Shawn
Kakatapos lang ng meeting ko at mag aalas nuwebe na ng gabi. Napasandal na lang ako sa swivel chair na kinauupuan ko at napapikit dahil sa sobrang pagod. Hays, I browse on my phone a little and so my last message on Denise, she saw it but she didn’t reply. It’s been almost two months since I met her and I liked her pero pilit niya akong iniiwasan. Napabuntong hininga na lang ako at muling napapikit.
Maya maya pa ay narinig kong may kumatok sa pintuan pero hindi ako nag abalang idilat ang mga mata ko. “Sino yan?” Tanong ko pero walang sumagot.
Kuya!!!” Napadilat ako nung marinig ko ang boses ni Adrian at pag angat ko ng tingin ay nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko.
“You’re back?!” Gulat kong reaksyon nung makita ko siya.
“Di ba obvious?” Sarkastikong tanong niya tapos ay naupo siya sa couch na katapat ng table ko.
“Anyway, congrats sa pagkapanalo mo. At balita ko, may bago kang girlfriend ah. Napakilala mo ba na kina Mama at Papa?” Sarkastiko at nakangising tanong niya kaya napailing ako. Ayon, makikitsimis lang pala kaya umuwi.
“Oh, thanks brother.”
“Actually, pupuntahan ko siya ngayon. You wanna come with me?” Nakangiti at sarkastikong tanong ko sa kaniya. Ngumisi naman siya at tumango.
Huminga ako ng malalim at umiling. Basta talaga may nabalitaan itong si Adrian, uuwi at uuwi yan para maki-ususyo.
Paglabas namin ng opisina ay sinalubong kami nung driver ko. “You can go home.” Utos ko sa kaniya kaya agad naman niyang inabot sa akin ang susi ng sasakyan.
“You drive.” Baling ko kay Adrian sabay hagis ng susi sa kaniya.
“Bakit ako-“
“Come on, it’s just a time minutes drive.” Mariin at sarkastikong sambit ko sa kaniya.
“So, anong pangalan ng babaing yo’n?” Kunot moo at mausisa niyang tanong sa akin habang nasa elevator kami.
“Denise.” Tipid kong sagot.
“Does Ma-“
Napailing ako at agad ko siyang pinutol. “Not yet. Two months ko pa lang siyang kilala.” Seryosong sagot ko pa sa kaniya.
“You know what, she’s interesting but I don’t think mom would easily like her.” Mariin at sarkastikong sambit ko kaya napakunot siya ng noo.
“Why, what’s her work or did she came from a well known family?” Mausisa at nagtatakang tanong niya.
“No, she’s a waitress.” Seryosong saad ko sa kaniya tapos ay nilingon ko siya at doon ko nakita ang dismayado niyang ekspresyon.
“What’s with that look?” Kunot noong tanong ko sa kaniya.
“N-nothing.. I mean… a-are even sure-“
“Adrian, it’s a descent job. What’s wrong with that?” Mariin at irita kong tanong sa kaniya.
“Is she the reason why you are always going to that nightclub for straight two weeks after work-“
“Yes.” Mariin kong sagot sa tanong niyang parang dismayado at may laman.
“Kuya-“
“If you don’t wanna go with me, you can go home. Give me the key.” Mariin at irita kong baling sa kaniya pero umiling siya.
“No, I’m just concerned, Kuya.” Mariin at nakanguso niyang tanggi.
“Give me the keys.” Mariing sabi ko pa sa kaniya kaya nag aalangan niya iyong inabot sa akin.
“You think I am stupid enough to court someone who-“
“Kuya, calm down.” Mariin niyang giit sa akin at kita ko ang pagbuntong hininga niya. Saktong bumukas na din ang elevator kaya nauna na akong bumaba.
“Sasama ka ba?” Mariin kong tanong sa kaniya nung nasa entrance na kami.
Tumango lang siya at tahimik na sumunod sa akin. Nung makasakay na ako sa driver seat at siya naman sa passenger seat ay agad kong pinaharurot ang sasakyan.
“Kuya!! Slow down!! Come on, I’m not judging her. I’m just asking you!!” Mariin at tarantang sigaw ni Adrian habang naka kapit sa grab handle pero hindi ko siya pinakinggan at tuloy tuloy lang ako sa pagmamaneho. Wala naman masyadong sasakyan at hindi traffic kaya nakarating kami agad.
“Ayusin mo kasi ang pagtatanong.” Marin kong sambit sa kaniya bago ako bumaba at kitang kita ko ang hingal at kaba niya.
Nung nasa loob na ako ay agad kong natanaw si Denise na nags-serve ng drinks sa ibang customer. Ngumiti ako nung napatingin siya sa kinatatayuan ko pero inirapan niya lang ako kaya dumiretso na lang ako kung saan ako laging pumu-puwesto pero agad na may lumapit sa aming isang babae.
“Sir, ano pong order-“
“Can Ms. Denise serve us?” Tanong ko do’n sa isang waitress na lumapit sa amin. Nag aalangan siyang lumingon sa buong paligid.
“Sir, busy po-“
“I want her to serve us.” Mariin ko pang ulit sa kaniya. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya dito kaya malamang ay bagong hire siya kaya hindi niya alam na si Denise ang nags-serve sa akin.
Nag aalangang tumango ‘yung babae at umalis sa harapan namin. “Kuya, chill.” Sarkastikong paalala naman ni Adrian sa tabi ko.
Maya maya pa ay nakita kong papalapit na si Denise sa amin kaya napangiti ako. “Kayo na naman ho, Sir.” Mariin at sarkastiko niyang sabi nung makalapit siya sa amin at bakas sa mukha niya ang pagkairita.
“Ayaw mo ba? May loyal customer kayo.” Sarkastikong sambit ko sa kaniya kaya napabuntong hinga lang siya tapos inirapan niya ako.
“Ano hong order niyo, SIR?” Mariin at nakanguso niyang tanong sa akin.
“You.” Maloko kong hirit sa kaniya hahang pinagmamasdan ko siya.
“Ano nga?” Mariin at irita niyang tanong habang nakataas ang mga kilay niya. Tapos nung napalingon ako kay Adrian ay nakita ko siyang nakangisi at parang nagpipigil ng tawa.
“Gran Patron Platinum-“
“Shawn!!” Hindi ko na naituloy ‘yung sinasabi ko dahil biglang sumulpot sa harapan namin si Frances.
“Patay.” Rinig kong sarkastikong sambit ni Adrian sa tabi ko.
“What the hell are you doing here?” Kunot noo at irita kong tanong kay Frances tapos nakita ko si Denise na tumango na lang at papaalis na.
“Enjoying with friends then I saw you, kaya lumapit ako. Ikaw naman bakit hindi ka nagyayaya-“ Lalapit sana siya sa akin pero hinawi ko ang kamay niya at agad akong tumayo para sundan si Denise.
“Denise!! Denise, wait.” Mariing tawag at habol ko sa kaniya pero hindi niya ako nililingon at tuloy tuloy lang siyang naglalakad. Habang pababa sa hagdanan ay may nakita akong ilang kumukuha ng litrato sa akin sa di kalayuan.
“Denise, sandali naman.” Mariin kong pigilan sa kaniya hanggang sa maabot ko ang kamay niya. Irita siyang humarap sa akin. “Sir, puwede ho bang tigilan niyo na ako?! Kasi ho, nagugulo na ako!” Mariin at irita niyang pakiusap at kita ko ang frustration sa mga mata niya.
“Hindi ho ako pumayag sa alok niyo na magtrabaho ako sainyo pero ito ka, lapit pa din ng lapit sa akin?! Hindi ho ba malinaw sa sainyo na ang pagtanggi ako ay ibig sabihin no’n ay ayoko hong mapalapit sainyo!” Mariin at dismayado pa niyang paliwanag sa akin pero nabaling ang atensyon ko sa mga taong nakatuon ang atensyon sa amin at ang ilan ay kumukha ng litrato.
“Denise, I like you-“
“Hindi ako interesado sa inyo, Sir.” Mariin niyang deklara at nakita ko na patuloy pa din ang mga kumukuha ng litrato at video sa amin kahit na nakita nilang tumingin ako sa kanila. They want show? I will give them a freakin’ tea to talk about.
Hindi ko alam pero walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang hilahin si Denise pqpalapit sa akin kaya nagulat siya sa ginawa ko. “Sorry.” Bulong ko sa kaniya habang hawak hawak ko ang isang braso niya at malapit kami sa isa’t isa.
“Anong ginagawa mo?!” Mariing tanong ni Denise pero nanatili akong malapit sa kaniya. Close enough for people who were capturing pictures of us without our permission to think that I kissed her.
“Hindi ko magagawang lumayo sa’yo dahil gusto kita, Denise. Hindi pa ba malinaw yo’n sa’yo?”