Denise
Kasalukuyan kaming nasa biyahe ni Shawn papunta sa restaurant kung saan namin kikitain si Nanay at Joshua. Katahimikan ang bumabalot sa buong paligid at wala ni isa samin ang gustong magsalita.
Si Shawn ang nagmamaneho habang naka-convoy lang sa amin ang bodyguards niya. Nakatuon ang atensyon ni Shawn sa pagmamaneho pero tanging ang kaliwang kamay niya lamang ang ginagamit niya sa pagkontrol ng manibela habang ang kanang kamay niya ay marahang hinahaplos ang mga hita ko. Ngumiti ako at hinawakan ko kanang kamay niya. “Ituon mo ang atensyon mo sa pagmamaneho.” Mariin kong bilin sa kaniya at basag ko sa katahimikang namamayani sa loob ng sasakyan. “How can I focus when you are beside me?” Sarkastiko at pabirong hirit pa niya kaya napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko ang nangyari kanina. Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko.
Maya maya pa ay huminto na siya sa tapat ng restaurant kung saan namin kikitain sina nanay pero hindi siya agad bumaba. “M-may problema ba?” Kunot noong tanong ko sa kaniya pero umiling siya.
“Kinakabahan ako. Paano kung hindi din pumayag ang mama mo?” Nag aalalang tanong niya sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.
“Ah, parang wala naman akong kabang nararamdaman kanina mula sa’yo..” Sarkastiko at pabirong hirit ko sa kaniya habang inalala ang nangyari kanina.
“I’m dead serious, Denise!” Mariin at nakanguso niyang reklamo sa akin. Bumaba si Shawn mula sa sasakyan at saka ako pinagbuksan ng pintuan.
Medyo nailang at napayuko ako nung mapansin kong may ilang nakakilala sa amin sa di kalayuan, hindi sila lumapit pero parang kinukuhaan nila kami ng litrato ni Shawn.
“Don’t mind them.” Bulong ni Shawn sa akin tapos ay nilahad niya ang kamay niya at saka kami pumasok sa loob.
“B-bakit nga pala tayo lang ang tao?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya nung makapasok kami sa loob kaya napangiti siya.
“Pina-reserved ko, gusto ko sana kasing maging espesyal lang tong araw na to para sa atin.” Nakangiting paliwanag ni Shawn sa akin habang naglalakad kami paakyat sa VIP area nung restaurant.
“Anak!!” Sabik na salubong ni nanay tapos ay niyakap niya ako.
“Mayor, para saan pala itong lunch na ‘to? H-hindi ba parang mahal yata dito?” Nagtatakang baling ni nanay sa kaniya pero ngumiti lang si Shawn na para bang nahihiya siya.
“Hindi naman po..”
“Actually, may sasabihin po kasi kaming importante ni Denise.” Nag aalalangan at nahihiyang paliwanag naman ni Shawn sa kaniya.
“Ah, upo muna po tayo.” Alok niya pa at bakas sa kilos niya ang kaba dahil kahit aircon naman ang buong paligid ng restaurant ay pinagpapawisan siya ng matindi.
Naghila siya ng upuan para sa amin ni nanay tapos ay naupo siya sa tabi ko. “Uhm, actually, nay?” Bakas ang nerbyus sa kilos at boses ni Shawn.
“Yes, nak?” Nakangiting tanong ni Nanay kay Shawn. Hindi ko alam pero parang natutuwa ako nung narinig ang tawag nila sa isa’t isa na parang parte na sila ng iisang pamilya.
He cleared his throat before speaking. “G-gusto ko pong hingin ang blessings niyo.” Kinakabahang sabi ni Shawn kay nanay at isang alanganing ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Bakas sa reaksyon ni nanay pati na rin ni Josh ang pagtataka at alam kong naguguluhan sila pero may idea na sila kung ano ang sinasabi ni Shawn.
“Blessings?” Kunot noong ulit ni Nanay.
“You mean, papakasalan mo si ate?” Nag aalalangang tanong ni Josh at marahan naman tumango si Shawn kaya nagulat si nanay at mariin niya lang kaming tinignan ni Shawn.
“K-kasal? H-hindi ba parang masyadong mabilis naman yata?” Nag aalangang kuwestyon ni Nanay sa amin kaya nagkatinginan kami ni Shawn. Bakas sa ekspresyon niya ang hiya at kaba kaya naman hiwakan ko ang mga kamay niya na nasa ilalim ng table.
“Alam ko ho pero-“
“Shawn, anak. Alam ko naman at nakikita kong mabait kang bata pero pag isipan niyo muna ‘to.” Mariing paliwanag at paalala ni nanay sa amin kaya natahimik kami dahil hindi namin alam ang sasabihin.
Maya maya pa, narinig namin ang isang malalim na pagbuntong hininga ni Nanay. “Pero wala akong magagawa kung yan ang gusto niyo..” Buntong hiningang sabi pa ni Nanay pero bakas pa din sa boses niya ang pag aalinlangan.
“Pero ate, ibig bang sabihin no’n aalis ka na sa bahay?” Mausisa at kunot noong tanong ni Josh. Bakas sa boses niya ang pagtataka at lungkot.
“You can visit her anytime.” Nakangiting sabi ni Shawn kay Josh.
“Anak, kailan niyo ba balak-“
“Sa susumod na taon po.” Nanlaki ang mata ni Nanay sa sagot ni Shawn sa kaniya.
“Next year-“ Ulit ni Nanay pero hindi na niya na tuloy ang sasabihin dahil narinig namin ang boses ng mama ni Shawn kaya sabay sabay kaming napalingon sa kaniya. Kita kong seryoso siyang nakatingin sa amin.
“Ma, a-anong ginagawa niyo dito?”
“Paano niyo nalaman na nandito kami?” Mariin at gulat na tanong ni Shawn nung makita ang mama niya na nakatayo sa likuran namin. Ngumisi ito at umiling, hindi niya sinagot ang tanong ni Shawn at Nagawi ang tingin nito kay nanay at titig na titig siya dito. Nung lingunin ko si Nanay ay gano’n din ang reaksyon niya. Para silang nakakita ng multo nung makita nila ang isa’t isa.
“W-well, son, masama bang makilala ko ang pamilya ng magiging asawa mo?” Nakangisi at sarkastiko niyang tanong sa anak.
“Gusto ko lang naman malaman kung anong klaseng pamilya ba ang mga yan but I guess, I have my answers already.” Sarkastiko at pabalang nitong saad.
“Seeing them solidify my decision.” Mariin pa niyang sabi habang nakatingin sa amin na para bang nandidiri siya.
“Mag usap tayo.” Baling niya sa anak bago niya kami talikuran. Nag aalangang sumunod si Shawn pero tumango ako sa kaniya at nguniti. Matapos sumunod ni Shawn sa mama niya ay nabalot ng katahimikan ang buong paligid at nakita ko si Nanay na tulala pa din at parang nabigla siya sa nakita niya.
“Ma.. a-ayos lang po ba-“
“Nanay ni Shawn ang babaing yo’n?” Sarkastiko at hindi makapaniwalang tanong ni Nanay kaya marahan akong napatango dahil naguguluhan ako sa reasksyon niya.
“M-may problema po ba, nay-“
Umiling siya na para bang hindi siya makapaniwala. “Kung gano’n..”
“Hindi puwede. Hindi ka puwedeng magpapakasal kay Shawn, hindi mo siya puwedeng pakasal.” Mariing deklara niya kaya nagulat ako at naguguluhan dahil sa biglaang pagbabago ng desisyon niya.
“Ma, b-bakit po. Akala ko ho payag ka?” Mariin at naguguluhang kuwestyon ko sa kaniya.
“Puwes, hindi na ngayon. Lalo na’t nalaman ko kung sino ang magulang niya! Lumayo ka na sa lalaking yo’n!” Mariin pa niyang giit at bakas sa mga mata niya ang inis at galit.
“Hindi makakabuti sa’yo ang paglapit at pagpapakasal sa kaniya.” Mariing sentimyento niya.
“Ma, hindi ko kayo maintindihan. Bakit biglang nagbago ang isip niyo? Ipaliwanag mo, bakit? Kilala niyo ho ba ang mama ni Shawn?!” Naguguluhang tanong ko pero nagulat ako nung biglang maging emosyonal si Nanay.
“Kapatid ng babaing yo’n ang kabit ng papa mo!”
“Kapatid niya ang sumira sa pamilya natin, Denise..”