Shawn
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nasa biyahe kami papunta sa hospital. “S-Shawn, ‘yung baby natin..” Naluluhang sambit ni Denise sa akin kaya mahigpit kong hinawakan ang kamay niya para pakalmahin siya.
Love, calm down okay?” Mahinahon kong sambit sa kaniya kahit pa sobrang lakas na din ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
Maya maya ay huminto na kami sa tapat ng emergency room sa hospital. “My wife is bleeding.” Natatarantang salubong ko sa kanila habang natataranta kaming papasok sa emergency room pero nung nasa pintuan na kami ay agad akong hinarang ng mga nurse.
“Sir, dito na lang po.” Sambit ng isa sa kanila tapos ay sinarado na nila ang pintuan. Para akong mababaliw. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
“Kasalanan ko to. Sana hindi ko na lang pinilit si Denise na pumunta sa letseng dinner party na yo’n. Mali ako na binigyan ko ng pagkakataon si Frances na makalapit sa kaniya.
“Shawn, anong nangyari?” Rinig kong alalang sigaw ni Mom acting like she is concern with Denise. Napalingon at napailing nung makita ko sila na papalapit sa kinaroroonan ko.
“Anong ginagaw niyo dito?” Mariin at gigi kong tanong sa kanila pero nakita ko sa mga mukha nila ang pagtataka.
“Ano pa ba? Kinakamusta ang-“
“Tama na! Huwag kayong magpanggap na concern kayo kay Denise o sa bata dahil alam ko namang hindi eh.” Mariin at dismayado kong sambit sa kanila.
“Shawn, apo pa rin namin ang dinadala ni Denise.” Mariing katwiran ni Daddy.
“Son, come on. Hindi namin ginusto ang nangyari. Hindi naman namin alam na mangyayari yo’n. Anak, Frances didn’t know. Sa tingin mo ba kung alam niyang buntis ang asawa mo-“
I look at mom with so much disappointment and disbelief. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Ma?! You’re obviously on Frances side. Not on Denise, not on my child, and definitely not on me.” Mariin at dismayado kong sambit sa kaniya.
“Umalis na ho kayo dito.” Mariin ko pang dugtong pero nanatili lang silang nakatayo sa harapan ko na para bang walang naririnig.
“Son.”
“Ano bang kailangan namin gawin para lang ipakita sa’yo na sincere kami-“
“Cut ties with Delgados again. We don’t need them.” Mariin at may paninidigan kong kondisyon sa kanila pero nakita ko sa mga ekspresyon ng mukha nila na hindi sila sang ayon sa gusto kong mangyari.
“Hindi gano’n kadali yo’n, Shawn.”
“We can’t do that.” Mariin pang katwiran ng mga magulang ko at bakas sa boses nila na buo na ang pasiya nila.
“Kung wala na tayong dapat pag usapan pa. Leave, or I will call my security.
They look at me with disbelief. “You would really go this far, Shawn. Just for that girl.” Mariin at dismayadong komento ni Mommy kaya napailing ako at napangisi.
“Edi lumabas din ang totoo. Wala talaga kayong pakielam sa asawa ko at sa baby namin. Nandito lang kayo para magpakitang tao.” Sarkastikong sambit ko pa at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko.
“Fine. Hindi ko siya gusto at hindi ko siya tanggap. Hinding hindi ko siya matatanggap, Shawn.” Mariin at sarkastikong sambit ni Mommy bago mag-walk out. Naiwan kaming dalawa ni Daddy at halata sa mukha niyang hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Mommy pero nung naiwan kaming dalawa ay wala akong makitang emosyon sa mga mata niya.
“I must admit, hindi ko pa rin talaga gano’n katanggap si Denise. But Frances cross the line.. but at the same time I cannot just cut ties with them. But don’t worry, I will talk to them. Huwag lang talagang may mangyaring masama sa apo ko. You know what, I have to admit, I became excited when I heard that your wife is pregnant.“
“Alam kong hindi tayo magkasunod pero makakaasa kang hindi ko mapapalampasim ang ginaw ni Frances kapag may nangyaring masama sa apo ko.” Seryosong sambit ni Daddy pero wala akong nakikitang kahit anong emosyon sa mga mata o sa ekspresyon niya. Tapos no’n ay umalis na din siya kaya naiwan akong mag isa dito at hindi mapakali.
Hindi pa ako nakakaupo sa upuang nasa likuran ko ay biglang bumukas ang pintuan ng emergency room. “Mayor Dela Costa..” Salubong nunh doktor sa skin kaya mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko.
“M-Mayor, I’m sorry. Ginawa namin ang lahat but.. the baby is gone..” Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko. Wala na ‘yung baby namin ni Denise. Napailing ako at napangisi.
“H-How’s my wife?” Nauutal at nanginginig kong tanong. Paano ko sasabihin kay Denise to?
“She suffered heavy bleeding causing the miscarriage. Sinabi ko na nung nakaraan, mahina ang kapit ng baby niyo at lagi pang nags-suffer Ng breakdown si Mrs. Dela Costa. Stress is a huge factor too.” Mariing paliwanag ni doktora habang ako parang lutang na pinagmamasdan siya habang nagpapaliwanag.
“By the way, She’s fine. We will transfer her to the VIP room.” Seryosong paliwanag niya bago umalis. Para akong nanghina sa mga narinig ko. Nanlalambot ang mga tuhod kong naupo sa isa sa mga bench dito malapit sa emergency room.
Pinikit ko ang mga mata ko at sinandal ko ang ulo ko sa pader. Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko. Sigurado akong sobrang magagalit si Denise. Kung malungkot ako ay alam kong mas magiging doble ang lungkot at sakit para sa kaniya.
“Sir. Sir!” Napadilat lang ako ng mata nung marinig kong may tumawag sa skin at nakita ko na may isang nurse ang nakatayo sa harapan ko.
“Sir, nalipat na ho ang asawa niyo sa room pero hindi pa po puwedeng i-discharge dahil may further test pa daw po sabi ni Doc.” Paliwanag nito bago ako iwan. Wala akong ganang naglakad papunta sa kuwarto kung saan naka confine si Denise.
Habang nasa hallway at malapit na ako sa elevator ay biglang may mga reporters ang sumulpot sa harapan ko. “Mayor, ano pong nangyari sa asawa niyo?”
“Totoo po bang buntis siya-“
“Please, no comment. My team will just release a statement.” Mariin at walang gana kung sambit sa kaniya habang papasakay ako ng elevator at ‘yung security ko ay inilalayo sila sa akin.
“Mayor, paaalisin na po ba namin ang mga reporters?” Tanong nung isa sa kanila kaya napailing ako pero hindi ako sumagot. Hanggang sa bumakas ang elevator at saka sko bumaba ng hindi na sila kasunod.
Para akong napako sa kinatatayuan ko nung makahinto ako sa tapat ng kuwarto ni Denise. Mahigpit kong hinawakan ang doorknob at saka pinihit yo’n.
Natulala ako at marahan kong sinara ang pintuan tapos ay napasandal ako doon nung makita ko si Denise na mahimbing na natulong sa hospital bed.
Lumapit ako at naupo sa tabi niya tapos ay marahan kong hinawakan ang mga kamay niya at mariing minasahe yo’n. “I’m sorry, Love. Kasalanan ko, hindi na sana kita pinilit pa na pumunta sa event na yo’n.” Mahina at emosyonal kong sambit sa kaniya.
Napahinga ako ng malalim nung mapansin kong gumalaw ang kamay ni Denise at maya maya pa ay dumilat ang mga mata niya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka nung tinignan niya ang buong paligid.
“S-Shawn. Nasa hospital ba tayo?” Nanghihina niyang tanong pero para akong napipi at hindi ako nakapagsalita.
“Iyong b-baby natin. K-Kamusta siya? A-ayos lang ba siya?” Mahina at nagtataka niyang tanong pero napabuntong hininga lang ako at naging emosyonal sa harap niya.
“Shawn, sumagot ka..”
“Anong nangyari sa anak natin?” Mariin at kabado niyang tanong.
“W-we l-lost our b-baby.” Napailing siya at napahalakhak ng mahina pero bakas din sa boses niya ang pangamba at takot maging ang pagkataranta.
“Hindi magandang biro yan, Shawn. Tell me, nagbihiro ka lang, hindi ba?!