Chapter 02

1468 Words
Amara Denise Nandito ako ngayon sa munisipyo dahil may aasikasuhin akong dokumento. Napabuntong hininga na lang ako nung makita kong madaming tao ang nagkukumpulan sa labas pa lang ng city hall. “Excuse me, ano pong meron? Bakit ang dami pong tao?” Kunot noo at mausisa kong tanong do’n sa babaing nasa harapan ko. “Ah, selebrasyon para kay Mayor.” Nakangiting sagot sa akin nung babae tapos nakita kong nakasulat sa kulay puting t-shirt na suot niya ang pangalang Mayor Shawn Ezekiel “Zeke” Dela Costa. Ang gwapo ng pangalan ah. In fairness. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa munisipyo. Hindi naman ako kasali do’n at hindi naman yo’n ang pinunta ko dito kaya hkndi na ako naki-tsimis pa. Papasok na ako sa entrance nung marinig ko ang hiyawan ng mga tao at may nakita akong isang SUV na kulay itim ang huminto sa tapat ng munisipyo. Na-curious ako kaya hinintay kong makababa ang kung sinuman ang nasa loob nung sasakyan. Para akong napako sa kinatatayuan ko at napa atras ako sa gilid nung makita ko kung sino ang bumaba. “O..Ooh-My-God!!” Mariin at gulat kong reaksyon sa isip ko. Napanganga na lang ako habang sinusundan ko ng tingin ‘yung lalaking bumaba na sa tingin ko si Mayor. Nataranta ako nung makita kong naglalakad na siya papalapit sa harapan ko. Agad akong napayuko. “Pagminalas malas ka nga naman oh, sa dami dami ng puwede kong makasalubong at makainuman nung isang araw eh bakit si Mayor pa?!” Mariing bulong ko pa sa sarili ko at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nung nakalagpas na siya sa harapan ko. Hays. Nakayuko akong naglakad papasok sa munisipyo. “E-excuse me? Dito po ba puwedeng kumuha ng certificate of residency?” Nakangiting tanong ko do’n sa babaing nasa information desk. “Ah, sa taas, tanong mo sa kanila kung anong requirements.” Magiliw naman niyang sagot sa tanong ko. Napahinga ako ng malalim at paglingon ko sa elevator ay nakita kong pasara na yo’n kaya agad agad akong tumakbo papalapit do’n para makahabol. Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko kung sino ang sakay nung elevator. Si Mayor!!! Kala ko nakasakay na siya kanina, hindi pa pala! s**t! Para akong mapako sa kinatatayuan ko nung makita ko siya kaya nag aalangan akong pumasok. “Miss, sasakay ka ba?” Tanong nung isa sa likuran ni Mayor na sa tingin ko ay body guard niya. Wala akong nagawa kundi sumakay dahil nahiya ako at nakatitig silang lahat na nakasakay sa elevator sa akin. Nakayuko akong sumakay at mas lalo akong na-awkward dahil sa dinadami dami ng puwesto ay sa tabi pa ni Mayor sa unahan ako napunta dahil yo’n na lang ang bakante at parang walang gustong tumayo katabi siya. “What a surprise! Sinusundan mo ba ako?” Rinig kong sarkastikong sabi ni Mayor at basag niya sa katahimikang namamayani sa loob ng elevator. “Huh? Ako ho ba kausap niyo?” Kunot noo at maang maangan kong tanong sa kaniya kaya nagulat ako nung lingunin niya ako. “Yes, I’m talking to you, Miss.” Nakangiting sambit niya sa akin kaya agad akong napailing. “Sinusundan? Na’ko, hindi ah! M-may aasikasuhin lang ho ako dito.” Nakangusong tanggi ko. “Hindi ko nga akalain na mayor ka pala sa itsura mong yan!” Nakangusong bulong ko pa sa sarili ko. “Ano?” Nakangiting tanong ni Mayor kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya at hinarap ko siya. “Wala ho, Mayor.” Nakangiting sabi ko tapos ay agad akong nag iwas ng tingin sa kaniya. Nakakahiya kasi hindi ko maiwasang hindi maalala ‘yung nangyari nung isang gabi. Niyaya niya ako mag inom at hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko sa kaniya. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi sa amin eh! Nakahinga ako ng maluwag nung bumukas ang elevator kaya hindi na ako nag dalawang isip pa at nauna na akong bumaba sa kanila. Nilibot ko ang tingin at agad kong hinanap ‘yung information desk dito sa taas. Kita kong abala ‘yung babaing nasa desk kaya nag aalangan akong magtanong kasi kahit nakita niya ako ay pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya. Excuse me-“ Nag aalangang approach ko sa kaniya pero hindi ko natapos ‘yung sasabihin ko. “Good Morning, Mayor!” Biglang nagbago ‘yung ekspresyon nung babaing pagtatanungan ko sana at bigla siyang naging magiliw. Kinabahan akong lumingon sa likuran ko at do’n ko nakitang nakatayo pala doon si Mayor. Sinusundan niya ba ako?! “Good Morning.” Nakangiting sagot niya do’n sa babae habang nakatuon ang tingin niya sa akin. “Nice to see you here, Miss Denise.” Nakangiting saad pa niya sa akin kaya tumango ako at nginitan ko siya tapos no’n ay umalis na siya. Paglingon ko sa mga empleyadong nasa likod ko ay nagbulungan sila kaya parang nahiya tuloy ako. “Miss, ano pong kailangan mo?!” Nakangiti at malumanay na tanong nung babae sa akin. “Ah, certificate of residency po at papa-transfer sana ako bilang botante dito-“ Hindi niya ako pinatapos sa sabihin ko at agad niyang inabot sa akin ang isang papel. “Ah, ito ‘yung mga requirements kapag napasa mo na yan, ipo-process na lang namin.” Nakangiting paliwanag niya sa akin kaya tumango ako at kinuha ‘yung papel na inabot niya sa akin. “Thank you, babalik na lang ako bukas.” Nakangiting pasasalamat ko sa kaniya. Tapos pagtalikod ko ay muntik na akong mapatalon sa gulat nung makita ko ulit si Mayor na palabas ng opisina niya kaya dali dali akong lumingon sa paligid at nakakita akong ng hagdan katabi ng elevator. Bahala siya diyan! Mag hahagdan ako! Nasa hagdanan na ako nung napalingon akong muli dahil may narinig akong isang babaing kakababa lang ng elevator at sumigaw ng pangalang “Shawn” na sa tingin ko si Mayor dahil tumakbo ‘yung babae sa direksyon kung nasaan si Mayor. Tatalikod na sana ako at baba nung biglang may humawak sa kamay ko at paglingon ko si Mayor yo’n, nilampasan niya ‘yumg babaing tumawag sa kaniya at seryoso siyang dumiretso sa akin. “Let’s go babe.” Rinig kong medyo malakas niyang sabi tapos ay hinila niya na ako baba ng hagdanan. “It’s time for you to return the favor, Miss Denise.” Mariing niyang paalala nung makita niya ang pag aalangan sa mukha ko at aalma sana ako. “Pero hindi naman sa harap ng maraming tao, Sir. Madaming nakarinig!” Mariin at pabulong ko pang reklamo sa kaniya. Nasa may lobby na kami nung may makasalubong kaming mga tao. “Mayor, hindi po ba may meeting-“ “Let’s move it at 10 am. I will just grab some coffee.” Seryosong saad ni Mayor habang hawak hawak niya pa din ang mga kamay ko. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nung kausap niya habang pasulyap sulyap sila sa akin. “Ah, by the way this Denise, my girlfriend.” Nakangiting pakilala niya sa akin do’n sa kausap niya kaya inirapan ko siya pero nahihiya kong tinango ‘yung kausap niya. “Hello, Miss Denise ako po si Rey, isang konsehal po.” Nakangiting bati at pakilala nito sa akin kaya nakipag kamay na lang ako. “Mauna muna kami, mamaya na lang.” Mariing singit naman ni Shawn sabay hila sa akin palabas ng munisipyo. “Get in.” Mariing sambit niya sa akin nung nasa tapat na kami ng sasakyan niya tapos ay binuksan niya ang puntuan ng backseat. “Bakit mo sinabi na girlfriend mo ako?! Ang daming nakarinig!!” Mariin kong reklamo sa kaniya nung nasa loob na kami ng sasakyan pero hindi siya kumikibo tapos ay bigla siyang humarap at lumapit sa akin kaya napasandal ako sa kinauupuan ko. “A-anong ginagawa mo?” Mariin at nauutal kong tanong sa kaniya habang magkalapit ang mga mukha naming dalawa. “Your seatbelt.” Mariin niyang sabi sabay ayos do’n sa seatbelt ko. Napalingon na lang ako sa ibang direksyon dahil nakatitig pa din siya sa akin at napakalapit pa din ng mukha namin sa isa’t isa. “I’m Shawn Ezekiel, if you will ask.” Pormal na pakilala niya pa dahil hindi niya naman sinabi ang pangalan niya sa akin nung una naming pagkikita. “Maganda ka pala.” Nakangisi niyang papuri sa akin habang inaayos ‘yung seatbelt ko pero hindi ako kumibo. Mukhang nadismaya siya dahil hindi ako kumibo sa sinabi niya kaya sumandal siya sa upuan niya na parang batang nagtatampo. “Sungit.” Rinig kong nakangusong reklamo niya pero bigla niya ding iniba ang usapan. “By the way, I have an offer you, Miss Denise..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD