Chapter 23

1912 Words
Denise Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin dahil kakatapos ko lang mag ayos para sa banquet nadadaluhan namin ni Shawn. “Love?” Rinig kong tawag ni Shawn sa akin mula sa labas ng dressing room ng boutique kung nasaan ako. “Sandali, palabas na.” Pasigaw kong sambit tapos ay palabas na nga sana ako kaso lang biglang bumaba ang zipper sa likuran ng gown na suot ko. “Denise, what’s happening there? Okay ka lang ba diyan sa loob?” Mariin at alalang tanong ni Shawn pero hindi ako makasagot. “Hindi ko mai-zip ‘yung zipper ng dress ko!!” Dismayado at maiyak iyak kong reklamo kaya maya maya ay bumukas ang pintuan ng dressing room at nakita ko si Shawn na pumasok. Nabihis na din na siya at nakaayos kaya para akong natulala nung makita ko siya. “Bakit?” Kunot noo at nakangisi niyang tanong nung mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya. “Ang gawpo naman ng asawa ko.” Malambing kong sambit sa kaniya tapos ay marahan kong hinaplos ang mukha niya at ska ko siya niyakap. “Oh, what’s with that sudden clinginess?” Sarkastikong tanong niya tapos niyakap niya din ako ng mahigpit habang ang kamay niya ay marahang hinahaplos ang bewang ko. “Wala. Masama ba na yakapin ka, Mr. Mayor?” Nakangusong reklamo ko sa kaniya habang nakayakap pa din ako at nakatuon ang ulo ko sa balikat niya. Rinig ko ang mahina niyang paghalakhak. “No, mas gusto ko nga ang clingy side mo kesa sa nonchalant side.” Pang aasar pa niyang sambit kay kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at sinimangutan ko siya. “You’re so cute, stop.” Nakangiting pisil niya sa pisngi ko. “Ano nga palang nangyari aa dress mo?” Kunot noong tanong niya kaya napanguso ako. “Hindi ko mai-zip eh-“ “Turn around.” Mariin niyang sambit na agad ko namang sinunod. Nung naisara na niya ang zipper ng damit ko ay nagulat ako nung yakapin niya ako mula sa likuran at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Maya mya pa ay naramdaman kong dumami ang labi niya sa balikat ko. “You’re so gorgeous, as always.” Mahina niyang bulong sa mga tenga ko kaya parang nataasan ang mga balahibo ko at napangiti ako. “Shawn!” Suway ko sa kaniya tapos ay hinarap ko siya. “Bakit?” Maloko niyang tanong. “Halika na, mal-late na tayo.” Mariin kong sambit tapos ay nauna na ako sa kaniyang maglakad. Baka mamaya kung saan pa mapunta ang kapilyuhan nitong si Shawn eh. “Love, wait.” Mariing pigil sa akin ni Shawn tapos ay hinawakan niya ang mga kamay ko ng mahigpit. Maya maya pa parang lumakas ang kabog ng dibdib ko nung makita ko ang kumpulan ng mga tao sa labas ng boutique kung nasaan kami kaya mas lalong hinigpitan ni Shawn ang hawak sa kamay ko dahil niyang hindi ako sanay sa harapan ng madaming tao. “Mayor. Ano pong masasabi niyo sa bali-balita na business partner na ulit ng pamilya niyo ang mga Delgado?” “Mrs. Dela Costa, ayos lang ho ba sainyo na makatrabaho ang ex-fiancé ng asawa mo?” “Hindi ho ba dadalo din si Ms. Delgado sa pagtitipong dadaluhan niyo ngayong gabi?” Iilan lang yo’n sa mga tanong nila. Pilit silang lumalapit sa amin para makuhaang pahayag ako at si Shawn pero pipigilan sila ng security ni Shawn. “Sorry but we have to go.” Mariing sambit sa kanila ni Shawn tapos ay hinila niya na ako palabas ng boutique at papasok sa sasakyan. Kahit nasa sasakyan na kami ay rinig ko pa din ang ingay mula sa mga taong nakapaligid sa amin tapos ay sinusundan pa din kami ng mga reporters. “Are you okay?” Unang tanong sa akin ni Shawn nung nasa loob na kami ng sasakyan tapos ay marahan niyang hinaplos ang tiyan ko kaya hinawakan ko ang mga kamay niya. “Ayos lang ako at si baby nakangiting sambit ko sa kaniya. “Sa tingin mo ba, ayos lang na dumalo ako doon-“ “Of course, you are my wife.” Sarkastikong sambit niya kaya mapangiti na lang ako at natahimik tapos ay binaling ko ang atensyon sa ibang direksyon. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din kami sa venue kung saan gaganapin ang banquet. Kinakabahan ako dahil unang beses ko pa lang na dumalo sa ganitong event kaya hindi ko alam ang gagawin. “Don’t be nervous, I’m here. Just stay by my side.” Malambing na bulong ni Shawn habang magkahawak kami ng kamay papasok sa venue kaya tumango lang ako at ngumiti sa kaniya. “Shawn, I’m glad you’re here.” Magiliw na salubong ni Frances sa asawa ko at akma niya sanang yayakapin ito pero agad ding nawala ang ngiti sa mga labi niya nung makita niya ko sa likuran ni Shawn. “Oh, I wasn’t informed that your wife would be here.” Sarkastikong sambit niya habang nakatitig sa akin. Tinignan niya ba naman ako simula ulo hanggang paa kaya naman hindi ko maiwasang hindi mailang. “Bakit? May problema ba, Frances?” Sarkastikong tanong ni Shawn sa kaniya napalingon si Frances sa kaniya at napailing. “Nothing.” Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Nung makapasok kami sa reception hall ay marami nang bisita ang nando’n at lahat ng atensyon nila ay napunta kay Shawn nung makita nila ito. Nakita ko naman si Frances na upo sa isang table na kung saan kasama niya doon ang parents ni Shawn at sa tingin ko ay parents niya din. “Mayor, buti nakapunta ka. I heard you were so busy lately.” Salubong sa kaniya ng isa sa mga lalaking bisita. “Oh, so you are Mrs. Dela Costa. Nice to meet you.” Nakangiting baling naman nito sa akin kaya napatango ako at nakipagkamay sa kaniya. “Nice to see you too, Mr. Hadson. But, please excuse us.” Nakangiting sambit ni Shawn tapos ay hinila niya ako papalapit sa table nina Frances. “Oh, here you are Shawn. I thought this banquet is for family, friends and business lang. I didn’t expect a plus one.” Sarkastikong sambit nung lalaking katabi ni Frances sabay tingin sa akin kaya napayuko ako. “Plus one? Come on, Tito Hendrick. She’s not just a plus one. She’s my WIFE.” Mariin at may pagmamalaking sambit pa nito sa do’n sa lalaking nagngangalang Hendrick. “Hendrick, she’s my son’s wife. Shawn, Denise. Have a seat.” Nakangiti pero formal na sambit pa ni Tito Sergio. Diretshan kong tignan sa mga mata si Frances nung mapansin kong natuon ang atensyon niya sa amin ni Shawn. Ngumiti siya sa akin pero matatalim ang mga tingin niya. Maya maya tumayo si Tito Sergio at pumunta siya sa harapan. “Good evening, Everyone!” “I think alam niyo naman kung para saan ang pagtitipong ito. Syempre, this is to celebrate our union again. At para pasalamatan ang mga Delgado sa pagpayag na ibalik ang investments nila with us.” Nakangiti at nagagalak pa niyang balita. “Shawn, I heard may ia-announce ka daw tonight?” Nabaling ang atensyon namin sa babaing katabi ni Frances na sa tingin ko ay Mommy niya. Nakaramdaman ako ng paglilab ng tiyan ko kaya naman bumaling ako kay Shawn. “Love, sandali lang magr-rest room lang ako.” Nakangiting bulong ko sa kaniya. “Samahan kita-“ “Hindi na! Mas kailangan ka dito. Sandali lang ako. I just have to pee.” Sambit ko sa kaniya at saka ako nagmamadaling naglakad papalabas sa hall kung nasaan kami pero sa kakamadali ko ay may nakabanggan akong isang waiter kaya tumapon sa akin ang dalawang baso ng tubig. Buti na lang ay tubig ang bitbit niya at hindi wine. Agad agad na lumapit sa akin si Shawn at halos lahat ng atensyon at napunta sa amin. “Denise, are you okay?” Nag aalala niyang tanong sa akin kaya napailing ako. “Ayos lang ako.” Paniniguro ko sa kaniya. “Sige na pupunta ako ng rest room-“ “I’ll go with you.” Mahina niyang sambit pero tinawag siya ng daddy niya. “It’s your turn, Shawn.” Walang emosyon niyang sambit kay Shawn kaya tinapik ko si Shawn pata tiyakin sa kaniyang ayos lang ako. Nasa hallway na ako nung marinig ko ang malakas na palakpakan sa loob. Para akong nakahinga ng maluwag nung makita kong walang tao sa loob ng rest room kaya dumiretso ako sa isa sa mga cubicle. Maya maya pa ay narinig kong biglang may pumasok sa loob ng rest room kaya napahinto. “Have you seen that girl, Frances?” “Shawn did really go that low! Grabe naman!” “Pinagpalit ka lang niya sa isang waitress na dropped out. Ni wala siya sa level.” Ilan lang ‘yung sa mga narinig ko kaya hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang mga luha ko. Alam kong hindi dapat ako magpa apekto pero sobrang emosyonal ko ngayon. Nagpunas ako ng luha at huminga ako ng malalim tapos ay naglakas ako ng loob na buksan ang pintuan ng cubicle kung nasaan ako. Kitang kita ko sa mukha nila Frances ang gulat nung makita ako pero nakita ko ang malawak na pagngisi ni Frances at napahalukipkip siya ng kamay nung lumapit siya sa harap ko. “Oh, so you heard that-“ “Excuse me.” Mahina kong sambit at sinubukan ko siyang lampasan oero tinulak niya ako pabalik. “Kinakausap pa kita. Bingi ka ba?!” Mariin at irita niyang sambit. “Alam mo, narinig ko lahat ng sinabi niyo pero wala akong paki do’n.” Mariing sambit ko sa kaniya. “We’re just telling the truth. You and family is just nothing and useless. Hindi ba iniwan nga kayo ng tatay mo para sa isang mas better na babae. Which is Tita Shasia.” Parang nagpantig ang tenga ko sa narinig kong sinabi niya. “Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin pero sa ating dalawa, hindi ako ang loser. Alam mo kung ano ‘yung mahalaga?” Sarkastiko at kunot noong tanong ko pa sa kaniya tapos ay nginisihan ko siya. “AKO. At hindi ikaw ang pinili ni Shawn. Ako ang asawa.” Mariin at irita kong sambit sa kaniya. Kaya kong palampasin lahat ng sinabi niya sa akin pero ang latiin niya ang pamilya ko? Hindi ko yo’n papalampasin. “Hiw dare you!!” Mariing sambit niya tapos ay bigla niyang hinila ang buhok ko pero nagmuglas ako. Nasaktan sko sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko kaya naman buong lakas ko siyang tinulak papalayo sa akin dahilan para ma-out of balance siya pero dali dali siyang nasalo ng mga kasama niya at sa inis niya ay tinulak niya ako ng malakas dahilan para matumba ako. Susugurin pa sana niya ako para sabunutan pero nakita ko si Shawn na papatakbong luampit sa amin at hindi ko na napansin pa ang pagpigil niya kay Frances dahil para akong nanigas at nanlambot nung makita ko ang tumutulong dugo sa mga hita ko. “S-Shawn…” “S-Shawn.. I-iyong b-baby natin..” Nanginginig kong sabi habang nakatulaa akong pinagmamasdan ang palad kong panay dugo galing sa hita ko. “Denise..FUCK! NO!” “S-Shawn.. Iyong baby natin!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD