Chapter 7

2346 Words
My Name Is Lualhati Canlas Datu Chapter 7 _____________________________ "Pupuntahan mo ba sa mismong bahay si Ludwick?" tanong ni Zubery, palabas na sila sa mansion at papunta sila sa may parking lot ng mansion kung saan nandoon ang iba't-ibang uri ng mga mamahaling sasakyan.  "Sa binigay mong impormasyon sa akin ay nasa bahay ngayon si Ludwick. Kaya doon tayo pupunta sa Plameras Subdivision." sabi ni Magnus, maaga siyang nagising parang makausap si Ludwick. Ganito naman siya lagi sa mga nagkakautang sa kanya. Si Zubery, o siya ang pumupunta para makausap ang mga nagkautang sa kanya. Ayaw niyang ipagkatiwala sa ibang tao ang mga ganitong mahahalagang bagay. Sumakay siya sa paborito niyang White 2014 Lexus LS 600h. Siya na ang nagdrive papunta sa Plameras Subdivision kung saan doon nakatira si Ludwick Laurel.  "Capo sa pag-iimbestiga ko sa ari-arian ng mga Laurel, ay kulang pa ang mga iyon sa pagkakautang ng mga magulang ni Ludwick. Ano ang plano mo ngayon capo?" tanong ni Zubery, kahit na pagsamahin pa ang lahat ng mga ari-arian ng mga Laurel, ay hindi aabot sa kalahati ang mga iyon sa malaking pagkakautang ng mga magulang ni Ludwick. Nakita niyang napangisi si Marcus, na ang ibig sabihin ay may isang kalokohan na naman itong naiisip.  Napangisi na lang si Marcus, sa magandang balitang narinig niya kay Zubery. Masyadong nawili ang mga magulang ni Ludwick, sa pagsusugal sa Orissis Casino. Hindi na muna niya agad na sininggil ang kanyang dalawang kaibigan para mas lalong lumaki ang interest ng pagkakautang ng mga ito sa kanya. Para-paraan lang naman siya para lalo lumaki ang makuha niyang pera sa mga umuutang sa kanya.  "Tignan ko mamaya kung ano ang puwedeng kabayaran sa mga utang ng mga magulang ni Ludwick." ngising sabi ni Marcus, hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bahay ng mga Laurel. Naghintay pa sila ng mga ilang minuto bago sila pinapasok sa bahay ng mga ito. Sa pagpasok ng kotse niya ay napakunot siya dahil meron siyang nakitang isang itim na 2014 Lexus LS 600h sa harapan ng bahay ni Ludwick.  "Kay Ludwick, ba yang kotse na iyon?" tanong ni Marcus, napaturo pa siya sa itim na 2014 Lexus LS 600h na nakapark sa harapan ng bahay ni Ludwick.  "Sa pagkakaalam ko ay walang ganyan si Ludwick." sabi ni Zubery, nakita niyang napatango na lang si Marcus, sa kanyang sinabi. Bago niya pinuntahan si Ludwick, noong isang araw ay nakapag-imbestiga na siya tungkol sa buhay nito pati na rin sa nakakabatang kapatid nito na si Haelynn Laurel. Gustong usisahin ni Marcus, kung sino ba ang nagmamay-ari ng itim na 2014 Lexus LS 600h. Itatanong na lang niya ito kay Ludwick, mamaya. Sa pagpasok nila sa bahay ng mga Laurel, ay bigla na lang bumukas ang pintuan at 'di niya napaghandaan lalo na siya na may biglang may lumabas na isa lalaki at nagkabungguan silang dalawa. Sa sobrang lakas ng pagkakabunggo nila ay na out of balance ang lalaki dahilan ng pagkakabagsak sana nito. Pero maagap siya agad niyang hinawakan ang braso ng lalaki para hindi ito bumagsak tuluyan sa sahig.   "F*ck!" masyadong mabilis ang pangyayari kay Hakeem, dahil sa pagmamadali niya sa pagbukas ng pintuan sa bahay ni Ludwick, ay hindi niya inaasahan na may tao pala sa labas ng pintuan. Hindi na siya nakaiwas kaya nabunggo na niya ito. Dahil sa sobrang lakas ng pagkabunggo niya sa taong kabungguan niya ay na out of balance siya. Buti na lang ay nahawakan siya sa braso ng lalaking agad niyang nakilala na si Magnus.  "Ayos ka lang ba?" seryosong tanong ni  Magnus, hawak-hawak pa rin niya ang braso ng guwapong binata. Napaisip siya agad kung guwapo ba ang binatang tinitignan niya ngayon o maganda? Para bang sa sobrang kaguwapohan nito ay hindi na niya matukoy kung babae o lalaki ba ito?  "Ah? O-oo ayos lang ako. Pasensya na kailangan ko na umalis." sabi ni Hakeem, kailangan na kailangan na niyang umuwi sa bahay nila dahil dito sa bahay ni Ludwick, siya natulog kagabi. Sobrang antok na antok at pagod na pagod na siya dahil nakipagkarera na naman siya kagabi. Nanalo na naman siya kagabi kaya nagcelebrate sila sa pagkapanalo niya kasama ang kanyang mga kaibigan na sila Ludwick. Napakunot noo siya dahil may nakita siyang katabi ng kanyang kotse na kaparehong-kaparehong model na 2014 Lexus LS 600h. Kung sa kanya ay itim ang katabi naman ng kanyang kotse ay kulay puti. Bigla na lang niya naalala na kailangan na pala niyang umuwi sa kanila. Sumakay na siya sa kanyang kotse para makauwi na siya. Nagtataka lang siya kung bakit nandito sa bahay ni Ludwick, si Magnus Orissis Patton?  "Ayos ka lang ba capo?" pag-aalalang tanong ni Zubery, hindi niya inaasahan na may biglang magbubukas ng pintuan at nabunggo pa nito ang kanyang capo. " Ayos lang ako. Siya pala ang may ari ng itim na 2014 Lexus LS 600h." seryosong sabi ni Magnus, pinagmasdan niya ang pag-alis ng kotse ng guwapong binata.  "Hakeem Fargas, isa sa mga kaibigan ni Ludwick." sabi ni Zubery, inimbestiga rin niya ang mga malalapit na tao kay Ludwick. Isa na si Hakeem Fargas, sa matalik na kaibigan ni Ludwick.  "Hakeem Fargas…" seryosong sabi ni Magnus, pinagmasdan niya ang pag-alis ng kotse nito sa bahay ni Ludwick. Inaya na siya ni Zubery, na pumasok na sa loob ng bahay. Inassist pa sila ng isa sa mga kasambahay ni Ludwick, na si Azel.  "Mukhang napaaga yata tayo ng pagpunta capo. Mukhang kakagising lang ni Ludwick." ngising sabi ni Zubery, nandito sila sa sala sa malaking bahay ni Ludwick. Nakatingin siya sa guwapong binata na bumababa sa hagdanan na nakasuot lanh ito ng puting boxer short at puting tshirt.  Tama ang sinabi ni Zubery, kakagising nga lang ni Ludwick, pinagmamasdan ni Marcus, ang guwapong binata na kinukusot ang mga mata nito habang bumababa ng hagdanan. "Good Morning Ludwick Laurel." ngising sabi ni Zubery, napatingin sa kanya si Ludwick, kunot noo itong tumingin sa kanya. Lalo siyang napangisi dahil para bang nagising ang diwa ni Ludwick, ng makita nito ang kasama niya ngayon.  "Mukhang nakaistorbo yata ang pagpunta namin dito sa bahay mo Ludwick?" seryosong sabi ni Magnus, ngayon ay kaharap na niya ang panganay na anak ng kanyang dalawang kaibigan. Ito ang unang beses niyang nakita sa personal si Ludwick. Hindi niya maikakaila na Laurel, ito dahil mahahalata ito ang pagiging kastila sa itsura nito.  "Sa totoo lang ay nakaistorbo kayo pero kailangan ko kayo harapin. Gusto ko malaman kung paano nagkautang ang mga magulang ko sa'yo Magnus?" naiinis si Ludwick, ngayon sa mga 'di niya inaasahan na bisita niya. Hindi niya inaakala na darating talaga dito sa bahay niya si Magnus Orissis Patton. Natutulog silang dalawa ni Hakeem, sa kanyang kuwarto ng biglang may kumato. Alam na alam ng mga kasambahay nila na ayaw na ayaw niyang iniistorbo habang natutulog siya lalo na kasama niya si Hakeem, sa kuwarto niya. Dito na ito natulog kagabi dahil hindi na raw niya kaya pang magdrive pauwi sa sobrang pagod at antok. Kaya wala siyang pagdadalawang isip na pumayag sa kagustuhan nito. Hindi na sana niya papansin ang pagkatok at pagtawag sa kanya ni Azel, isa sa mga kasambahay nila. Ngunit naiirita na siya sa paulit-ulit na pagkatok at pagtawag niyo sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi bumangon at harapin si Azel. Sinabi nito na bumalik ulit si Zubery Arizabal. Napakunot noo pa siya dahil hindi niya alam kung bakit bumalik na naman ito sa bahay niya? Sinabihan na lang niya si Azel, na papasukin na nito si Zubery. Baka kapag hindi niya pinapasok sa bahay niya baka isipin nito na nagtatago siya. Ilang araw na siyang hindi masyado makatulog ng maayos dahil iniisip niya ang sinabi sa kanya ni Zubery, noong isang araw. At heto nga si Zubery, kasama nito si Magnus, na seryosong nakatingin sa kanya. Parang nawala ang antok niya dahil hindi nga nagbibiro si Zubery, na isasama nga nito ang boss nito na si Magnus.  "Istorbo? Mukha nga naistorbo ka namin sa mahimbing na pagtulog mo. Kaya ang isa mong kaibigan ay nagmamadali ng umalis." sabi ni Magnus, hindi niya alam bat nakaramdam siya ng selos sa kanyang naisip. Naisip niyang magkatabing natutulog kagabi sila Ludwick at Hakeem. Napapatanong siya sa kanyang sarili ngayon kung bakit nararamdaman niya ito ngayon? Gusto na lang niya murahin ang kanyang sarili dahil hindi mawala-wala sa kanyang isip ang guwapong mukha ni Hakeem Fargas.  "Si Hakeem, ba ang tinutukoy mo?" kunot noo na tanong ni Ludwick, nagmamadali nga kanina umuwi ang kanyang kaibigan na si Hakeem, dahil sigurado siyang hinahanap na siya ng mga magulang nito.  "Hakeem? Hakeem, pala ang pangalan ng lalaking nakabunggo sa akin." kunwaring hindi alam ni Marcus, ang pangalan ni Hakeem   "Tama na ang sat-sat. Punta na tayo sa garden area doon na tayo mag-usap tungkol sa sinasabi ninyong pagkakautang ng mga magulang ko." sabi ni Ludwick, nagpahanda siya ng almusal kay Azel, para sa kanyang dalawang bisita na sila Magnus, at Zubery. Nagpunta sila sa may area hindi na siya nag-abala pangagpalit ng damit dahil pare-pareho naman silang lalaki.  "Zubery, ipakita mo kay Ludwick, ang mga papeles na nagpapatunay na may malaking utang ang iyong mga magulang sa akin Ludwick." inutusan ni Marcus, na ipakita kay Ludwick, ang mga ibidensya na nagpapatunay na may malaking pagkakautang ang mga magulang ni Ludwick, sa kanya. Pinagmasdan niya si Zubery, na binibigay nito ang mga papeles na sinasabi niya.  "Kampante ako na naiintindihan mo ang mga yan Ludwick, dahil nabalitaan kong ikaw na ang humahawak sa mga negosyong naiwan ng mga magulang mo." seryosong sabi ni Marcus, pinagmamasdan lang niya si Ludwick, na binabasa ang mga papeles na binigay ni Zubery.  Pilit na kinakalma ni Ludwick, ang kanyang sarili sa mga nakikita niyang mga numero ng mga perang utang ng kanyang mga magulang kay Marcus. Nalulula siya sa sobrang laki ng utang ng mga magulang niya. Hindi niya alam bat nagkautang ang kanyang mga magulang na ganitong kalaking halaga?  "Nasabi na siguro ni Zubery, sa'yo na regular customer namin sa Orissis Casino ang mga magulang mo. At sa pagsusugal nila sa casino ko kung bakit ka nandito sa malaking bahay na ito. Kung bakit maginhawa ang buhay ninyong magkapatid. Kung bakit lahat ng gusto ninyong bilhin ay nabibili ninyo. Kung bakit nagkaroon kayo ng mga negosyo." ngiting sabi ni Marcus, kinuha niya ang isang tasang kapeng binigay sa kanya ng kasambahay ni Ludwick. Nakangisi siyang nakatingin kay Ludwick, na nginginig na ang mga kamay nito habang nakatingin sa mga papeles na binigay ni Zubery.  Hindi na maiwasan ni Ludwick, na manlamig ang katawan nito at manginig ang kanyang mga kamay habang napapatulala na lang siya sa kanyang nakikitang mga papeles. Lumunok na muna siya ng laway na nakabara sa kanyang lalamunan bago siya magsalita.  "B-bat walang sinasabi sa akin ang mga magulang ko? Masyadong malaki itong utang nila sa'yo. H-hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa'yo?" kahit na ibigay lahat ni Ludwick, ang mga ari-arian ng kanyang pamilya ay hindi pa rin niya mababayaran ng kalahati ang utang ng kanyang mga magulang.  "Totoo ang sinabi mo 'yan Ludwick. Pero wag kang mag-alala 'di naman ako masamang tao para hindi magbigay ng konsiderasyon. Lalo na sa'yo na kaibigan ka ng mga kaibigan ko." ngiting sabi ni Marcus, inilapag na niya sa lamesa ang kanyang tasa na naglalaman ng kape. Sa totoo lang ay hindi na niya masyadong kailangan ng pera dahil sobrang dami na niya pera at hindi nga niya alam kung saan pa niya ito gagastusin. Kaya ang ginagawa niya sa mga iba mga nagkautang sa kanya ay binibigyan niya ang mga ito ng konsiderasyon. Napatingin sa kanya si Ludwick, na hanggang ngayon ay kitang-kita niya sa guwapong mukha ng binata na hindi pa rin ito makapaniwala sa nangyayari.  "Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Ludwick, inilapag na niya ang mga papeles na hawak niya sa lamesa. Hindi na niya napansin na dumating na pala ang almusal na pinahanda niya kay Azel. Kahit na alam niya sa kanyang sarili na masarap at nakakatakam ang almusal na ihinanda ni Azel, wala siyang ganang kumain dahil na rin sa kanyang nalalaman ngayon.  "Simple lang ibigay mo sa akin ang nag-iisang kapatid mong babae bilang kabayaran sa mga utang ng iyong mga magulang." ngising sabi ni Marcus, kumuha siya ng isang slice ng toasted wheat bread at nilagyan niya ito ng strawberry jam. Kinain na niya ang tinapay habang nakatingin siya kay Ludwick, na gulat na gulat sa kanyang sinabi. "Seryoso ka ba sa sinabi mo?" parang bombang sumabog kay Ludwick,  sa kanyang harapan ang sinabi ni Marcus, sa kanya. Nakangising nakatingin sa kanya si Marcus, habang kumakain ito ng tinapay.  "Mukha ba ako nagbibiro sa iyong harapan?" ngising sabi Marcus, ito ang sinasabi niyang konsiderasyon sa mga iba pang nagkakautang sa kanya. Kung sa tingin niya na hindi kayang bayaran ng pera ay puwede naman sa kanya ang mga ari-ariaan tulad ng lupa, bahay o negosyo. Minsan kapag may natipuhan siyang isang bagay o tao ay ito ang gusto nitong kabayaran imbes na pera.  "Nahihibang ka ba? Kahit na patayin mo ako ngayon ay hindi ko ibibigay ang kapatid kong babae!" galit na sabi ni Ludwick, hindi-hindi niya ibibigay si Haelynn, kay Marcus. Kahit na hindi siya maayadong malapit kay Haelynn, ay mahal niya ito. Silang dalawa na lang ang naiwan. Nakatingin siya kay Marcus, na hindi niya kayang paniwalaan na may ganyan na tao tulad nito.  "Oh?! Bat ganyan ka makatingin? Maraming inggit at galit sa akin pero ni isa ay wala pa akong pinapatay o pinatay." seryosong sabi ni Marcus, naiinis at naiirita siya kapag may mga nagsasabi sa kanya na mamamatay tao siya. Hindi siya ganun kasama para pumatay ng tao. Lahat ng mga nakakakilala sa kanya tingin ng mga ito ay masama siyang tao. Hindi alam ng maraming tao na may tinutulungan siyang mga foundation sa bayan ng Prado ay Isidro.  "Ganyan ba ang ginagawa mo sa lahat ng mga nagkakautang sa'yo?" seryosong tanong ni Ludwick. "Oo, naman. Inuulit ko sa'yo hindi ako ganun kasama para hindi ako magbigay ng konsiderasyon." ngising sabi ni Marcus. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD