Denise
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kuwarto ko. Napakamot ako ng ulo at nagtakip ng unan dahil naiinis ako sa ingay. “Gusto ko pang matulog eh!” Mariin at inis kong bulong sa sarili ko.
Bigla akong napadilat ng mata at napabangon sa kinahihigaan ko nung mapagtanto ko na palubog na pala ang araw at mag gagabi na. Nagmamadali akong kumilos pero nakalimutan ko na namamaga pa rin pala ang paa ko kaya pagtapak ko pa lang sa sahig ay napahiyaw na ako sa sakit. “s**t!!” Mariin kong sabi nung naramdaman ko ang hapdi sa paa ko.
Marahan akong naglakad papunta sa may pintuan at pagbukas ko no’n ay sinilip ko lang ng kaunti ang labas ng kuwarto ko at doon nakita ko si Josh, Nanay at si Mayor Shawn?!! Napalingon akong muli sa may bintana ng kuwarto ko. Ano pang ginagawa niya rito ng ganitong oras?! Muli akong sumilip sa labas ng kuwarto ko at nakita kong masayang nakikipag-kuwentuhan si Shawn kina Nanay pero bigla siyang napalingon sa kinaroroonan ko kaya nakita niya ako. Sandali siyang napahinto sa pagsasalita at ngumiti siya sa akin.
“Denise?!” Gulat na reaksyon niya kaya pati sina nanay ay napalingon sa akin.
“Anak, kamusta na pakiramdam mo?” Nag aalalang tanong ni Nanay sa akin tapos ay nilapitan niya ako at hinipo niya ang noo ko.
“Okay na po ako, Nay. Nakapagpahinga naman ako-“
“Oo nga pala, nak, may gusto sana akong sabihin.” Malambing na sabi sa akin ni Nanay kaya napakunot ako ng noo.
“Ano ho yon?” Mausisa kong tanong.
“Nabanggit kasi nito ni Mayor Shawn sa akin na inaalok ka raw niya ng trabaho-“
“Nay, okay naman ho ako sa trabaho ko ngayon.” Tutol ko pa kay Nanay at saka ko sinamaan ng tingin si Shawn pero umiwas lang siya ng tingin at binaling ang atensyon niya sa kapatid ko habang si nanay ay hinila ako pabalik sa kuwarto ko.
“Anak, alam ko naman na okay ka na diyan sa trabaho mo.”
“Pero anak, lagi akong nag aalala sa’yo. Gabi ka na pumapasok, madaling araw ka nang umuuwi. Nak, sobrang delikado. Hindi lang yo’n, iyong kalusugan mo.. lagi kang puyat. Nak, consider mo ‘yung offer ni Mayor Shawn.” Malambing ngunit nag aalalang pakiusap pa ni Nanay sa akin. Napailing na lang ako, sinabi ni Shawn kay Mama ‘yung offer niya sa akin nung nakaraan. Tss. What a desperate move.
Huminga ako ng malalim at ngumiti ako kay Nanay. “Sige ho, pag iisipan ko.” Malambing kong sambit sa kaniya para kahit paano ay mapanatag ang loob niya.
Nakita kong pag ngiti niya at parang napanatag ang loob niya sa sagot ko. “Magha-half bath lang po ako.” Paalam ko sa kaniya bago siya lumabas sa kuwarto ko. Tss. Paano ito? Wala akong takas do’n kay Shawn!
“Talagang sumipsip pa siya sa nanay ko para lang mapapayag ako?! Akala niya naman papayag ako ng gano’n gano’n lang?!” Mariin kong bulong at reklamo sa sarili ko habang nagsasabon ako ng katawan.
Napahinga ako ng malalim at napahinto sa ginagawa ko nung mabaling ang tingin ko sa paa ko. Napanguso ako. Buti na lang ay hindi na siya masakit kahit paano.
“Nakaalis na kaya si Shawn?” Mariin kong tanong sa sarili ko nung makalabas ako ng comfort room tapos ay dumiretso ako sa tapat ng closet ko para kumuha ng damit. Hindi naman gano’n kalakihan ang kuwarto ko pero may sarili akong CR at vanity mirror na katabi lang ng kama ko.
“Sheyt! Ang hirap.” Mariin ko pang reklamo habang sinusuot ko ‘yung pants ko kasi nasasanggi ‘yung paa ko. Hays!
Napapikit ako at napahinga ng malalim nung maisuot ko sa wakas ang pantalon ko.
“Anak! Halika na at kumain ka muna bago umalis!” Rinig kong sigaw ni Nanay sa labas ng kuwarto ko kaya dali dali na akong nag ayos at paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko pa din si Shawn.
Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay pero ngitian niya lang ako. “Ihahatid na kita, Denise.” Nakangiting alok niya sa akin matapos kong maupo sa tabi niya.
“Wala ka bang bahay, Mayor?! Kanina ka pa dito ah!” Mariin at sarkastikong bulong ko sa kaniya kaya mahina siyang napahalakhak. “Si nanay kasi at saka itong si Josh, ang daming kuwento.” Pabiro at malakas na hirit pa niya. Tss! Bat siya nakiki nanay diyan kala mo naman nanay niya!
“Nanay? Nanay mo?!” Sarkastikong bulong ko sa kaniya tapos ay inirapan ko siya.
“Ate, huwag ka naman masungit. Nakikipagkuwentuhan lang naman si bayaw sa amin.” Nakanguso at malokong hirit ng kapatid ko.
“Anong bayaw bayaw ka diyan! Loko ka ah-“
“Hoy, tama na yan. Kumain na tayo.” Mariing suway sa amin ni Nanay.
“Galing mo ah, libre lunch at dinner mo?!” Mariin at sarkastikong hirit ko kay Shawn sa tabi ko pero kinindatan niya lang ako.
“Na’ko! Ayos lang! Alam mo ba? Marami akong nabenta kanina na meriendang banana cue, turon at saka minamis na kamote kasi tinulungan ako nitong si Shawn.” Nakangiti at pagmamalaki pang kuwento ni Nanay sa akin.
“Kaya hala sige, kain lang kayo ng kain.” Magiliw pang sabi ni nanay at sandok pa ng kain at ulam sa plato namin ni Shawn.
Tahimik lang ako habang kumakain kami at hindi ako kumikibo. “Ate, nakuha ko na po ‘yung report card ko.” Baasg ni Josh sa katahimikang namamayani sa buong paligid.
“Pasado ba?” Kunot noong biro ko sa kaniya.
“Syempre! Tignan mo! Mana sa’yo to eh.” Mayabang pa niyang sambit sabay kindat at abot sa akin ng report card.
“Aba, matataaas nga ah.” Sarkastikong sambit ko nung makita ko ang line of 9 niyang mga grado sa bawat asignatura niya.
“Dahil diyan! Bibigyan kita ng pang kape bukas.” Sarkastikong sambit ko sa kaniya kinatuwa naman ng mokong dahil gaya ko eh mahilig din siya sa kape.
“Bukas ah!” Paniniguro at sabik pa niyang sabi.
“Oo, KUNG MAABUTAN MO AKONG GISING BAGO KA PUAMSOK!” Mariin at pang asar ko pang sabi.
“Ate naman eh.” Nakangusong reklamo pa niya kaya kinuha ko ang bag sa tabi ko tapos ay kinuha ko ‘yung wallet.
“Joke lang, ito na.” Nakangiting sabi ko sa kaniya sabay abot ng 1k kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya.
“Sobra na yan pang kape ah, mag aral kang mabuti ah.” Marin ngunit nakangiting paalala ko sa kaniya at sa sobrang tuwa ni Josh eh tumayo siya at niyakap niya ako.
“Syempre naman ate, pag naka-graduate naman ako. Ikaw naman ang mag aaral at bibigyan ko ng baon.” Magiliw at masaya niyang sabi.
“Oh, narinig niyo yo’n ah!” Sarkastikong sabi ko kina Nanay at Shawn kaya nagtawanan sila.
“Sige na, baka ma-late na ho ako.” Mariin kong paalam nung makita kong tapos nang kumain si Shawn kahit hindi pa ako tapos dahil wala akong masyadong gana.
“Salamat po, Nay.” Nakangiting paalam ni Shawn kina Nanay.
“Mag ingat kayo, Hijo.” Nakangiting paalam ni Nanay sa kaniya.
“Ingat kayo, Kuya.” Nakangiting paalam naman ni Josh kay Shawn. Talagang pati kay Shawn eh pinapa iral niya ang pagiging bolero niya.
“Sigurado ka bang pupunta ka do’n ngagong gabi. Ayos na ba iyong paa mo?” Nasa labas na kami nung magtanong si Shawn kaya napahinto ako.
“Okay na nga ako kahit hindi mo na ako ihatid.” Sarkastikong pagmamalaki ko pa sa kaniya.
“Saan nga pala ang bodyguards at-“
“Pinauwi ko na sila.” Nakangiting sambit ni Shawn.
“Denise, are you going to file for resignation na ba-“
Napakunot ako ng noo at napalingon sa kaniya. “Resignation? Ay bakit? May sinabi ba akong tinatanggap ko na ang alok mo?” Kunot noo at sarkastikong sabi ko sa kaniya.
“Assuming mo naman.” Nakangusong bulong ko pa.
“Please, Denise. Gusto ko lang makatulong. At alam kong alam mo na mas makakabuti para sa’yo at sa pamilya mo ‘yung alok ko.” Seryoso niyang pagkumbinsi sa akin.
“Eh di ba, may Secretary ka na? Ano tatanggalin mo siya sa trabaho? It’s unfair-“
“No, You’re going to be my personal assistant who will be with me 24/7.” Nakangiti niyang sambit kaya nasamid ako sa sinabi niya.
“Bakit? Okay ka lang?” Alalang tanong niya sa akin.
“PA? As in-“
“Oo nga! Ano? Pumayag ka na!” Mariin pa niyang pagkumbinsi sa akin.
“Pag iisipan ko habang nasa biyahe-“ Napataas ako ng kilay nung may iabot siya sa aking isang papel.
“Ano yan?! Kunot noong tanong sa kaniya.
“Your resignation letter.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Ganiyan mo ba talaga ka gusto na maging PA mo ako? Effort ah!” Sarkastikong sambit ko sa kaniya sabay hablot do’n sa papel mula sa kaniya. Medyo nagulat ako dahil kompleto na yo’n at pirma ko na lang ang kulang.
“Ginawa mamin yan ng kapatid mo.” Nakangising sambit pa ni Shawn sabay kindat. At talagang kinuntsaba niya pa si Josh?!
“H-hindi ba magagalit ang mama mo-“
“Wala siyang say sa mga employees ko. I chose my employees carefully. Pinipili ko ‘yung alam kong mapagkakatiwalaan ko.” Mariin at Nakangiting niyang sabi.
“Paano ang media? Ang alam nila, nililigawan mo-“ ngumisi siya at lumapit sa akin.
“Then be my girlfriend too..”