Shawn
Dismayado akong nakatingin kay Mama matapos makaalis ni Denise. “Ma, you shouldn’t treat like-“
“Why? Nagsasabi lang ako ng totoo. Nakikita mo ba ang itsura niya sa itsura mo?!” Mariin at dismayadong sigaw sa akin.
“Ma, seryoso ako nung sinabi kong nililigawan ko siya.” Mariing katwiran ko pa sa kaniya.
“THEN STOP!” Mariin pa niyang tutol.
“I did a background check on that girl. She’s not even a college graduate. Drop out-“
“Ma, disenteng nagtatrabaho si Denise para sa pamilya niya. Who cares kung di siya naka-graduate?” Mariin kong katwiran kay Mama pero lalo siyang nagalit.
“Disente o hindi. Wala akong paki. Hindi ko siya gusto para sa’yo at hindi siya nararapat sa’yo.” Mariing deklara ni Mama bago niya ako iwan mag isa dito sa tapat ng coffee shop kung saan kami dapat magkikita.
“Mayor, tuloy po ba ‘yung barangay visit niyo?” Napalingon ako nung biglang sumulpot ang driver ko sa likuran ko.
Hindi ako nagsalita at sa halip ay dumiretso lang ako sa loob ng kotse. “Nakauwi kaya siya ng maayos?” Bulong ko sa sarili ko habang nasa biyahe kami. Para akong tangang nakatitig lang sa screen ng cellphone ko. Gusto ko siyang tawagan kaso nahihiya ako.
“Mayor, ipapatawag ko po ba ang security team niyo? Medyo marami po kasing tao do’n.” Bumalik lang ako sa ulirat nung marinig ko ang sinabi ni Manong sabay nguso niya do’n sa kumpulan ng mga taong nasa kalsada.
“One to two will do. Call them.” Mariing utos ko sa kaniya tapos ay nilagay ko ang cellphone sa bulsa ng jacket na suot ko at dali dali na akong bumaba ng sasakyan.
“Mayor Shawn!!” Rinig kong magiliw na salubong sa akin ng mga tao. “Chairman.” Bati ko do’n sa kaptian nung nasa tapat na ako ng barangay hall.
“Na’ko, Mayor, napakasuwerte naman ho namin na kayo pa mismo ang nag-deliver sa center nung mga libreng gamot.” Nakangiting salubong nito sa akin bago makipag kamay.
“Salamat po, Mayor.”
“Walang anuman ho.” Nakangiting sambit ko sa kanila.
“Mayor tuloy na po ba ulit ‘yung scholarship grant niyo?” Rinig kong tanong nung isa sa mga resiente kaya tumango ako at ngumiti. Hindi ko alam pero pamilyar ang lugar na ito sa akin. Dito ko hinatid si Denise noon pero nakalimutan ko ang itsura ng bahay nila.
“Opo, tuloy na tuloy ho yo’n, kuha lang ho kayo ng form sa city hall at requirements, goods na po yo’n.” Nakangiting sagot ko sa kanila at nakita ko naman ang galak at tuwa sa mga mukha nila.
Habang nakikipag-usap at nakikihalubilo ako sa mga residente ay may mapansin akong isang babaing may kaedaran na nahulog ‘yung dala dala niyang parang bayong na madaming nakalagay kaya naman dali dali akong tumakbo para tulungan siya. “Na’ko, nay. Ayos lang ho ba kayo? Para saan ho itong madamimg yelo?” Kunot noo at mausisa akong tanong sa kaniya habang tinulungan ko siyang pulutin ‘yung bayong dahil nakita kong may yelong nakalagay sa loob no’n. Buti at hindi nahulog sa sahig.
“M-Mayor?” Gulat na reaksyon ni Manang nung nag angat siya ng tingin sa akin. Sandali akong natulala dahil mukhang pamilyar siya sa akin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.
“Na’ko, para kay Denise yang mga yelong yan. Natapilok kasi siya eh. Hay na ako ‘yung batang yo’n talaga.” Rinig kong mariing reklamo ni Nanay at doon ko lang napagtanto na siya pala yo’n. Ang nanay ni Denise!
“K-Kamusta na h-ho si D-Denise? Ayos lang ho ba siya?” Nauutal at sunod sunod kong tanong kay nanay pero umiling siya.
“Ando’n sa loob ng bahay-“ hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Nanay at nauna akong pumasok sa bahay nila. Doon ko nakita si Denise na marahang minamasahe ang paa niya.
“Nay, bakit ho ang ingay sa labas. Anong meron-“ Bakas sa mukha niya ang gulat nung nag angat siya ng tingin at nakita niya akong nakatayo sa harapan niya.
“M-Mayor S-Shawn?” Nauutal at gulat niyang reaksyon.
“Ang tigas kasi ng ulo mo.” Mariin at sarkastikong sambit ko pa sa kaniya nung mabaling ang tingin ko sa mga paa niyang namamaga.
“Denise, anak may bisita ka-“ Sabay kaming napalingon ni Denise sa nanay niya. “Ako na hong gagamot sa kaniya.” Nakangiting prisinta ko do’n sa nanay ni Denise kaya magiliw niyang inabot ‘yung dala dala niyang yelo sa akin.
“Na’ko, salamat. Sandali lang ha. At pagbibilhan ko lang ‘yung nabili sa tindahan namin. Tapos kumain na kayo ha, nagluto ako ng kare kare, masarap yo’n. Dito ka na magtanghalian.” Taranta pero magiliw na alok ni Nanay sa akin bago niya kami iwan ni Denise dito sa may leaving room nila.
Nilapag ko ‘yung mga yelong inabot ni Nanay sa akin sa platong nakapatong sa lamesa tapos ay kinuha ko ‘yung ice bag na nakapatong lang din do’n.
“S-Shawn, ako na yan.” Mariing tutol at pigil ni Denise tapos ay naupo ako sa tabi niya at marahan kong inangat ang paa niya. Dahan dahan kong dinampi ko ang ice bag na hawak hawak ko sa mamamaga niyang talampakan.
“Hindi ka kasi nag iingat maglakad-“
“Natapilok ako at hindi ko kasalanan yo’n..”
“Habang pababa kasi ko ng jeep ay biglang humarurot ‘yung driver paalis kaya ako natapilok.” Nakangusong depensa niya pa kahit hindi ko pa tapos ang sasabihin ko.
I look at her with disbelief. “What? Did you even get the plate number?!” Kunot noong tanong sa kaniya pero dismayado siyang umaling.
“Hindi nga eh.” Nakanguso niyang sambit.
“A-ah.. masakit, dahan dahan naman sa pagdampi nung yelo.” Halos maiyak iyak niyang sabi tapos no’n ay nabalot ng sandaling katahimikan ang buong paligid.
“Are you okay? Look pale.” Basag ko sa katahimikang namamagitan sa amin pero tumango lang siya sa akin.
“D-Denise, sorry sa mga sinabi at inasta ni Mama-“
“Wala ho yo’n sa akin, Sir. Hindi mo kailangan humingi ng passnsya.” Walang emosyong sambit niya at nung nag angat ako ng tingin sa kaniya ay bigla siyang nag iwas ng tingin.
“Ayos na ho yan, Sir. Magpapahinga na ho ako. May pasok pa ho ako mamaya.” Mariin niyang pigil sa ginagawa kong paggamot sa mga sugat niya.
“P-pasok? No, you can’t go-“
“Sir, hindi ikaw ang magd-desisyon kung papasok ako o hindi. Desisyon ko yo’n at papasok ako dahil kailangan kong kumita ng pera.” Mariin at irita niyang katwiran sa akin.
“I’m just concern.” Mahinang bulong ko pa sa kaniya kaya nakita kong kumunot ang mga noo niya.
“Concern? Kung talaga hong concern kayo eh aalis na ho kayo. Tignan mo, mukhang nagkakagulo na sa labas ng bahay namin dahil nakita nilang pumasok ka dito.” Mariin at dismayado niyang sambit kaya napalingon ako sa labas at nakita kong marami ngang taong nakaabang doon.
Napabuntong hininga ako at binalik ko ang tingin ko sa kaniya. “Nag aalala lang naman ako sa’yo-“
“Puwes, okay na ho ako. Puwede na ho kayong umalis.” Mariing sambit niya bago niya sinubukang tumayo pero upo siyang muli dahil hindi niya maiapak ang mga paa niya.
“Aalis ako.” Mariin kong sambit sa kaniya kaya napa angat siya ng tingin sa akin.
“Pero ihahatid muna kita sa kuwarto mo para makapagpahinga ka na.” Mariin kong prisinta sa kaniya at nakita ko ang matatalim niyang tingin pero hinayaan niya lang akong alalyan siya.
“Doon ang kuwarto ko.” Mariin niyang turo sa isang nakasaradong silid na katabi lang din ng sala nila. Binuksan ko yo’n at pagbukas ko ay nakita kong maaliwalas ang loob ng kuwarto niya. Kulay light brown ang pintura sa buong paligid.
“Salamat.” Iyon lang ang tanging sinabi ni Denise matapos ko siyang alalayang makaupo sa kama niya.
“Kung hindi mo kaya mamaya, don’t go to work. Baka mas lalo ka lang magkasakit. Sige ka, mas mapapamahal ka sa hospital.” Pabiro kong hirit sa kaniya pero inirapan niya lang ako.
“Sungit.” Mariin at pabulong kong reklamo bago lumabas sa kuwarto niya.
Pagsara ko ng pintuan ay doon ko nakasalubong ang mama niya na mukhang nagtataka.
“Na’ko, Mayor!! Aalis ka na?” Kunot noong tanong niya sa akin kaya napakamot ako ng ulo dahil nahihiya ako sa kaniya.
“O-Opo.. sana.” Nakangiting sagot ko pero tinasaan niya ako ng kilay.
“Na’ko, kumain ka muna. Halika.” Magiliw na aya niya sa akin tapos ay hinila niya ako papunta sa dining table nila at pinaupo.
“Sigurado ako na mahaba haba ang araw mo.” Rinig ko pang sambit niya habang pumunta siya sa mini kítchen area nila at nagsandok ng kanin at ulam.
“Nakakahiya po-“
“Na’ko, huwag ka mahiya! Isipin mo na lang ay pasasalamat ko yan dahil sa pagtulong mo kay Denise nung nakaraan.”
“Salamat talaga ah! Na’ko! Ewan ko ba diyan kasi kay Denise at bakit doon pa napiling magtrabaho, napakadelikado doon at saka gabing gabi na ang biyahe niya papasok at pauwi.” Mariing reklamo ng mama ni Denise at bakas sa mga boses niya ang pag aalala.
Tahimik lang akong nakikinig sa rants ng mama niya kaya mas lalo tuloy akong na-curious tungkol sa pamilya nila. “Eh bakit nga ba ho doon siya nag apply? Marami naman hong kompaniya at corporates na hiring dito ngayon sa lungsod.” Mausisa kong tanong pero nakita ko na lumungkot ang ekspresyon ni Nanay na may halong panghihinayang.
Huminga ito ng malalim at umiling. “Ayaw niya, baka daw kasi ma-discriminate siya o ma-bully. 3rd year college lang kasi natapos niya, huminto siya sa pag aaral para pag aralin ‘yung kapatid niya kaya ayon. Tatapusin niya na lang daw ang pag aaral kapag nakatapos na ang kapatid niya.” Kita ko ang lungkot at panghihinayang sa mga mata ng mama niya.
I was speechless at this moment. Damn, she’s so selfless. “Tita.. nabanggit niya po ba sa inyo na.. inanaalok ko po siya ng trabaho but she refused.” Nag aalangang banggit ko sa kaniya pero nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin.
“Mayor, isang tanong lang ho.” Mariin niyang sambit.
“May gusto ka ba talaga sa anak ko?” Mariin at mausisa niyang kuwestyon na kinatahimik ko.
“Ibig kong sabihin, sobra ho kayong maging concern sa kaniya eh higit ilang buwan pa lang kayong magkakilala. Lapit ho kayo ng lapit sa kaniya. Sino ba naman ho siya para lapitan ng isang kagaya niyo-“
“Opo, gusto ko po ang anak niyo.” Mariin kong sagot na kinatahimik at parang kinabigla ng mama ni Denise.
“Gusto ko ho si Denise. At ako naman ho ang may tanong sa inyo..” Mariin at ngunit sandali akong natahimik dahil sa kabang nararamdaman ko.
“Papayag ho ba kayo kung liligawan ko ang anak ninyo?”