Shawn
Nakatulala pa din ako habang pinagmamasdan si Denise na nakaupo sa may couch na kaharap lang din ng table ko. Habang abalang siyang nakatutok sa screen ng ipad na hawak hawak niya. Kakabalik lang namin mula sa isang ribbon cutting event at medyo napagod kami dahil maraming tao.
“I invited your mom and brother over lunch.” Basag ko sa katahimikang namamayani sa buong opisina dahil kanina pa siya hindi kumikibo at parang wala siya sa mood. Napa angat ako ng tingin sa kaniya at kita ko din ang pagbaling niya ng tingin sa akin.
“Lunch? May meeting ka with governor-“
“I canceled it. I’m planning to announce our engagement this Saturday. Pero, gusto ko pa din na ang mama mo ang unang maka alam at gusto kong hingin ang blessings niya.” Nakangiting sambit ko pa sa kaniya pero nag iwas lang siya ng tingin sa akin. Alam kong nag aalangan pa din siya pero pumayag siya at yo’n muna ang importante sa ngayon.
Muling natahimik si Denise at binaling niya ulit ang atensyon sa ipad na kanina pa niya hawak hawak. “Kanina ka pa nakatutok diyan, ano ba yan?” Kunot noo pero may paglalambing na tanong ko sa kaniya tapos ay tumayo ako at lumapit sa kaniya. At do’n ko nakita kung ano ‘yung naka-flash sa screen niya. Isang malalim na buntong hininga lang ang tanging narinig ko mula sa kaniya. Litrato naming dalawa sa isang news article ang naka-flash sa screen.
Natahimik din ako nung makita yo’n dahil hindi ko din alam kung anong sasabihin para mapagaan ang loob niya. “Are you affected by their comments?” Kunot noong tanong ko sa kaniya bago ako maupo sa tabi niya. Umiling siya at huminga ng malalim.
“Sino bang hindi?” Sarkastikong tanong niya tapos ay sinara niya ‘yung ipad.
Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan yo’n. “Huwag mong pakinggan ang sinasabi ng iba. They didn’t know us, they didn’t know the real story. Those comments are just an assumptions based on what they saw on social media.” Nakangiting payo ko sa kaniya trying to cheer her up.
“Alam ko. Alam ko ding hindi magiging madali tong pinasok ko. Pero isa lang ang hihingin ko sa’yo..” Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Denise tapos ay hinaplos niya din ang mga kamay ko.
“Ano yo’n?” May pagtatakang tanong ko sa kaniya.
“Kung sakaling dumating araw na ayaw mo, just tell me so I can let you go-“
“Sshh, Denise. Don’t say that.” Malambing kong suway sa kaniya tapos ay marahan kong hinawi ang buhok niya.
“Denise, gagawin ko ang lahat para patunayan sa’yong seryoso ako, gagawin ko lahat para makuha ang pagmamahal mo, kahit gaano katagal. Araw araw kitang liligawan, araw araw kong ipaparamdam na importante ka sa’kin. I won’t leave you hanging. I will protect you.” Nakangiti ngunit emosyonal kong pangako sa kaniya tapos ay niyakap ko siya habang marahang hinahaplos ang buhok niya.
“Oo nga pala, may ibibigay ako sa’yo..” Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya tapos ay kinuha ko ang isang maliit na box na nasa bulsa ng black leather jacket na suot ko.
Lumuhod ako sa harapan niya at saka ko binuksan ‘yung box na naglalaman ng singsing. It was an oval opal halo ring with diamond. Nakita ko na mas lalong naging emosyonal si Denise nung makita ang singsing. “Will you marry me, Amara Denise?” Nakangiti ngunit emosyonal kong tanong sa kaniya.
Ngumiti siya at tumango kaya agad kong isinuot sa kaniya ang singsing. “Hinding hindi ka magsisi..” Emosyonal kong sambit sa kaniya tapos ay niyakap ko siya ng mahigpit.
Pareho kaming emosyonal ni Denise at nanatili lang kaming magkayakap sa loob ng limang minuto pero sabay kaming napalingon nung biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko.
“Really, Shawn?! You would go this low?” Mariing sigaw ni Mommy nung makita niya kaming magkayakap ni Denise.
“Ma, anong ginagawa mo dito?” Mariing tanong ko sa kaniya tapos ay susubukan ko sana siyang lapitan pero isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin.
“How dare you ruin our family’s reputation para lang sa babaing yan?! Binalaan na kita, hindi ba?” Mariin at gigil na kuwestyon nito sa akin.
“Totoo ba? Totoo ba ang nababalitaan ko na papakasalan mo ang babaing yan?!” Mariin pa niyang tanong pero hindi ako sumagot at nanatili akong tahimik.
“My God, Shawn!!!!” Mariin at dismayado niyang reaksyon.
“Ma, that’s my decision and it’s final-“
“No! Hindi ako papayag! Hindi mo papakasalan ang babaing yan.” Mariin at gigil pa niyang turo kay Denise na nakayuko habang nanatili lang siyang nakatayo sa likuran ko.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? You didn’t know that girl. Ilang buwan pa lang kayong magkakilala tapos gusto mo na siyang pakasalan? Oh come, don’t be ridiculous!” Bakas na bakas sa tono ni Mama ang inis at labis na pagkadismaya. Sasagutin ko pa sana ang mga sinabi niya nung biglang dumating din si Daddy. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya dahil seryoso lang siyang nakatingin sa amin.
“Buti naman at nandito ka. You better talk to your son, Sergio.” Mariin na baling ni Mama kay Daddy nung makita niya ito. Akala ko aalis na siya nung lumapit siya kay Dad pero nilingon niya ulit kami ni Denise.
“Walang kasal na magaganap. I will make sure of that, hindi ko hahayaan na maging parte ng pamilya natin ang babaing yan!” Mariing deklara ni Mommy bago niya kami tuluyang iwan.
“Your mom is right, ilang buwan pa lang kayong magkakilala.” Mariing pag sang ayon ni Daddy sa mga sinabi kanina ni Mama.
“Shawn, I will not stop you, kung gusto mong pakasalan si Denise. Go ahead but always be ready to face the consequences of your actions.” Seryoso niyang sabi kaya nagtataka ako.
“Are you giving us your blessings-“
Bumuntong hininga siya at umiling. “Is that what it sounds like? Well, maybe? I know you. Kapag may gusto ka. You do it without hesitation at hindi ka magpapagil. So what’s the point of opposing your decision kung una pa lang nilinaw mo na at desidido ka na. I just hope, you don’t regret it later.” Seryosong babala nito bago din siya tumalikod sa amin. Para kong nabuntan ng tinik sa dibdib matapos maka alis nina Mama At Daddy.
Mariin akong napabuntomg hininga at napailing dahil sa pagkadismayang nararamdaman ko. Tahimik si Denise nung nilingon ko siya. “Pasensya na kung nakita at narinig mo pa ang lahat ng yo’n.” Mariing baling ko sa kaniya at isang mabigat na buntong hininga ang kumawala sa akin.
“Tama ba tong ginagawa natin?” Seryosong tanong niya sa akin kaya napa angat ako ng tingin.
“Huwag mong sabihing ayaw mo na?” Sarkastikong tanong ko sa kaniya at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko.
“Alam mo ba kung bakit ako pumayag sa gusto mo?” Kunot noong tanong niya.
“Gusto din kita. Una pa lang. Pero natatakot ako-“
Agad akong lumapit sa kaniya nung marinig ko ang sinabi niya tapos ay marahan kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at marahan kong hinaplos yo’n.
“Totoo ba? Gusto mo din ako?” Emosyonal at nagagalak kong tanong sa kaniya kaya marahan siyang tumango.
“Oo, pero.. sa nakikita ko.. pakiramdam ko mali na tinaggap ko-“
Sa sobrang galak ay hinila ko papalapit si Denise sa akin at marahan ko siyang hinalikan sa labi. Halik na mariin niyang tinugunan, naramdaman ko ang mga kamay niyang pumulupot sa leeg ko.
“I.. l-love y-you, d-denise.” Paanas kong sabi sa pagitan ng matamis ngunit uhaw na halik habang habol habol ang aking hininga dahil sa labis na pagkasabik ko sa kaniya. Sandaling huminto si Denise at tinulak niya ako papalayo.
“B-Bakit?” Kunot noo at nakangising tanong ko sa kaniya.
“Nakakahiya…” Namumula niyang sabi habang nakanguso kaya hindi ko maisasang hindi mapangiti dahil nag cute ng reaksyon niya.
“D-don’t tell me.. is it your first..”
“Oo na! Ako na hindi marunong humalik..” Nakanguso at pabulong niyang sabi at bakas sa boses niya ang hiya kaya natawa ako.
Muli ko siyang hinila popalapit sa akin at saka ko bumulong sa tenga niya at isang malokong ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang marahan kong hinahaplos ang bewang niya. “Don’t worry, tuturuan kita..” Mahinang bulong ko sa tenga niya tapos ay marahan kong dinampi ang aking labi sa kaniyang leeg. Rinig ko ang marahan niya pagsambit sa pangalan ko na parang isang musika sa tenga ko.
“S-Sandali.. S-Shawn..” Pigil ni Denise sa akin kaya huminto ako hinarap ko siya.
“H-Huwag dito.. b-baka may m-makakita.. nakakahiya..” Pag aalala niyang sabi kaya napailing ako at napangisi.
“Don’t worry, I won’t let anyone to see us especially you this way..”
“It is for my eyes and ears only..”