Chapter 21

1244 Words
Denise Kinakabahan ako habang nasa biyahe kami ni Shawn. Sinabi ko kasi sa kaniya na gusto kong pumunta doon sa dinner invitation ng parents niya kaya heto kami ngayon at papunta na sa bahay nila. Hinawakan ni Shawn ang kamay ko kaya nagulat ako at napa angat ako ng tingin sa kaniya. “Puwede tayomg umatras at umuwi na kung hindi ka komportable.” Nakangiting paalala niya sa akin habang marahan niyang minamasahe ang mga palad ko. Umiling ako at ngumiti. “Ayos lang ako. Malao naman hindi ba? Baka magka ayos na kami ngayon. Edi bawas na yo’n sa iisipin mo.” Pabirong hirit ko pa kaya pinisil niya ang pisngi ko. Mas lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko nung huminto na ang sasakyan namin at nakita ko na nasa tapat na kami ng bahay ng parents niya. “Don’t be nervous, I’m here.” Malambing na bulong ni Shawn sa akin tapos ay hinalikan niya ang noo at nauna na siyang bumababa ng sasakyan. “Let’s go.” Nakangiting sambit niya tapos ay inabot niya ang kamay niya para alalayan akong makababa mula sa backseat. Pagbaba mamin ng sasakyan ay sinalubong na kami nung security at helpers ng parents ni Shawn. “Sir, nasa dining area na po ang mommy at daddy niyo. Hinihintay po kayo.” Sambit nung isa sa kanila. Mahigpit na hinawakan ni Shawn ang mga kamay ko habang papasok kami sa loob ng bahay nila. “Mom, Dad.” Salubong na sambit ni Shawn sa kanila nung makarating kami sa dining area nila. Lumapit siya sa kanila at nakipagbeso habang ako nakatayo lang sa likuran niya at tumango lang ako at ngumiti sa daddy niya pero ang mommy niya ay lumapit sa akin at nakipag beso. “Salamat, Hija. You considered rhis dinner.” Nakangiti pero pabulong niyang sambit sa akin. “Naligaw yata kayo.” Sarkastikong sambit ng tatay ni Shawn sa amin tapos ay naupo na kami. “What brought you here?” Sarkastikong tamong pa nito kaya napangisi si Shawn. “Mom invited us, why? Gusto niyo ho bang umalis na kami. Ayos lang-“ “Shawn, anak.” Suway ng mama niya kay Shawn. “How’s the wedding?” Mausisang tanong ng daddy niya sabay angat ng tingin sa amin lalo na sa akin. “It’s great.” Tipid na sagot ni Shawn at bakas sa boses niya ang pagmamalaki. “Denise, tama?” Biglang bumilis ang t***k ng puwo ko nung mabaling naman sa akin ang atensyon niya. “O-Opo.” Tipid at mahina kong sagot. “So, how’s being a politician wife? It must be hard isn’t?” Sarkastikong tanong niya sa akin kaya naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Shawn sa mga kamay ko sa ilalim ng table. “You must be busy, Denise.” Sarkastikong sambit ni Tita Shantal kaya napangiti ako at napayuko. “Is it hard to be a housewife? You must be tired-“ Sarkastikong sambit nito pero hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil sumingit si Shawn. “Ma, akala ko ba gusto niyong makipag ayos?” Mariing suway at kuwestyon ni Shawn sa mama niya. “Kinakamusta ko lang naman ang asawa mo, Shawn. We all know her background. I wouldn’t be surprised if matatawag siyang housewife. No other identity than being your wife.” Sarkastikong sambit pa nito habang diretsong nakatitig sa akin. “You know what, we’re leaving-“ “Son, don’t be too sensitive. I’m just concern for the both of you. Alam mo naman ang mga tao, hindi ba? Meron at merong masasabi.” Mariin ngunit Sarkastikong pigil sa amin ng mama niya. Desidido na si Shawn na umalis at akmamg sasagutin pa sana niya ang mama niya pero hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin. “Okay lang ako.” Mahinang sambit ko sa kaniya kaya lumingon siya sa akin at akmang hihilahin na sana niya ako palayo nung biglang nagsalita ang daddy niya. “Enough. Sit down again, Shawn, Denise.”Mariin suway at utos pa niya sa amin. “Shawn, I’m just glad you’re here. Meron lang akong pabor sa’yo. You already got what you wanted. You married Demise, kaya kami naman ang may pabor…” Seryosong sambit nito kay Shawn. “Ano yo’n?” Walang ganang tanong ni Shawn sa kaniya. “We are business partners again with the Delgados..” “I want you to represent me and your mom in a business banquet with the Delgados-“ “What? No!” Mariing tutol ni Shawn sa suhestyon ng papa niya pero hindi ko na narinig ang iba pa nilang usapan dahil rumayo ako at nagpaalam para punta sa powder room dahil pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Papasok na sana ako sa powder room kung saan ‘yung tinuro ng helper nila sa akin nung biglang marinig ko ang boses ni Tita Shantal. “Denise..” Mahinang tawag nito sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. “T-Tita.. m-may kailangan po kayo?” Nauutal kong tanong sa kaniya. “Are you happy now?” Sarkastikong tanong niya kaya napakunot ako ng noo. “A-ano pong ibig niyong sabihin-“ “Huwag ka nang mag maang maaangan. You took my son away from us.” Mariin at sarkatikong sambit pa niya kaya napailing ako. “Hindi ko ho intensyon yo’n-“ “Let me clarify things to you, Denise.” Sarkastiko at kitang kita ko ang pagkadismaya niya habang nakatingin sa akin. “Hindi kita tanggap at kahit kailan hindi kita tatanggapin. Hindi kayo bagay ng anak ko. Kaya kung ako sa’yo, ngayon pa lang mag isip isip ka na.” Mariin niyang banta sa akin kaya sandali akong napapikit at napahinga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ayoko nang kahit anong gulo ngayon pero mukhang tama si Shawn, hindi para pakikipag ayos ang dinner na ito. “Kung yan ho ang desisyon niyo. Wala akong magagawa pero hindi ko hihiwalayan ang anak niyo nang dahil lang gusro mo at ayaw mo sa akin.“Mariin at may paninidigan ko pang deklara sa kaniya. “Excuse me po-“ akmang aalis na sana ako para balikan si Shawn at ayain na siyang umuwi nung pigilan ako ni Tita Shantal. “Bastos ka.” Mariin at galit niyang pigil sa akin habang hawak hawak ang mga brasso ko tapos bahagya niya akong tinulak pabalik sa kinatatayuan ko kanina. “Kung hindi ako tanggap ibig sabihin lang ho no’n na ayaw niyo sa akin kaya aalis na lang ho kami-“ Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil isang malakas na sampal ang mula sa kaniya ang dumapo sa mga pisingi ko. “How dare threaten me?” Mariin niyang sigaw na sa tingin ko nakapukaw sa atensyon ni Shawn at ng daddy niya dahil pumunta sila sa kinaroroonan namin at nung nakita niya ako ay agad agad siyang lumapit sa akin. “Ma! Anong ginawa mo kay Denise?” Mariin niyang kuwestyon kaya napahawak ako kay Shawn para sana pigilan at awatin siya pero bigka akong nakaramdaman ng matinding hilo kaya napakapit ako sa braso niya at bigla akong na-out of balance buti na lang ay nasalo agad ako ni Shawn. “Denise? Denise, ayos ka lang? Anong nararamdaman mo?” Rinig kong alalang tanong ni Shawn sa akin pero wala ako sa sariling sinandal ang sarili ko sa kaniya. Ilang minuto pa ang nakakalipas ay biglang nagdilim ang paningin ko… Denise.. Denise..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD