Chapter 04

1936 Words
Denise Napabuntong hininga na lang ako habang binabasa ang nakasulat sa news. Tungkol yo’n sa amin ni Mayor Shawn at ‘yung litrato namin kagabi sa nightclub na magkalapit. Napapikit ako sa inis. Ano hang gusto ng lalaking yo’n at ginugulo niya ako?! “Ate!! Ikaw ba ‘yung nasa balita? Iyong napapabalita na girlfriend daw ni Mayor Dela Costa?!” Nagulat ako nung biglang sumulpot sa harapan ko si Joshua, ang nakababata kong kapatid. Napatawa ako at napailing. “Hindi noh!” Sarkastikong tanggi ko kaya napasimangot siya. “Eh, bakit ka niya kinukulit kung hindi kayo o hindi ka niya gusto?!” Kunot noong tanong niya. “Hindi ko alam sa trip nung mayor na yo’n! Eh halata naman na hindi yo’n magkakagusto sa akin noh!” Sarkastiko at mariin kong katwiran sa kaniya. “Ay sus, sinong hindi magkakagusto sa dalaga kong napakaganda?” Napalingon ako sa hirit ni Nanay sa akin. “Na’ko, nay ha. Ang aga aga niyo mambola.” Nakangiting biro ko pa sa kaniya. “Anak, ano nga bang meron sa inyo no’n ni Mayor at pano mo nga pala siya nakilala?” “Mabait naman ba siya sa’yo?” Sunod sunod at mausisang tanong ni Nanay sa akin pero napakibit balikat ako. “Ma, regular customer ho kasi siya do’n sa nightclub na pinapasukan ko..” Mariing katwiran ko pa pero nakita ko ang pagkunot ng noo ni Nanay na parang hindi siya naniniwala. “Teka, patingin nga ng litrato nak.” Sambit naman ni Nanay kay Josh kaya inabot nito ang cellphone niya kay nanay at napataas ang kilay niya nung makita niya ‘yung litrato namin ni Mayor. “Ay sus!! Kaya pala siya pamilyar sa akin dahil siya ‘yung naghatid sa’yo nung umuwi ka ng lasing!” Mariing alala pa ni Mama kaya napailing ako. “Ma, wala naman hong ibig sabihin yo’n.” Pilit ko pang tanggi sa kanila. “Ay sus, ate!! Mayor na yan oh. Choosy ka pa ba? Gwapo, mayaman-“ “Manahimik ka nga diyan! Aba, huwag mong ibahin ang usapan nga pala. Bakit pinapatawag ng titser mo si Nanay?!” Mariing suway at tanong ko sa kapatid ko. “kasi isasali niya daw ako sa quiz bee. Aba, matalino tong kapatid mo noh!” Mariin at pagmamalaki pa niyang sambit kaya napangiti ako. Hindi kasi ako nakatapos ng College. Isang taon na lang sana kaso kinapos sa pera at sakto naman na magh-high school na no’n si Josh kaya huminto muna ako at siya muna ang pagtatapusin ko bago ko tapusin ang isang taong natitira ko sa kolehiyo. “Mabuti ha, mag aral kang mabuti.” Nakangiting sambit ko pa sa kaniya. “Anak, bakit hindi ka bumalik ngayong taon sa pag aaral?” Nakangiting suhestyon ni Mama kaya isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. “Nay, marami pa naman hong pagkakataon kaya si bunso muna.” “Nakakahanap naman ho ako ng disenteng trabaho, di ba?” Nakangiting pampalubag loob ko sa kaniya. “Pero isang tao na lang naman-“ “Nay, at saka na ho. Kapag nakatapos na itong si Josh at may trabaho na siya. Para ako naman ang manghihingi ng baon sa kaniya.” Nakangiting biro ko kaya nagtawanan kaming tatlo. “Ate, speaking of baon-“ “Oo na, ito na.” Natatawang sabi ko sa kaniya sabay bigay ng 200 pesos sa kaniya. Tuwang tuwa naman ang mokong at niyakap pa ako bago siya umalis papasok ng eskwela. “Papasok na po ako.” Paalam niya sa amin ni Nanay. “Nay, ako din po aalis muna ako sandali.” Paalam ko kay Nanay kaya tinaasan niya ako ng kilay. “At saan ang punta?” Mausisang tanong niya. “Maghahanap po ng part time job! Kahit sa mga coffee shop gano’n ho.” Nakangiting paalam ko naman sa kaniya. “Magsuklay ka nga at ang gulo gulo ng buhok mo! Baka mapagkamalan kang bruha ng manliligaw mo.” Natatawang paalala pa niya bago ako makalabas ng pintuan. Jusko kahit pagkamalan niya pa akong bruha! Hindi ko naman siya type! Naglalakad ako sa sakayan ng jeep nung may makita akong huminto kaya agad na akong sumakay. “Excuse me po.” Sabi ko do’n sa mga pasaherong nakasakay. “Bayad ho.” Abot ko ng barya do’n sa driver pero may mga narinig akong mga kabataan na nagbubulungan sa harap ko pa mismo. “Siya ba yo’n?” “Hindi naman maganda!” “Mukhang cheap.” Mariin pang sabi nung mga kabataang babae sa akin habang diretsong nakatingin pa sa akin. Bigyan ko sila ng isang matamis na ngiti at saka ako nag iwas ng tingin sa kanila kaya tumahimik sila. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapayuko at mapatingin sa sarili. “Mukha ba akong cheap sa suot ko? Okay maman ah! Long sleeve na pink at mini skirt tapos naka one inch heels ako. Hays. Nung bumaba ‘yung dalawa kong katabi ay lumuwag ang puwesto ko kaya bago may sumakay ulit ay kinuha ko ang pagkakataon na yo’n para magtali ng buhok. Walang traffic kaya nagulat ako nung mapagtanto ko na nasa tapat na pala ako nung coffee shop na pinag aaplyan ko. “Manong, sandali!! Para ho!!” Natatarantang sambit ko pa tapos ay habang pababa ako ng jeep ay bigla akong natapilok dahil biglang humarurot ‘yung driver paalis dahilan para masubsob ako sa kalsada. “Kuya naman!!!” Mariing sigaw at reklamo ko pero nakaalis na pala ‘yung driver. Napaupo na lang ako sa kalsada at nakita kong namamaga ang kaliwang talampakan ko habang ang mga tuhod ko naman eh panay galos. Buti na lang ay walang mga taong dumadaan at walang nakakita. Kundi, nakakahiya!! Nasa tabing kalsada naman ako kaya umayos muna ako ng upo at saka ko tinignan ang namamaga kong talapakan. “Ang sakit!!! Napakamalas ko naman!!” Mariin at naiiyak kong bulong sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at pumikit. “Kaya ko to!!” Mariing bulong ko sa sarili ko tapos ay sinubukan kong tumayo ng dahan dahan. Dahan dahan akong naglakad papasok do’n sa may cafe. Walang masyadong customer kaya marahan akong naglakad papunta sa counter para magtanong kung for hiring pa ba sila. “E-excuse me po.” Nakangiting sabi ko do’n sa babaing nasa cashier ko kahit na sobrang sakit ng paa ko. “Yes po, oorder po?” Kunot noong tanong nung cashier kaya napailing ako. “Ah, hindi ho. Mag aaply sana.” Nakangiting sagot ko pero napailing siya. “Na’ko, kaka-hire lang po namin kahapon eh.” Malungkot niyang sabi kaya napatango ako. “Gano’n ho ba? Salamat po.” Nakangiting sabi ko tapos ay tinalikuran ko na siya at dahan dahan akong naglakad. “Na’ko, miss okay ka lang?” Concern na tanong nito kaya muli ko siyang lumingon. “Opo, salamat po.” Nakangiting paniniguro ko pa tapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad ng dahan dahan. Gusto ko nang makauwi dahil Gusto ko nang magamot ang sugat ko. Bukas na lang ulit ako magbabaka sakali. Nasa tapat na ako ng pintuan nung makasalubong ko si Shawn. “M-Mayor?” Natataranta kong salubong sa kaniya. “D-Denise, y-you’ve here.” Gulat na reaksyon niya tapos nabaling ang tingin niya sa paa ko at laking gulat niya nung makita niya ‘yung namamaga at panay galos ang tuhod ko. “What happened to you?!” Mariin at alalang tanong niya sa akin. “N-natapilok po.” Nakangusong sambit ko sa kaniya at nagulat ako nung bigla niya akong buhatin. “Sir.. ano pong-“ “Quiet, I’m going to bring you to the hospital.” Marin niyang suway sa akin habang palabas kami kaya nataranta ako. Wala naman akong pambayad sa hospital. Pilay lang to at kaya naman ng yelo pawalain ang pamamaga nito. “Sir, hindi na ho.” “Sir, ayos lang ho talaga.” Sunod sunod na pakiusap ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan. “Shawn, ibaba mo na ako please.” Mariin at halos naiiyak ko nang pakiusap sa kaniya kaya marahan niya akong binaba. “Bakit hindi na eh look at your feet?! Namamaga!!” Mariin at dismayado niyang tanong sa akin habang pinipigilan kong hindi maiyak sa harap niya. “Gagaling din naman ho to! Mahal sa hospital para lang sa pilay at pamamaga. Eh kaya naman po ng yelo to.” Mariin at halos maluha luha ko pang katwiran sa kaniya kaya napailing siya. “Kung yan ang inalala mo, i’ll pay for the bills. Let’s-“ “Sir, wala ho akong pambayad sa inyo noh! At saka ang kaking abala ko naman sa umaga mo.” Mariin at sarkastikong sambit ko pa sa kaniya. “Ganito na lang ho, kung gusto niyo ho talagang makatulong. Puwede ho bang tulungan niyo na lang akong makasakay ng jeep pauwi?” Nakangusong tanong ko sa kaniya at kita ko ang labis na pagkadismaya sa ekspresyon niya. Umling siya at humingang malalim. “Hindi. Hindi ka uuwing ganiyan ang kalagayan mo. Dadalhin kita sa hospital at ako ang magbabayad.” Mariin niyang sabi kaya napakamot ako ng ulo dahil sa tigas ng ulo niya at kakulitan niya. “Sir, ang kulit mo naman ho. Wala nga-“ nakikipagdiskusyon pa ako sa kaniya nung biglang may babaing sumulpot sa harapan namin. “Shawn, anong ginagawa mo dito?” Kunot noong tanong ng isang babaing mukhang mayaman dahil sobrang kinis ng balat, ang ganda ganda niya at pati ng kasuotan niya eh mukhang mamahalin. “Ma?” Bulalas ni Shawn kaya sa tingin ko ay mama niya itong kaharapan namin. Natahimik ako at napayuko na lang sa tabi ni Mayor. “Sir, mauna na ho ako.” Nahihiyang bulong ko kay Mayor Shawn at tumango ako do’n sa mommy. Aalis na sana ako pero biglang hinawakan ni Shawn ang kamay ko. “Who is she?” Mariing tanong nito kay Shawn. “She’s the one, I’m courting-“ Nag aalalangan at pagmamalaki pa niyang sabi sa ina kaya mas lalo akong nahiya. “Oh, so you’re are that Denise?” Mariin at sarkastikong sambit niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa tapos ay napailing siya at napabuntong hininga. “God! Shawn, what a choice.” Mariin at sarkastikong reklamo niya sa anak at bakas sa boses niya ang labi na pagkadismaya kaya napakagat ako ng labi at napayuko dahil sa hiya. “Ma, don’t be rude.” Mariing depensa ni Mayor Shawn kaya siniko ko siya at muli akong nag angat ng tingin sa mommy niya. “Na’ko, Ma’am. Nagbibiro lang ho tong si Mayor. Actually, tinutulungan niya lang ho ako kasi nadapa ako kanina. Napakamatulungin nga po niya.” Nakangiti at nag aalangan kong paliwanag sa mommy niya pero seryoso itong nakatingin sa akin. Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon at sasabihin ng mama niya at kahit masakit ang mga paa ako ay dali dali na akong naglakad papalayo. Sakto naman na may humintong jeep ng mga puntong yo’n kaya sumakay agad ako. “Denise!! DENISE!” Rinig ko ang mariin at nag aalalang tawag ni Mayor sa akin pero hindi ako nag abalang lingunin siya. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko kaya mariin ko yo’n pinunasan. Hindi ko naman type si Shawn ah at alam kong hindi naman yo’n seryoso sa panliligaw niya pero ang sakit naman makatingin ng nanay niya. Parang jinu-judge niya buong pagkatao eh! Bakit pa kasi sa dami ng makikilala ko eh mayor pa ng lugar na ‘to?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD