Maria Aliana
Para akong nanlamig at namutla ako nung matapos kong makita ang nanay ni Shawn. Tama ba ang nakikita ko? Ang nanay niya ay si Shantal? Nanlambot ang mga tuhod ko matapos makaalis ni Shantal sa harapan namin. Ilang taon na ang nakakalipas, hindi ko akalain na magk-krus ulit ang mga landas namin.
“Ma, ayos lang po ba kayo?” Rinig kong nag aalala at mausisang tanong ng anak kong si Denise sa akin pero nanatili lang akong nakatulala sa harap niya. Paano ko sasabihin sa kaniya, sa kanila ng kapatid niya ang totoo?
“Nanay ni Shawn ang babaing yo’n?” Iyon lang ang tanging lumabas sa mga labi ko kaya nakita ko ang naguguluhang ekspresyon ni Denise at maging ni Joshua.
Marahang tumango ang anak ko pero alam kong madaming tanong sa isip niya. “N-nay, m-may problema ho ba-“
“Hindi mo puwedeng pakasalan si Shawn anak.” Mariin at diretshan kong sambit sa kaniya.
“Po?” Naguguluhang tanong ni Denise sa akin at kita ko ang pagiging emosyonal niya.
“A-akala ko ba.. p-payag ho kayo?” Nauutal at naguguluhang tanong ng anak ko sa akin pero para akong napipi dahil walang salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang totoo.
Umiling ako. “Nagbago na ang isip ko, anak. Hindi, hindi ka puwedeng magpakasal sa kaniya-“
“Ma, hindi ko kayo maintindihan. Bakit biglang nagbago ang isip niyo? Kilala niyo ho ba ang mama ni Shawn?!” Mariin at dismayadong kuwestyon ni Denise sa akin at bakas sa mga mata niya ang labis na pagkadismaya.
“Ma, sabihin niyo ho ang totoo sa akin-“
“Kapatid ng babaing yo’n ang kabit ng papa mo!”
“Kapatid niya ang sumira sa pamilya natin, Denise. Iniwan tayo ng tatay mo dahil sa kapatid ni Shantal!” Mariin at emosyonal kong sigaw sa kaniya na kinatahimik niya. Umiling ako at hindi ko maiwasang hindi pumatak ang mga luha sa mata ko.
“Ano po?” Halos pabulong na tanong ng anak ko.
Napaupo ako sa upuang nasa likuran ko. Hindi ako makahinga, para akong nauubusan ng hinihinga. All these years, akala ko okay na ako, akala ko tanggap ko na pero hindi pa pala.
“Noong bata ka pa, maayos ang pamumuhay natin noon. Ang totoo, galing ako sa isang prominenteng pamilya. Only child ako, kaya noong biglaang namatay ang mga magulang ko sa isang car accident ay minana ko lahat ng ari-arian nila. I got everything but I was devastated and lost that time.”
“Hanggang sa nakilala ko ang tatay niyo.. siya ang marketing director ng kompanya noon. Nung nag-take over ako no’n, siya ang tumulong sa akin.” Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang inaalala ko ang mga nangyari noon.
“Lumipas ang ilang araw at buwan, nagkamabutihan kami. Nanligaw siya sa akin, sinagot ko siya at naging kami. Simula no’n, we are inseparable.” Sarkastiko pero emosyonal ko pang kuwento sa mga anak ko habang tahimik lang silang nakikinig.
“Kinasal kami matapos lang ang isang taon, masaya naman kami. Hanggang sa dumating ka sa buhay namin, nak.” Naluluhang baling ko kay Denise.
“Sa loob ng limang taon, naging magkatuwang kami, naging sandalan namin ang isa’t isa. Hanggang sa bumaba ang sales ng kompanya, sa mga puntong yo’n.. pareho kaming naging busy nung mga panahon na yo’n. Pero hindi ko alam na nung mga panahong bumabagsak na ang kompanya ay iba na pala ang tina-trabaho niya. Akala ko, katuwang ko pa din siya, hindi na pala.”
“Weeks after magdeklara ng bankruptcy ang kompanya. Kinausap niya ako, he’s asking for an annulment. I was distraught that time, ang dami kong iniisip. Ang katwiran niya, napapagod na siya, na nawawalan ako ng oras sa kaniya dahil sinusubukan kong isalba ang kompanyang pinaghirapan ng magulang ko..” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.
“Hanggang sa nalaman ko na, may ibang babae siya, alam niyo kung anong masakit doon?”
“I found out na ‘yung family savings at college funds na iniipon ko para sa future niyo, he took everything. Ang hirap, nahirapan ako nung iwan niya tayo, bata ka pa no’n, Denise at baby pa si Joshua. I have to endure everything alone. Without someone beside, without anything..” Humahagulgol na ko habang sinasabi ko ang mga bagay na yo’n. Parang bumalik lahat ng sakit at alala sa akin. Lumapit sa akin si Denise at Joshua tapos ay niyakap nila ako ng mahigpit.
“I’m sorry, hindi ko po alam na gano’n ang nangyari-“
“Hindi ko alam kung nasaan na ang tatay mo ngayon o kung sila pa din ba ng babae niya pero anak, ayokong masaktan ka. Alam ko at nakita kong mabuting bata si Shawn pero..” kumalas ako sa pagkakayakap ng mga anak ko dahil nakita ko si Shawn na nakatayo sa di kalayuan habang pinagmamasdan kaming mag iina at mukha din siyang dismayado.
“N-nay..” mahina niyang sabi habang tapos ay naglakad siya papunta sa amin.
“N-narinig ko po lahat..” Mahina at emosyonal niyang sabi.
“So, Maiintidihan mo kung hindi ako papayag-“ Nagulat ako nung biglang lunuhod si Shawn sa harapan namin at nakita ko ang mga luha sa mga mata niya.
“Tita Shasia has been out of our life. Hindi ko ho hihilingin na patawarin niyo siya o ang nanay ko dahil sa pagkunsinti niya kay Tita.. pero sana, bigyan niyo ho ako ng pagkakataon napatunayan sa inyo na mahal ko wnak niyo..”
“Nakikiusap po ako, pumayag po kayong pakasalan ko ang anak niyo..” Mariing pakiusap niya at bakas sa mga nata niya ang na desperado siya.
“Pumayag lang ho kayong pakasalan ko si Denise, nangangako po akong aalagaan ko ang anak niyo, mamahalin ko siya-“ Humihikbing pakiusap niya sa akin kaya parang nadudurog ang puso ko. Kung anuman ang nangyari sa amin sa nakaraan ay walang kinalaman doon si Denise at lalong lalo na si Shawn. Pero alam kong kapag naging parte ng pamilyang yo’n si Denise ay hindi magiging madali ang lahat para sa kaniya.
Hinawakan ni Shawn ang mga kamay ko habang mariing nakikiusap kaya natahimik ako at napatingala ako kay Denise na nakikitang umiiyak.
“Shawn, tama na, marami pang iba diyan-“
“Pero ikaw lang ang gusto ko..” Mariin at emosyonal na sambit ni Shawn sa sinabi ng anak ko.
“Shawn, tumayo ka diyan.” Mariin kong utos sa kaniya pero hindi niya ako sinusunod. Nababagbag ang loob kong makita siyang gano’n dahil sa maikling panahong nakilala namin siya ay naramdaman kong tunay ang intensyon niya kay Denise.
“Pumapayag na ako.” Mariin kong sambit kaya nag angat ng tingin sa akin si Shawn tapos ay napa angat naman ako ng tingin kay Denise na tahimik lang na nakatayo sa tabi ko.
“Pumayag na ako, yo’n ay kung papayag si Denise. Nasa kaniya na ang huling desisyon, Shawn, anak.” Mariin ngunit isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ko. Gusto kong bigyan ng pagkakataong maging masaya ang anak ko. Napa angat ako ng tingin kay Denise na mukhang naguguluhan at kita kong emosyonal siya.
“Patawad, Shawn pero hindi ko kayang ituloy ang kasal…”