Chapter 13

1224 Words
Denise Kinakabahan ako habang papalapit ako ng papalapit sa opisina ni Shawn. Ngayon na lang ako bumalik dito matapos nung insidenteng nangyari sa restaurant, kukunin ko sana ang mga naiwan kong gamit sa opisina niya. Isa pa, hindi niya daw tinatanggap ang resignation letter na pinasa ko sabi ng secretary niya. Habang palapit ako ng papalapit ay hindi ako mapakali. Bumalik lang ako sa ulirat nung bumukas na ang elevator. Parang sobrang bagal ng oras, ang bigat ng bawat hakbang ko. isang buwan na ang nakakalipas simula ng tapusin ko ang lahat sa amin ni Shawn. Gusto ko si Shawn, gustong gusto. Pero sa mga nalaman ko? hindi ko alam kung magw-work ba talaga ang relationship namin o mas lalo lang magugulo lang lahat. Isa pa ayokong saktan si Nanay. Hindi ko na namalayan na isang minuto na pala akong nakatulala habang nakatayo sa pintuan ng opisina ni Shawn. Huminga ako ng malalim bago marahang kumatok pero walang sumasagot. “M-Mayor S-Shawn..” Mahinang tawag ko sa kaniya at makalipas ang tatlong minuto ay narinig ko na ang boses niya. “Come in.” Malakas nitong sabi mula sa loob kaya marahan kong pinihit ang handle ng pintuan. Sandali akong napapikit nung pagbukas ko sa pintuan at nung pagdilat ko ay nakita ko si Shawn na nakapikit din at nakasandal sa swivel chair niya na mukhang pagod dahil sa trabaho. May nakita akong beer sa lamesa niya na bukas na at malamang eh walang laman. Amoy na amoy ko ang alak sa buong paligid ng opisina niya. Tss. Bakit naman siya nag iinom ng office hours?! Hindi ako nakapagsalita agad at nanatili lang akong nakatayo dito sa may pintuan habang mahigit ang hawak ko sa bag na nakasabit sa balikat ko. Maya maya pa ay biglang dumilat si Shawn at nag angat siya ng tingin sa akin. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya.. “Anong ginagawa mo dito?” Kaswal niyang tanong kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba. “K-Kukunin ko ‘yung mga g-gamit ko. At saka magpapasa na din ng registration. H-hindi mo daw kasi tinatanggap sabi ng secretary mo.” Mariin, nauutal at kinakabahan kong paliwanag sa kaniya. Nagulat ako nung pabagsak niyang isinara ang laptop niya tapos ay muli niyang sinandal ang sarili niya sa swivel chair at diretshang tumingin sa akin. “Isang buwan kang hindi nagparamdam at nagpakita sa akin, actually mag dadalawa na nga eh.” “How can you expect me to process something na hindi mo naman inasikaso personally? Sinendan mo ako ng email, yo’n na yo’n?” Mariin kuwestyon niya at bakas sa boses niya ang inis. Napakagat na lang ako ng labi at napayuko. “Pasensya na.” Mahinang sambit ko. “Akin na.” Mariin niyang sabi kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya at dahan dahan akong naglakad papalapit sa table niya. Nanginginig kong inabot ‘yung letter at marahas niya naman ‘yung hinablot mula sa kamay ko. Binasa niya yo’n at kita ko na napangisi siya. Nagulat ako dahil matapos niyang basahin ang papel ay nilukot niya yo’n at tinapon sa trash can na nasa gilid lang din ng table niya. “I won’t accept your resignation. Wala ka namang valid reason para umalis.” Sarkastiko niyang sabi kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya dahil nakaramdam ako ng inis. “Hindi valid?” Sarkastiko at inis kong tanong sa kaniya. “Puwes kung ayaw mong tanggapin yan ng maayos, aalis ako sa ayaw o sa gusto-“ “Hindi ka makakahanap ng ibang trabaho, Denise. Sisiguraduhin ko yan sa’yo.” Mariin at nakangisi niyang banta. “Ano bang problema mo? Gusto ko nang umalis. Ayoko na.” Mariin at dismayado kong reklamo sa kaniya. “Ikaw, ikaw ang problema ko.” Mariing sambit ni Shawn. “Shawn, hindi mo ba nakikita? Hindi ba malinaw sa’yo. Tapos na tayo-“ “Hindi.” Mariin niyang sabi na lalo kong kina dismaya. “Ibang klase ka talaga.” Mariin at inis kong sabi sa kaniya at tatalikuran ko na sana siya pero muli siyang nagsalita. “Don’t try me, Denise.” Mariing banta niya. “Dahil gagawin ko ang lshat para bumalik ka sa’kin-“ “Well, sorry to break your expectations pero hindi na ko babalik.. maghanap ka na lang ng iba.” Mariin kong payo sa kaniya tapos ay muli ko siyang hinarap. “Iba?” Kunot noong tanong at narinig ko ang mahina niyang paghalakhak. Maya maya pa ay tumayo siya mula sa kinauupuan niya at saka siya marahan na nag lakad papalapit sa akin kaya dahan dahan akong napa atras hanggang sa mabangga ako sa may sofa at saka ako napaupo doon. “Ilang beses kong lilinawin sa’yo na ayoko ng iba. Ikaw, ikaw ang gusto ko at hindi sila.” Nakangisi niyang bulong sa mga tenga ko nung na-corner niya ako sa may sofa. “Shawn!” Mariing suway ko sa kaniya tapos ay buong lakas ko siyang tinulak papalayo. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. “Wala kong paki kung tanggapin mo man o hindi ang resignation ko.” Mariin kong sambit sa kaniya habang seryoso lang siyang nakatayo sa harapan ko at pinagmamasdan ako. “Ganiyan ka ba talaga?” “Wala na lang ba talaga ang lahat para sa’yo. Gano’n na lang yo’n-“ “Stop acting like we are in love couple before all of these happened.” Mariin kong suway sa kaniya. “Pero sinabi mong gusto mo ako.” Mariin niyang sabi sa akin at kita ko mga mata niyang desperado. “Umiling ako at tumawa. “Oo, gusto kita. Sinabi ko yo’n. Pero tandaan mo na magka iba ang gusto sa mahal mo.” “Gets mo?” “Gusto kita kasi mabait ka sa akin, kasi tinulungan mo ako. Kasi gwapo ka, kasi mayaman ka. Pero hindi kita mahal.” Sarkastiko at mariin kong sambit habang pinipigilan ko ang sarili kong hindi maiyak sa harapan niya. Masakit man pero kailangan kong sabihin ang mga bagay na yo’n. Baka sakaling kapag sinaktan ko ang damdamin niya at sinabi ko yo’n ay tigilan na niya ako. “You’re so heartless, Denise.” Mariin niyang sabi at bakas sa boses niya ang pagpipigil niyang maging emosyonal. “Sa gianwa ng tita mo sa pamilya mamin, tingin mo ba, gugustuhin pa kita? Hindi! Kinamumuhian ko kayo.” “Tama ang mama mo, makinig ka sa kaniya, pera lang ang habol ko sa’yo.” Marin giit ko sa kaniya pero hindi ko makuhang tumingin ng diretso sa mga mata niya dahil alam kong kapag ginawa ko yo’n ay hindi ko kakayanin. “Talaga?” Sarkastikong tanong ni Shawn. “Oo, hindi kita minahal. Kaya tama. Kung anuman ang mga nangyari. Kalimutan mo na.” Mariin kong sambit sa kaniya bago ko siya tuluyang itulak papalayo sa akin. “Fine. You were such a good actress, Denise.” Sarkastiko niyang sambit at mahina siyang pumalakpak. Huminto ako sa paglalakad papunta sa may pintuan pero hindi ko siya nilingon. “Fine, go leave.” “But make sure to never come back. Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan. Dahil kapag nangyari yo’n.. sisiguraduhin kong babalik ka sa akin.. hindi ako magdadalawang isip na agawin ka sa kung kanino man, denise..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD