My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 24
Hindi alam ni Hakeem, kung ano ang mararamdaman niya ngayon. Ngayon na nalaman niyang hindi nagsisinunggaling sa kanya si Marcus. Tungkol sa sinasabi nito na naging kabayaran siya sa malaking pagkakautang ng mga magulang ni Ludwick. Hindi niya sukat akalain na magagawa ng kanyang kaibigan ang ipambayad siya kay Marcus.
"Anong sinabi ko sa'yo Hakeem? Lahat ng sinasabi ko sa'yo ay totoo." ngising sabi ni Marcus, kakatapos lang nila kausapin si Ludwick Laurel. Natutuwa siya sa nakikita niyang nararadaman na kalungkutan ni Hakeem. Hindi niya masyado mabasa kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng guwapong binata. Nasa loob sila ng kotse niya. Nasa passenger seat na nakatulalang nakatingin sa bintana si Hakeem.
"B-bakit niya nagawa sa akin ito? Itinuring ko siyang t-tu-nay na k-ka-ibigan." marami pang gustong sabihin si Hakeem, ngunit hindi na niya napigilan na umiyak sa sobrang sakit na ginawa sa kanya ni Ludwick. 'Yun pa lang pagtatapat nito sa kanya noong gabing natalo siya sa karera ay planado pala nito. Dahil doon ay nasira ang focus niya sa pangangarera. At dahil doon ay napunta siya dito sa isang sitwasyon na 'di niya akalain na mararanasan niya. Ultimong sa panaginip ay hindi niya ito napapaginipan. Gusto man niyang umasa na panaginip lang ang lahat ng ito ngunit nandito siya sa realidad. Totoong nangyayari ito ngayon sa kanya.
"Hakeem, sinasayang mo lang ang mga luha mo sa walang kakuwenta-kuwentang tao." seryosong sabi ni Marcus.
_______________________________
Kinakabahan si Hakeem, na makita at makausap niya si Ludwick. Habang papalit sila ng papalapit sa Plamares Subdivision kung saan doon nakatira si Ludwick, at iba pa niyang kaibigan na sila Ryker, Barett at Andreas. Lalo siyang kinakabahan at natatakot. Natatakot siya sa sasabihin sa kanya ni Ludwick.
"Nandito na tayo." ang pagtawag pansin ni Marcus, kay Hakee. Masyado kasi malalim ang iniisip nito. Ramdam niya ang kaba nito. Bumusina siya ng tatlong beses para makuha niya ang pansin ng mga tao sa loob ng bahay ng mga Laurel. Hindi nagtagal ay nagbukas ang malaking gate at pumasok na sila sa loob.
Napakunot noo si Hakeem, dahil wala ang kanyang kotse sa garahe ng bahay nila Ludwick. Alam niyang iniwan niya ito sa garahe nito ngunit wala siyang nakita itim na 2014 Lexus LS 600h.
"A-ako na ang kakausap sa kanya." sabi ni Hakeem, bubuksan na sana niya ang pintuan ng kotse ngunit bigla siyang pinigilan ni Marcus.
"Tayong dalawa ang papasok sa loob ng bahay ng mga Laurel." ma autoridad na sabi ni Marcus, bumaba na siya ng kotse. Pumunta siya sa passenger seat kung saan nandoon nakaupo si Hakeem. Narinig niya ang boses ni Ludwick, sa may likuran niya. Kaya naman napatingin siya dito. Napangisi siya dahil galit na galit itong nakatingin sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?!" galit na galit na tanong ni Ludwick, hindi niya inaasahan na babalik pa si Marcus, sa bahay niya. Hindi niya maiwasan na kabahan dahil baka hindi pa sapat si Hakeem kay Marcus.
"Hindi mo ba ako aalukin na pumasok sa loob ng bahay mo?" ngising sabi ni Marcus, narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kotse. Mabilis ang kilos niya agad niyang hinarang ang kanyang paa sa pintuan ng kotse para hindi mabuksan ni Hakeem, ang pintuan. Ngunit nararamdaman niyang sinusubukan ng guwapong binata na bukas ang pintuan ng kotse. Nakabukas iyon sapat lang para marinig nito ang usapan nilang dalawa ni Ludwick.
"Marcus, hindi pa ba sapat si Hakeem, bilang kabayaran sa mga utang ng mga magulang ko?!" galit na sabi nu Ludwick, simulang umuwi siya noong gabing ibinigay niya si Hakeem, kay Marcus, bilang isang kabayaran sa malaking pagkaka-utang ng mga magulang niya. Hindi na siya nakatulog ng maayos. Aaminin niyang kinakain siya ng konsensya ngunit kailangan niyang gawin iyon para hindi makuha ni Marcus, ang kanyang kaisa-isa niyang nakakabatang kapatid na babae na si Haelyn. Umaasa siya na ba lang araw ay mapapatawad din siya ni Hakeem. Alam niyang matagal pa iyon mangyayari ngunit hihintayin niya ang araw na iyon.
"Nangangamusta lang naman ako Ludwick." ngising sabi ni Marcus, hindi na niya nararamdaman si Hakeem, na sinusubukan na buksan ang pintuan ng kotse. Alam niyang narinih iyon ng guwapong binata.
"Tsk! Umalis ka na lang! Wala akong panahon na makipag-usap sa'yo!" tinalikuran na niya si Marcus, at galit na galit siyang bumalik sa loob ng bahay niya. Sinabihan siya ni Azel, na isa sa kasambahay niya na bumalik ulit si Marcus Orrissis Patton, sa bahay niya. Kakagising lang niya sa kanyang sariling kuwarto. Kagigising lang niya sa isa o dalawang oras niyang pagtulog.
_______________________________
"M-masakit sa akin ang ginawa ng aking kaibigan na si L-ludwick." lumuluhang sabi ni Hakeem, sobrang sakit ng ginawa sa kanya ng tinuring niyang kaibigan. Nakayukom ang dalawang kamao niya. Gusto niyang sugurin kanina si Ludwick, kanina. Gusto niyang itanong sa kanyang kaibigan kung bakit nagawa nitong ibigay siya kay Marcus? Bilang kabayaran sa malaking pag-kakautang ng mga magulang nito.
"Walang kasing sakit nga naman ang ginawa ni Ludwick Laurel, sa'yo. Tinuring mo pa naman siyang tunay na kaibigan." ngising sabi ni Marcus, biglang naging masama ang tingin sa kanya ni Hakeem.
"Puwede ba dude wala akong panahon na makipagbiruab sa'yo!" galit na sabi ni Hakeem, ibinaling na lang niya ang tingin niya sa bintana ng kotse ni Marcus. Gusto niyang makausap ang iba pa niyang kaibigan na sila Ryker, Barett at Andreas. Gusto niyang malaman kung totoong kasabuwat ba ang mga ito sa plano ni Ludwick.
"Puwede ko na bang sabihin na panalo ako sa deal nating dalawa?" ngising sabi ni Marcus, ihininto niya ang kanyang kotse sa tapat ng Rald's Box Café. At nakangising nakatingin siya kay Hakeem.
"Hindi pa tapos ang deal natin. Hindi ko pa nakakausap sila Ryker, Barett at Andreas. Pati mga magulang ko ay gusto ko silang makita at makausap." seryosong sabi ni Hakeem, hindi man niya tinignan si Marcus. Napansin niyang huminto sila sa mismong tapat ng Rald's Box Café. Bigla siyang nakaramdam ng gutom dahil sa labas pa lang ng café ay nakikita na niya ang mga nakadisplay na mga cake ng Rald's Box Café.
"Kailangan pa ba natin kausapin ang iba mo pang mga kaibigan? Hindi pa ba sapat ang narinig mo kay Ludwick?" hindi pa rin nawawala ang ngisi sa guwapong mukha ni Marcus. Tumingin si Hakeem, sa kanya na galit na galit ang guwapong mukha nito.
Napatanong si Hakeem, sa kanyang sarili kung hindi pa ba sapat ang narinig niya kay Ludwick? Alam niyang talo na siya sa deal nilang dalawa ni Marcus, ngunit naniniwala siya na nagsisinunggaling ito tungkol sa ginawa raw ng kanyang mga magulang sa kanya. Alam niyang hindi magagawa ng kanyang sariling mga magulang na ibenta siya sa ibang tao.
"Hakeem, mabuti pa ay kumain na muna tayo dito sa paborito mong café, sa bayan ng Prado." ngiting sabi ni Marcus, una na siyang lumabas ng kotse at pumunta siya sa passenger seat upang pagbuksan niya ng pintuan si Hakeem.
"Dude, puwede ba!? Wag mo naman akong gawin na babae! Kaya kong buksan ang pintuan ng kotse mo!" inis na sabi ni Hakeem, lumabas na siya ng kotse ni Marcus, at hahakbang na sana siya papasok ng Rald' Box Café, ngunit hinawakan siya sa kamay ni Marcus.
"Dude! Bitawan mo ako! Maraming tao dito! Baka kung anong isipin nila na hinahawakan mo ang kamay ko!" naiinis si Hakeem, kay Marcus. Dahil parang ginagawa siyang babae nito. Napalunok na lang siya dahil biglang naging seryoso ang guwapong mukha nitong nakatingin sa kanya.
"Itigil mo ang pagtawag mo sa akin ng dude. Tawagin mo ako sa pangalan ko." seryosong sabi ni Marcus, naiinis siya sa pagtawag sa kanya ni Hakeem, na dude. Mas gusto niyang tinatawag siya nito sa pangalan niya.
"D-dude… M-marcus! Nasasaktan ako!" daing ni Hakeem, nararamdaman na lang niyang humihigpit ang paghawak sa kanya ni Marcus.
"Masakit ba? Paano kung ibang sakit ang gawin ko sa'yo? Baka mas lalo kang masaktan." seryosong sabi ni Marcus, humihigpit ang paghawak niya sa kamay ni Hakeem.
"M-marcus!" bigla na lang natakot si Hakeem, sa sinabi ni Marcus, sa kanya. Hindi niya alam kung hanggang saan o ano ang kaya nitong gawin sa kanya.
"Wag mo ng tangkain na lumaban sa akin Hakeem. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sa'yo." kahit ilang beses na nagbanta si Marcus, sa guwapong binatang si Hakeem, ay hindi man nito siniseryoso ang sinasabi niya. Binitawan na niya ang mahigpit na pagkakahawak sa kamay ni Hakeem.
"Sakit! Kainis!" tinalikuran ni Hakeem, si Marcus, ayaw na niyang makipagtalo sa makisig na lalaki. Baka makakuha pa sila ng atensyon sa mga taong dumadaan at sa loob ng Rald's Box Cafe. Pumasok na siya sa café at agad siyang pumunta sa may window view ng café. At doon ay umupo siya. Napamura na lang siya sa kanyang sarili dahil nakalimutan niyang kunin ang kanyang cellphone sa bahay ni Ludwick. Pati ang kotse niya ay hindi niya naitanong kung nasaan na iyon? Hindi niya napansin na naharapan na pala niya si Marcus, na ngayon ay nakangiting nakatingin sa kanya.
"Bipolar ka ba?" biglang tanong ni Hakeem, nakita niyang napakunot noo si Marcus, na nakatingin sa kanya.
"Bat mo naman nasabi na bipolar ako?" seryosong sabi ni Marcus, medyo nagulat siya sa tanong sa kanya ng guwapong binatang nasa harapan niya.
"Minsan ay nakangiti ka tapos bigla-bigla ka na lang seryosos. Tignan mo ngayon naging seryoso ka na naman. Kanina lang ay nakangiting nakatingin ka sa akin." sabi ni Hakeem.
"Kung yan ang tingin mo sa akin ay walang problema sa akin. Lubusan mo rin akong makikilala Hakeem." ngising sabi ni Marcus.