Denise
Mabigat ang mga talukap ng mata ko at parang nanghihina ako. Nagising akong katabi ko si Shawn at emosyonal siyang umiiyak sa tabi ko. Nakatulala siya na para bang nanlulumo siya.
“S-Shawn, sumagot ka.” Mariin at emosyonal kong tanong sa kaniya dahil bakas sa kaniya ang pag aalinlangang sagutin ang tanong ko.
“Anong nangyari sa anak natin?” Mariin at kabado kong tanong dahil narinig ko din siyang humihingi ng tawad at umiiyak sa akin kanina bago pa man ako magising.
“W-We l-lost our b-baby.” Nauutal at nanginginig niyang sambit. Bakas sa boses niya ang pagkalugmok.
Napailing ako dahil sa sinabi niya. “No.. Shawn, hindi magandang biro yan! Tell me, nagbibiro ka lang, hindi ba?” Sambit ko pa habang sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi totoo lahat ng sinabi niya.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa narinig ko. “Shawn, sabihin mong hindi totoo yan!” Mariin at humihikbing sambit ko pa sa kaniya pero isang paghagulgol at pag iling lang ang tinugun niya sa akin.
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid namin. Nakasandal ang likuran ko sa hospital at binaling ko ang atensyon ko sa ibang direksyon.
“Gusto kong mapag isa, Shawn. Pakiusap.” Mariin kong basag sa katahimikan namin pero narinig ko lang ang mabigat na paghinga niya tapos ay narinig kong sumara ang pintuan at paglingon ko ay wala na siya. Para akong nakahinga ng maluwag nung makita kong wala na siya.
Wala akong ibang ginaw kundi ang humagulgol. Nawala ang baby ko sa akin ng gano’n gano’n lang. Napahawak ako sa tiyan ko at marahan kong hinaplos yo’n. Bakit ka naman sumuko agad anak.” Naluluhang sambit ko habang haplos haplos ko pa din ang tiyan ko.
Napa angat ako ng tingin nung marinig kong muling bumukas ang pintuan ng kuwarto kung nasaan ako at doon ko nakita ang nanay ni Shawn.
“I’m sorry for your loss.” Iyon lang ang tangi niyang sinalubong sa akin tapos ay lumapit siya at naupo sa tabi ko.
“Masaya na ho ba kayo?” Mariin at sarkastikong tanong ko sa kaniya pero nakita ko ang pag iling niya at pagsimangot.
“Well, that child is still my apo.”
“But did you see what happened? Denise, hindi ka kailanman magiging parte ng mundo ng anak ko. Masasaktan at masasaktan ka lang.” Mariing giit ni Shantal kaya napailing ako at napahingang malalim.
“Hindi mo talaga ako tanggap para sa anak mo. You really liked that Frances despite what she did to me and to YOUR APO.” Mariin at sarkastikong sambit ko sa kaniya kaya napailing siya.
“Come to think of it, kung mahal mo talaga si Shawn. Makikita mo na mas makakabuti sa kaniya kung ka-level niya ang mapapang asawa niya. Frances could be a huge asset to our business and his career. Not unlike-“
“Me. Because I an just nobody.” Sarkastikong sambit ko kaya natahimik siya.
“Tama na ho, diretsuhin niyo na lang ako. Anong gusto niyong sabihin?” Mariin at irita kong tanong sa kaniya.
“Hiwalayan mo na si Shawn. Ikaw na ang kusang lumayo sa kaniya.” Mariin niyang pakiusap at kita ko sa mga mata niya ang pagkadesperada niya.
Siguro nga masama ang loob ko ngayon maging kay Shawn, pero ang hiawalayan siya? Hindi ko magagawa, hindi ko kaya!
“Bakit ho ako papayag sa gusto niyo? Kaya ka nandito, hindi para damayan ako kundi pwra gamitin ang sitwasyong ito para mapaglayo kami ni Shawn.” Mariing sambit ko sa kwniya at kitang kita ko ang inis sa mga mata niya dahil sa sinabi ko.
“Masyado kang kampante sa anak ko, Denise.”
“Kahit alam mong ginamit ka lang niya para makawala sa engagement nila ni Frances. You have the nerve para ipamukha sa akin na hindi ka iiwan ng anak ko? Siguro ka?”
“I’m warning you, hindi mo pa kilala si Shawn. Lalo na ako.” Sarkastiko at may pagmamalaki niyang sambit pero bakas pa rin sa boses at ekspresyon niya ang pagka irita.
“Kapag ako na ang gumawa ng paraan, baka hindi mo magustuhan. Kaya nga binibigyan kita ng pagkakataong lumayo ng matiwasay-“
Napahalkhak ako ng mahina at napailing. “Gano’n ho ba?” Sarkastikong tanong ko sa kaniya.
“Mas lalo niyo lang pinagtibay ang desisyon kong manatili.” Sarkastiko at mapang asar kong sambit sa kaniya kaya kitang kita ko ang pamumula.
“Huwag mo akong minamaliit, linta ka lang na pilit kumakapit sa anak ko.” Mariin niyang pangungutya sa akin.
You’ll see, magsasawa din sa’yo ang anak ko. And I love to see that day, you peace of opportunist!” Mariin niyang pangungutya sa akin bago tangkang umalis.
“Hindi ko ho hihiwalayan ang anak niyo. You have no choice. I will forever be yoir daughter in law..”
“Para ho malinaw, wala akong balak umalis, mananatili ako hangga’t gusto ni Shawn. Dito lang ako.” Mariin kong deklara sa kaniya kaya nakita ko ang isang mapait na ngiti sa mga labi.
“Okay. Pero huwag mong sabihing hindi kita binalaan.. I warned you, I gave you chances to escape quietly pero ayaw mo..” Mariin niyang sambit tapos no’n ay sabay kaming napalingon nung biglang bumukas ang pintuan at nakita namin si Frances na mukhang anxious af namumtla.
“Hija, anong ginagawa mo-“
“Puwede ba kitang makiusap, Denise?” Mariin niyang tamong sa akin at bakas sa boses niya ang panginginig.
“Tita.” Baling niya kay Tita Shantal tapos no’n ay napailing ito at saka siya umirap sa akin bago niya kami iwan ni Frances.
Sandaling katahimikan ang nabalot sa amin ni Frances. “Anong kailangan mo sa akin?” Mariin at galit kong tanong sa akin.
“Hindi pa ba sapat nawala ang baby namin ni Shawn. Masaya ka na ba-“
“Alam kong kong hindi sapat ang isang paghingi ng tawad. Pero nandito ako para humingi ng tawad.” Mariin niyang sambit pero wala akong nakikitang sensiridad sa boses at kilos niya.
“Patawarin mo ako, Denise, hindi ko ginusto ang nangyari. Kung alam ko lang. Hindi ko gagawin-“
“Bakit mo ginagawa ‘to? Pagkatapos mong parayin ang anak ko, ito ka, nahingi ng tawad sa akin. How ironic.”
“Anong motibo mo, Frances?!”