Chapter 22

1079 Words
Shawn Hindi ako mapakali habang naghihintay akong magising si Denise. Hinimatay siya kanina kaya dinala ko siya agad sa hospital. Tahimik akong pinagmamasdan siya habang mahimbing na natutulog. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba habang hawak hawak ko ang mga kamay niya at marahan ko itong minamasahe. Napalingon ako nung bumukas ang pintuan ng kuwarto kung na saan kami ni Denise at nakita ko ang doctor na tumitingin kanina sa asawa ko. “Mayor?” Salubong nito sa akin. Nakangiti siya pero ramdam ko na hindi maganda kung anuman ang balita niya dahil bakas na bakas yo’n sa mukha. “Mayor, congrats! Mrs. Dela Costa is pregnant.” Nakangiting sambit niya kaya para akong natulala at napako sa kinatatayuan ko. Buntis si Denise? Magiging tatay na ako?! “Is that-“ “Tell me you’re not kidding me, doc?!” Nagagalak pero kabadong tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya pero agad ding nawala ang mga ngiti niya at napalitan ng pag aalala ang ekspresyon ng mukha niya. “It’s confirmed, Mayor. Pero.. may.. konting problema.” Nakangiti ngunit nag aalangan niyang sambit kaya mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. “Bakit, anong problema?!” Mariin at nag aalalang tanong ko sa kaniya kaya napabuntong hininga siya at napailing. “Mayor, tatapatin ko na ho kayo.” “Mahina ang kapit ng bata.” Mariin niyang sambit kaya para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. “A-anong dapat gawin?” Mariin at kabado kong tanong sa kaniya. “Well, she obviously needs to be careful. She has to take vitamins at saka gamot na pampalakas ng kapit ng bata.” “Of course, most importantly, dapat siyang umiwas sa stress.” Nakngiting sambit at paalala pa nito. “Alright, I understand. Is there anything we can do?” Mausisa kong tanong pero ngumiti siya at umiling. “Iyon lang muna, Mayor. Paki daanan na lang sa office ko ang mga prescriptions niya.” Nakangiting sambit nito bago tuluyang lumabas. Huminga ako ng malalim at tumango. “Thank you, Doc.” Sambit ko bago siya lumabas. Napabuntong hininga ako at para akong nanghihina sa mga narinig ko. Dapat masaya ako ngayon pero mas nangingibabaw sa akin ang pag aalala. Naupo ako sa upuan na nasa tabi ng hospital bed ni Denise. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya at hindi ko namamalayan na naluluha na pala ako dahil sa saya. Maya maya pa ay napansin kong gumalaw ang ang kamay ni Denise, indikasyon na gising na siya. “Love, Kamusta ka pakiramdam mo?” Malambing kong tanong sa kaniya pero isang malalim na paghinga lang ang tinugon niya. “N-nasaan tayo?” Mahinang tanong niya kaya marahan kong hinawakan ang mga kamay niya. “Nasa hospital, nawalan ka nang malay kanina.” Nakangiting sambit ko sa kaniya habang marahan kong hinahaplos ang palad niya. “A-anong sabi ng doctor?” Mahina at nag aalala niyang tanong. “Magkakababy na tayo, Denise!!” Mahina at emosyonal kong sambit sa kaniya. “K-kamusta ang baby natin?” Nagtataka at nag aalalang tanong niya sa akin na para bang hindi siya nagulat sa sinabi ko. “Teka? Alam mo na?” Mausisang tanong ko sa kaniya at isang mapait na ngiti lang ang gumuhit sa mga labi niya. “Oo-“ “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” Seryosong tanong ko sa kaniya. “S-sasabihin ko naman dapat eh. Kaso lang alam kong busy ka sa trabaho. Winarningan na din ako ng doctor na.. na.. m-mahina ang kapit ng baby natin. Ayoko nang makadagdag pa sa iisipin mo-“ Napiling ako dahil sa sinabi niya. “Denise, you should’ve told me. Baby natin ang pinag uusapan dito.” Mariin at dismayado kong sambit sa kaniya pero ngumiti lang siya at hinawakan ang mga kamay ko. “Sasabihin ko naman dapat talaga eh. Naunahan lang ako-“ “At saka.. nag iingat naman ako.” Nakangiting paniniguro pa niya sa akin. Maya maya ay sabay kaming napalingon nung biglang bumukas ang pintuan at nakita namin si Nanay at Joshua na mukhang alalang alala tapos ay agad silang lumapit kay Denise. “Anak!! Anong nangyari?!” Alalang tanong ni Nanay sa amin kaya napalingon ako kay Denise at napangiti. “Wala maman ma, pero may good news po kami sa inyo.” Nakangiting sambit ni Denise sa kanila kaya hinayaan ko na lang na siya ang magsabi sa kanila dahil sigurado akong ayaw din naman ni Denise na pag aalalahin sila. “Buntis po ako, Ma.” Nagagalak niyang balita sa kanila kaya kita namin ang ngiti sa mga labi nila. “Magiging lola na ako?!” “Magiging Tito na ako!!” Sabik na tutuwa nilang sambit pero maya maya ay muling bumukas ulit ang pintuan ng kuwarto kung saan naka-confine si Denise at nakita namin ang parents ko na pumasok. “Anong sabi ng doktor?” Seryoso at walang emosyong tanong ni Daddy. “She’s fine.” Tipid kong sagot sa kaniya. “Good. So, you are free to go the banquet? Remember, you agreed.” Nakangising paalala niya kaya napailing ako. “Well, not anymore.” Sarkastikong sambit ko sa kaniya kaya nakita ko ang pag iiba ng ekspresyon sa mukha niya. “Denise is okay right now. Remember, na mas makakabuti para sa imahe mo kung pupunta ka do’n-“ “Denise is pregnant! We almost lost the child because of mom.” Mariin at galit kong sumbat sa kanila na ikinagulat nila. “I won’t leave my wife near any of you anymore.” Mariing giit ko pa sa kanila. “What? Look, anak.. hindi ko intensyong saktan si Denise o baby mo. She’s the one who provoked me-“ “Enough. Hindi ako pupunta ako kaya puwede ho bang umalis na kayo?” Mariin kong pakiusap sa kanila pero napahinto ako nung biglang hawakan ni Denise ang braso ko kaya napalingon ako sa kaniya. “Love, ayos lang ako. Nakapagpahinga na ako. At saka, sinusunod ko naman ‘yung sinasabi ng OB ko. Nandito maman sina Nanay eh.” Mahinang sambit niya pero umiling ako. “No-“ “Importante yo’n para sa career mo, hindi ba?” Katwiran pa niya. “Sigurado kang okay ka lang?” Malambing kong tanong sa kaniya kaya ngumiti siya at tumango sa akin. “Then you will come and join me in that banquet…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD