Denise
Muli akong napa angat ng tingin kina Shawn sa di kalayuan habang binabasa ko ang news article na naka-flash sa screen ng cellphone ko. Napabuntong hininga ako at napaiwas ng tingin.
Pinipigilan ko ang emosyon ko habang nagbabasa ng mga komento mula sa mga taong hindi ko naman kilala. Habang patuloy na nagbabasa ay napa angat ako ng tingin nung marinig ko ang boses ni Tristan tapos ay may inabot siyang isang baso ng alok sa akin. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko tapos ay sandali akong napatitig kay Tristan. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko bago ko kunin ‘yung alak na inaabot niya sa akin.
“Bakit ka mag isa dito?” Mausisa pero nakangiting tanong niya tapos ay naupo siya sa tabi ko.
“May kausap kasi si Shawn, sa tingin ko importante yo’n.. baka about work kaya hindi na ako sumunod.” Nakangiting paliwanag ko naman sa kaniya.
“It’s too quick.” Rinig kong sentimyento niya kaya napalingon ako sa kaniya tapos ay tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Ang alin?!” Maang maangan ko pang tanong sa kaniya.
“Your relationship with Shawn.” Sarkastikong sabi niya tapos ay napailing pa siya at saka niya nilagok ang baso na may alak na kanina pa niya hawak hawak. Natahimik ako dahil hindi ko alam ang sasabihin o isasagot.
“Wala namang problema kung kayo talaga. But if I were you? I would think twice.” Nakangisi pa niyang dugtong na parang gusto siyang sabihin.
Tinaasan niya ako ng kilay tapos ay ngumiti siya sa akin. “Bakit ganiyan ka makatingin?! Huwag kang ganiyan makatingin. Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. No explanation needed. Hindi na kailangan i-justify.
“Kaibigan na din ang turing ko sa’yo, you were like the sister I never had. Oo, pinsan ko si Shawn pero concern ako sa’yo. Nakilala mo na ba ang parents niya? Lalo na si Tita Shantal? Oh, God! Kung alam mo lang kung gaano kasungit ang mama niya. Nakangising kuwento nito na parang may nararamdaman siyang galit at sama ng loob.
“I should’ve known, the way she treated my parents..” Sarkastikong dugtong pa niya. Hindi ko alam kung saan siya nanggagaling pero tama siya, hindi talaga ako magugustuhan ng mama ni Shawn.
“Eh nasaan ba parents mo? Bakit wala sila dito?” Mausisa at kunot noong tanong ko pa pero napailing lang si Tristan.
“They are in states, matagal nang di nag uusap si Tita Shantal at mama. Nandito lang ako dahil nagprisinta si Tito Sergio na siya ang nagpaaral sa akin nung panahon na hindi okay ang business ng parents ko. Okay naman yo’n ngayon, I’m staying here kasi kahit paano malapit na sa akin si Shawn at si Adrian kahit pa ang sungit sungit ng tita ko.” Nakanguso pa niyang kuwento sa akin.
“Kaya kung ako sa’yo mag iisip na ako.” Natatawang biro pa niya sa akin.
Napabuntong hininga ako at napailng. “Alam ko naman yo’n, na-meet ko na once ang mama ni Shawn. Napaka-intimidating niya pero makulit talaga iyong pinsan mo eh. Sunod ng sunod sa akin.” Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang pinagmamasdan ko ang shot glass na binigay niya sa akin.
“Tinamaan yata sa’yo!” Malokong biro pa ni Tristan.
Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Tristan. “Bakit sinagot mo agad si Shawn pero ako hindi?” Pabiro ngunit alam kong seryoso ang tanong niyang iyon. Nanligaw si Tristan noon sa akin pero hindi ko tinaggap dahil alam kong malayo ang estado namin sa buhay at hindi ako nababagay sa mundong meron siya. Isa pa, mas okay siyang kaibigan kesa boyfriend. Para ko na din siyang kapatid eh, ayokong sirain kung anuman ang meron kaming closeness.
Natahimik ako sa tanong niya sa akin. “Biro lang,.” Nakangiting dugtong ni Tristan sa sinabi niya.
“Hindi kasi mukha akong ate mo.” Natatawang biro ko sa kaniya bago tumayo.
“Excuse me..” Natatawang sambit ko pa bago tumayo papunta sa kusina sana para kumuha ng tubig. Nakatayo na ko nung biglang may asong sumulpot sa harapan ko kaya nagulat ako at muntik na akong ma-out of balance pero buti na lang ay nasalo ako ni Tristan.
“Okay ka lang?” Mga 5 seconds din kaming nagkatinginan bago ako umayos ng upo.
“Peanut.” Natatawang suway at baling ni Tristan sa aso pero lumapit ito sa akin na para bang nagagalak siyang makilala ako dahil wumawagayway ang buntot niya sa excited at tinatalunan niya ako.
“Peanut, nagulat ako sa’yo ah.” Magiliw kong sabi tapos ay binuhat ko siya at inupo sa may couch.
“Aso mo? Ang cute naman niya!” Baling ko kay Tristan pero ngumiti siya at umling.
“Hindi, aso ni Shawn yan.” Nakangiting sabi niya.
“Napaka-friendly niyan sa bisita eh. Puwedeng puwede mo ngang i-uwi eh, hindi aangal. Tatahulan ka pa para magpabuhat.” Natatawang kuwento ni Tristan habang ako naman nilalaro ko si Peanut. Sobrang cute at lambing niya. White pomeranian dog si Peanut kaya tuwang tuwa ako sa kaniya dahil ang fluffy niya at ang lambing sa akin.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko nung mapalingon ako sa gawi ni Shawn dahil nagulat ako nung makita kong nakatingin siya sa direksyon kung nasaan kami ni Tristan at parang pinapanood niya kami sa malayo habang abala siyang umiinom ng alak at kausap niya ang ibang guest.
Hindi ko na lamang siya pinansin at binaling ko ang atensyon ko kay Peanut na gustong gustong nagpapa-belly rub.
“Excuse me, Denise.” Paalam naman ni Tristan tapos ay dumiretso na siya sa iba pang bisita habang naiwan ako dito kasama iyong aso na si Peanut.
Napahinga ako ng malalim nung mapansin kong papalapit sa direksyon ko si Shawn. Hindi ko alam pero parang bumilis ang t***k ng puso ko. Habang si Peanut naman ay agad na tumalon at sinalubong siya.
“Close na close kayo ni Tristan ah.” Sarkastiko at nakangisi niyang sabi habang buhat buhat si Peanut.
“Three years din kasi akong nagtrabaho sa restaurant.” Sambit ko kaya napailing siya.
“How come I didn’t see you there.” Sarkastikong tanong niya sa akin tapos ay binitawan niya si Peanut na tumakbo naman sa direksyon ni Tristan.
“Hindi ko alam, excuse me.” Kibit balikat kong sambit tapos ay akmang tatayo na sana ako pero nagulat ako nung hinila ni Shawn ang pulso ko papalapit sa kaniya dahilan para masubsob ako sa dibdib niya.
“I didn’t like seeing you with other man, Denise.” Mariin niyang bulong habang ako naman eh nataranta dahil nakakandong ako sa kaniya at nakita kong may ilang bisita ang nakakakita sa amin. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko.
“Puwede ba? Huwag mo na akong guluhin, MAYOR. Do’n ka na sa Frances mo.” Mariin at irita kong pabulong na sabi sa kaniya at tatalikod na sana ako nung marinig kong mahina siyang tumawa.
“Nagseselos ka?” Sarkastiko at nakangising tanong nito sa akin kaya muli ko siyang hinarap.
“Ako? Magseselos? Bakit? Paalala ko lang ha, nagpapanggap lang tayo at hindi talaga tayo. Kaya wala akong paki kahit sino pang landiin mo.” Mariin at inis kong pabulong na paalala sa kaniya bago tuluyang umalis. Nakakainis, porket ba pumayag ako sa mga gusto niyang mangyari eh may karapatan na siya para bastusin ako?! Ni hindi nga ako pumayag na ligawan niya ako tapos malalaman ko close pa pala sila ng ex niya?!
Nilibot ko ang tingin sa buong paligid dahil hinahanap ko ang kusina nila. Dehydrated na yata ako sa sobrang stress ko dito kay Shawn. Nauuhaw na ako!
“Excuse me.. saan dito ang kusina, nauuhaw na kasi ako.” Nahihiya kong approach do’n sa isang babae na sa tingin ko ay servant dito sa party.
“Ah, sige po, wait lang po ako na pong kukuha para sa’yo.” Nakangiting sambit naman nito kaya napangiti din ako at saka tumango.
“Thank you.” Passsalamat ko. Habang naghihintay ako ay nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Hindi ko alam kung saang parte na to ng bahay nila pero malapit to sa poll area at walang katao tao dito sa kaya nakahinga ako ng maluwag.
Nagulat ako nung biglang may humila sa akin sa isang gilid. “Shawn, hoy! Anong ginagawa mo?!” Mariin kong suway sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa hallway. “Just follow me.” Mariin niyang utos habang mahigpit niyang hawak hawak ang mga kamay ko hanggang sa huminto siya sa isang pintuan at binuksan niya iyon tapos ay hinila niya ako papasok do’n. Malaki ang kuwarto at sa tingin ko ay guest room yo’n.
“Shawn, ano bang ginagawa mo!” Mariin kong kuwestyon sa kaniya tapos ay nakita kong nilock niya ‘yung pintuan kaya agad akong lumapit sa kaniya para pigilan siya pero tinulak niya ako palayo hanggang sa mapaatras ako dahil naglakad siya papalapit sa akin.
“Huwag kang lalapit sa akin, sisigaw ako!” Mariin at kinakabahan kong banta sa kaniya pero nginisihan niya lang ako.
“Everyone knew you are my girlfriend.” Nakangisi niyang sambit habang papalapit siya sa akin hanggang sa mapaupo ako sa kamang nasa likuran ko habang siya nanatiling makatayo sa harapan ko habang nasa bulsa niya ang mga kamay niya.
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko nung lumapit siya sa akin at pinuwesto niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko dahilan pata ma-corner niya ako.
“Gusto kitang maging akin, Amara Denise. Akin lang.” Mapang akit niyang bulong sa akin habang sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa.
“Hindi kita gusto at hindi tayo bagay-“
“Talaga?” Sarkastikong tanong niya at kita ko ang malawak na ngiti sa mga labi niya.
“Eh bakit nagseselos ka kanina kay Frances.” Sarkastikong tanong niya kaya umiling ako.
“Hindi ako nagseselos. Sinabi ko na hindi ba? Wala akong pakielam kung sino ang landiin-“ Nanlaki ang mata ko nung siilin niya ako ng isang halik kaya naman buong puwersa ko siyang tinulak papalayo.
“Bastos!” Mariin kong sigaw sa kaniya at agad agad akong tumayo at tumakbo papunta sa may pintuan.
Nagulat ako nung habulin niya ako tapos ay niyakap niya ako mula sa likuran. “Don’t leave please. I’m sorry. I’m just upset seeing you with Tristan.” Mariin at desperado niyang bulong sa akin habang mahigpit pa din ang pagkakayakap niya sa akin.
“Denise, I’ve been… I’ve been struggling lately. My parents wants me to marry Frances but I don’t like her anymore. And then I saw you..”
“You were like an Angel sent by heaven. Hindi kita nililigawan dahil lang gusto kong takasan ‘yung engagement na yo’n pero dahil gusto kita. Nung nakasama ko ang pamilya mo, masaya ako, kapag kasama kita, I feel like I’m just being myself.” Bakas sa boses niya ang pagiging desperado at ang pagka-emosyonal niya. Maya maya ay naramdaman kong kumalas siya sa pagkakayakap sa akin pero nanatili akong nakatalikod sa kaniya.
“Just marry me, Denise. Gagawin ko lahat para sa’yo. Ibibigay ko lahat sa’yo. Mamahalin kita.. aalagaan kita, just say yes.” Marahan ko siyang nilingon at pagharap ko sa kaniya ay nakita kong nakaluhod na siya sa harapan ko tapos ay hinawakan niya ang mga kamay ko.
Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka desperado. “Tumayo ka diyan, Shawn.” Mariin kong suwayat utos sa kaniya pero tumanggi siya.
“Tatayo lang ako kung papayag kang magpakasal sa akin..”