Denise
Para akong nakahinga ng maluwag nung makarating na kami ni Shawn sa pupuntahan namin at heto ko ngayon, naglilobot sa loob ng rest house nila. Namamangha kasi ako sa laki nung lugar at sa ganda ng interior design nito.
Abala ako sa paglilibot nung mapansin kong hindi nakasunod si Shawn sa akin kaya medyo kinabahan ako nung hindi ko siya matanaw sa likuran ko. Nag aalangan kong ina-approach ‘yung kausap ni Shawn kanina.
“Excuse me po, si Mayor Shawn po-“
“Nasa garden po, Ma’am.” Nakangiting sagot nung helper nila sa akin kaya naman nilibot ko ang tingin sa buong paligid hanggang sa makita ko ang sinasabi niyang garden. Habang papalapit ako ay may nakita akong kausap ni Shawn pero hindi ko matanaw kung sino yo’n dahil nakaharang siya. Pero nanlaki ang mga mata ko nung makita ko kung sino ‘yung kausap niya. “Oh, Denise?!” Kita ko ang gulat sa ekspresyon ni Sir Tristan nung makita ako. OMG!! So iyong sinasabing Tristan ni Shawn ay ang parehong Tristan din na kilala ko?!
“Sir Tristan?” Gulat na reaksyon ko at saka ko siya niyakap dahil sa galak. Naging boss ko siya noon at naging close kami kaya nakakatuwa na makita siya rito ngayon dahil ang huling balita ko ay nagpunta siya ng states at matagal pa siyang babalik.
Dahil sa galak at tuwa kong makita si Tristan ay hindi ko na napansin si Mayor Shawn na nagtataka habang pinagmamasdan kami. “Wait, you know each other?” Kunot noong tanong ni Mayor Shawn na parang nasurpresa siya.
“Oh, Denise is an old employee and a friend too.” Magiliw na sagot ni Tristan sa kaniya habang isang pilit na ngiti ang naging tugon niya.
“Oh, that’s great.” Ngising niyang sabi tapos ay lumapit siya akin at pinulupot niya ang mga kamay niya sa bewang ko.
“It’s great, at least I knew that one family member knew and approved of you.” Nakangising sambit niya habang nakatingin kay Tristan.
“Yeah, what a coincidence. Tignan mo nga naman oh. Lumapit lang si Denise sa San Lorenzo, nakilala ka na niya. Iba ka talaga, pre.” Malokong biro naman nitong si Tristan.
“Congrats to the both of you.” Nakangiting dugtong nito sa amin pero bakas sa mukha niya ang pag aalangan. Noong nilingon ko naman si Shawn ay nakita ko na ngumisi lang siya sa pinsan niya.
“Wait lang ha, I’ll just welcome some guests.” Paalam naman ni Tristan kaya naiwan kaming dalawa ni Shawn dito sa may garden.
“Close kayo?” Mariin at seryosong tanong niya sa akin pero ngumuso ako sa kaniya.
“Anong sinabi mo sa kaniya?” Kunot noong tanong ko.
“That you are already my girlfriend.” Nakangising sagot niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“It’s not-“
“At least, that’s everyone knew.” Sarkastikong sambit niya.
“Just a friendly, stay away from Tristan. He’s a womanizer-“
“So you are.” Sarkstikong sambit ko sa kaniya kaya napangisi siya at saka siya naglalakad papalapit sa akin at bumulong.
“I’m only seeing one girl right now.” Mapang akit nitong bulong tapos ay umatras siya ng konti at tinitigan ako.
“That’s you.” Nakangisi pa niya pang hirit.
“Mabobola mo lahat, Mayor pero hindi ako-“ Nagulat ako nung halikan niya ako sa pisngi.
“Denise, I’m serious. I like you and I want to pursue you.” Nakangiti pa niyang sabi kaya natulala ako at para akong napako sa kinatatayuan ko.
Aalma sana ako sa ginawa niya nung may marinig kaming tumawag sa pangalan niya kaya sabay kaming napalingon do’n. “Shawn!!” Magiliw na sigaw nung isang babaing mukhang pamilyar sa akin tapos ay patakbo siyang lumapit kay Mayor Shawn at niyakap siya nito. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Shawn sa ginawa nung babae at saka niya ito tinulak papalayo.
“What are you doing here?” Mariin niyang tanong doon sa babae. Habang pinagmamasdan ko ‘yung babae ay unti unti ko ng naaalala kung saan ko siya nakita. Tama! Sa munisipyo at sa nightclub. Siya yo’n, ‘yung laging nangungulit kay Shawn.
“Come on, Tristan invited me.” Nakangiti at sabik na sambit nung babae.
“Seeing one girl only daw. Tsk.” Pabulong at irita kong sabi tapos ay tatalikuran ko na sana sila nung bigla naman akong pigilan ni Shawn at hilahin pabalik.
“Babe, wait.” Mariin niyang pigil sa akin.
“Frances, this is Denise my girlfriend.” Pagpapakilala niya sa akin doon sa babae kaya nakita ko ang matatalim na tingin sa akin nung Frances at pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Oh, so you are that Denise.” Sarkastikong sambit nito habang nakahalukipkip ang mga kamay niya.
“Nice to meet you, my name is Frances, Shawn’s ex girlfriend.” Nakangiti at sarkastiko nitong pagpapakilala sa sarili niya na para bang napilitan lang siya. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang.
Alam kong hindi naman talaga kami ni Shawn pero parang nanliit ako sa sarili ko nung makita ko si Frances. Walang wala ako sa kalingkingan niya. She’s pretty, so elegant and likes by everyone. Seeing how she was welcomed and greeted by every guest. They clearly likes her.
“Excuse me.” Nakayukong paalam ko sa kanila pero pinigilan ako ni Shawn.
“Saan ka pupunta?” Seryosong tanong niya kaya hinila ko siya sa isang gilid.
“Sir-“
“I mean, Shawn. Aam ko naman na pinakilala mo ako sa lahat bilang girlfriend pero sa tingin ko hindi naman ako nababagay dito at saka wala naman akong kilala bukod sa inyo ni Sir Tristan. Medyo na o-out place kasi ako, baka puwedeng-“
“No.” Mariin niyang sambit.
“Kumg aalis ka, aalis na din-“
“Hindi. Baka kung anong isipin nila kung basta basta ka na lang aalis.” Mariin kong katwiran sa kaniya pero kita ko ang determinasyon sa mga mata niya.
“No, kung ayaw mo nang mag stay. Let’s go.” Mariin niyang sambit tapos ay hinila niya ang kamay ko at paaalis na sana kami nung pinigilan siya ni Frances at Tristan.
“Aalis na kayo? Maaga pa ah?!” Mariin at takang tanong nila.
“Hindi, di ba. Babe.” Marin kong tanggi pero hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang may dumating na guest at lumapit ito kay Shawn at na mukhaan ko ito. Tama, si Mayor Dela Cuesta nga ito kung hindi ako nagkakamali.
“Mayor Shawn, akala ko hindi ka makakarating.” Magiliw na sambit nung lalaki kay Shawn.
“Lorenzo! You too, akala ko busy ka?!” Magiliw na tanong nito si Shawn kay Mayor habang mahigpit niya pa ring hawak hawak ang mga kamay ko.
“By the way, Happy birthday, Tristan.” Bati ni Mayor kay Tristan tapos ay nabaling ang tingin niya sa akin.
“Oh, who is this beautiful lady behind you, Mayor?” Nakangiting tanong ni Mayor Lorenzo.
“My girlfriend, Denise.” Tipid ngunit nakangiting sambit ni Shawn sa kaniya.
“Nice to meet you, Miss Denise.” Nakangiting pagpapakilala nito sa sarili niya tapos ay nakipagkamay siya sa akin.
“I’m ạ Lorenzo..”
“Sa tingin ko magkakasundo sila ni Estelle.” Nakangiting sambit niya tapos ay pinakilala niya sa akin ang babaing katabi niya na kanina pa nakangiti sa akin habang pinagmamasdan ako.
“Hi.” Nakangiti at tipid na bati nung asawa ni Mayor Lorenzo sa akin.
“Sabi mo busy ka, pre kala ko di ka makakarating eh.” Malokong biro pa ni Tristan kay Mayor Lorenzo.
“Let’s go.” Bulong sa akin ni Shawn pero pinigilan ko siya.
“Hindi na, mamaya na tayo umuwi, nagbago na isip ko.” Pigil ko sa kaniya dahil nakikita ko naman na gusto niyang magstay pero nag aalangan lang siya dahil sa sinabi ko kanina sa kaniya.
“Are you sure?” Kunot noong tanong niya kaya marahan akong tumango.
“Mayor Shawn, puwede ba tayong mag usap.” Napalingon kami nung muling lumapit sa amin si Mayor Lorenzo na gustong makausap si Shawn. Tumango ako para mapanatag ang loob ni Shawn na iwan ako at kausapin si Mayor Lorenzo.
“Okay lang ako.” Nakangiting paniniguro ko sa kaniya bago niya ako iniwan mag isa. Lumingon ako sa buong paligid at nakita kong may isang sofa malapit sa garden na walang nakaupo kaya tahimik akong naupo do’n. Maya maya ay napalingon ako sa kinaroroonan ni Shawn at nakita kong kausap niya pa rin si Mayor Lorenzo pero lumapit si Frances sa kanila, mukhang lasing na siya dahil panay ang akbay at yakap kay Shawn.
Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng inis. Nagpapakita ng motibo sa akin si Shawn pero bakit aligid ng aligid pa din ang ex niya?! Dapat ko bang ituloy ‘to o baka mas makabubuting lumayo na lang ako dahil baka ako lang din ang masaktan sa huli..
Itinuon ko na lang ang atensyon sa cellphone ko pero parang mas lalong hindi yata magandang idea yo’n dahil habang nagb-browse ay nakakabasa ako ng ilang negatibong komento tungkol sa rumored relationship namin ni Shawn.
Mariin akong nagpunas ng mga luha habang nagbabasa ng comments. Maya maya pa ay narinig ko ang boses ni Tristan kaya napa angat ako ng tingin sa kaniya.
“Bakit ka mag isa dito?