Shawn
Kanina pa ako pasulyap sulyap sa wall clock na nakasabit sa opisina ko dahil hindi ako mapakali. “It’s already 8:00 am and yet she’s still not here.” Sarkastikong bulong ko sa sarili ko. Kukunin ko na sana ‘yung cellphone ko para tawagan siya nung biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at nakita ko si Denise na mukhang hingal na hingal at nagmamadali.
“Sorry, Sir. Late ako. Ano kasi may-“
“It’s okay.” Pigil ko pa sa sinasabi niya kaya naman para siyang nakahinga ng maluwag sa sa sinabi ko.
“I’m just glad that you accepted my offer.” Nakangiting panimula ko pa sa kaniya kaya naman lumapit siya sa akin. It’s been three months since she started working for me.
“You come and join me, may pupuntahan akong event ngayon.” Seryosong utos ko sa kaniya bago tuluyang tumayo tapos ay nauna na akong maglakad palabas ng opisina ko.
Napalingon ako nung nanatili siyang nakatayo at sinundan niya lang ako ng tingin. “May problema ba?” Kunot noong tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya.
“Ah, hindi wala naman. Medyo hiningal lang ako-“
“I only have one rule for you, Denise. If you are going to be late, please, just at least inform me. Text me or call me. You have my number.” Mariing paalala ko sa kaniya kaya naman tumango siya at ngumiti sa akin.
“Tara na.” Tipid kong sambit sa kaniya tapos ay nilahad ko ang kamay ko sa kaniya.
Nag aalangan pa siya nung una pero magkahawak kamay kaming lumabas ng opisina ko. Hindi pa man kami nakakahakbang papalayo ay biglang sumulpot sa harapan namin si Daddy. Napalingon ako kay Denise na mukhang kinabahan nung mabaling ang tingin sa kaniya ng tatay ko kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay kaniya para maibsan ang kabang nararamdaman niya.
“Dad, ano hong ginagawa niyo-“
“Mag usap tayo.” Mariin niyang sambit bago tuloy tuloy na pumasok sa opisina ko. Bumaling ako kay Denise at ngumiti. “Wait for me here.” Bulong ko sa kaniya tapos ay sinundan ko na si Daddy sa loob.
“Dad, what’s with this surprise visit?” Sarkastiko at diretsong tanong ko sa kaniya nung makapasok kaming muli sa opisina.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay tanomg lang din ang binitawan niya sa akin. “Is that Denise?” Sarkastikong tanong niya.
“Y-Yes.” Mahina at tipid kong sagot.
“The Delgados are inviting you to their banquet but you declined, why didn’t you attend?” Pag iiba niya pa sa usapan kaya napailing ako dahil alam ko na kung saan mapupunta ang usapang ito.
“What for?” Sarkastikong tanong ko.
“Dad, I’m busy with work, I don’t have time to attend those types of gatherings.” Dugtong ko pa kaya nakita kong napiling si Dad na parang hindi niya nagustuhan ang sagot ko.
“Stupid. You were a businessman before you became a politician. We lost so much when you decided to cut ties with Frances, Hendrick Delgado’s only daughter and now they are inviting us again-“
“You can do nothing to convince me Dad. So, if you may excuse me?” Mariin kong paniniguro sa kaniya at hindi ko na hinintay pa ang sssabihin niya, binalikan ko na si Denise sa labas na naghihintay sa akin. I heard Dad calling my name twice but I didn’t bother to look back.
“Let’s go.” Mariin kong baling kay Denise at saka ko siya hinila papalayo.
“Jen, please cancel all my meetings today and told everyone that I’m not available for today.” Mariin kong utos doon sa secretary ko nung makasalubong namin siya sa hallway.
“C-Cancel? Eh s-saan na tayo pupunta?” May pagtataka at pag aalinlangang tanong ni Denise sa akin pero hindi ko sinagot ko yo’n at nagpatuloy lang kami maglakad hanggang sa makarating kami sa parking lot.
“Mayor, saan po-“
“You can go home, I’ll drive.” Utos ko do’n sa driver na sumalubong sa amin.
“Get in.” Malumanay kong utos kay Denise pero nag aalangan siya kaya tinaasan ko ang tono ng boses ko.
“Get inside.” Mariin kong sabi kaya nag aalangan siyang sumakay.
“Saan ba talaga kasi tayo pupunta?” Mariing tanong ni Denise.
“I just wanted to take a break, could you just sit and there and be quiet?! Come on, I’m not going to harm you or anything. I Just want you to be with me. Please?!” Mariin at dismayado kong pakiusap sa kaniya kaya natahimik siya. Nabalot ng katahimikan ang biyahe namin. I felt guilty raising my voice at her but… I’m too preoccupied right now.
“Sorry.” Rinig kong mahinang sabi ni Denise, basag niya sa katahimikan habang ako naman eh nakatuon ang atensyon ko sa pagmamaneho.
“Pasensya na din kung nataasan kita ng boses at nasungitan. I’m just tired and preoccupied right now..” Dismayado kong paghingi ng pasensya.
“Pupunta tayo sa rsst house namin sa El Municipio De Hermosa, is it okay with you? Do’n din kasi gaganapin ang birthday ng pinsan ko.
Kita ko mula sa rear view mirror ang pagkunot ng noo niya. “El Municipio?” Kunot noong tanong niya.
“El Municipio De Hermosa, yes. Sa kabilang bayan lang yo’n.” Nakangiting sambit ko.
“Di ba, Dela Costa din iyong mayor do’n?” Tanong niya out of nowhere kaya natawa ko.
“No, they are Dela Cuesta and we are Dela Costa. Sounds so similar and confusing, right? Pero mag kaibang pamilya kami. Actually, Mayor Lorenzo is a good friend of mine.” Nakangiting pagtatama ko sa sinabi niya.
“Oh, I thought same lang kayo. Do’n din kasi kami galing bago kami lumipat dito sa inyo.” Paliwanag pa ni Denise.
“No, we are different but Lorenzo and I have lots in common.” Sarkastikong komento pa sa kaniya tapos no’n ay nabalot na ulit ng katahimikan ang buong paligid.
“B-Bakit nga pala bigla kang nag cancel today? Dahil ba sa daddy mo?” Mausisang tanong nito sa akin.
Napabuntong hininga ako at napailing. “Partly yes, I guess. He’s trying to convince me to do something that I don’t wanted to do.” Kuwento ko pa sa kaniya.
“I’m sure, he’s doing that because he wanted the best for you.” Nakangiting komento ni Denise kaya napailing ako.
“Do you think parents are always right? I mean, hindi ba they are being selfish when they are forcing their kids to do what they want, hindi ‘yung kung ano ‘yung talagang gusto ng mga anak nila?” Sarkastikong tanong ko sa kaniya kaya nakita ko isang mabigat na buntong hininga ni Denise.
“Para sa akin, nanay was always been an amazing mom. Lagi siyang nakasuporta sa akin at lagi niya akong iniintindi. Kaya sa tingin ko, I am so lucky na siya ang naging mama ko.
Pero hindi naman ibig sabihin no’n na gano’n lahat ng magulang di ba? Kaya hindi ko din masisisi o mahuhusgahan iyong mga tanong di maganda o okay ang relasyon nila sa mga magulang nila. Kasi hindi natin alam ang rason, hindi natin alam kung saan nanggagaling ang hinanakit at sama ng loob nila.” Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko pagkasabi niya no’n.
“Right, minsan nakaka inggit ‘yung mga taong supportive ang parents at laging nandiyan para sa mga anak nila. Material things and money is not enough. Minsan kasi, ang kailangan natin atensyon at pagmamahal, iyong presensya nila sa buhay natin.”
“I have everything but those things. I don’t know, alam ko naman na lahat ng ginagawa nila ay para samin pero I feel so distant to them. I can’t even talk to them about my day because they are always busy. Ni hindi ko nga alam kung alam ba nila ang mga paborito ko..” Sarkastikong kuwento ko habang pinipigilan kong hindi maging emosyonal sa harap ni Denise.
“You know what? Balang araw kapag naging magulang ako, I will sure to be close to my children, to be a cool dad. Iyong tipong they can tell me everything because I will listen and always be there for them. I will support them and let them know that they have my back. Gusto kong iparandam sa kanila iyong mga bagay na hindi ko naramdaman sa mga magulang ko.” Nakangiting sambit ko pa habang sinasabi ang mga bagay na iyon dahil hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal. Sandali akong napalingon kay Denise nung mapansin kong tahimik lang siyang nakikinig sa mga rants ko at nakita kong parang nagiging emosyonal na din siya.
“Ako din, at saka gusto ko din ng kompletong pamilya. Dahil hindi ko naranasan yo’n..” Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Nakita ko ang isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.
"Bata pa lang ako, iniwan na kami ni Papa kaya simula no’n si nanay na lang ang kasama namin. Ayokong maranasan ng mga magiging anak ko ang naranasan namin noon nung iniwan kami ng papa ko.” Malungkot na saad ni Denise habang nakatuon lang ang tingin niya sa bawat nadadaanan namin.
“Sorry to hear-“
“Wala kang dapat ihingi ng sorry. Ano ka ba!” Nakangiti at pabiro niyang sabi.
“Tama na nga to! Nag o-overshare na naman ako eh.” Pag iiba niya pa sa usapan at nakita kong nagpunas siya ng luha. Damn, I shouldn’t brought up that topic.
Nasa boundary na kami ng De Hermosa nung biglang natahimik si Denise kaya hindi na din ako kumibo dahil ayoko nang mas lalo pa siyang maging malungkot. Makalipas ang kinse minuto ay nakarating na din kami sa pupuntahan namin.
“We’re here.” Nakangiting sambit ko sa kaniya tapos ay nauna na akong bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya ng pintuan.
“Careful.” Bulong ko sa kaniya habang pababa siya ng passenger seat.
“Sa inyo to?” Namamanghang tanong niya nung makita ang rest house namin.
“Yeah.” Tipid kong sabi.
“Nadadaanan namin to noon eh, ganda ganda ako dito. Sa inyo pala to.” Nakangiting komento pa ni Denise habang papasok kami sa loob.
“Is Tristan here already?” Salubong kong tanong doon sa care taker namin.
“Opo, sir nasa garden po si Sir Tristan. Nakahanda na din po ang lahat.” Sambit nito habang nakita ko si Denise na naglilibot sa buong paligid kaya naman hinayaan ko muna siya at dumiretso ako kung nasaan si Tristan.
“Happy Birthday, Dude.” Nakangiting salubong ko sa kaniya nung makita ko siyang nakikipag usap sa mga kaibigan niya.
“Shawn!! Akala ko ba hindi ka makakapunta? Where’s Tito and Tita?” Magiliw na sambit nito bago lumapit sa akin.
“You know.. they are always busy.” Sarkastikong sambit sa kaniya.
“Sinong kasama mo?” Kunot noo at mausisa niyang tanong.
“Someone.” Nakangisi kong sagot kaya napangisi din siya.
“Your rumored girlfriend?” Sarkastiko at nakangisi niyang sambit sa akin kaya napatango ako tapps ay napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Denise na papalapit sa amin.
“Here she is.” Nakangiting sambit ko referring to Denise.
“Oh, Denise?” Gulat na reaksyon ni Tristan at bakas din sa mukha ni Denise ang gulat nung makita niya si Tristan.
“Sir Tristan?!” Sabik na reaksyon ni Denise at niyakap niya pa si Tristan.
“Wait, you know each other?”