niya si Ludwick, na nakaupo sa gilid ng kama habang nanonood ng pelikula sa malaking tv nito sa kuwarto. Napatingin sa kanya si Ludwick.  Napalunok na lang bigla si Ludwick, sa kanyang nakita. Biglang uminit ang kanyang buong katawan dahil sa kanyang nakikita ngayon. Nakatapis lang ng puting towel si Hakeem, sa beywang nito. Pinupunasan nito ang basang buhok nito gamit ang isang puting face towel.  "Ehem! I-ilang beses mo na bang sinabi sa akin yan? Tignan mo nga nakaligo ka na lahat-lahat sasabihin mo pa paulit-ulit sa akin na makikitulog ka dito sa bahay ko." ngising sabi ni Ludwick, gusto man niyang umiwas ng tingin kay Hakeem, ay hindi niya magawa dahil sasamantalahin niya ang pagkakataon na ito para malaya niyang makita ang makinis at maputing kutis at magandang katawan ni Hakeem. Hindi niya alam bat umiinit ang katawan niya ngayon. Napatanong na lang siya sa kanyang sarili kung bakla ba siya? Dahil ramdam niyang tumitigas ang bvrat niya sa loob ng suot niyang grey jogging pants. Kanina lang ng sabihin sa kanya ni Hakeem, na makikitulog ito sa bahay niya ay hindi na siya masyadong mapakali. Maraming pumapasok sa isip niya na puwedeng mangyari.  "Hahaha! Tinatamad na kasi ako umuwi sa amin. Tsaka inaantok na ako. Lulubusin ko na ah! Puwede bang humiram ako ng damit at boxer brief mo?" ngiting sabi ni Hakeem, ito ang unang beses niyang matulog sa bahay sa bahay ng kaibigan niya. Isang taon na silang magkaibigan ni Ludwick, at masasabi niya mabuti itong tao. Mapagkakatiwalaan at maasahan din niya ito. Kakatapos lang niyang sumabak sa isang karera ng kotse sa may likod ng pinapasukan nilang university na Malaya University. Masaya siya dahil nanalo siya sa karera. Dahil na rin sa pagod at antok ay nakiusap siya sa kanyang kaibigan. At heto nga siya makikitulog siya sa bahay ni Ludwick.  "Sure! Punta ka lang sa walk in closet ko sa bandang kaliwa ng kuwarto. Meron doon na hindi ko pa nagagamit." ngiting sabi ni Ludwick, ibinalik na niya ang tingin niya sa pinapanuod niyang pelikula.  "Dude wag na! Nakakahiya, kahit na pinaglumaan mo lang na boxer brief mo ay ok na sa akin." ngiting sabi ni Hakeem.  Parang biglang bumilis ang t***k ng puso ni Ludwick, dahil sa kanyang narinig na sinabi ni Hakeem. Hindi niya maiwasan na maimagine na suot ni Hakeem, ang sinuot na niyang boxer brief. Napapamura na lang siya sa kanyang sarili kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang isip.  "Wag! A-ang ibig kong sabihin ay 'yun un use boxer brief na lang ang gamitin mo. Nakakahiya naman kung mga ginamit ko ang isusuot mo." ngiting sabi ni Ludwick, pasimple niyang inayos ang bvrat niya sa kanyang suot na gray jogging pants para hindi mahalata ni Hakeem, ang matigas niyang bvrat. Tumayo siya sa pagkakaupo para samahan niya ang kanyang kaibigan sa walk in closet niya.  "Wow! Ang laki naman!" manghang-mangha si Hakeem, sa nakikita niyang walk in closet ni Ludwick.  "Ah? P-pasensya na dude!" nahihiyang sabi ni Ludwick, napatakip na lang siya sa may harapan niya kung saan bakat na bakat ang malaking alaga niya.  "Huh? Bakit?" kunot noo tanong ni Hakeem, napansin niyang nakatakip ang mga kamay ni Ludwick, sa harapan nito.  "Ah?" hindi alam ni Ludwick, kung ano ang sasabihin niya kay Hakeem. Pumunta na lang sila sa loob ng walk in closet.  "Dude?! Ayos ka lang ba?" hindi alam ni Hakeem, kung bakit kakaiba ang kilos ng kanyang kaibigan? Pinahiram siya ni Ludwick, ng bagong boxer brief nito at isang puting tshirt na malaki sa kanya. Buti na lang talaga ay kasya ang boxer brief nito sa kanya.  "Oo, masama lang ang tyan ko baka siguro sa kinain natin kanina. Sige na maliligo na ako." ngiting sabi ni Ludwick, lalong nagwala ang alaga niya dahil nakikita niyang suot ni Hakeem, ang tshirt at boxer brief niya. Pinapahiram niya rin ito ng short ngunit hindi raw ito nagsusuot ng short kapag natutulog. Tumalikod na siya at pumunta na siya sa banyo. Masyado na siyang nahihirapan sa tigas ng bvrat niya. Sa pagpasok niya sa loob ng banyo ay nakita niya ang nakatuping pinaghubaran na damit ni Hakeem. Wala sa sarili niya na inamoy ang blue tshirt ng kaibigan nito. Amoy na amoy niya ang baby cologne na gamit nito. Napahawak siya sa kanyang alaga na nasa loob ng suot niyang gray jogging pants.  "Hakeem…." nababaliw na yata si Ludwick. Pinagpapantasyahan niya ang sarili nitong kaibigan na si Hakeem. Ibinalik niya agad ang tshirt ni Hakeem, sa dati nitong puwesto at naligo na siya. Naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit nagawa niya iyon. Muntikan na niyang pagjackulan si Hakeem, ang kanyang kaibigan. Natapos na siyang maligo at nakatapis lang siya ng towel sa kanyang beywang. Napangiti siya ng makitang natutulog na si Hakeem, sa ibabaw ng kama niya. Dahan-dahan siyang lumapit dito at nakita niya lalo kung gaanong kakinis at kaputi ang mga binti ni Hakeem. Para talaga itong babae. Sa sobrang kaguwapohan nito ay nagmumukha na itong babae. Nakalihis ng konti ang suot nitong puting damit kaya ginising niya ito para umayos ng pagkakahiga ang kanyang kaibigan.  "Hakeem, umayos ka nga ng puwesto." sabi ni Ludwick, ngunit hindi man ito nagising.  "Hoy! Hakeem, dude umayos ka!" nakailang ulit na ginising ni Ludwick, si Hakeem, ngunit mahimbing pa rin ito natutulog. At doon niya nalaman na tulog mantika pala ito kapag natutulog. Kaya siya na ang nag-ayos ng puwesto nito. Bigla na naman tumigas ang bvrat niya dahil amoy na amoy niya ang natural na amoy nito. Matapos niyang inayos si Hakeem, ay nagbihis na siya. Hindi naman siya nagsusuot ng kahit ano kapag natutulog siya. Ngunit nagsuot siya ng boxer brief dahil kasama niya sa kama ngayon si Hakeem. Kahit na pareho silang lalaki ay naiilang siyang nakahubad na matutulog.  "Dude, tulog mantika ka pala." ngising sabi ni Ludwick, tumabi na siya sa kay Hakeem. Pagod at antok na antok na rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD