My Name Is Lualhati Canlas Datu
Chapter 6
"Gusto ko pala ipakilala sa inyo ang isa sa mga kaibigan ko si Ludwick Laurel." masayang sabi ni Hakeem, tumabi siya sa kanyang kaibigan at inilingkis niya ang kanyang kamay sa matipunong braso nito. Ipinakilala niya si Ludwick, kina Penelope at Avery.
"Akala ko ba wala kang boyfriend Lualhati?" takang tanong ni Avery, kanina kasi ay nakipagkuwentuhan siya kay Lualhati, habang nireretouch niya ito naitanong niya kung may boyfriend ito? Dahil kanina bago siya pumasok ulit sa comfort room ay may nagtanong sa kanyang isang guwapong lalaki parang may lahing amerikano kung meron daw siyang nakitang babae na ang pangalan ay Lualhati? Sinabi niya na meron at ireretouch niya muna ito at baka matagalan sila sa loob ng comfort room. Nakita pa nga niya na umalis ang guwapong lalaki at tinanong agad niya kay Lualhati, kung kakilala ba nito ang lalaking labas na naghihintay dito. Sinabi nga ni Lualhati, na kaibigan daw nito Andreas Fort at heto may isang napakaguwapo at makisig na lalaking nasa harapan nila na si Ludwick Laurel, na para bang may lahing kastila.
"Wala nga Avery." ngiting sabi ni Hakeem, lihim siyang natatawa dahil sa gilid ng kanyang mata ay tinitignan niya si Ludwick. Pasimple pa nga nito pinunasan ang pawis sa noo nito gamit ang kamay nito. Alam na niya ang ibig sabihin nito kinakabahan ngayon ang kanyang kaibigan. Kabisado na niya ang ugali ni Ludwick.
"Dala-dalawa na ang lalaking naghahanap sa'yo Lualhati. Baka manliligaw mo ang mga yan?" tuksong sabi ni Penelope.
"Sana nga kaso hindi nila ako type. Iba ang mga type na babae ng mga kaibigan kong lalaki. Lalo na itong si Ludwick." ngising sabi ni Hakeem, boses babae pa rin siya. Pinanindigan talaga niya ang pagiging Lualhati. Napatingin pa si Ludwick, sa kanya.
"Naku wag kayo masyado nagpapaniwala kay Hake… este kay Lualhati. Baka isipin ninyo masyado akong pihikan sa mga babae. Si Lualhati, pa lang ay sapat na." birong sabi ni Ludwick, nilapit pa niya ang mukha niya kay Hakeem, na ikinapula ng mukha nito. Kahit na dim light lang ang ilaw sa labas ng comfort room ay kitang-kita pa niya ang pamumula ng mukha ng kaibigan niya. Nakatanggap tuloy siya ng mahinang hampas sa matipunong dibdib niya at nagkunwaring nasaktan pa siya.
"Wag ka nga over acting dyan Ludwick. Hindi pala siya babaero kundi tanga sa pag-ibig dahil masyado itong inlove sa isang babaeng ginagawa lang siyang taken for granted." tuksong sabi ni Hakeem, na ikinasama ng mukha ni Ludwick. Ang tinutukoy niya ay ang girlfriend ng kanyang kaibigan na si Janella Salva.
"Ok masyadong cliché ang sasabihin ko pero parang magjowa nga kayong dalawa eh?" kilig na sabi ni Avery, nakipag-apir pa siya sa kanyang kaibigan na si Penelope.
"Totoo ang sinabi ni Avery, bagay na bagay kayo. Kung sino man yang si Janella Salva, na yan. Kabahan na siya dahil nakikita ko sa mga mata ninyong dalawa parang may something. Hindi lang parang may something may something talaga." ngiting sabi ni Penelope, naramdam na lang niya nagvibrate at tumunog ang kanyang cellphone sa loob ng dala niyang chanel bag. Agad niya itong kinuha sa bag niya at napangiti pa siya dahil ang kanyang boyfriend na si Braylon Hernandez, ang tumatawag sa kanya. Medyo lumayo na muna siya sa mga kausap niyang sila Lualhati, para sagutin ang tawag ng kanyang boyfriend.
"Baka maniwala si Lualhati, sa inyo. Pero possible naman na mainlove ako sa kanya. Bukod sa aking kagandahan ay sobrang maganda rin ang personality ng aking kaibigan na si Lualhati." sinakyan na lang ni Ludwick, ang mga sinabi ng dalawang magagandang dilag na kausap nila ngayon.
"Masyado ka talaga bolero Ludwick." nakita ni Hakeem, napapalapit si Penelope, mukhang tapos na itong kausapin ang tumatawag sa cellphone nito.
"Lualhati, masaya ako na nakilala ka namin. Nag-enjoy ako sa pakikipagkuwentuhan namin sa iyo. Magpapaalam na kami dahil kailangan na namin umuwi. Tumawag na kasi ang boyfriend ko gusto na raw nito umuwi." ngiting sabi ni Penelope.
"Salamat din sa inyong dalawang masyado ninyo ako pinaganda ngayong gabi. Baka mabaliw na ang mga kaibigan ko kapag nakita nila ako. Hahaha. Salamat ulit sa inyong dalawa." masayang sabi ni Lualhati, nagpaalam na sa kanila sila Penelope at Avery. Naiwan na lang silang dalawa ni Ludwick, sa labas ng comfort room.
"Ayos na ayos ang pagiging Lualhati, mo ah? Nakadalawang magandang dilag ka pa sa loob ng comfort room ng babae. Sawa-sawa ka siguro sa mga nakikita mong magagandang dilag sa loob ng comfort room." ngising sabi ni Ludwick, napansin niyang hindi pa inaalis ni Hakeem, ang kamay nito sa pagkakalingkis sa braso niya.
"Hindi ako manyak katulad mo dude. Ibahin mo ako." ngisi din sabi ni Hakeem, bumalik sa normal na boses na lalaki ang boses niya na ikinangiwi ni Ludwick.
"Consistent naman dyan Lualhati. Ehem! Sobrang sexy mo yata ngayon kumpara kanina na parang aattend ka ng binyag. Hahaha!" asar na sabi ni Ludwick, na ikinainis naman ni Hakeem. Dahil kitang-kita niya sa magandang mukha nito ang pagkainis sa sinabi niya.
"Bat ngayon mo lang sinabi na hindi pala maganda ang suot kong dress kanina. Baka akalain ng mga tao dito ay kakatapos ko lang pumunta sa binyagan." inis na sabi ni Hakeem, aalisin na sana niya ang kamay niya sa pagkalingkis sa matipunong braso ni Ludwick, ay pinigilan siya nito.
"Puwede ba tayo mag-usap?" biglang naging seryoso si Ludwick, gusto niyang kausapin si Hakeem, tungkol sa nangyari kagabi. Ang pagtatapat ng pag-ibig niya at ang paghalik niya sa kanyang kaibigan.
"Oh?! Bat naging seryoso ka Ludwick? Kani-kanina lang ay nang-aasar ka sa akin eh." natatawang sabi ni Hakeem, hindi niya alam bat kinabahan siya sa mga titig sa kanya ni Ludwick. Inaya siyang nitong bumaba at lumabas ng Altas Bar. Hindi na siya tumutol dahil mukhang importante ang sasabihin nito sa kanya. Hindi sila dumaan sa table nila kaya hindi sila nakita ng iba pa nilang kaibigan. Nakarating sila sa parking lot at pinasakay siya sa loob ng kotse ni Ludwick.
"Uuwi na ba tayo? Kung uuwi tayo ay salamat dahil pagod na ako at inaantok." sabi ni Hakeem, ginamit na niya ang boses lalaki niya dahil mukhang tapos na yata ang deal sa kanya ng mga kaibigan niya.
"Hindi pa tayo uuwi. Gusto ko lang pag-usapan natin ang nangyari kagabi?" seryosong sabi ni Ludwick, hindi sila puwedeng umuwi dahil malilintikan siya kay Magnus, kapag ginawa niya iyon. Napatingin siya sa magandang dilag na kasama niya ngayon sa loob ng kotse niya. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagod at antok. Nakaramdam siya ng awa sa kanyang kaibigan na agad niya rin inalis sa kanyang sarili. Ayaw niyang maawa kay Hakeem, dahil kapag naawa siya ay hindi niya magagawa ang planong matagal na nilang pinagplanuhan ng mga kaibigan niya.
"Huh? Alam ko naman na ginawa mo lang iyon para matalo ako sa pustahan natin. Aaminin ko masyado ako nainis sa'yo. Pero ngayon ay wala na sa akin iyon. Pagkatapos ng gabing ito ay matatapos na rin naman ang deal natin magkakaibigan." masayang sabi ni Hakeem, sa totoo lang ay ayaw niyang pag-usapan ang nangyari kagabi baka kung saan pa mapunta ang usapan nila.
"Ganun ba ang nasa isip mo? Ganun ba kababaw ang tingin mo sa akin? Ganun na ba ang pagkakakilala mo sa akin?" tanong ni Ludwick, nakaramdam siya ng sakit sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi lang niya alam kung bakit? Napatingin sa kanya si Hakeem, na nakangiting nakatingin sa kanya.
"Dude masyado ka yata seryoso ngayon? Promise wala na sa akin iyon. Kalimutan na natin iyon." sabi ni Hakeem, nakangiti siyang nakatingin kay Ludwick. Itinaas pa niya ang kanan kamay niya para ipakita na nagsasabi siya ng totoo. Pabiro pa niyang hinawakan ang guwapong mukha ng kanyang kaibigan at nilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Ludwick.
"Kung ano man ang nangyari kagabi ay kalimutan na natin iyon dude." seryosong sabi ni Hakeem, nabigla na lang siya ng bigla na lang siyang sunggaban ng halik ni Ludwick. Mapusok at maalab ang halik sa kanya ng kanyang kaibigan. Nagpupumiglas pa siya pero mahigpit ang hawak sa kanyang ulo ni Ludwick, hindi niya magawang umiwas o lumayo man lang sa labi ng kanyang kaibigan. Hindi nagtagal ay nadala na siya sa masarap na halik ng kanyang kaibigan at tumugon na rin siya sa paghalik sa kanya ni Ludwick. Para banh ninamnam nila ang bawat segundong naghahalikan sila. Hindi lang basta halik kundi laplapan ang nagaganap sa pagitan nilang dalawa. Laway sa laway. Dila sa dila. Labi sa labi. Hindi niya alam kung gaano ba sila katagal na naghahalikan ng kanyang kaibigan.
"Hakeem…" napapamura na lang si Ludwick, sa kanyang sarili dahil sa kanyang ginawang paghalik kay Hakeem. Hingal na hingal at naghahabol silang pareho ni Hakeem, ng hininga.
"D-dude… b-bakit?" naguguluhan na tanong ni Hakeem, pati ang kanyang sarili ay tinatanong niya kung bakit sa ikalawang pagkakataon ay tumugon siya sa halik sa kanya ni Ludwick.
Napasandal na lang sa upuan ng kanyang sasakyan si Ludwick, gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magwala. Gusto niyang malaman ang kasagutan sa tanong sa kanya ni Hakeem. Lumabas na lang siya ng kotse niya at pabagsak niya sinasara ang pintuan. Pumunta agad siya sa passenger seat upang buksan ang pintuan para ayain ang kanyang kaibigan na pumasok ulit sila sa Altas Bar. Sigurado siyang kanina pa sila hinihintay nila Ryker, Andreas at Barett. Sinisigurado rin niya na magtatanong ang mga ito kung bakit masyado silang matagal ni Hakeem?
"Tara na pasok na tayo sa loob. Baka hinahanap na tayo." sabi ni Ludwick, hindi siya nagpakita ng kung anong emosyon sa kanyang guwapong mukha. Napatingin sa kanya si Hakeem, na nagtatanong sa kanya ang napakagandang mukha nito kung bakit nangyari na naman ang nangyari kagabi?
"Bakit? Bakit Ludwick? Bakit?" hindi sapat kay Hakeem, ang tatlong "bakit" na sinabi niya kay Ludwick. Hindi niya palalampasin ang ginawa ng kanyang kaibigan sa kanya. Aaminin niya sa kanyang sarili na nagustuhan niya ang pakikipaghalikan niya kay Ludwick. Ikalawang beses na siyang nakipaghalikan sa iisang tao. Sa isang taong hindi niya akalain na mahahalikan niya. Isang taong pareho niyang kasarian. Napayuko na lang siya dahil hindi niya matagalan ang titig sa kanyang ng kaibigan niya. Ginagamit na naman nito ang walang kakuwentang-kuwentang talento nito ang wala na naman emosyon ang guwapong mukha nito. Hindi niya mabasa kung ano ba ang sa loobin nito ngayon. Hinihintay niya ang sagot sa tanong niya kay Ludwick.
"Hindi ko rin alam? Ikaw na rin ang nagsabi na kalimutan na lang natin ang nangyari." sabi ni Ludwick, napatingin siya sa kalangitan. Kanina lang ay puno ng mga bituin ang kalangitan pero ngayon ay natatakpan na ito ng makakapal at maiitim na ulam. Hindi siya maaring magkamali alam niyang uulan mamaya-maya lang. Parang nakikisama ang kalangitan sa kanyang nararamdaman ngayon.
"Ganun na lang ba kadali sa'yo ang pakikipaghalikan? Paalala lang dude. May girlfriend ka si Janella Slava. Lalaki ako hindi ako babae at hindi ako bakla!" pasigaw na sabi ni Hakeem, nananatili pa rin siya nakaupo sa loob ng kotse ni Ludwick. Gusto na niyang umuwi para makapagpahinga na siya. Gusto na niyang kalimutan na ng tuluyan ang nangyari kagabi at ngayong gabi. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.
"Hindi ko talaga alam dude. Hindi ko alam sa sarili ko bat kita hinalikan? Naguguluhan din ako. I'm sorry." napahawak na lang si Ludwick, sa kanyang ulo. Dahil parang sumasakit ang ulo niya kakaisip kung bakit sa ikalawang pagkakataon ay sinunggaban niya ng halik si Hakeem. Ngayon ay nagdadalawang isip na siya kung ipagpapatuloy ba niya ang plano nila?
Nagpasya na lang si Hakeem, na lumabas na ng tuluyan sa loob ng kotse ni Ludwick. Inaya na niya ang kanyang kaibigan na pumasok na sila sa Altas Bar. Sa pagpasok nilang muli ay hindi niya inaasahan na may makakabungguan siya. Walang iba kundi si Magnus Orissis Patton, kilala niya ito isa sa mga maimpluwensyang tao sa bayan ng Prado. Alam din niyang si Magnus, din ang may-ari ng Orissis Casino isa sa pinakamalaking pasugalan sa bayan ng Prado.
"Sorry… " sabi ni Hakeem, ginamit niya ang boses babae dahil nandito na sila sa loob ng Altas Bar.
"Sa susunod ay mag-ingat ka." seryosong sabi ni Magnus, titig na titig siya sa magandang dilag na nakabungguan niya. Sinadya niyang bungguin ito na kahit papaano ay mahawakan niya ito. Hawak-hawak niya ngayon sa magkabilang braso ang magandang dilag. Hindi matatapos ang gabing ito na hindi niya makukuha ang magandang dilag na nasa harapan niya ngayon. Binitawan na niya ang pagkakahawak dito at tumalikod na siya para pumunta sa table nila ni Zubery. Sa pagtalikod niya ay lumitaw sa kanyang guwapong mukha ang isang napasexy na ngiti sa labi nito. Hindi nga siya nagkamali na si Hakeem Fargas, ang gusto niyang kabayaran sa utang ng mga magulang ni Ludwick Laurel. Naalala kung paano niya unang nakita si Hakeem Fargas.
_____________________________
"Capo, hindi naniniwala si Ludwick Laurel, sa mga sinabi ko sa kanya. Makakabuti siguro ay ikaw na ang kumausap sa binata na iyon." sabi ni Zubery, kakabalik lang niya sa Mansion ni Magnus. Kung saan dito rin siya nakatira kasama ang mga ilang mga kasambahay at katiwala sa mansion. Matagal na silang magkakilala ni Magnus. Malaki ang utang na loob niya dito kaya naman nangako siya na pagsisilbihan niya ito hanggang mamatay siya. Nandito siya ngayon sa office ni Magnus, abala ito sa pagbabasa ng mga papel na nakapatong sa lamesa nito. Nakita niyang napatingin sa kanya ang capo niya.
"Inaasahan ko na yan. Masyadong magaling maglihim ang mga kaibigan ko kaya hindi alam ng kanilang anak na may malaki silang pagkaka-utang sa akin." seryosong sabi ni Magnus, hindi na siya nagulat na hindi naniwala ang anak ng kanyang dalawang kaibigan na magulang ni Ludwick. Napahilot na lang siya sa may sintido niya dahil parang sumasakit ito. Tambak na ang kanyang kailangan pirmahan na mga papeles sa mga iba't-iba niyang negosyo sa bayan ng Prado at sa bayan ng Isidro.
"Ano ang balak ninyo gawin capo?" tanong ni Zubery, nanatili pa rin siyang nakatayo sa harapan ng lamesa ng kanyang amo na si Magnus.
"Sige ako na kakausap sa kanya. Magdadala na rin ako ng mga ebidensya para maniwala ito sa akin." sabi ni Magnus, binuksan niya ang isang cabinet sa ilalim ng kanyang lamesa para kunin ang mga papeles na naglalaman kung magkano ang utang ng mga magulang ni Ludwick. Hindi lang ang kanyang mga kaibigan ang may utang sa kanya dahil sa pagsusugal sa casino na pagmamay-ari niya ang Orissis Casino kung hindi marami pang ibang mayayaman na tao sa iba't-ibang lugar lalo na sa bayan ng Prado at Isidro. Napagpasyahan nga niya na siya na ang kakausap sa binatang anak ng kanyang kaibigan. Pinaalis na niya si Zubery, para na rin makapunta ito sa Orissis Casino. Si Zubery, na muna ang titingin sa casino niya dahil gusto niyang magpahinga ngayong araw na ito. Pero napatingin siya sa kanyang harapan na puno ng mga papeles masyado siyang maraming trabaho ngayon. Hindi siya puwedeng magpahinga ngayong araw na ito. Pinagpatuloy na niya ang pagbabasa sa mga papeles na kailangan niyang pirmahan. Hindi siya basta-basta pumipirma ng mga papeles na hindi niya pa nababasa. Mahirap na baka maloko siya ng mga taong gusto siyang pabagsakin. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na maraming mga taong gusto siyang pabagsakin tulad bg mga inggit at galit sa kanya. Hindi nga lang niya alam kung bakit may mga ganung tao sa mundo. Nagsusumikap siya para umunlad ang pamumuhay niya. Bata pa lang ay tinuruan na siya ng kanyang mga chinese na magulang na umampon sa kanya kung paano magpatakbo ng isang negosyo. Bata pa lang siya ay maagang namatay ang kanyang totoong mga magulang. Wala ni sino man kamag-anak niya ang gustong kumupkop sa kanya dahil daw malas siyang bata. Hindi niya maintindihan noon kung ano ba ang salitang malas kung bakit walang gustong kumupkop sa kanya? Nagpalaboy-laboy siya sa daan. Hanggang sa isang araw sa harapan ng simbahan ng Isidro ay may isang madreng nakakita sa kanya. Isang madreng magpapabago ng takbo ng buhay niya. Inalok siyang dalhin siya sa bahay ampunan sa bayan ng Prado. Wala siyang pagdadalawang isip na sumama dahil sinabi sa kanya ng madre na maraming pagkain doon at marami siyang makakalaro. Higit sa lahat ay may maayos siya matutulugan. Ilang araw at linggo siyang nagpalaboy-laboy sa daan. Sobra siyang nagpapasalamat sa madreng nagdala sa kanya sa bahay ampunan. Sa pagtira niya ay maraming umampon sa kanya ngunit lagi siyang binabalik ng mga ito dahil minamalas daw ang mga ito. Hindi niya alam bat sinasabi nilang malas siya? Wala naman siyang ginagawang masama. Hindi naman siya makulit hindi tulad ng mga batang kasama niya sa bahay ampunan. Sumusunod naman siya sa mga utos ng mga umampon sa kanya pero nauuwi pa rin sa wala. Sa pagtungtong niya sa edad na labingtatlo ay nawalan na siya ng pag-asa na may umampon sa kanya dahil masyado na siyang matanda para ampunin. Lahat ng mga nakasama niya sa bahay ampunan noon ay wala na dahil may mga umampon na. Siya na lang ang natitirang original na bata sa bahay ampunan. Marami ng mga batang nakarating sa bahay ampunan na agad naaampon. Sinasabi nga ng mga madre sa kanya na parang suwerte na dumating siya sa bahay ampunan. Isang araw ay abala siya sa paglilinis ng banyo ng tawagin siya ng isang madre. May maganda itong ibinalita sa kanya na hindi niya alam kung ikakatuwa ba niya? Dahil sinabi ng madre na may gustong umampon sa kanya isang mayaman na chinese national na naka base sa Pilipinas. Nagdadalawang isip siya noon kung papayag ba siyang ampunin dahil ilang taon na lang ay puwede na siyang lumabas ng ampunan para mamuhay ng mag-isa. Sa huli ay pumayag na siyang ampunin. Akala niya ay gagawin lang siyang katulong ng mga umampon sa kanya. Pero nagkamali siya dahil ilang buwan pa lang siya nakatira sa malaking bahay ng mga umampon sa kanya ay hindi niya naramdaman na iba siya kundi parang anak talaga ang turing sa kanya ng umampon sa kanya. Tinuruan siya ng mga ito kung paano humawak ng isang negosyo na pagmamay-ari ng mga ito. Sa una ay nahirapan siya pero 'di nagtagal nasanay at gamay na niya ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Pinag-aral siya sa Malaya University. Hanggang makapagtapos siya sa kursong business ad. Pagkatapos niyang mag-aral sa kolehiyo ay agad na pinasa sa kanya ng mga magulang niya ang mga negosyo ng mga ito. Akala niya ay tuloy-tuloy na ang suwerte sa buhay niya. Isang araw habang abala siya sa pagcheck ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan ay nakatanggap siya ng masamang balita. Na ambush ang sinasakyan ng kanyang mga magulang at doon na nagsimulang magbago ang kanyang buhay.